WEBVTT 00:00:00.000 --> 00:00:05.000 Okey, sa inyong lahat na nasa silid na ito, huwag sana kayong mangamba, 00:00:05.000 --> 00:00:07.000 pero napansin ko lang 00:00:07.000 --> 00:00:09.000 na ang inyong katabi sa kanan ay isang sinungaling. 00:00:09.000 --> 00:00:11.000 (Halakhakan) 00:00:11.000 --> 00:00:14.000 Ang katabi mo sa kaliwa ay sinungaling rin. 00:00:14.000 --> 00:00:17.000 Ang tao na mismong nasa upuan niyo ay sinungaling rin. 00:00:17.000 --> 00:00:19.000 Lahat tayo ay sinungaling. 00:00:19.000 --> 00:00:21.000 Ang aking gagawin sa araw na ito 00:00:21.000 --> 00:00:24.000 ay ipakita ang pananaliksik na nagsasabing tayong lahat ay sinungaling, 00:00:24.000 --> 00:00:26.000 kung paano maging "liespotter" 00:00:26.000 --> 00:00:29.000 at kung bakit gugustuhin nating 00:00:29.000 --> 00:00:32.000 maghanap ng katotohanan mula sa pagkilala ng sinungaling, 00:00:32.000 --> 00:00:34.000 at higit sa lahat, sa paghubog ng tiwala. NOTE Paragraph 00:00:34.000 --> 00:00:37.000 Habang pinag-uusapan natin ang tiwala, 00:00:37.000 --> 00:00:40.000 mula ng sinulat ko ang aking libro, "Liespotting," 00:00:40.000 --> 00:00:43.000 walang nang gustong makipagkilala sa akin, ay naku, wala talaga. 00:00:43.000 --> 00:00:46.000 Sinasabi nila, "Sige, mag-e-mail nalang tayo." 00:00:46.000 --> 00:00:48.000 (Halakhakan) 00:00:48.000 --> 00:00:52.000 Wala na ring nag-aalok sa akin na mag-kape sa Starbucks. 00:00:52.000 --> 00:00:54.000 Sabi ng asawa ko, "Mahal naman, panloloko talaga? 00:00:54.000 --> 00:00:57.000 Sana sumulat ka nalang ng tungkol sa pagluluto, sa mga lutuing Pranses?" NOTE Paragraph 00:00:57.000 --> 00:00:59.000 Bago po akong magsimula, ang gagawin ko 00:00:59.000 --> 00:01:02.000 ay ipaliliwanag ko sa inyo ang aking layunin, 00:01:02.000 --> 00:01:04.000 at hindi ito para turuan kayong maglaro ng Huli Ka! 00:01:04.000 --> 00:01:06.000 Ang mga "liespotter" - hindi sila yung mga batang makulit, 00:01:06.000 --> 00:01:09.000 yung mga bata sa likod ng kuwarto na sumisigaw, "Huli ka! Huli ka! 00:01:09.000 --> 00:01:12.000 Gumalaw ang kilay mo. Lumaki butas ng ilong mo. 00:01:12.000 --> 00:01:15.000 Napanood ko ang 'Lie to Me' sa TV. Alam kong nagsisinungaling ka." 00:01:15.000 --> 00:01:17.000 Hindi ha, gumagamit ang mga "liespotter" 00:01:17.000 --> 00:01:20.000 ng agham upang kilalanin ang isang panloloko. 00:01:20.000 --> 00:01:22.000 Ginagamit nila ito upang makamit ang katotohanan, 00:01:22.000 --> 00:01:24.000 at ginagawa nila ang gawain ng isang mahusay na pinuno sa araw-araw; 00:01:24.000 --> 00:01:27.000 ang pakikipagtalakayan sa mga taong mahirap kausap, 00:01:27.000 --> 00:01:29.000 at minsa'y sa di kaaya-ayang pagkakataon. 00:01:29.000 --> 00:01:31.000 Sinisimulan nila ito 00:01:31.000 --> 00:01:33.000 sa paniniwala sa iisang bagay (core proposition), 00:01:33.000 --> 00:01:35.000 at ito ay: 00:01:35.000 --> 00:01:38.000 Ang pagsisinungaling ay isang pakikipagtulungan. 00:01:38.000 --> 00:01:42.000 Walang kapangyarihan ang isang kasinungalingan kung batay lamang ito sa pagwika. 00:01:42.000 --> 00:01:44.000 Lumulutang ang kapangyarihan nito 00:01:44.000 --> 00:01:46.000 kapag may ibang tao'y naniniwala. NOTE Paragraph 00:01:46.000 --> 00:01:48.000 Marahil ang dating nito ay parang isang masalimuot na pag-ibig, 00:01:48.000 --> 00:01:52.000 ngunit kung dati ika'y pinagsinungalinan, 00:01:52.000 --> 00:01:54.000 ito'y dahil sumang-ayon ka sa kasinungalingan. 00:01:54.000 --> 00:01:57.000 Ang unang katotohanan: Ang pagsisinungaling ay isang pagtulungan. 00:01:57.000 --> 00:01:59.000 Subalit, hindi lahat ng kasinungalingan ay nakakasama. 00:01:59.000 --> 00:02:02.000 Minsan tayo'y sumasang-ayon 00:02:02.000 --> 00:02:05.000 bilang pakitang-tao, 00:02:05.000 --> 00:02:08.000 o di kaya, upang maitago ang isang lihim. 00:02:08.000 --> 00:02:10.000 Ika natin, "Maganda ng kanta." 00:02:10.000 --> 00:02:13.000 "Mahal, hindi ka naman mukhang mataba sa sinusuot mo." 00:02:13.000 --> 00:02:15.000 O di kaya, sinasabi natin ngayon, 00:02:15.000 --> 00:02:18.000 "Alam mo, nakuha ko lang ang email mo mula sa spam folder ko. 00:02:18.000 --> 00:02:21.000 Sorry ha." NOTE Paragraph 00:02:21.000 --> 00:02:24.000 Minsan nagiging bahagi tayo ng panloloko na hindi natin gusto. 