-
Di naka-plug na Aktibidad |
Relay Programming
-
Kumusta, ako si Anna! Gagawin natin ngayon
ang relay na programming.
-
Tungkol ito sa programming na mapanghamon
at pag-debug ng pagkakamali na kung minsan
-
nangyayari pag nagmamadali ka o nasa team.
Gagamit tayo graph paper programming upang
-
gayahin ang pag-coding, at gamitin ang relay upang
gayahin ang deadline. Sa relay programming, ang teams
-
ay magkakarera upang tapusin ang graph paper program.
Kailangan mong suriin ang trabaho ng kasama mo, o
-
i-debug ito, ayusin kung may mali, idagdag ang arrow mo,
at tumakbo pabalik at i-tag ang kasama mo sa team.
-
Ginagamit ng mga programmer ang pag-debug upang
hanapin at ayusin ang mga problema sa mga algorithm o code nila.
-
May maraming paraan upang mag-debug ng mga problema.
Ang isa sa pinakamadaling paraan ay ang step by step na paggalaw
-
hanggang sa makita mo kung saan may mali, at ayusin ito.
Heto, sinusubukan kong gawin ang back
-
handspring, pero patuloy akong nahuhulog. Sinusundan ko
ang bawat bahagi, step by step, at napagtanto
-
kung saan ang pagkakamali ko. Ipinakita ng coach ko
na hindi ko inilalagay nang tama ang mga kamay ko sa beam.
-
Kaya sinubukan ko ang isa pang back handspring sa beam
gamit ang bagong posisyon ng kamay ko, at nakuha
-
ko! Tuwang-tuwa ako na na-debug ko na
ang aking back handspring. Nakuha namin!
-
Ang pag-debug ay paghahanap
at pag-aayos ng mga problema.
-
Mahusay, Anna! Magaling!