< Return to Video

Pamela Meyer: Paano kilalanin ang isang sinungaling

  • 0:00 - 0:05
    Okey, sa inyong lahat na nasa silid na ito, huwag sana kayong mangamba,
  • 0:05 - 0:07
    pero napansin ko lang
  • 0:07 - 0:09
    na ang inyong katabi sa kanan ay isang sinungaling.
  • 0:09 - 0:11
    (Halakhakan)
  • 0:11 - 0:14
    Ang katabi mo sa kaliwa ay sinungaling rin.
  • 0:14 - 0:17
    Ang tao na mismong nasa upuan niyo ay sinungaling rin.
  • 0:17 - 0:19
    Lahat tayo ay sinungaling.
  • 0:19 - 0:21
    Ang aking gagawin sa araw na ito
  • 0:21 - 0:24
    ay ipakita ang pananaliksik na nagsasabing tayong lahat ay sinungaling,
  • 0:24 - 0:26
    kung paano maging "liespotter"
  • 0:26 - 0:29
    at kung bakit gugustuhin nating
  • 0:29 - 0:32
    maghanap ng katotohanan mula sa pagkilala ng sinungaling,
  • 0:32 - 0:34
    at higit sa lahat, sa paghubog ng tiwala.
  • 0:34 - 0:37
    Habang pinag-uusapan natin ang tiwala,
  • 0:37 - 0:40
    mula ng sinulat ko ang aking libro, "Liespotting,"
  • 0:40 - 0:43
    walang nang gustong makipagkilala sa akin, ay naku, wala talaga.
  • 0:43 - 0:46
    Sinasabi nila, "Sige, mag-e-mail nalang tayo."
  • 0:46 - 0:48
    (Halakhakan)
  • 0:48 - 0:52
    Wala na ring nag-aalok sa akin na mag-kape sa Starbucks.
  • 0:52 - 0:54
    Sabi ng asawa ko, "Mahal naman, panloloko talaga?
  • 0:54 - 0:57
    Sana sumulat ka nalang ng tungkol sa pagluluto, sa mga lutuing Pranses?"
  • 0:57 - 0:59
    Bago po akong magsimula, ang gagawin ko
  • 0:59 - 1:02
    ay ipaliliwanag ko sa inyo ang aking layunin,
  • 1:02 - 1:04
    at hindi ito para turuan kayong maglaro ng Huli Ka!
  • 1:04 - 1:06
    Ang mga "liespotter" - hindi sila yung mga batang makulit,
  • 1:06 - 1:09
    yung mga bata sa likod ng kuwarto na sumisigaw, "Huli ka! Huli ka!
  • 1:09 - 1:12
    Gumalaw ang kilay mo. Lumaki butas ng ilong mo.
  • 1:12 - 1:15
    Napanood ko ang 'Lie to Me' sa TV. Alam kong nagsisinungaling ka."
  • 1:15 - 1:17
    Hindi ha, gumagamit ang mga "liespotter"
  • 1:17 - 1:20
    ng agham upang kilalanin ang isang panloloko.
  • 1:20 - 1:22
    Ginagamit nila ito upang makamit ang katotohanan,
  • 1:22 - 1:24
    at ginagawa nila ang gawain ng isang mahusay na pinuno sa araw-araw;
  • 1:24 - 1:27
    ang pakikipagtalakayan sa mga taong mahirap kausap,
  • 1:27 - 1:29
    at minsa'y sa di kaaya-ayang pagkakataon.
  • 1:29 - 1:31
    Sinisimulan nila ito
  • 1:31 - 1:33
    sa paniniwala sa iisang bagay (core proposition),
  • 1:33 - 1:35
    at ito ay:
  • 1:35 - 1:38
    Ang pagsisinungaling ay isang pakikipagtulungan.
  • 1:38 - 1:42
    Walang kapangyarihan ang isang kasinungalingan kung batay lamang ito sa pagwika.
  • 1:42 - 1:44
    Lumulutang ang kapangyarihan nito
  • 1:44 - 1:46
    kapag may ibang tao'y naniniwala.
  • 1:46 - 1:48
    Marahil ang dating nito ay parang isang masalimuot na pag-ibig,
  • 1:48 - 1:52
    ngunit kung dati ika'y pinagsinungalinan,
  • 1:52 - 1:54
    ito'y dahil sumang-ayon ka sa kasinungalingan.
  • 1:54 - 1:57
    Ang unang katotohanan: Ang pagsisinungaling ay isang pagtulungan.
  • 1:57 - 1:59
    Subalit, hindi lahat ng kasinungalingan ay nakakasama.
  • 1:59 - 2:02
    Minsan tayo'y sumasang-ayon
  • 2:02 - 2:05
    bilang pakitang-tao,
  • 2:05 - 2:08
    o di kaya, upang maitago ang isang lihim.
  • 2:08 - 2:10
    Ika natin, "Maganda ng kanta."
  • 2:10 - 2:13
    "Mahal, hindi ka naman mukhang mataba sa sinusuot mo."
  • 2:13 - 2:15
    O di kaya, sinasabi natin ngayon,
  • 2:15 - 2:18
    "Alam mo, nakuha ko lang ang email mo mula sa spam folder ko.
  • 2:18 - 2:21
    Sorry ha."
  • 2:21 - 2:24
    Minsan nagiging bahagi tayo ng panloloko na hindi natin gusto.