00:02:24.000 --> 00:02:27.000 Madalas malaki ang epekto nito sa atin. 00:02:27.000 --> 00:02:30.000 Noong nakaraan na taon, 997 bilyong dolyares 00:02:30.000 --> 00:02:34.000 ang nawala sa Estados Unidos dahil sa mga pandarayang korporasyon. 00:02:34.000 --> 00:02:36.000 Ang halagang iyan ay halos isang trilyong dolyares. 00:02:36.000 --> 00:02:38.000 Iyon ay pitong porsyento ng kabuuang kita. 00:02:38.000 --> 00:02:40.000 Ang halaga ng panloloko ay nasa bilyones. 00:02:40.000 --> 00:02:43.000 Enron, Madoff, at ang krisis sa utang. 00:02:43.000 --> 00:02:46.000 Sa mga kaso ng mga doble-kara at traydor, 00:02:46.000 --> 00:02:48.000 tulad nina Robert Hanssen o Aldrich Ames, 00:02:48.000 --> 00:02:50.000 napapahamak ang bansa dahil sa kasinungalingan, 00:02:50.000 --> 00:02:53.000 banta sa ating seguridad, sa demokrasya, 00:02:53.000 --> 00:02:56.000 at dahilan ng pagkamatay ng mga taong nagtatanggol sa atin. NOTE Paragraph 00:02:56.000 --> 00:02:59.000 Malaki ang kita sa panloloko. 00:02:59.000 --> 00:03:01.000 Ang con man na si Henry Oberlander, 00:03:01.000 --> 00:03:03.000 isa siyang magaling na manloloko 00:03:03.000 --> 00:03:05.000 Ayon sa mga awtoridad sa Inglatera, 00:03:05.000 --> 00:03:08.000 kaya niyang pabagsakin ang buong sistema ng mga bangko sa Kanluran. 00:03:08.000 --> 00:03:10.000 Hindi niyo siya makikita sa Google; hindi niyo siya makikita kahit saan. 00:03:10.000 --> 00:03:13.000 May isang panayam minsan, at sabi niya: 00:03:13.000 --> 00:03:15.000 Sabi niya, "Iisa lamang ang aking patakaran." 00:03:15.000 --> 00:03:18.000 At ito ang patakaran ni Henry, sabi niya, 00:03:18.000 --> 00:03:20.000 "Lahat ng tao ay handang magbigay ng anumang bagay. 00:03:20.000 --> 00:03:23.000 Lahat ng tao ay handang magbigay kung ang kapalit nito ay ang bagay na gustung-gusto nila." 00:03:23.000 --> 00:03:25.000 At iyan ang rurok ng lahat. 00:03:25.000 --> 00:03:27.000 Kung ayaw mong magpaloko, kailangan mong malaman, 00:03:27.000 --> 00:03:29.000 ano ba ang bagay na gustung-gusto mo? 00:03:29.000 --> 00:03:32.000 Madalas ayaw nating aminin ito. 00:03:32.000 --> 00:03:35.000 Gusto nating maging mas mabuting asawa, 00:03:35.000 --> 00:03:37.000 mas matalino, mas makapangyarihan, 00:03:37.000 --> 00:03:39.000 mas matangkad, mas mayaman -- 00:03:39.000 --> 00:03:41.000 mahaba ang listahan. 00:03:41.000 --> 00:03:43.000 Ang pagsisinungaling ay pagtatangkang makamit ito, 00:03:43.000 --> 00:03:45.000 na itugma ang mga inaasam at mga pangarap 00:03:45.000 --> 00:03:48.000 sa ninanais natin sa sarili, ang mga gusto nating mangyari, 00:03:48.000 --> 00:03:51.000 sa ating tunay na pagkatao. 00:03:51.000 --> 00:03:54.000 Ay! Tunay ngang handa tayong magsinungaling upang punan ang puwang na ito. NOTE Paragraph 00:03:54.000 --> 00:03:57.000 Ayon sa resulta ng pananaliksik, tayo ay pinagsinusungalingan 00:03:57.000 --> 00:03:59.000 ng 10 hanggang 200 beses sa isang araw. 00:03:59.000 --> 00:04:02.000 Marami sa iyon mababaw na kasinungalingan lamang. 00:04:02.000 --> 00:04:04.000 Ngunit sa isa pang pananaliksik, 00:04:04.000 --> 00:04:06.000 sinasabing tatlong beses na nagsisinungaling sa isa't isa 00:04:06.000 --> 00:04:08.000 ang dalawang tao sa unang 10 minuto na sila'y magkakilala. 00:04:08.000 --> 00:04:10.000 (Halakhakan) 00:04:10.000 --> 00:04:13.000 Madalas ang unang reaksyon natin ay ang hindi maniwala. 00:04:13.000 --> 00:04:15.000 Hindi tayo makapaniwala na laganap ang pagsisinungaling. 00:04:15.000 --> 00:04:17.000 Sa totoo lang, lahat tayo'y ayaw sa pagsisinungaling. 00:04:17.000 --> 00:04:19.000 Pero kung masusi niyong aaralin, 00:04:19.000 --> 00:04:21.000 hindi pa dito nagtatapos ang kwento. 00:04:21.000 --> 00:04:24.000 Mas madalas tayong magsinungaling sa mga estranghero kaysa sa mga katrabaho. 00:04:24.000 --> 00:04:28.000 Mas madalas magsinungaling ang mga palakaibigan kaysa sa mga tahimik. 00:04:28.000 --> 00:04:31.000 Ikawalong beses na mas madalas magsinungaling ang mga lalaki 00:04:31.000 --> 00:04:33.000 kaysa sa ibang tao. 00:04:33.000 --> 00:04:36.000 Madalas, nagsisinungaling ang mga babae upang mapagtanggol ang ibang tao. 00:04:36.000 --> 00:04:39.000 Kung kayo ay mag-asawa, 00:04:39.000 --> 00:04:41.000 makakapagsisinungaling ka sa iyong asawa 00:04:41.000 --> 00:04:43.000 ng isang beses sa bawat sampung usapan. 