Oras ng Code | Dance Party: Warm Up (Miral, Dancer and Software Developer, Created iLuminate) - Hi! Ako po si Miral Kotb at isa po akong dancer, software developer, at tagalikha ng iLuminate. Kaya, ang computer science ay may kaugnayan sa pagkamalikhain sa maraming paraan. Hindi nasusukat, talaga. Ibig kong sabihin, kapag may kakayahan kang sumulat ng software, mailalagay mo ang mga ideya sa anumang bagay. Ginagawa ko ito sa mga kasuotang may ilaw. May napakarami kang magagawa kapag may mga tool kang sumulat ng software, at ang mga posibilidad ay talagang walang hanggan. Sa loob ng susunod na oras, magsisimula ka sa computer science sa pamamagitan ng pag-program sa iyong sariling dance pary! Tinipon namin ang ilang sikat na musika at isang team ng magagaling na mga dancer para laruin mo. Gagamit ka ng mga block ng code para piliin ang iba’t ibang dancer, baguhin ang kanilang mga galaw sa sayaw, Patugunin sila sa musika, at gawin silang interactive. Makikita mo na hinahati sa tatlong pangunahing parte ang iyong screen. Sa kaliwa ay ang espasyo ng laro. Dito magpapakita ang iyong mga dancer. Ang gitnang bahagi ay ang toolbox. Ang mga bagong block ng code ay available sa espasyong ito habang nagpapatuloy ka sa mga leksyon. Ang espasyo sa kanan ay ang workspace. Pwede mong hilahin ang mga block palabas ng toolbox at papunta sa workspace para buuhin ang iyong program. Ang mga tagubilin para sa bawat lebel ay narito sa itaas ng screen. Kung kailangan mo ng hint, i-click lamang ang bumbilya. Para mag-umpisa, gagawa tayo ng bagong dancer sa pulang block na ito. Una, hilahin ito palabas ng toolbox at i-snap ito sa ilalim nitong kahel na “setup” block. Ang dancer na ito ay isang pusa at ang pangalan nito ay “my_first_dancer”. Pwede mong palitan ang pangalan sa anumang pangalan na gusto mo sa pamamagitan ng pag-click dito. Pwede mo ring baguhin kung saan lalabas ang dancer sa iyong espasyo ng laro gamit ito. Ang itaas ng espasyo ng laro ay ang menu para sa pagpili ng musika. May napakaraming awit na mapagpipilian kaya magpakasaya sa paghahanap ng iyong mga paborito. Sa ilalim ng espasyo ng laro ay ang run button. Kapag pinindot mo ang run, makikita mo ang mga dancer mula sa iyong program na lalabas sa espasyo ng laro at tutugtog ang musika. [Music] Subukan mo nang ikaw lang! At kung pakiramdam mo hindi ka makakagalaw, okay lamang! Bumangon lamang at patuloy na gumalaw, at bago mo mapansin, nagawa mo na ang iyong sariling dancy party. Kaya, ano ang lilikhain mo?