  • 2:24 - 2:27
    Madalas malaki ang epekto nito sa atin.
  • 2:27 - 2:30
    Noong nakaraan na taon, 997 bilyong dolyares
  • 2:30 - 2:34
    ang nawala sa Estados Unidos dahil sa mga pandarayang korporasyon.
  • 2:34 - 2:36
    Ang halagang iyan ay halos isang trilyong dolyares.
  • 2:36 - 2:38
    Iyon ay pitong porsyento ng kabuuang kita.
  • 2:38 - 2:40
    Ang halaga ng panloloko ay nasa bilyones.
  • 2:40 - 2:43
    Enron, Madoff, at ang krisis sa utang.
  • 2:43 - 2:46
    Sa mga kaso ng mga doble-kara at traydor,
  • 2:46 - 2:48
    tulad nina Robert Hanssen o Aldrich Ames,
  • 2:48 - 2:50
    napapahamak ang bansa dahil sa kasinungalingan,
  • 2:50 - 2:53
    banta sa ating seguridad, sa demokrasya,
  • 2:53 - 2:56
    at dahilan ng pagkamatay ng mga taong nagtatanggol sa atin.
  • 2:56 - 2:59
    Malaki ang kita sa panloloko.
  • 2:59 - 3:01
    Ang con man na si Henry Oberlander,
  • 3:01 - 3:03
    isa siyang magaling na manloloko
  • 3:03 - 3:05
    Ayon sa mga awtoridad sa Inglatera,
  • 3:05 - 3:08
    kaya niyang pabagsakin ang buong sistema ng mga bangko sa Kanluran.
  • 3:08 - 3:10
    Hindi niyo siya makikita sa Google; hindi niyo siya makikita kahit saan.
  • 3:10 - 3:13
    May isang panayam minsan, at sabi niya:
  • 3:13 - 3:15
    Sabi niya, "Iisa lamang ang aking patakaran."
  • 3:15 - 3:18
    At ito ang patakaran ni Henry, sabi niya,
  • 3:18 - 3:20
    "Lahat ng tao ay handang magbigay ng anumang bagay.
  • 3:20 - 3:23
    Lahat ng tao ay handang magbigay kung ang kapalit nito ay ang bagay na gustung-gusto nila."
  • 3:23 - 3:25
    At iyan ang rurok ng lahat.
  • 3:25 - 3:27
    Kung ayaw mong magpaloko, kailangan mong malaman,
  • 3:27 - 3:29
    ano ba ang bagay na gustung-gusto mo?
  • 3:29 - 3:32
    Madalas ayaw nating aminin ito.
  • 3:32 - 3:35
    Gusto nating maging mas mabuting asawa,
  • 3:35 - 3:37
    mas matalino, mas makapangyarihan,
  • 3:37 - 3:39
    mas matangkad, mas mayaman --
  • 3:39 - 3:41
    mahaba ang listahan.
  • 3:41 - 3:43
    Ang pagsisinungaling ay pagtatangkang makamit ito,
  • 3:43 - 3:45
    na itugma ang mga inaasam at mga pangarap
  • 3:45 - 3:48
    sa ninanais natin sa sarili, ang mga gusto nating mangyari,
  • 3:48 - 3:51
    sa ating tunay na pagkatao.
  • 3:51 - 3:54
    Ay! Tunay ngang handa tayong magsinungaling upang punan ang puwang na ito.
  • 3:54 - 3:57
    Ayon sa resulta ng pananaliksik, tayo ay pinagsinusungalingan
  • 3:57 - 3:59
    ng 10 hanggang 200 beses sa isang araw.
  • 3:59 - 4:02
    Marami sa iyon mababaw na kasinungalingan lamang.
  • 4:02 - 4:04
    Ngunit sa isa pang pananaliksik,
  • 4:04 - 4:06
    sinasabing tatlong beses na nagsisinungaling sa isa't isa
  • 4:06 - 4:08
    ang dalawang tao sa unang 10 minuto na sila'y magkakilala.
  • 4:08 - 4:10
    (Halakhakan)
  • 4:10 - 4:13
    Madalas ang unang reaksyon natin ay ang hindi maniwala.
  • 4:13 - 4:15
    Hindi tayo makapaniwala na laganap ang pagsisinungaling.
  • 4:15 - 4:17
    Sa totoo lang, lahat tayo'y ayaw sa pagsisinungaling.
  • 4:17 - 4:19
    Pero kung masusi niyong aaralin,
  • 4:19 - 4:21
    hindi pa dito nagtatapos ang kwento.
  • 4:21 - 4:24
    Mas madalas tayong magsinungaling sa mga estranghero kaysa sa mga katrabaho.
  • 4:24 - 4:28
    Mas madalas magsinungaling ang mga palakaibigan kaysa sa mga tahimik.
  • 4:28 - 4:31
    Ikawalong beses na mas madalas magsinungaling ang mga lalaki
  • 4:31 - 4:33
    kaysa sa ibang tao.
  • 4:33 - 4:36
    Madalas, nagsisinungaling ang mga babae upang mapagtanggol ang ibang tao.
  • 4:36 - 4:39
    Kung kayo ay mag-asawa,
  • 4:39 - 4:41
    makakapagsisinungaling ka sa iyong asawa
  • 4:41 - 4:43
    ng isang beses sa bawat sampung usapan.