00:04:43.000 --> 00:04:45.000 Akala niyo masama na iyan. 00:04:45.000 --> 00:04:47.000 Kung kayo ay dalaga o binata, ang bilang na iyan ay bababa sa tatlo. NOTE Paragraph 00:04:47.000 --> 00:04:49.000 Sadyang masalimuot ang kasinungalingan. 00:04:49.000 --> 00:04:52.000 Ito'y bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay at kalakalan. 00:04:52.000 --> 00:04:54.000 Tayo'y nag-aatubili sa katotohanan. 00:04:54.000 --> 00:04:56.000 Ginagawa natin ito batay sa pangangailangan, 00:04:56.000 --> 00:04:58.000 minsan ito'y para sa mabuting dahilan, 00:04:58.000 --> 00:05:01.000 at minsan nama'y hindi lang natin maunawaan ang mga kakulangan sa ating buhay. 00:05:01.000 --> 00:05:03.000 'Yan ang pangalawang katotohanan tungkol sa pagsisinungaling. 00:05:03.000 --> 00:05:05.000 Hindi tayo sang-ayon sa pagsisinungaling, 00:05:05.000 --> 00:05:07.000 pero ito'y ating pinapalampas 00:05:07.000 --> 00:05:09.000 ayon sa panlipunang pagtanggap 00:05:09.000 --> 00:05:11.000 na nagmula pa sa ating mga ninuno. 00:05:11.000 --> 00:05:13.000 Kawangis ito ng paghinga. 00:05:13.000 --> 00:05:15.000 Ito'y bahagi ng ating kultura, ng ating kasaysayan. 00:05:15.000 --> 00:05:18.000 Isipin niyo sina Dante, Shakespeare, 00:05:18.000 --> 00:05:21.000 ang Bibliya, at Ang Pandaigdigang Balita. NOTE Paragraph 00:05:21.000 --> 00:05:23.000 (Halakhakan) NOTE Paragraph 00:05:23.000 --> 00:05:25.000 Ang pagsisinungaling ay may kahalagahang ebolusyon sa ating uri. 00:05:25.000 --> 00:05:27.000 Matagal nang alam ng mga mananaliksik 00:05:27.000 --> 00:05:29.000 na ang mga mas-matalinong uri 00:05:29.000 --> 00:05:31.000 ay may mas malaking neocortex, 00:05:31.000 --> 00:05:33.000 at mas madalas manloko. 00:05:33.000 --> 00:05:35.000 Naaalala niyo siguro si Koko. 00:05:35.000 --> 00:05:38.000 May nakakaalala ba kay Koko, ang gorilyang tinuruan ng wikang pagsenyas? 00:05:38.000 --> 00:05:41.000 Natuto si Kokong makipag-usap sa pamamagitan ng wikang pagsenyas. 00:05:41.000 --> 00:05:43.000 Eto si Koko, kasama ang kanyang kuting. 00:05:43.000 --> 00:05:46.000 Ang kanyang maganda, maliit at mahimulmol na alagang-hayop na kuting. 00:05:46.000 --> 00:05:48.000 Noong minsan, sinisi ni Koko ang kanyang alagang-hayop na kuting 00:05:48.000 --> 00:05:50.000 dahil sinira daw at itinanggal nito sa pader ang lababo. 00:05:50.000 --> 00:05:52.000 (Halakhakan) 00:05:52.000 --> 00:05:54.000 Hinubog tayong lahat upang maging pinuno ng grupo. 00:05:54.000 --> 00:05:56.000 Maaga talaga itong hinubog sa ating kaalaman. 00:05:56.000 --> 00:05:58.000 Gaano kaaga? 00:05:58.000 --> 00:06:00.000 Halimbawa, ang isang sanggol ay pakunwaring iiyak, 00:06:00.000 --> 00:06:02.000 titigil nang sandali, maghihintay, titingnan kung may dadating 00:06:02.000 --> 00:06:04.000 tapos iiyak muli. 00:06:04.000 --> 00:06:06.000 Ang mga isang taong gulang ay natututong maglihim. 00:06:06.000 --> 00:06:08.000 (Halakhakan) 00:06:08.000 --> 00:06:10.000 Nambobola ang mga dalawang taong gulang. 00:06:10.000 --> 00:06:12.000 Kusang nagsisinungaling ang mga limang taong gulang. 00:06:12.000 --> 00:06:14.000 Minamanipula sila sa pamamagitan ng pagpuri. 00:06:14.000 --> 00:06:17.000 Ang mga siyam na taong gulang ay napakagaling sa pagkukunwari. 00:06:17.000 --> 00:06:19.000 Pagdating ng kolehiyo, 00:06:19.000 --> 00:06:22.000 nakapagsinungaling kayo sa inyong nanay ng isa sa bawat limang beses. 00:06:22.000 --> 00:06:25.000 Pagdating naman ng panahong tayo'y nagtatrabaho na, 00:06:25.000 --> 00:06:27.000 nagiging bahagi tayo ng isang mundo kung saan laganap 00:06:27.000 --> 00:06:29.000 ang mga spam, pekeng kaibigan sa Internet, 00:06:29.000 --> 00:06:31.000 media na may kinikilingan, 00:06:31.000 --> 00:06:33.000 mga matatalinong magnanakaw ng impormasyon, 00:06:33.000 --> 00:06:35.000 mga nagraraket tulad ng Ponzi schemers, 00:06:35.000 --> 00:06:37.000 isang epidemya ng panloloko -- 00:06:37.000 --> 00:06:39.000 sa madaling salita, ayon sa isang manunulat, 00:06:39.000 --> 00:06:42.000 isang lipunan kung saan hindi na umiiral ang katotohanan. 00:06:42.000 --> 00:06:44.000 Matagal na panahon na 00:06:44.000 --> 00:06:47.000 itong kalituhang ito. NOTE Paragraph 00:06:48.000 --> 00:06:50.000 Anong kailangan niyong gawin? 