Derek Sivers: Mahiwaga, o kakaiba lang?
-
0:00 - 0:04Isipin niyo na kayo ay nakatayo sa isang kalye saan man sa Amerika
-
0:04 - 0:07at isang Hapon ang lumapit sa iyo at nagtanong,
-
0:07 - 0:09"Mawalang galang na po, ano po ba ang pangalan ng block na ito?"
-
0:09 - 0:13At sinabi mo, "Paumanhin po. Ito ay Oak Street, at iyan ay Elm Street.
-
0:13 - 0:15Dito naman ay 26th, iyan ay 27th."
-
0:15 - 0:17Sabi niya, "Ah, okay. Ano ang pangalan ng block na iyan?"
-
0:17 - 0:20Sagot mo, "Wala pong pangalan ang mga blocks."
-
0:20 - 0:22Ang mga kalye meron; ang mga block ay mga
-
0:22 - 0:24espasyo lamang na walang pangalan sa pagitan ng mga kalye."
-
0:24 - 0:28Umalis siyang nalilito at dismayado.
-
0:28 - 0:31Ngayon, isipin mo na ikaw ay nakatayo sa isang kalye, saan man sa Japan,
-
0:31 - 0:33lumingon ka sa taong katabi mo at nagtanong,
-
0:33 - 0:35"Paumanhin po, ano po ba ang pangalan ng kalyeng ito?"
-
0:35 - 0:39Sabi nila, "Oh, iyan ay block 17 at dito ay block 16."
-
0:39 - 0:42At sabi mo, "Okay, pero ano ang pangalan ng kalyeng ito?"
-
0:42 - 0:44Tapos sagot nila, "Walang pangalan ang mga kalye.
-
0:44 - 0:46Ang mga blocks meron.
-
0:46 - 0:50Tingnan mo sa Google Maps dito. Merong block 14, 15, 16, 17, 18, 19.
-
0:50 - 0:52Merong pangalan ang lahat ng mga block.
-
0:52 - 0:56Ang mga kalye ay mga espasyong walang pangalan sa pagitan ng mga blocks.
-
0:56 - 0:59At sinabi mo, "Okay, so paano mo malaman ang address ng iyong tirahan?"
-
0:59 - 1:02Sabi niya, "Madali lang, dito ay District Eight.
-
1:02 - 1:05Nandyan ang block 17,Unang tirahan."
-
1:05 - 1:07Sinabi mo, "Okay, Pero sa paglalakad ko sa paligid,
-
1:07 - 1:09Napansin ko na hindi sunod-sunod ang mga numero ng bahay."
-
1:09 - 1:12Sabi niya, "Syempre. Binibigay ang numero ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagpapatayo ng gusali.
-
1:12 - 1:15Ang pinaka-unang bahay na ginawa sa isang block ang may unang bilang.
-
1:15 - 1:18Ang pangalawang bahay na ginawa ay may pangalawang bilang.
-
1:18 - 1:20Ang pangatlo ay pangatlong bilang. Madali lang. Halata nga e."
-
1:20 - 1:23Kaya, nakakatuwa na minsa'y kailangan nating
-
1:23 - 1:25pumunta sa kabilang panig ng mundo
-
1:25 - 1:27upang matanto ang mga pagpapalagay na hindi natin inaakala,
-
1:27 - 1:30at malaman natin na ang kabaligtaran nila ay maari din maging tama.
-
1:30 - 1:32Kaya, halimbawa, may mga manggagamot sa Tsina
-
1:32 - 1:35na naniniwalang ang trabaho nila ay panatilihing malusog ang inyong pangangatawan.
-
1:35 - 1:37Kaya, sa bawat buwan na kayo ay malusog, binabayaran niyo sila,
-
1:37 - 1:39at kung ikaw man ay magsakit, hindi mo kailangan magbayad dahil sila ay nabigo
-
1:39 - 1:41sa kanilang trabaho. Yumayaman sila kapag ika'y malusog, hindi kung ika'y may-sakit.
-
1:41 - 1:44(Palakpakan)
-
1:44 - 1:46Sa mga musika, iniisip na ang "isa" ay
-
1:46 - 1:50para sa downbeat, at ang simula ng musical phrase. Isa, dalawa tatlo apat.
-
1:50 - 1:52Ngunit sa musika ng Kanlurang Africa, ang "isa"
-
1:52 - 1:54ay ang dulo ng bawat taludtod,
-
1:54 - 1:56kagaya ng tuldok sa katapusan ng isang pangungusap.
-
1:56 - 1:58Kaya, napapakinggan niyo ito hindi lamang sa bawat taludtod, ngunit pati din sa paraan kung paano nila binibilang ang kanilang musika.
-
1:58 - 2:01Dalawa, tatlo, apat, isa.
-
2:01 - 2:04At ang mapang ito ay wastong-wasto.
-
2:04 - 2:06(Tawanan)
-
2:06 - 2:09May kasabihan na anumang totoong bagay ang sabihin mo tungkol sa India,
-
2:09 - 2:11ang kabaligtaran nito ay totoo rin.
-
2:11 - 2:13Kaya, huwag nating kalimutan, sa TED man o kahit saan pa,
-
2:13 - 2:16na anumang magandang ideyang naisip o narinig mo,
-
2:16 - 2:18ang kabaligtaran nito ay maaring tama rin.
-
2:18 - 2:20Domo arigato gozaimashita.
- Title:
- Derek Sivers: Mahiwaga, o kakaiba lang?
- Speaker:
- Derek Sivers
- Description:
-
"May kabaligtaran ang lahat," ayon sa isang kasabihan, at sa loob ng 2 minuto, ipapakita ni Derek Sivers na ito ay totoo sa paraang hindi mo inaasahan.
- Video Language:
- English
- Team:
- closed TED
- Project:
- TEDTalks
- Duration:
- 02:21