  • 4:43 - 4:45
    Akala niyo masama na iyan.
  • 4:45 - 4:47
    Kung kayo ay dalaga o binata, ang bilang na iyan ay bababa sa tatlo.
  • 4:47 - 4:49
    Sadyang masalimuot ang kasinungalingan.
  • 4:49 - 4:52
    Ito'y bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay at kalakalan.
  • 4:52 - 4:54
    Tayo'y nag-aatubili sa katotohanan.
  • 4:54 - 4:56
    Ginagawa natin ito batay sa pangangailangan,
  • 4:56 - 4:58
    minsan ito'y para sa mabuting dahilan,
  • 4:58 - 5:01
    at minsan nama'y hindi lang natin maunawaan ang mga kakulangan sa ating buhay.
  • 5:01 - 5:03
    'Yan ang pangalawang katotohanan tungkol sa pagsisinungaling.
  • 5:03 - 5:05
    Hindi tayo sang-ayon sa pagsisinungaling,
  • 5:05 - 5:07
    pero ito'y ating pinapalampas
  • 5:07 - 5:09
    ayon sa panlipunang pagtanggap
  • 5:09 - 5:11
    na nagmula pa sa ating mga ninuno.
  • 5:11 - 5:13
    Kawangis ito ng paghinga.
  • 5:13 - 5:15
    Ito'y bahagi ng ating kultura, ng ating kasaysayan.
  • 5:15 - 5:18
    Isipin niyo sina Dante, Shakespeare,
  • 5:18 - 5:21
    ang Bibliya, at Ang Pandaigdigang Balita.
  • 5:21 - 5:23
    (Halakhakan)
  • 5:23 - 5:25
    Ang pagsisinungaling ay may kahalagahang ebolusyon sa ating uri.
  • 5:25 - 5:27
    Matagal nang alam ng mga mananaliksik
  • 5:27 - 5:29
    na ang mga mas-matalinong uri
  • 5:29 - 5:31
    ay may mas malaking neocortex,
  • 5:31 - 5:33
    at mas madalas manloko.
  • 5:33 - 5:35
    Naaalala niyo siguro si Koko.
  • 5:35 - 5:38
    May nakakaalala ba kay Koko, ang gorilyang tinuruan ng wikang pagsenyas?
  • 5:38 - 5:41
    Natuto si Kokong makipag-usap sa pamamagitan ng wikang pagsenyas.
  • 5:41 - 5:43
    Eto si Koko, kasama ang kanyang kuting.
  • 5:43 - 5:46
    Ang kanyang maganda, maliit at mahimulmol na alagang-hayop na kuting.
  • 5:46 - 5:48
    Noong minsan, sinisi ni Koko ang kanyang alagang-hayop na kuting
  • 5:48 - 5:50
    dahil sinira daw at itinanggal nito sa pader ang lababo.
  • 5:50 - 5:52
    (Halakhakan)
  • 5:52 - 5:54
    Hinubog tayong lahat upang maging pinuno ng grupo.
  • 5:54 - 5:56
    Maaga talaga itong hinubog sa ating kaalaman.
  • 5:56 - 5:58
    Gaano kaaga?
  • 5:58 - 6:00
    Halimbawa, ang isang sanggol ay pakunwaring iiyak,
  • 6:00 - 6:02
    titigil nang sandali, maghihintay, titingnan kung may dadating
  • 6:02 - 6:04
    tapos iiyak muli.
  • 6:04 - 6:06
    Ang mga isang taong gulang ay natututong maglihim.
  • 6:06 - 6:08
    (Halakhakan)
  • 6:08 - 6:10
    Nambobola ang mga dalawang taong gulang.
  • 6:10 - 6:12
    Kusang nagsisinungaling ang mga limang taong gulang.
  • 6:12 - 6:14
    Minamanipula sila sa pamamagitan ng pagpuri.
  • 6:14 - 6:17
    Ang mga siyam na taong gulang ay napakagaling sa pagkukunwari.
  • 6:17 - 6:19
    Pagdating ng kolehiyo,
  • 6:19 - 6:22
    nakapagsinungaling kayo sa inyong nanay ng isa sa bawat limang beses.
  • 6:22 - 6:25
    Pagdating naman ng panahong tayo'y nagtatrabaho na,
  • 6:25 - 6:27
    nagiging bahagi tayo ng isang mundo kung saan laganap
  • 6:27 - 6:29
    ang mga spam, pekeng kaibigan sa Internet,
  • 6:29 - 6:31
    media na may kinikilingan,
  • 6:31 - 6:33
    mga matatalinong magnanakaw ng impormasyon,
  • 6:33 - 6:35
    mga nagraraket tulad ng Ponzi schemers,
  • 6:35 - 6:37
    isang epidemya ng panloloko --
  • 6:37 - 6:39
    sa madaling salita, ayon sa isang manunulat,
  • 6:39 - 6:42
    isang lipunan kung saan hindi na umiiral ang katotohanan.
  • 6:42 - 6:44
    Matagal na panahon na
  • 6:44 - 6:47
    itong kalituhang ito.
  • 6:48 - 6:50
    Anong kailangan niyong gawin?
  • 6:50 - 6:52
    May ilang mga hakbang
  • 6:52 - 6:54
    upang tayo'y makaalpas sa masalimuot na daan.
