Isipin niyo na kayo ay nakatayo sa isang kalye saan man sa Amerika at isang Hapon ang lumapit sa iyo at nagtanong, "Mawalang galang na po, ano po ba ang pangalan ng block na ito?" At sinabi mo, "Paumanhin po. Ito ay Oak Street, at iyan ay Elm Street. Dito naman ay 26th, iyan ay 27th." Sabi niya, "Ah, okay. Ano ang pangalan ng block na iyan?" Sagot mo, "Wala pong pangalan ang mga blocks." Ang mga kalye meron; ang mga block ay mga espasyo lamang na walang pangalan sa pagitan ng mga kalye." Umalis siyang nalilito at dismayado. Ngayon, isipin mo na ikaw ay nakatayo sa isang kalye, saan man sa Japan, lumingon ka sa taong katabi mo at nagtanong, "Paumanhin po, ano po ba ang pangalan ng kalyeng ito?" Sabi nila, "Oh, iyan ay block 17 at dito ay block 16." At sabi mo, "Okay, pero ano ang pangalan ng kalyeng ito?" Tapos sagot nila, "Walang pangalan ang mga kalye. Ang mga blocks meron. Tingnan mo sa Google Maps dito. Merong block 14, 15, 16, 17, 18, 19. Merong pangalan ang lahat ng mga block. Ang mga kalye ay mga espasyong walang pangalan sa pagitan ng mga blocks. At sinabi mo, "Okay, so paano mo malaman ang address ng iyong tirahan?" Sabi niya, "Madali lang, dito ay District Eight. Nandyan ang block 17,Unang tirahan." Sinabi mo, "Okay, Pero sa paglalakad ko sa paligid, Napansin ko na hindi sunod-sunod ang mga numero ng bahay." Sabi niya, "Syempre. Binibigay ang numero ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagpapatayo ng gusali. Ang pinaka-unang bahay na ginawa sa isang block ang may unang bilang. Ang pangalawang bahay na ginawa ay may pangalawang bilang. Ang pangatlo ay pangatlong bilang. Madali lang. Halata nga e." Kaya, nakakatuwa na minsa'y kailangan nating pumunta sa kabilang panig ng mundo upang matanto ang mga pagpapalagay na hindi natin inaakala, at malaman natin na ang kabaligtaran nila ay maari din maging tama. Kaya, halimbawa, may mga manggagamot sa Tsina na naniniwalang ang trabaho nila ay panatilihing malusog ang inyong pangangatawan. Kaya, sa bawat buwan na kayo ay malusog, binabayaran niyo sila, at kung ikaw man ay magsakit, hindi mo kailangan magbayad dahil sila ay nabigo sa kanilang trabaho. Yumayaman sila kapag ika'y malusog, hindi kung ika'y may-sakit. (Palakpakan) Sa mga musika, iniisip na ang "isa" ay para sa downbeat, at ang simula ng musical phrase. Isa, dalawa tatlo apat. Ngunit sa musika ng Kanlurang Africa, ang "isa" ay ang dulo ng bawat taludtod, kagaya ng tuldok sa katapusan ng isang pangungusap. Kaya, napapakinggan niyo ito hindi lamang sa bawat taludtod, ngunit pati din sa paraan kung paano nila binibilang ang kanilang musika. Dalawa, tatlo, apat, isa. At ang mapang ito ay wastong-wasto. (Tawanan) May kasabihan na anumang totoong bagay ang sabihin mo tungkol sa India, ang kabaligtaran nito ay totoo rin. Kaya, huwag nating kalimutan, sa TED man o kahit saan pa, na anumang magandang ideyang naisip o narinig mo, ang kabaligtaran nito ay maaring tama rin. Domo arigato gozaimashita.