00:06:50.000 --> 00:06:52.000 May ilang mga hakbang 00:06:52.000 --> 00:06:54.000 upang tayo'y makaalpas sa masalimuot na daan. 00:06:54.000 --> 00:06:57.000 Madalas nakikita ng mga bihasang liespotters ang katotohanan 90% ng pagkakataon. 00:06:57.000 --> 00:07:00.000 Tayo, 54 porsyento lamang. 00:07:00.000 --> 00:07:02.000 Bakit napakadali nitong matutunan? 00:07:02.000 --> 00:07:05.000 Sa pagsisinungaling, may magagaling, at may bano. Walang taong likas na sinungaling. 00:07:05.000 --> 00:07:08.000 Lahat tayo'y nagkakamali. Pare-pareho lang ang pamamaraan natin. 00:07:08.000 --> 00:07:10.000 Kaya ang gagawin ko ngayon 00:07:10.000 --> 00:07:12.000 ay ipapakita ko sa inyo ang 2 pamamaraan na ginagamit sa pagsisinungaling. 00:07:12.000 --> 00:07:15.000 Pagkatapos niyan, titingnan natin ang mga tinatawag na hot spots. 00:07:15.000 --> 00:07:18.000 Mag-uumpisa tayo sa isang talumpati. NOTE Paragraph 00:07:18.000 --> 00:07:20.000 (Bidyo) Bill Clinton: Gusto ko po sanang pakinggan ninyo ako. 00:07:20.000 --> 00:07:22.000 Uulitin ko ang sinabi ko. 00:07:22.000 --> 00:07:25.000 Hindi ako nakipagtalik 00:07:25.000 --> 00:07:29.000 sa babaeng iyon, kay Binibining Lewinsky. 00:07:29.000 --> 00:07:31.000 Kailanman, hindi ko sinabi sa kahit sino na magsinungaling, 00:07:31.000 --> 00:07:33.000 ni minsan, di kailanman. 00:07:33.000 --> 00:07:36.000 Walang katotohanan ang mga paninindigang ito. 00:07:36.000 --> 00:07:38.000 At sa ngayon, kailangan kong ituloy ang trabaho ko para sa mga mamamayang Amerikano. 00:07:38.000 --> 00:07:40.000 Salamat. NOTE Paragraph 00:07:43.000 --> 00:07:46.000 Pamela Meyer: Okay, ano ang nakita nating palatandaan? 00:07:46.000 --> 00:07:50.000 Una sa lahat, narinig natin ang tinatawag na "mahabang pagtanggi". 00:07:50.000 --> 00:07:53.000 Ayon sa mga pananaliksik, ang mga taong sobrang pursigido sa kanilang pagtanggi 00:07:53.000 --> 00:07:56.000 ay gagamit ng pormal sa halip ng di'pormal na pananalita. 00:07:56.000 --> 00:07:59.000 Narinig rin natin ang pananalitang mapaglayo: "ang babaeng iyon." 00:07:59.000 --> 00:08:01.000 Alam natin na ang mga sinungaling ay di' sadyang naglalagay ng pagitan sa kanilang sarili 00:08:01.000 --> 00:08:03.000 at ang kanilang tinutukoy 00:08:03.000 --> 00:08:06.000 sa pamamagitan ng pananalita. 00:08:06.000 --> 00:08:09.000 Kung sakaling sinabi ni Bill Clinton, "Sa totoo lang..." 00:08:09.000 --> 00:08:11.000 o tulad ng paborito ni Richard Nixon, "Sa katunayan..." 00:08:11.000 --> 00:08:13.000 siguradong nahuli na siya 00:08:13.000 --> 00:08:15.000 ng mga liespotter na alam na 00:08:15.000 --> 00:08:18.000 ang mga pananalitang matapat gaya nito 00:08:18.000 --> 00:08:20.000 ay nakaka-sirang puri sa nagpahayag nito. 00:08:20.000 --> 00:08:23.000 Kung sakali namang inulit niya ang tanong, 00:08:23.000 --> 00:08:27.000 o kung sakaling nagdagdag siya ng mas madaming detalye -- 00:08:27.000 --> 00:08:29.000 buti nalang hindi niya tinuloy -- 00:08:29.000 --> 00:08:31.000 siguradong mas lalo niyang sinira ang kanyang puri. 00:08:31.000 --> 00:08:33.000 Tama nga si Freud. 00:08:33.000 --> 00:08:36.000 Sinabi ni Freud, alam niyo, ang pananalita ay isang batayan lamang: 00:08:36.000 --> 00:08:39.000 "Walang tao ang nakakapagtago ng lihim. 00:08:39.000 --> 00:08:42.000 Kung tahimik ang kanyang labi, nagsasatsat naman ang kanyang mga daliri." 00:08:42.000 --> 00:08:45.000 Ginagawa natin lahat ito, kahit yung mga may-kapangyarihan. 00:08:45.000 --> 00:08:47.000 Sumasatsat tayo sa pamamagitan ng ating mga daliri. 00:08:47.000 --> 00:08:50.000 Ito si Dominique Strauss-Khan noong nasa harap siya ni Obama, 00:08:50.000 --> 00:08:53.000 nagsasatsat ang kanyang mga daliri. NOTE Paragraph 00:08:53.000 --> 00:08:56.000 (Halakhakan) NOTE Paragraph 00:08:56.000 --> 00:08:59.000 Ngayon, ang susunod na palatandaan: 00:08:59.000 --> 00:09:02.000 ang sinasabi ng katawan o body language. 00:09:02.000 --> 00:09:05.000 Ayon sa sinasabi ng katawan, eto ang kailangan nating gawin: 00:09:05.000 --> 00:09:08.000 Kailangan nating iwanan sa pinto ang lahat ng ating haka-haka. 00:09:08.000 --> 00:09:10.000 Hayaan natin ang siyensya ang maghumpay ng ating kaalaman nang kaunti. 