  • 6:54 - 6:57
    Madalas nakikita ng mga bihasang liespotters ang katotohanan 90% ng pagkakataon.
  • 6:57 - 7:00
    Tayo, 54 porsyento lamang.
  • 7:00 - 7:02
    Bakit napakadali nitong matutunan?
  • 7:02 - 7:05
    Sa pagsisinungaling, may magagaling, at may bano. Walang taong likas na sinungaling.
  • 7:05 - 7:08
    Lahat tayo'y nagkakamali. Pare-pareho lang ang pamamaraan natin.
  • 7:08 - 7:10
    Kaya ang gagawin ko ngayon
  • 7:10 - 7:12
    ay ipapakita ko sa inyo ang 2 pamamaraan na ginagamit sa pagsisinungaling.
  • 7:12 - 7:15
    Pagkatapos niyan, titingnan natin ang mga tinatawag na hot spots.
  • 7:15 - 7:18
    Mag-uumpisa tayo sa isang talumpati.
  • 7:18 - 7:20
    (Bidyo) Bill Clinton: Gusto ko po sanang pakinggan ninyo ako.
  • 7:20 - 7:22
    Uulitin ko ang sinabi ko.
  • 7:22 - 7:25
    Hindi ako nakipagtalik
  • 7:25 - 7:29
    sa babaeng iyon, kay Binibining Lewinsky.
  • 7:29 - 7:31
    Kailanman, hindi ko sinabi sa kahit sino na magsinungaling,
  • 7:31 - 7:33
    ni minsan, di kailanman.
  • 7:33 - 7:36
    Walang katotohanan ang mga paninindigang ito.
  • 7:36 - 7:38
    At sa ngayon, kailangan kong ituloy ang trabaho ko para sa mga mamamayang Amerikano.
  • 7:38 - 7:40
    Salamat.
  • 7:43 - 7:46
    Pamela Meyer: Okay, ano ang nakita nating palatandaan?
  • 7:46 - 7:50
    Una sa lahat, narinig natin ang tinatawag na "mahabang pagtanggi".
  • 7:50 - 7:53
    Ayon sa mga pananaliksik, ang mga taong sobrang pursigido sa kanilang pagtanggi
  • 7:53 - 7:56
    ay gagamit ng pormal sa halip ng di'pormal na pananalita.
  • 7:56 - 7:59
    Narinig rin natin ang pananalitang mapaglayo: "ang babaeng iyon."
  • 7:59 - 8:01
    Alam natin na ang mga sinungaling ay di' sadyang naglalagay ng pagitan sa kanilang sarili
  • 8:01 - 8:03
    at ang kanilang tinutukoy
  • 8:03 - 8:06
    sa pamamagitan ng pananalita.
  • 8:06 - 8:09
    Kung sakaling sinabi ni Bill Clinton, "Sa totoo lang..."
  • 8:09 - 8:11
    o tulad ng paborito ni Richard Nixon, "Sa katunayan..."
  • 8:11 - 8:13
    siguradong nahuli na siya
  • 8:13 - 8:15
    ng mga liespotter na alam na
  • 8:15 - 8:18
    ang mga pananalitang matapat gaya nito
  • 8:18 - 8:20
    ay nakaka-sirang puri sa nagpahayag nito.
  • 8:20 - 8:23
    Kung sakali namang inulit niya ang tanong,
  • 8:23 - 8:27
    o kung sakaling nagdagdag siya ng mas madaming detalye --
  • 8:27 - 8:29
    buti nalang hindi niya tinuloy --
  • 8:29 - 8:31
    siguradong mas lalo niyang sinira ang kanyang puri.
  • 8:31 - 8:33
    Tama nga si Freud.
  • 8:33 - 8:36
    Sinabi ni Freud, alam niyo, ang pananalita ay isang batayan lamang:
  • 8:36 - 8:39
    "Walang tao ang nakakapagtago ng lihim.
  • 8:39 - 8:42
    Kung tahimik ang kanyang labi, nagsasatsat naman ang kanyang mga daliri."
  • 8:42 - 8:45
    Ginagawa natin lahat ito, kahit yung mga may-kapangyarihan.
  • 8:45 - 8:47
    Sumasatsat tayo sa pamamagitan ng ating mga daliri.
  • 8:47 - 8:50
    Ito si Dominique Strauss-Khan noong nasa harap siya ni Obama,
  • 8:50 - 8:53
    nagsasatsat ang kanyang mga daliri.
  • 8:53 - 8:56
    (Halakhakan)
  • 8:56 - 8:59
    Ngayon, ang susunod na palatandaan:
  • 8:59 - 9:02
    ang sinasabi ng katawan o body language.
  • 9:02 - 9:05
    Ayon sa sinasabi ng katawan, eto ang kailangan nating gawin:
  • 9:05 - 9:08
    Kailangan nating iwanan sa pinto ang lahat ng ating haka-haka.
  • 9:08 - 9:10
    Hayaan natin ang siyensya ang maghumpay ng ating kaalaman nang kaunti.
  • 9:10 - 9:13
    Dahil akala lang natin na ang mga sinungaling ay palaging 'di mapakali.
  • 9:13 - 9:16
    Ang totoo, sadyang tumitigas ang pang-itaas na katawan tuwing sila'y nagsisinungaling.
