WEBVTT 00:00:00.000 --> 00:00:04.000 Isipin niyo na kayo ay nakatayo sa isang kalye saan man sa Amerika 00:00:04.000 --> 00:00:07.000 at isang Hapon ang lumapit sa iyo at nagtanong, NOTE Paragraph 00:00:07.000 --> 00:00:09.000 "Mawalang galang na po, ano po ba ang pangalan ng block na ito?" NOTE Paragraph 00:00:09.000 --> 00:00:13.000 At sinabi mo, "Paumanhin po. Ito ay Oak Street, at iyan ay Elm Street. 00:00:13.000 --> 00:00:15.000 Dito naman ay 26th, iyan ay 27th." NOTE Paragraph 00:00:15.000 --> 00:00:17.000 Sabi niya, "Ah, okay. Ano ang pangalan ng block na iyan?" NOTE Paragraph 00:00:17.000 --> 00:00:20.000 Sagot mo, "Wala pong pangalan ang mga blocks." 00:00:20.000 --> 00:00:22.000 Ang mga kalye meron; ang mga block ay mga 00:00:22.000 --> 00:00:24.000 espasyo lamang na walang pangalan sa pagitan ng mga kalye." NOTE Paragraph 00:00:24.000 --> 00:00:28.000 Umalis siyang nalilito at dismayado. NOTE Paragraph 00:00:28.000 --> 00:00:31.000 Ngayon, isipin mo na ikaw ay nakatayo sa isang kalye, saan man sa Japan, 00:00:31.000 --> 00:00:33.000 lumingon ka sa taong katabi mo at nagtanong, NOTE Paragraph 00:00:33.000 --> 00:00:35.000 "Paumanhin po, ano po ba ang pangalan ng kalyeng ito?" NOTE Paragraph 00:00:35.000 --> 00:00:39.000 Sabi nila, "Oh, iyan ay block 17 at dito ay block 16." NOTE Paragraph 00:00:39.000 --> 00:00:42.000 At sabi mo, "Okay, pero ano ang pangalan ng kalyeng ito?" NOTE Paragraph 00:00:42.000 --> 00:00:44.000 Tapos sagot nila, "Walang pangalan ang mga kalye. 00:00:44.000 --> 00:00:46.000 Ang mga blocks meron. 00:00:46.000 --> 00:00:50.000 Tingnan mo sa Google Maps dito. Merong block 14, 15, 16, 17, 18, 19. 00:00:50.000 --> 00:00:52.000 Merong pangalan ang lahat ng mga block. 00:00:52.000 --> 00:00:56.000 Ang mga kalye ay mga espasyong walang pangalan sa pagitan ng mga blocks. NOTE Paragraph 00:00:56.000 --> 00:00:59.000 At sinabi mo, "Okay, so paano mo malaman ang address ng iyong tirahan?" NOTE Paragraph 00:00:59.000 --> 00:01:02.000 Sabi niya, "Madali lang, dito ay District Eight. 00:01:02.000 --> 00:01:05.000 Nandyan ang block 17,Unang tirahan." NOTE Paragraph 00:01:05.000 --> 00:01:07.000 Sinabi mo, "Okay, Pero sa paglalakad ko sa paligid, 00:01:07.000 --> 00:01:09.000 Napansin ko na hindi sunod-sunod ang mga numero ng bahay." NOTE Paragraph 00:01:09.000 --> 00:01:12.000 Sabi niya, "Syempre. Binibigay ang numero ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagpapatayo ng gusali. 00:01:12.000 --> 00:01:15.000 Ang pinaka-unang bahay na ginawa sa isang block ang may unang bilang. 00:01:15.000 --> 00:01:18.000 Ang pangalawang bahay na ginawa ay may pangalawang bilang. 00:01:18.000 --> 00:01:20.000 Ang pangatlo ay pangatlong bilang. Madali lang. Halata nga e." NOTE Paragraph 00:01:20.000 --> 00:01:23.000 Kaya, nakakatuwa na minsa'y kailangan nating 00:01:23.000 --> 00:01:25.000 pumunta sa kabilang panig ng mundo 00:01:25.000 --> 00:01:27.000 upang matanto ang mga pagpapalagay na hindi natin inaakala, 00:01:27.000 --> 00:01:30.000 at malaman natin na ang kabaligtaran nila ay maari din maging tama. NOTE Paragraph 00:01:30.000 --> 00:01:32.000 Kaya, halimbawa, may mga manggagamot sa Tsina 00:01:32.000 --> 00:01:35.000 na naniniwalang ang trabaho nila ay panatilihing malusog ang inyong pangangatawan. 00:01:35.000 --> 00:01:37.000 Kaya, sa bawat buwan na kayo ay malusog, binabayaran niyo sila, 00:01:37.000 --> 00:01:39.000 at kung ikaw man ay magsakit, hindi mo kailangan magbayad dahil sila ay nabigo 00:01:39.000 --> 00:01:41.000 sa kanilang trabaho. Yumayaman sila kapag ika'y malusog, hindi kung ika'y may-sakit. 00:01:41.000 --> 00:01:44.000 (Palakpakan) NOTE Paragraph 00:01:44.000 --> 00:01:46.000 Sa mga musika, iniisip na ang "isa" ay 00:01:46.000 --> 00:01:50.000 para sa downbeat, at ang simula ng musical phrase. Isa, dalawa tatlo apat. 00:01:50.000 --> 00:01:52.000 Ngunit sa musika ng Kanlurang Africa, ang "isa" 00:01:52.000 --> 00:01:54.000 ay ang dulo ng bawat taludtod, 00:01:54.000 --> 00:01:56.000 kagaya ng tuldok sa katapusan ng isang pangungusap. 00:01:56.000 --> 00:01:58.000 Kaya, napapakinggan niyo ito hindi lamang sa bawat taludtod, ngunit pati din sa paraan kung paano nila binibilang ang kanilang musika. 00:01:58.000 --> 00:02:01.000 Dalawa, tatlo, apat, isa. NOTE Paragraph 00:02:01.000 --> 00:02:04.000 At ang mapang ito ay wastong-wasto. 00:02:04.000 --> 00:02:06.000 (Tawanan) NOTE Paragraph 00:02:06.000 --> 00:02:09.000 May kasabihan na anumang totoong bagay ang sabihin mo tungkol sa India, 00:02:09.000 --> 00:02:11.000 ang kabaligtaran nito ay totoo rin. 00:02:11.000 --> 00:02:13.000 Kaya, huwag nating kalimutan, sa TED man o kahit saan pa, 00:02:13.000 --> 00:02:16.000 na anumang magandang ideyang naisip o narinig mo, 00:02:16.000 --> 00:02:18.000 ang kabaligtaran nito ay maaring tama rin. 00:02:18.000 --> 00:02:20.000 Domo arigato gozaimashita.