1 00:00:00,000 --> 00:00:04,000 Isipin niyo na kayo ay nakatayo sa isang kalye saan man sa Amerika 2 00:00:04,000 --> 00:00:07,000 at isang Hapon ang lumapit sa iyo at nagtanong, 3 00:00:07,000 --> 00:00:09,000 "Mawalang galang na po, ano po ba ang pangalan ng block na ito?" 4 00:00:09,000 --> 00:00:13,000 At sinabi mo, "Paumanhin po. Ito ay Oak Street, at iyan ay Elm Street. 5 00:00:13,000 --> 00:00:15,000 Dito naman ay 26th, iyan ay 27th." 6 00:00:15,000 --> 00:00:17,000 Sabi niya, "Ah, okay. Ano ang pangalan ng block na iyan?" 7 00:00:17,000 --> 00:00:20,000 Sagot mo, "Wala pong pangalan ang mga blocks." 8 00:00:20,000 --> 00:00:22,000 Ang mga kalye meron; ang mga block ay mga 9 00:00:22,000 --> 00:00:24,000 espasyo lamang na walang pangalan sa pagitan ng mga kalye." 10 00:00:24,000 --> 00:00:28,000 Umalis siyang nalilito at dismayado. 11 00:00:28,000 --> 00:00:31,000 Ngayon, isipin mo na ikaw ay nakatayo sa isang kalye, saan man sa Japan, 12 00:00:31,000 --> 00:00:33,000 lumingon ka sa taong katabi mo at nagtanong, 13 00:00:33,000 --> 00:00:35,000 "Paumanhin po, ano po ba ang pangalan ng kalyeng ito?" 14 00:00:35,000 --> 00:00:39,000 Sabi nila, "Oh, iyan ay block 17 at dito ay block 16." 15 00:00:39,000 --> 00:00:42,000 At sabi mo, "Okay, pero ano ang pangalan ng kalyeng ito?" 16 00:00:42,000 --> 00:00:44,000 Tapos sagot nila, "Walang pangalan ang mga kalye. 17 00:00:44,000 --> 00:00:46,000 Ang mga blocks meron. 18 00:00:46,000 --> 00:00:50,000 Tingnan mo sa Google Maps dito. Merong block 14, 15, 16, 17, 18, 19. 19 00:00:50,000 --> 00:00:52,000 Merong pangalan ang lahat ng mga block. 20 00:00:52,000 --> 00:00:56,000 Ang mga kalye ay mga espasyong walang pangalan sa pagitan ng mga blocks. 21 00:00:56,000 --> 00:00:59,000 At sinabi mo, "Okay, so paano mo malaman ang address ng iyong tirahan?" 22 00:00:59,000 --> 00:01:02,000 Sabi niya, "Madali lang, dito ay District Eight. 23 00:01:02,000 --> 00:01:05,000 Nandyan ang block 17,Unang tirahan." 24 00:01:05,000 --> 00:01:07,000 Sinabi mo, "Okay, Pero sa paglalakad ko sa paligid, 25 00:01:07,000 --> 00:01:09,000 Napansin ko na hindi sunod-sunod ang mga numero ng bahay." 26 00:01:09,000 --> 00:01:12,000 Sabi niya, "Syempre. Binibigay ang numero ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagpapatayo ng gusali. 27 00:01:12,000 --> 00:01:15,000 Ang pinaka-unang bahay na ginawa sa isang block ang may unang bilang. 28 00:01:15,000 --> 00:01:18,000 Ang pangalawang bahay na ginawa ay may pangalawang bilang. 29 00:01:18,000 --> 00:01:20,000 Ang pangatlo ay pangatlong bilang. Madali lang. Halata nga e." 30 00:01:20,000 --> 00:01:23,000 Kaya, nakakatuwa na minsa'y kailangan nating 31 00:01:23,000 --> 00:01:25,000 pumunta sa kabilang panig ng mundo 32 00:01:25,000 --> 00:01:27,000 upang matanto ang mga pagpapalagay na hindi natin inaakala, 33 00:01:27,000 --> 00:01:30,000 at malaman natin na ang kabaligtaran nila ay maari din maging tama. 34 00:01:30,000 --> 00:01:32,000 Kaya, halimbawa, may mga manggagamot sa Tsina 35 00:01:32,000 --> 00:01:35,000 na naniniwalang ang trabaho nila ay panatilihing malusog ang inyong pangangatawan. 36 00:01:35,000 --> 00:01:37,000 Kaya, sa bawat buwan na kayo ay malusog, binabayaran niyo sila, 37 00:01:37,000 --> 00:01:39,000 at kung ikaw man ay magsakit, hindi mo kailangan magbayad dahil sila ay nabigo 38 00:01:39,000 --> 00:01:41,000 sa kanilang trabaho. Yumayaman sila kapag ika'y malusog, hindi kung ika'y may-sakit. 39 00:01:41,000 --> 00:01:44,000 (Palakpakan) 40 00:01:44,000 --> 00:01:46,000 Sa mga musika, iniisip na ang "isa" ay 41 00:01:46,000 --> 00:01:50,000 para sa downbeat, at ang simula ng musical phrase. Isa, dalawa tatlo apat. 42 00:01:50,000 --> 00:01:52,000 Ngunit sa musika ng Kanlurang Africa, ang "isa" 43 00:01:52,000 --> 00:01:54,000 ay ang dulo ng bawat taludtod, 44 00:01:54,000 --> 00:01:56,000 kagaya ng tuldok sa katapusan ng isang pangungusap. 45 00:01:56,000 --> 00:01:58,000 Kaya, napapakinggan niyo ito hindi lamang sa bawat taludtod, ngunit pati din sa paraan kung paano nila binibilang ang kanilang musika. 46 00:01:58,000 --> 00:02:01,000 Dalawa, tatlo, apat, isa. 47 00:02:01,000 --> 00:02:04,000 At ang mapang ito ay wastong-wasto. 48 00:02:04,000 --> 00:02:06,000 (Tawanan) 49 00:02:06,000 --> 00:02:09,000 May kasabihan na anumang totoong bagay ang sabihin mo tungkol sa India, 50 00:02:09,000 --> 00:02:11,000 ang kabaligtaran nito ay totoo rin. 51 00:02:11,000 --> 00:02:13,000 Kaya, huwag nating kalimutan, sa TED man o kahit saan pa, 52 00:02:13,000 --> 00:02:16,000 na anumang magandang ideyang naisip o narinig mo, 53 00:02:16,000 --> 00:02:18,000 ang kabaligtaran nito ay maaring tama rin. 54 00:02:18,000 --> 00:02:20,000 Domo arigato gozaimashita.