  • 9:16 - 9:19
    Akala natin na ang mga sinungaling ay hindi tumitingin sa mata.
  • 9:19 - 9:21
    Ang totoo, sadyang tumitingin sila ng husto sa mata
  • 9:21 - 9:23
    upang baliktarin ang ating akala.
  • 9:23 - 9:25
    Akala natin na ang pagiging malapit na loob at pagngiti
  • 9:25 - 9:27
    ay naglalahad ng pagiging totoo at katapatan.
  • 9:27 - 9:29
    Ngunit ang isang dalubhasang liespotter
  • 9:29 - 9:31
    ay nakakakilala ng pekeng ngiti kahit isang milya pa ang layo.
  • 9:31 - 9:34
    Nakikilala niyo ba ang pekeng ngiti dito?
  • 9:35 - 9:37
    Kayang-kaya ninyong galawin
  • 9:37 - 9:40
    ang kalamnan ng inyong pisngi.
  • 9:40 - 9:43
    Ngunit ang tatak ng ngiti ay nasa mata, sa mga kulubot ng mga mata.
  • 9:43 - 9:45
    Hindi 'yan kayang galawin ng isipan lamang,
  • 9:45 - 9:47
    lalo na kung nasobrahan ang Botox.
  • 9:47 - 9:50
    Kaya huwag pasobrahan ang Botox ha; walang maniniwala sa inyo.
  • 9:50 - 9:52
    Ngayon naman, tingnan natin ang mga hot spots.
  • 9:52 - 9:54
    Alam mo ba ang nangyayari sa isang usapan?
  • 9:54 - 9:57
    Kaya niyo bang hanapin ang mga hot spots
  • 9:57 - 9:59
    na nagpapakita
  • 9:59 - 10:01
    ng di-tugmang salita sa gawa?
  • 10:01 - 10:03
    Alam ko na napakadali lang nito,
  • 10:03 - 10:05
    pero kung kayo ang nakikipag-usap
  • 10:05 - 10:08
    sa isang tao na pinaghihinalaan niyong manloloko,
  • 10:08 - 10:11
    ang ugali't saloobin ay ang pinaka-nilalantaw na palatandaan sa lahat.
  • 10:11 - 10:13
    Ang mga totoong tao ay makikipagtulungan.
  • 10:13 - 10:15
    Ipapakita nila na sila'y nasa inyong panig.
  • 10:15 - 10:17
    Sila ay ganado.
  • 10:17 - 10:19
    Sila ay buong-loob na tutulong na malaman niyo ang katotohanan.
  • 10:19 - 10:22
    Sila ay makikipagtalakayan, magsasabi ng mga posibleng salarin,
  • 10:22 - 10:24
    at magbibigay ng detalye.
  • 10:24 - 10:26
    Sasabihin nila, "Naku,
  • 10:26 - 10:29
    siguro pineke ng mga tao sa payroll ang mga tseke."
  • 10:29 - 10:32
    Nangangalit sila kapag sila'y pinagbibintangan
  • 10:32 - 10:34
    habang sila'y nasa panayam, at hindi 'yung pabugso-bugso lang;
  • 10:34 - 10:37
    sila'y nangangalit sa buong panayam.
  • 10:37 - 10:39
    At kung itatanong niyo sa totoong tao
  • 10:39 - 10:42
    kung ano ang dapat mangyari sa taong pumeke ng mga tseke,
  • 10:42 - 10:44
    mas malamang na sasabihin niyang
  • 10:44 - 10:48
    mas mabigat ang parusa nararapat dito.
  • 10:48 - 10:50
    Kunwari ay pare-pareho ang ating pinag-uusapan
  • 10:50 - 10:52
    sa isang taong nanloloko.
  • 10:52 - 10:54
    Ang taong sinungaling ay maaaring maging tahimik,
  • 10:54 - 10:56
    hindi makatingin, bababa ang boses,
  • 10:56 - 10:58
    titigil ng kaunti, hindi mapakali.
  • 10:58 - 11:00
    Tanungin niyo ang isang taong manloloko na ilahad and kanyang istorya,
  • 11:00 - 11:03
    at siguradong ito'y dadagdagan ng iba't ibang detalye
  • 11:03 - 11:06
    na wala sa lugar.
  • 11:06 - 11:09
    Madalas, napakapulido ng salaysay nila.
  • 11:09 - 11:11
    Kaya ang ginagawa ng mga eksperto sa pagtatanong
  • 11:11 - 11:13
    ay unti-unti nila itong sinisiyasat
  • 11:13 - 11:15
    sa loob ng maraming oras,
  • 11:15 - 11:18
    at ipapaulit ang salaysay ng pabaligtad,
  • 11:18 - 11:20
    at ngayo'y mapapansin ang pamamaluktot,
  • 11:20 - 11:23
    lalo na sa iilang tanong.
  • 11:23 - 11:26
    Bakit nila ginagawa ito? Ang totoo, ginagawa din natin iyon.
  • 11:26 - 11:28
    Ini-insayo natin ang ating pananalita,
  • 11:28 - 11:30
    ngunit bihira nating ini-ensayo ang ating galaw.
  • 11:30 - 11:32
    Sasabihin nating "oo," pero umiiling tayo ng "hindi."
  • 11:32 - 11:35
    Kapani-paniwala na sana ang salaysay, ikinikibit naman natin ang ating balikat.