00:09:10.000 --> 00:09:13.000 Dahil akala lang natin na ang mga sinungaling ay palaging 'di mapakali. 00:09:13.000 --> 00:09:16.000 Ang totoo, sadyang tumitigas ang pang-itaas na katawan tuwing sila'y nagsisinungaling. 00:09:16.000 --> 00:09:19.000 Akala natin na ang mga sinungaling ay hindi tumitingin sa mata. 00:09:19.000 --> 00:09:21.000 Ang totoo, sadyang tumitingin sila ng husto sa mata 00:09:21.000 --> 00:09:23.000 upang baliktarin ang ating akala. 00:09:23.000 --> 00:09:25.000 Akala natin na ang pagiging malapit na loob at pagngiti 00:09:25.000 --> 00:09:27.000 ay naglalahad ng pagiging totoo at katapatan. 00:09:27.000 --> 00:09:29.000 Ngunit ang isang dalubhasang liespotter 00:09:29.000 --> 00:09:31.000 ay nakakakilala ng pekeng ngiti kahit isang milya pa ang layo. 00:09:31.000 --> 00:09:34.000 Nakikilala niyo ba ang pekeng ngiti dito? 00:09:35.000 --> 00:09:37.000 Kayang-kaya ninyong galawin 00:09:37.000 --> 00:09:40.000 ang kalamnan ng inyong pisngi. 00:09:40.000 --> 00:09:43.000 Ngunit ang tatak ng ngiti ay nasa mata, sa mga kulubot ng mga mata. 00:09:43.000 --> 00:09:45.000 Hindi 'yan kayang galawin ng isipan lamang, 00:09:45.000 --> 00:09:47.000 lalo na kung nasobrahan ang Botox. 00:09:47.000 --> 00:09:50.000 Kaya huwag pasobrahan ang Botox ha; walang maniniwala sa inyo. NOTE Paragraph 00:09:50.000 --> 00:09:52.000 Ngayon naman, tingnan natin ang mga hot spots. 00:09:52.000 --> 00:09:54.000 Alam mo ba ang nangyayari sa isang usapan? 00:09:54.000 --> 00:09:57.000 Kaya niyo bang hanapin ang mga hot spots 00:09:57.000 --> 00:09:59.000 na nagpapakita 00:09:59.000 --> 00:10:01.000 ng di-tugmang salita sa gawa? 00:10:01.000 --> 00:10:03.000 Alam ko na napakadali lang nito, 00:10:03.000 --> 00:10:05.000 pero kung kayo ang nakikipag-usap 00:10:05.000 --> 00:10:08.000 sa isang tao na pinaghihinalaan niyong manloloko, 00:10:08.000 --> 00:10:11.000 ang ugali't saloobin ay ang pinaka-nilalantaw na palatandaan sa lahat. NOTE Paragraph 00:10:11.000 --> 00:10:13.000 Ang mga totoong tao ay makikipagtulungan. 00:10:13.000 --> 00:10:15.000 Ipapakita nila na sila'y nasa inyong panig. 00:10:15.000 --> 00:10:17.000 Sila ay ganado. 00:10:17.000 --> 00:10:19.000 Sila ay buong-loob na tutulong na malaman niyo ang katotohanan. 00:10:19.000 --> 00:10:22.000 Sila ay makikipagtalakayan, magsasabi ng mga posibleng salarin, 00:10:22.000 --> 00:10:24.000 at magbibigay ng detalye. 00:10:24.000 --> 00:10:26.000 Sasabihin nila, "Naku, 00:10:26.000 --> 00:10:29.000 siguro pineke ng mga tao sa payroll ang mga tseke." 00:10:29.000 --> 00:10:32.000 Nangangalit sila kapag sila'y pinagbibintangan 00:10:32.000 --> 00:10:34.000 habang sila'y nasa panayam, at hindi 'yung pabugso-bugso lang; 00:10:34.000 --> 00:10:37.000 sila'y nangangalit sa buong panayam. 00:10:37.000 --> 00:10:39.000 At kung itatanong niyo sa totoong tao 00:10:39.000 --> 00:10:42.000 kung ano ang dapat mangyari sa taong pumeke ng mga tseke, 00:10:42.000 --> 00:10:44.000 mas malamang na sasabihin niyang 00:10:44.000 --> 00:10:48.000 mas mabigat ang parusa nararapat dito. NOTE Paragraph 00:10:48.000 --> 00:10:50.000 Kunwari ay pare-pareho ang ating pinag-uusapan 00:10:50.000 --> 00:10:52.000 sa isang taong nanloloko. 00:10:52.000 --> 00:10:54.000 Ang taong sinungaling ay maaaring maging tahimik, 00:10:54.000 --> 00:10:56.000 hindi makatingin, bababa ang boses, 00:10:56.000 --> 00:10:58.000 titigil ng kaunti, hindi mapakali. 00:10:58.000 --> 00:11:00.000 Tanungin niyo ang isang taong manloloko na ilahad and kanyang istorya, 00:11:00.000 --> 00:11:03.000 at siguradong ito'y dadagdagan ng iba't ibang detalye 00:11:03.000 --> 00:11:06.000 na wala sa lugar. 00:11:06.000 --> 00:11:09.000 Madalas, napakapulido ng salaysay nila. 00:11:09.000 --> 00:11:11.000 Kaya ang ginagawa ng mga eksperto sa pagtatanong 00:11:11.000 --> 00:11:13.000 ay unti-unti nila itong sinisiyasat 00:11:13.000 --> 00:11:15.000 sa loob ng maraming oras, 00:11:15.000 --> 00:11:18.000 at ipapaulit ang salaysay ng pabaligtad, 00:11:18.000 --> 00:11:20.000 at ngayo'y mapapansin ang pamamaluktot, 00:11:20.000 --> 00:11:23.000 lalo na sa iilang tanong. 