AI: What is Machine Learning?
-
0:08 - 0:12Ako po si Ale Flores, at ako po’y product
manager sa Alexa. -
0:12 - 0:15Ako po si Dr. Chelsea Haupt. Nagtatrabaho ako sa Allen Institute para sa Artificial Intelligence,
-
0:15 - 0:20at nagtatrabaho ako sa AI-powered academic search engine.
-
0:21 - 0:26Sa lahat sa paligid mo, ang computer ang
nagdedesisyon, at ang mga desisyong iyon ay nakakaapekto sa iyong -
0:26 - 0:31araw-araw na buhay. Kapag naghahanap ka sa internet
-
0:31 - 0:34o nag-i-scroll sa mga newsfeed,
magpapasya ang mga computer kung ano ang makikita mo. -
0:34 - 0:39Makikilala na ng mga computer ang iyong mukha at mauunawaan ang iyong boses,
-
0:39 - 0:44malapit nang magmamaneho ang mga ito ng mga sasakyan at madedetek ang mga sakit, mas mahusay pa nga kaysa mga tao.
-
0:44 - 0:47Kaya, paano posible ang alinman sa mga ito?
-
0:48 - 0:53Maaaring naririnig mo na ang isang bagay na tinatawag na AI o artificial intelligence.
-
0:53 - 0:57Ang mga malalaking epekto ng tunay na artificial intelligence ay hindi pa makikita mga dekada pa.
-
0:57 - 1:02Ngunit ang isang uri ng AI ay narito ngayon, na tinatawag na Machine Learning.
-
1:02 - 1:05Ito ang isang uri ng AI na malamang nakikipag-interact ka araw-araw, nang hindi ito namamalayan.
-
1:05 - 1:11May pagkakataon ito na matulungan tayong harapin ang ilan sa malalaking hamon ng mundo.
-
1:13 - 1:18Ang machine learning ay ang kung paano kinikilala ng mga computer ang mga pattern, at nagdedesisyon nang
-
1:18 - 1:21hindi direktang pino-program.
-
1:22 - 1:28Ang labis na nakakapanabik, ito ay ganap na kakaibang
-
1:28 - 1:30paraan para i-program ang isang computer
kaysa nagawa na natin dati. -
1:31 - 1:37Sa machine learning, sa halip na pino-program ang isang computer nang detalyado,
-
1:37 - 1:44maaari kang mag-program para matuto tulad ng nalalaman mo, sa pamamagitan ng trial at error, at maraming praktis.
-
1:45 - 1:49Ang natutunan ay nagmumula sa karanasan, at totoo rin iyan para sa machine learning.
-
1:49 - 1:54Sa sitwasyong ito, ang “karanasan” ay nangangahulugang maraming-maraming datos.
-
1:54 - 1:58Matatanggap ng machine learning ang anumang uri ng datos:
-
1:58 - 2:05Mga imahe, video, audio, o text, at magsisimula
sa pagkilala sa mga pattern sa datos na iyon. -
2:06 - 2:11Kapag natuto na itong makilala ang mga pattern sa datos, matutunan din nitong maghula batay sa
-
2:11 - 2:13mga pattern na iyon.
-
2:13 - 2:18Tulad ng pagpansin sa kaibahan sa pagitan ng imahe ng isang sasakyan, at imahe ng isang bisikleta.
-
2:21 - 2:26Ang AI at machine learning ay gumaganap ng papalaking papel sa lipunan sa kabuuan,
-
2:27 - 2:29at humuhubog sa lahat ng ating mga hinaharap.
-
2:29 - 2:35Kaya napakahalagang matutunan kung paano ito gumagana, gamit ang ilang personal na karanasan.
-
2:35 - 2:39Ngayon, may pagkakataon ka na sanayin ang iyong sariling model ng machine learning.
-
2:41 - 2:47Tandaan, ang AI ay tulad ng alinmang tool: una matutunan mo ang kaalaman, pagkatapos maaangkin mo ang kapangyarihan!
- Title:
- AI: What is Machine Learning?
- Description:
-
AI is all around us. The most widely used form of AI is called Machine Learning and you probably interact with it every day. Find out what Machine Learning is and how it's changing our world.
Start learning at http://code.org/
Stay in touch with us!
• on Twitter https://twitter.com/codeorg
• on Facebook https://www.facebook.com/Code.org
• on Instagram https://instagram.com/codeorg
• on Tumblr https://blog.code.org
• on LinkedIn https://www.linkedin.com/company/code-org
• on Google+ https://google.com/+codeorg - Video Language:
- English
- Team:
- Code.org
- Project:
- CSF '21-'22
- Duration:
- 02:56
TranslateByHumans edited Tagalog subtitles for AI: What is Machine Learning? |