  • 11:35 - 11:37
    Gumagawa tayo ng krimen,
  • 11:37 - 11:40
    at napapangiti tayo kapag hindi tayo nahuli.
  • 11:40 - 11:43
    Ang tawag niyan ay " tuwa dulot ng pagsisinungaling."
  • 11:43 - 11:46
    Makikita natin ito mamaya sa ilang mga bidyo,
  • 11:46 - 11:48
    ngunit tayo'y magsisimula sa umpisa -- para doon sa mga 'di nakakakilala sa kanya,
  • 11:48 - 11:51
    siya ang kandidatong pagkapangulo na si John Edwards
  • 11:51 - 11:54
    na gumimbal sa Amerika dahil sa pagkakaroon ng anak sa labas.
  • 11:54 - 11:57
    Makikita natin siyang nakikipagtalakayan tungkol sa pagkuha ng paternity test.
  • 11:57 - 11:59
    Panoorin niyo nang mabuti at tingnan ninyo:
  • 11:59 - 12:01
    sinasabi niya "oo" habang siya'y umiiling ng "hindi,"
  • 12:01 - 12:03
    at kumikibit ang kanyang balikat.
  • 12:03 - 12:05
    (Bidyo): John Edwards: Masaya akong gawin ito.
  • 12:05 - 12:08
    Alam ko na hindi posibleng anak ko ang batang ito,
  • 12:08 - 12:10
    dahil sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
  • 12:10 - 12:12
    Alam ko na hindi ito posible.
  • 12:12 - 12:14
    Masaya akong gagawin ang paternity test,
  • 12:14 - 12:16
    at nais ko makita kung ano ang mangyayari.
  • 12:16 - 12:19
    Tagapagtanong: Gagawin niyo ba ito sa lalong madaling panahon? Mayroon bang --
  • 12:19 - 12:22
    JE: Alam niyo, isang panig lamang ako. Isang panig lang ako sa test na ito.
  • 12:22 - 12:25
    Pero masaya akong gawin ito.
  • 12:25 - 12:27
    PM: Okay, ang mga iling na iyan ay mas madaling makita
  • 12:27 - 12:29
    kung ito'y inyong hinahanap.
  • 12:29 - 12:31
    May mga pagkakataon
  • 12:31 - 12:33
    na ang isang tao ay may ipapakitang kaanyuhan sa mukha
  • 12:33 - 12:36
    habang meron silang tinatago, at lumalabas nalang ito ng bigla.
  • 12:37 - 12:39
    Ang mga mamamatay-tao ay kilalang nagpapakita ng kalungkutan.
  • 12:39 - 12:41
    Ang inyong bagong ka-negosyo ay maaaring makipagkamay sa inyo,
  • 12:41 - 12:43
    magsaya, sumamang kumain sa labas,
  • 12:43 - 12:46
    ngunit may natatagong galit pala.
  • 12:46 - 12:49
    Hindi naman natin natututunan ang mga ito agad-agad,
  • 12:49 - 12:52
    ngunit may isang bagay akong ituturo na sadyang nakakatakot, at ito'y madaling pag-aralan,
  • 12:52 - 12:55
    at iyon ang pagkutya.
  • 12:55 - 12:58
    Sa galit, may dalawang taong kasali.
  • 12:58 - 13:00
    Matuturing pa rin itong malusog na relasyon.
  • 13:00 - 13:02
    Ngunit kapag ang galit ay naging pagkutya,
  • 13:02 - 13:04
    kawawa ka.
  • 13:04 - 13:06
    May kaakibat itong mataas na pagtingin sa sarili.
  • 13:06 - 13:09
    At dahil dito, mahirap itong itanggi.
  • 13:09 - 13:11
    Ganito ang tinutukoy kong itsura.
  • 13:11 - 13:13
    Kapuna-puna ang pag-angat
  • 13:13 - 13:15
    at ang paloob na gilid ng labi.
  • 13:15 - 13:18
    Ito ang nag-iisang anyo ng mukha na hindi pantay.
  • 13:18 - 13:20
    At kung ito'y nangungutya,
  • 13:20 - 13:22
    di natin masisigurong susunod ang panloloko --
  • 13:22 - 13:24
    at 'di naman lagi --
  • 13:24 - 13:26
    talikuran niyo na, iwasan niyo na,
  • 13:26 - 13:28
    pag-isipan niyo ang kasunduan,
  • 13:28 - 13:32
    sabihin ninyo, "Hindi na bale, salamat. Hindi na rin ako aakyat para magkape. Salamat."
  • 13:32 - 13:34
    Marami pang
  • 13:34 - 13:36
    maituturo ang agham sa atin tungkol dito.
  • 13:36 - 13:38
    Alam natin, halimbawa,
  • 13:38 - 13:40
    na ang mga sinungaling ay mag-iiba ang kisap ng kanilang mata,
  • 13:40 - 13:42
    at ituturo ng kanilang paa ang pinto palabas.
  • 13:42 - 13:44
    Maglalagay sila ng mga balakid
  • 13:44 - 13:47
    sa pagitan nila at ng tagapagtanong.
  • 13:47 - 13:49
    Babaguhin nila ang tono ng kanilang boses,
  • 13:49 - 13:52
    madalas ito'y bababa.
  • 13:52 - 13:54
    Ganito 'yan.