00:11:23.000 --> 00:11:26.000 Bakit nila ginagawa ito? Ang totoo, ginagawa din natin iyon. 00:11:26.000 --> 00:11:28.000 Ini-insayo natin ang ating pananalita, 00:11:28.000 --> 00:11:30.000 ngunit bihira nating ini-ensayo ang ating galaw. 00:11:30.000 --> 00:11:32.000 Sasabihin nating "oo," pero umiiling tayo ng "hindi." 00:11:32.000 --> 00:11:35.000 Kapani-paniwala na sana ang salaysay, ikinikibit naman natin ang ating balikat. 00:11:35.000 --> 00:11:37.000 Gumagawa tayo ng krimen, 00:11:37.000 --> 00:11:40.000 at napapangiti tayo kapag hindi tayo nahuli. 00:11:40.000 --> 00:11:43.000 Ang tawag niyan ay " tuwa dulot ng pagsisinungaling." NOTE Paragraph 00:11:43.000 --> 00:11:46.000 Makikita natin ito mamaya sa ilang mga bidyo, 00:11:46.000 --> 00:11:48.000 ngunit tayo'y magsisimula sa umpisa -- para doon sa mga 'di nakakakilala sa kanya, 00:11:48.000 --> 00:11:51.000 siya ang kandidatong pagkapangulo na si John Edwards 00:11:51.000 --> 00:11:54.000 na gumimbal sa Amerika dahil sa pagkakaroon ng anak sa labas. 00:11:54.000 --> 00:11:57.000 Makikita natin siyang nakikipagtalakayan tungkol sa pagkuha ng paternity test. 00:11:57.000 --> 00:11:59.000 Panoorin niyo nang mabuti at tingnan ninyo: 00:11:59.000 --> 00:12:01.000 sinasabi niya "oo" habang siya'y umiiling ng "hindi," 00:12:01.000 --> 00:12:03.000 at kumikibit ang kanyang balikat. NOTE Paragraph 00:12:03.000 --> 00:12:05.000 (Bidyo): John Edwards: Masaya akong gawin ito. 00:12:05.000 --> 00:12:08.000 Alam ko na hindi posibleng anak ko ang batang ito, 00:12:08.000 --> 00:12:10.000 dahil sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. 00:12:10.000 --> 00:12:12.000 Alam ko na hindi ito posible. 00:12:12.000 --> 00:12:14.000 Masaya akong gagawin ang paternity test, 00:12:14.000 --> 00:12:16.000 at nais ko makita kung ano ang mangyayari. 00:12:16.000 --> 00:12:19.000 Tagapagtanong: Gagawin niyo ba ito sa lalong madaling panahon? Mayroon bang -- 00:12:19.000 --> 00:12:22.000 JE: Alam niyo, isang panig lamang ako. Isang panig lang ako sa test na ito. 00:12:22.000 --> 00:12:25.000 Pero masaya akong gawin ito. NOTE Paragraph 00:12:25.000 --> 00:12:27.000 PM: Okay, ang mga iling na iyan ay mas madaling makita 00:12:27.000 --> 00:12:29.000 kung ito'y inyong hinahanap. 00:12:29.000 --> 00:12:31.000 May mga pagkakataon 00:12:31.000 --> 00:12:33.000 na ang isang tao ay may ipapakitang kaanyuhan sa mukha 00:12:33.000 --> 00:12:36.000 habang meron silang tinatago, at lumalabas nalang ito ng bigla. 00:12:37.000 --> 00:12:39.000 Ang mga mamamatay-tao ay kilalang nagpapakita ng kalungkutan. 00:12:39.000 --> 00:12:41.000 Ang inyong bagong ka-negosyo ay maaaring makipagkamay sa inyo, 00:12:41.000 --> 00:12:43.000 magsaya, sumamang kumain sa labas, 00:12:43.000 --> 00:12:46.000 ngunit may natatagong galit pala. 00:12:46.000 --> 00:12:49.000 Hindi naman natin natututunan ang mga ito agad-agad, 00:12:49.000 --> 00:12:52.000 ngunit may isang bagay akong ituturo na sadyang nakakatakot, at ito'y madaling pag-aralan, 00:12:52.000 --> 00:12:55.000 at iyon ang pagkutya. 00:12:55.000 --> 00:12:58.000 Sa galit, may dalawang taong kasali. 00:12:58.000 --> 00:13:00.000 Matuturing pa rin itong malusog na relasyon. 00:13:00.000 --> 00:13:02.000 Ngunit kapag ang galit ay naging pagkutya, 00:13:02.000 --> 00:13:04.000 kawawa ka. 00:13:04.000 --> 00:13:06.000 May kaakibat itong mataas na pagtingin sa sarili. 00:13:06.000 --> 00:13:09.000 At dahil dito, mahirap itong itanggi. 00:13:09.000 --> 00:13:11.000 Ganito ang tinutukoy kong itsura. 00:13:11.000 --> 00:13:13.000 Kapuna-puna ang pag-angat 00:13:13.000 --> 00:13:15.000 at ang paloob na gilid ng labi. 00:13:15.000 --> 00:13:18.000 Ito ang nag-iisang anyo ng mukha na hindi pantay. 00:13:18.000 --> 00:13:20.000 At kung ito'y nangungutya, 00:13:20.000 --> 00:13:22.000 di natin masisigurong susunod ang panloloko -- 00:13:22.000 --> 00:13:24.000 at 'di naman lagi -- 00:13:24.000 --> 00:13:26.000 talikuran niyo na, iwasan niyo na, 00:13:26.000 --> 00:13:28.000 pag-isipan niyo ang kasunduan, 00:13:28.000 --> 00:13:32.000 sabihin ninyo, "Hindi na bale, salamat. Hindi na rin ako aakyat para magkape. Salamat." NOTE Paragraph 00:13:32.000 --> 00:13:34.000 Marami pang 00:13:34.000 --> 00:13:36.000 maituturo ang agham sa atin tungkol dito. 00:13:36.000 --> 00:13:38.000 Alam natin, halimbawa, 00:13:38.000 --> 00:13:40.000 na ang mga sinungaling ay mag-iiba ang kisap ng kanilang mata, 00:13:40.000 --> 00:13:42.000 at ituturo ng kanilang paa ang pinto palabas. 