< Return to Video

Dance Party - Warm Up

  • 0:02 - 0:07
    Oras ng Code | Dance Party: Warm Up
  • 0:08 - 0:12
    (Miral, Dancer and Software Developer, Created
    iLuminate) - Hi!
  • 0:12 - 0:16
    Ako po si Miral Kotb at isa po akong dancer, software
    developer, at tagalikha ng iLuminate.
  • 0:16 - 0:22
    Kaya, ang computer science ay may kaugnayan sa
    pagkamalikhain sa maraming paraan.
  • 0:22 - 0:23
    Hindi nasusukat, talaga.
  • 0:23 - 0:28
    Ibig kong sabihin, kapag may kakayahan kang sumulat
    ng software, mailalagay mo ang mga ideya sa anumang
    bagay.
  • 0:28 - 0:31
    Ginagawa ko ito sa mga kasuotang may ilaw.
  • 0:31 - 0:36
    May napakarami kang magagawa kapag may mga tool kang
    sumulat ng software, at ang mga posibilidad
  • 0:36 - 0:39
    ay talagang walang hanggan.
  • 0:39 - 0:44
    Sa loob ng susunod na oras, magsisimula ka sa computer
    science sa pamamagitan ng pag-program
  • 0:44 - 0:45
    sa iyong sariling dance pary!
  • 0:45 - 0:49
    Tinipon namin ang ilang sikat na musika at isang
    team ng magagaling na mga dancer para laruin mo.
  • 0:49 - 0:56
    Gagamit ka ng mga block ng code para piliin ang
    iba’t ibang dancer, baguhin ang kanilang mga galaw
    sa sayaw,
  • 0:56 - 1:00
    Patugunin sila sa musika, at gawin silang
    interactive.
  • 1:00 - 1:05
    Makikita mo na hinahati sa tatlong pangunahing parte
    ang iyong screen.
  • 1:05 - 1:07
    Sa kaliwa ay ang espasyo ng laro.
  • 1:07 - 1:10
    Dito magpapakita ang iyong mga dancer.
  • 1:10 - 1:13
    Ang gitnang bahagi ay ang toolbox.
  • 1:13 - 1:18
    Ang mga bagong block ng code ay available sa espasyong
    ito habang nagpapatuloy ka sa mga leksyon.
  • 1:18 - 1:22
    Ang espasyo sa kanan ay ang workspace.
  • 1:22 - 1:28
    Pwede mong hilahin ang mga block palabas ng toolbox
    at papunta sa workspace para buuhin ang iyong
    program.
  • 1:28 - 1:34
    Ang mga tagubilin para sa bawat lebel ay narito sa
    itaas ng screen.
  • 1:34 - 1:41
    Kung kailangan mo ng hint, i-click lamang ang
    bumbilya.
  • 1:41 - 1:46
    Para mag-umpisa, gagawa tayo ng bagong dancer sa
    pulang block na ito.
  • 1:46 - 1:53
    Una, hilahin ito palabas ng toolbox at i-snap ito
    sa ilalim nitong kahel na “setup” block.
  • 1:53 - 1:58
    Ang dancer na ito ay isang pusa at ang pangalan nito
    ay “my_first_dancer”.
  • 1:58 - 2:04
    Pwede mong palitan ang pangalan sa anumang pangalan
    na gusto mo sa pamamagitan ng pag-click dito.
  • 2:04 - 2:10
    Pwede mo ring baguhin kung saan lalabas ang dancer
    sa iyong espasyo ng laro gamit ito.
  • 2:10 - 2:13
    Ang itaas ng espasyo ng laro ay ang menu para sa
    pagpili ng musika.
  • 2:13 - 2:19
    May napakaraming awit na mapagpipilian kaya magpakasaya
    sa paghahanap ng iyong mga paborito.
  • 2:19 - 2:21
    Sa ilalim ng espasyo ng laro ay ang run button.
  • 2:21 - 2:26
    Kapag pinindot mo ang run, makikita mo ang mga dancer
    mula sa iyong program na lalabas sa espasyo ng
    laro
  • 2:26 - 2:31
    at tutugtog ang musika.
  • 2:31 - 2:36
    [Music]
  • 2:36 - 2:37
    Subukan mo nang ikaw lang!
  • 2:37 - 2:39
    At kung pakiramdam mo hindi ka makakagalaw, okay
    lamang!
  • 2:39 - 2:44
    Bumangon lamang at patuloy na gumalaw, at bago mo
    mapansin, nagawa mo na ang iyong sariling dancy
  • 2:44 - 2:45
    party.
  • 2:45 - 2:49
    Kaya, ano ang lilikhain mo?
Title:
Dance Party - Warm Up
Description:

Start learning at http://code.org/

Stay in touch with us!
• on Twitter https://twitter.com/codeorg
• on Facebook https://www.facebook.com/Code.org
• on Instagram https://instagram.com/codeorg
• on Tumblr https://blog.code.org
• on LinkedIn https://www.linkedin.com/company/code-org
• on Google+ https://google.com/+codeorg

more » « less
Video Language:
English
Duration:
02:56
TranslateByHumans edited Filipino subtitles for Dance Party - Warm Up

Filipino subtitles

Revisions