Ako po si Ale Flores, at ako po’y product
manager sa Alexa.
Ako po si Dr. Chelsea Haupt. Nagtatrabaho ako sa Allen Institute para sa Artificial Intelligence,
at nagtatrabaho ako sa AI-powered academic search engine.
Sa lahat sa paligid mo, ang computer ang
nagdedesisyon, at ang mga desisyong iyon ay nakakaapekto sa iyong
araw-araw na buhay. Kapag naghahanap ka sa internet
o nag-i-scroll sa mga newsfeed,
magpapasya ang mga computer kung ano ang makikita mo.
Makikilala na ng mga computer ang iyong mukha at mauunawaan ang iyong boses,
malapit nang magmamaneho ang mga ito ng mga sasakyan at madedetek ang mga sakit, mas mahusay pa nga kaysa mga tao.
Kaya, paano posible ang alinman sa mga ito?
Maaaring naririnig mo na ang isang bagay na tinatawag na AI o artificial intelligence.
Ang mga malalaking epekto ng tunay na artificial intelligence ay hindi pa makikita mga dekada pa.
Ngunit ang isang uri ng AI ay narito ngayon, na tinatawag na Machine Learning.
Ito ang isang uri ng AI na malamang nakikipag-interact ka araw-araw, nang hindi ito namamalayan.
May pagkakataon ito na matulungan tayong harapin ang ilan sa malalaking hamon ng mundo.
Ang machine learning ay ang kung paano kinikilala ng mga computer ang mga pattern, at nagdedesisyon nang
hindi direktang pino-program.
Ang labis na nakakapanabik, ito ay ganap na kakaibang
paraan para i-program ang isang computer
kaysa nagawa na natin dati.
Sa machine learning, sa halip na pino-program ang isang computer nang detalyado,
maaari kang mag-program para matuto tulad ng nalalaman mo, sa pamamagitan ng trial at error, at maraming praktis.
Ang natutunan ay nagmumula sa karanasan, at totoo rin iyan para sa machine learning.
Sa sitwasyong ito, ang “karanasan” ay nangangahulugang maraming-maraming datos.
Matatanggap ng machine learning ang anumang uri ng datos:
Mga imahe, video, audio, o text, at magsisimula
sa pagkilala sa mga pattern sa datos na iyon.
Kapag natuto na itong makilala ang mga pattern sa datos, matutunan din nitong maghula batay sa
mga pattern na iyon.
Tulad ng pagpansin sa kaibahan sa pagitan ng imahe ng isang sasakyan, at imahe ng isang bisikleta.
Ang AI at machine learning ay gumaganap ng papalaking papel sa lipunan sa kabuuan,
at humuhubog sa lahat ng ating mga hinaharap.
Kaya napakahalagang matutunan kung paano ito gumagana, gamit ang ilang personal na karanasan.
Ngayon, may pagkakataon ka na sanayin ang iyong sariling model ng machine learning.
Tandaan, ang AI ay tulad ng alinmang tool: una matutunan mo ang kaalaman, pagkatapos maaangkin mo ang kapangyarihan!