00:13:42.000 --> 00:13:44.000 Maglalagay sila ng mga balakid 00:13:44.000 --> 00:13:47.000 sa pagitan nila at ng tagapagtanong. 00:13:47.000 --> 00:13:49.000 Babaguhin nila ang tono ng kanilang boses, 00:13:49.000 --> 00:13:52.000 madalas ito'y bababa. 00:13:52.000 --> 00:13:54.000 Ganito 'yan. 00:13:54.000 --> 00:13:57.000 Ang mga ito ay ugali, at ugali lamang. 00:13:57.000 --> 00:13:59.000 Hindi ito patunay ng panloloko. 00:13:59.000 --> 00:14:01.000 Ito'y mga pagbabadya lang. 00:14:01.000 --> 00:14:03.000 Tayo'y mga tao lamang. 00:14:03.000 --> 00:14:06.000 Ginagawa natin ang mga tila ugaling panloloko araw-araw. 00:14:06.000 --> 00:14:08.000 Hindi ito batayan ng kahit ano man. 00:14:08.000 --> 00:14:11.000 Pero 'pag ito'y magkakasama, ayan ang inyong batayan. 00:14:11.000 --> 00:14:14.000 Tingnan niyo, makinig kayo, usisain niyo, magtanong kayo ng mahirap na tanong, 00:14:14.000 --> 00:14:17.000 lagpasan ang sitwasyon kung saan kayo komportable, 00:14:17.000 --> 00:14:20.000 maging mausisa, magtanong palagi, 00:14:20.000 --> 00:14:23.000 bigyang dangal ang sarili at harapin nang mahusay ang kausap. 00:14:23.000 --> 00:14:26.000 Huwag tularan ang mga nasa "Law & Order" at iba pang palabas ng TV 00:14:26.000 --> 00:14:28.000 na pinipilit sumuko ang pinaghihinalaan. 00:14:28.000 --> 00:14:31.000 Huwag maging lubos na mapangahas, hindi ito nakakatulong. NOTE Paragraph 00:14:31.000 --> 00:14:33.000 Napag-usapan na natin nang kaunti 00:14:33.000 --> 00:14:35.000 kung paano makipag-usap sa isang singungaling 00:14:35.000 --> 00:14:37.000 at kung ano ang palatandaan nito. 00:14:37.000 --> 00:14:40.000 At tulad ng aking pangako, titingnan natin kung ano ang mukha ng katotohanan. 00:14:40.000 --> 00:14:42.000 Meron muna akong ipapakitang dalawang bidyo, 00:14:42.000 --> 00:14:45.000 2 ina -- 1 nagsisinungaling at 1 nagsasabi ng totoo. 00:14:45.000 --> 00:14:47.000 Ang siyang nagpalabas nito 00:14:47.000 --> 00:14:49.000 ay ang mananaliksik na si David Matsumoto mula California. 00:14:49.000 --> 00:14:51.000 At sa tingin ko, ito'y magandang halimbawa 00:14:51.000 --> 00:14:53.000 ng mukha ng katotohanan. NOTE Paragraph 00:14:53.000 --> 00:14:55.000 Si Diane Downs, isang ina, 00:14:55.000 --> 00:14:57.000 ay binaril ang kanyang mga anak 00:14:57.000 --> 00:14:59.000 at itinakbo sa ospital 00:14:59.000 --> 00:15:01.000 habang nauubusan ng dugo ang mga ito sa loob ng kotse, 00:15:01.000 --> 00:15:03.000 at gumawa ng kwentong isang estranghero ang bumaril sa kanila. 00:15:03.000 --> 00:15:05.000 Sa bidyong ito, 00:15:05.000 --> 00:15:07.000 hindi man lang naging kapani-paniwala ang kanyang pighati. 00:15:07.000 --> 00:15:09.000 Pansinin niyo dito 00:15:09.000 --> 00:15:11.000 ang 'di-pagkakatugma ng 00:15:11.000 --> 00:15:13.000 kakila-kilabot na pangyayari 00:15:13.000 --> 00:15:15.000 at ang kanyang manhid na pagkilos. 00:15:15.000 --> 00:15:18.000 At kung papansinin, makikita niyo ang galak na dulot ng panloloko na tinutukoy ko kanina. NOTE Paragraph 00:15:18.000 --> 00:15:20.000 (Bidyo) Diane Downs: Tuwing gabing pinipikit ko ang aking mga mata, 00:15:20.000 --> 00:15:23.000 nakikita ko si Christie na pilit inaabot ang aking kamay, 00:15:23.000 --> 00:15:26.000 habang lumalabas ang dugo sa kanyang bibig. 00:15:26.000 --> 00:15:28.000 At iyan -- siguro mawawala din 'to pagdating ng araw -- 00:15:28.000 --> 00:15:30.000 'di ako alam. 00:15:30.000 --> 00:15:33.000 Iyan ang lubos kong kinakatakutan. NOTE Paragraph 00:15:40.000 --> 00:15:42.000 PM: Ipapakita ko sa inyo ngayon ang isang bidyo 00:15:42.000 --> 00:15:44.000 ng inang si Erin Runnion, na tunay na nagluluksa 00:15:44.000 --> 00:15:48.000 at dumalo sa korte upang harapin ang pumatay sa kanyang anak na babae. 