  • 13:54 - 13:57
    Ang mga ito ay ugali, at ugali lamang.
  • 13:57 - 13:59
    Hindi ito patunay ng panloloko.
  • 13:59 - 14:01
    Ito'y mga pagbabadya lang.
  • 14:01 - 14:03
    Tayo'y mga tao lamang.
  • 14:03 - 14:06
    Ginagawa natin ang mga tila ugaling panloloko araw-araw.
  • 14:06 - 14:08
    Hindi ito batayan ng kahit ano man.
  • 14:08 - 14:11
    Pero 'pag ito'y magkakasama, ayan ang inyong batayan.
  • 14:11 - 14:14
    Tingnan niyo, makinig kayo, usisain niyo, magtanong kayo ng mahirap na tanong,
  • 14:14 - 14:17
    lagpasan ang sitwasyon kung saan kayo komportable,
  • 14:17 - 14:20
    maging mausisa, magtanong palagi,
  • 14:20 - 14:23
    bigyang dangal ang sarili at harapin nang mahusay ang kausap.
  • 14:23 - 14:26
    Huwag tularan ang mga nasa "Law & Order" at iba pang palabas ng TV
  • 14:26 - 14:28
    na pinipilit sumuko ang pinaghihinalaan.
  • 14:28 - 14:31
    Huwag maging lubos na mapangahas, hindi ito nakakatulong.
  • 14:31 - 14:33
    Napag-usapan na natin nang kaunti
  • 14:33 - 14:35
    kung paano makipag-usap sa isang singungaling
  • 14:35 - 14:37
    at kung ano ang palatandaan nito.
  • 14:37 - 14:40
    At tulad ng aking pangako, titingnan natin kung ano ang mukha ng katotohanan.
  • 14:40 - 14:42
    Meron muna akong ipapakitang dalawang bidyo,
  • 14:42 - 14:45
    2 ina -- 1 nagsisinungaling at 1 nagsasabi ng totoo.
  • 14:45 - 14:47
    Ang siyang nagpalabas nito
  • 14:47 - 14:49
    ay ang mananaliksik na si David Matsumoto mula California.
  • 14:49 - 14:51
    At sa tingin ko, ito'y magandang halimbawa
  • 14:51 - 14:53
    ng mukha ng katotohanan.
  • 14:53 - 14:55
    Si Diane Downs, isang ina,
  • 14:55 - 14:57
    ay binaril ang kanyang mga anak
  • 14:57 - 14:59
    at itinakbo sa ospital
  • 14:59 - 15:01
    habang nauubusan ng dugo ang mga ito sa loob ng kotse,
  • 15:01 - 15:03
    at gumawa ng kwentong isang estranghero ang bumaril sa kanila.
  • 15:03 - 15:05
    Sa bidyong ito,
  • 15:05 - 15:07
    hindi man lang naging kapani-paniwala ang kanyang pighati.
  • 15:07 - 15:09
    Pansinin niyo dito
  • 15:09 - 15:11
    ang 'di-pagkakatugma ng
  • 15:11 - 15:13
    kakila-kilabot na pangyayari
  • 15:13 - 15:15
    at ang kanyang manhid na pagkilos.
  • 15:15 - 15:18
    At kung papansinin, makikita niyo ang galak na dulot ng panloloko na tinutukoy ko kanina.
  • 15:18 - 15:20
    (Bidyo) Diane Downs: Tuwing gabing pinipikit ko ang aking mga mata,
  • 15:20 - 15:23
    nakikita ko si Christie na pilit inaabot ang aking kamay,
  • 15:23 - 15:26
    habang lumalabas ang dugo sa kanyang bibig.
  • 15:26 - 15:28
    At iyan -- siguro mawawala din 'to pagdating ng araw --
  • 15:28 - 15:30
    'di ako alam.
  • 15:30 - 15:33
    Iyan ang lubos kong kinakatakutan.
  • 15:40 - 15:42
    PM: Ipapakita ko sa inyo ngayon ang isang bidyo
  • 15:42 - 15:44
    ng inang si Erin Runnion, na tunay na nagluluksa
  • 15:44 - 15:48
    at dumalo sa korte upang harapin ang pumatay sa kanyang anak na babae.
  • 15:48 - 15:50
    Dito, wala kayong makikitang pekeng damdamin,
  • 15:50 - 15:53
    kundi isang tunay na pagluluksa ng isang ina.
  • 15:53 - 15:55
    (Bidyo) Erin Runnion: Sinulat ko ang salaysay na ito sa ikatlong anibersaryo
  • 15:55 - 15:57
    ng pagkamatay ng aking anak nang dahil sa iyo,
  • 15:57 - 15:59
    sinaktan mo siya,
  • 15:59 - 16:01
    winasak mo,
  • 16:01 - 16:05
    at tinakot mo hanggang sa huminto ang kanyang puso.
  • 16:05 - 16:08
    Lumaban siya, alam kong nilabanan ka niya.
  • 16:08 - 16:10
    Alam kong tiningnan ka niya
  • 16:10 - 16:12
    mula sa kanyang mga kayumangging mata,
  • 16:12 - 16:15
    at ninais mo pa rin siyang patayin.
  • 16:15 - 16:17
    Hindi ko ito maintindihan,
  • 16:17 - 16:20
    hindi kailanman.