00:15:48.000 --> 00:15:50.000 Dito, wala kayong makikitang pekeng damdamin, 00:15:50.000 --> 00:15:53.000 kundi isang tunay na pagluluksa ng isang ina. NOTE Paragraph 00:15:53.000 --> 00:15:55.000 (Bidyo) Erin Runnion: Sinulat ko ang salaysay na ito sa ikatlong anibersaryo 00:15:55.000 --> 00:15:57.000 ng pagkamatay ng aking anak nang dahil sa iyo, 00:15:57.000 --> 00:15:59.000 sinaktan mo siya, 00:15:59.000 --> 00:16:01.000 winasak mo, 00:16:01.000 --> 00:16:05.000 at tinakot mo hanggang sa huminto ang kanyang puso. 00:16:05.000 --> 00:16:08.000 Lumaban siya, alam kong nilabanan ka niya. 00:16:08.000 --> 00:16:10.000 Alam kong tiningnan ka niya 00:16:10.000 --> 00:16:12.000 mula sa kanyang mga kayumangging mata, 00:16:12.000 --> 00:16:15.000 at ninais mo pa rin siyang patayin. 00:16:15.000 --> 00:16:17.000 Hindi ko ito maintindihan, 00:16:17.000 --> 00:16:20.000 hindi kailanman. NOTE Paragraph 00:16:20.000 --> 00:16:24.000 PM: Hindi maitatanggi ang katotohanan sa damdaming iyon. NOTE Paragraph 00:16:24.000 --> 00:16:27.000 Yumayabong lalo ang teknolohiya at agham ng pagtukoy 00:16:27.000 --> 00:16:30.000 sa katotohanan. 00:16:30.000 --> 00:16:32.000 Halimbawa 00:16:32.000 --> 00:16:35.000 may mahuhusay na eye trackers at infrared brain scans, 00:16:35.000 --> 00:16:38.000 mga MRI na nakikita ang pagpapahiwatig ng ating katawan 00:16:38.000 --> 00:16:40.000 tuwing tayo’y nagsisinungaling. 00:16:40.000 --> 00:16:43.000 At ang mga teknolohiyang ito ay ibebenta sa atin 00:16:43.000 --> 00:16:45.000 bilang sagot sa panloloko, 00:16:45.000 --> 00:16:48.000 at ang mga ito’y makakatulong pagdating ng araw. 00:16:48.000 --> 00:16:50.000 Pero sa ngayon, tanungin ninyo ang inyong sarili: 00:16:50.000 --> 00:16:52.000 Sino ang gusto ninyong katabi sa isang kumpulan, 00:16:52.000 --> 00:16:55.000 isang taong sanay na maghanap ng katotohanan 00:16:55.000 --> 00:16:57.000 o isang taong may hawak ng mabigat na EEG 00:16:57.000 --> 00:16:59.000 pagpasok ng pinto? NOTE Paragraph 00:16:59.000 --> 00:17:03.000 Gumagamit ng kaalamang pantao ang mga lispotter. 00:17:03.000 --> 00:17:05.000 Alam nila, tulad ng sinabi minsan ng isang tao, 00:17:05.000 --> 00:17:07.000 "Ang tunay na pagkatao ay kung sino ka sa dilim." 00:17:07.000 --> 00:17:09.000 At nakakatuwang sabihin na 00:17:09.000 --> 00:17:11.000 sa mga panahon ngayon, paminsan-minsan nalang ang kadiliman. 00:17:11.000 --> 00:17:14.000 May liwanag sa mundo ng 24 oras kada araw. 00:17:14.000 --> 00:17:16.000 Ngayon, walang tinatago 00:17:16.000 --> 00:17:18.000 ang mga blogs at social networks 00:17:18.000 --> 00:17:20.000 sa pagpapahayag ng mga saloobin ng bagong henerasyon 00:17:20.000 --> 00:17:23.000 na pinipiling ilahad ang kanilang buhay sa madla. 00:17:23.000 --> 00:17:27.000 Mas maingay na ang mundo kaysa sa dati. 00:17:27.000 --> 00:17:29.000 Ang pinakamalaking hamon 00:17:29.000 --> 00:17:31.000 na marapat tandaan, 00:17:31.000 --> 00:17:34.000 na ang lubos-lubos na paglalahad ay hindi nangangahulugang totoo ito. 00:17:34.000 --> 00:17:36.000 Ang ating madalas na pag-tweet at pag-text 00:17:36.000 --> 00:17:38.000 ay nakakabulag sa katotohanan na 00:17:38.000 --> 00:17:41.000 ang pagiging simple at disente -- marangal na pagkatao -- 00:17:41.000 --> 00:17:44.000 iyan pa rin ang pinakamahalaga, higit sa lahat. 00:17:44.000 --> 00:17:46.000 Sa gitna ng ingay na mundo, 00:17:46.000 --> 00:17:48.000 nararapat siguro 00:17:48.000 --> 00:17:50.000 na ipaglaban natin ng husto 00:17:50.000 --> 00:17:53.000 ang ating kaugaliang marangal. NOTE Paragraph 00:17:53.000 --> 00:17:55.000 Kapag pinagsama ang kaalamang pagkikilala ng panloloko 00:17:55.000 --> 00:17:57.000 at ang sining ng pagpansin at pakikinig, 00:17:57.000 --> 00:18:00.000 kayo’y lumalayo sa isang kasinungalingan. 00:18:00.000 --> 00:18:02.000 Umpisahan tahakin ang daan 00:18:02.000 --> 00:18:04.000 tungo sa pagiging totoo sa mga kilos, 00:18:04.000 --> 00:18:06.000 dahil ipinapahayag niyo sa lahat ng nasa paligid niyo, 00:18:06.000 --> 00:18:09.000 sinasabi niyo, "Alam niyo, ang aking mundo, ang ating mundo, 00:18:09.000 --> 00:18:11.000 ay magiging makatotohanan. 00:18:11.000 --> 00:18:13.000 Ang aking mundo ay kung saan pinagtitibay ang katotohanan 00:18:13.000 --> 00:18:16.000 at tinutukoy at nilulupig ang kasinungalingan." 00:18:16.000 --> 00:18:18.000 At kapag iyan ang iyong ginawa, 00:18:18.000 --> 00:18:21.000 unti-unting magbabago ang iyong kapaligiran. NOTE Paragraph 00:18:21.000 --> 00:18:24.000 At 'yan ang katotohanan. Maraming salamat. NOTE Paragraph 00:18:24.000 --> 00:18:29.000 (Palakpakan)