  • 16:20 - 16:24
    PM: Hindi maitatanggi ang katotohanan sa damdaming iyon.
  • 16:24 - 16:27
    Yumayabong lalo ang teknolohiya at agham ng pagtukoy
  • 16:27 - 16:30
    sa katotohanan.
  • 16:30 - 16:32
    Halimbawa
  • 16:32 - 16:35
    may mahuhusay na eye trackers at infrared brain scans,
  • 16:35 - 16:38
    mga MRI na nakikita ang pagpapahiwatig ng ating katawan
  • 16:38 - 16:40
    tuwing tayo’y nagsisinungaling.
  • 16:40 - 16:43
    At ang mga teknolohiyang ito ay ibebenta sa atin
  • 16:43 - 16:45
    bilang sagot sa panloloko,
  • 16:45 - 16:48
    at ang mga ito’y makakatulong pagdating ng araw.
  • 16:48 - 16:50
    Pero sa ngayon, tanungin ninyo ang inyong sarili:
  • 16:50 - 16:52
    Sino ang gusto ninyong katabi sa isang kumpulan,
  • 16:52 - 16:55
    isang taong sanay na maghanap ng katotohanan
  • 16:55 - 16:57
    o isang taong may hawak ng mabigat na EEG
  • 16:57 - 16:59
    pagpasok ng pinto?
  • 16:59 - 17:03
    Gumagamit ng kaalamang pantao ang mga lispotter.
  • 17:03 - 17:05
    Alam nila, tulad ng sinabi minsan ng isang tao,
  • 17:05 - 17:07
    "Ang tunay na pagkatao ay kung sino ka sa dilim."
  • 17:07 - 17:09
    At nakakatuwang sabihin na
  • 17:09 - 17:11
    sa mga panahon ngayon, paminsan-minsan nalang ang kadiliman.
  • 17:11 - 17:14
    May liwanag sa mundo ng 24 oras kada araw.
  • 17:14 - 17:16
    Ngayon, walang tinatago
  • 17:16 - 17:18
    ang mga blogs at social networks
  • 17:18 - 17:20
    sa pagpapahayag ng mga saloobin ng bagong henerasyon
  • 17:20 - 17:23
    na pinipiling ilahad ang kanilang buhay sa madla.
  • 17:23 - 17:27
    Mas maingay na ang mundo kaysa sa dati.
  • 17:27 - 17:29
    Ang pinakamalaking hamon
  • 17:29 - 17:31
    na marapat tandaan,
  • 17:31 - 17:34
    na ang lubos-lubos na paglalahad ay hindi nangangahulugang totoo ito.
  • 17:34 - 17:36
    Ang ating madalas na pag-tweet at pag-text
  • 17:36 - 17:38
    ay nakakabulag sa katotohanan na
  • 17:38 - 17:41
    ang pagiging simple at disente -- marangal na pagkatao --
  • 17:41 - 17:44
    iyan pa rin ang pinakamahalaga, higit sa lahat.
  • 17:44 - 17:46
    Sa gitna ng ingay na mundo,
  • 17:46 - 17:48
    nararapat siguro
  • 17:48 - 17:50
    na ipaglaban natin ng husto
  • 17:50 - 17:53
    ang ating kaugaliang marangal.
  • 17:53 - 17:55
    Kapag pinagsama ang kaalamang pagkikilala ng panloloko
  • 17:55 - 17:57
    at ang sining ng pagpansin at pakikinig,
  • 17:57 - 18:00
    kayo’y lumalayo sa isang kasinungalingan.
  • 18:00 - 18:02
    Umpisahan tahakin ang daan
  • 18:02 - 18:04
    tungo sa pagiging totoo sa mga kilos,
  • 18:04 - 18:06
    dahil ipinapahayag niyo sa lahat ng nasa paligid niyo,
  • 18:06 - 18:09
    sinasabi niyo, "Alam niyo, ang aking mundo, ang ating mundo,
  • 18:09 - 18:11
    ay magiging makatotohanan.
  • 18:11 - 18:13
    Ang aking mundo ay kung saan pinagtitibay ang katotohanan
  • 18:13 - 18:16
    at tinutukoy at nilulupig ang kasinungalingan."
  • 18:16 - 18:18
    At kapag iyan ang iyong ginawa,
  • 18:18 - 18:21
    unti-unting magbabago ang iyong kapaligiran.
  • 18:21 - 18:24
    At 'yan ang katotohanan. Maraming salamat.
  • 18:24 - 18:29
    (Palakpakan)
Title:
Pamela Meyer: Paano kilalanin ang isang sinungaling
Speaker:
Pamela Meyer
Description:

Tayo'y pinagsisinungalingan nang mula 10 hanggang 200 beses sa loob ng isang araw, at ang mga palatandaan ng kasinungalingan ay mahirap mabatid at taliwas sa ating nalalaman. Itinatalakay ni Pamela Meyer, ang may-akda ng "Liespotting" o "Paano kilalanin ang isang sinungaling," ang iba't ibang kilos at "hotspot" na tumutulong sa mga eksperto upang tukuyin ang panloloko -- at kanyang pinananaligan na ang katapatan ay isang kaugalian na dapat pangalagaan.

more » « less
Video Language:
English
Team:
closed TED
Project:
TEDTalks
Duration:
18:30
Margarita Teodoro added a translation

Filipino subtitles

Revisions