-
Ang variable ay isang container kung saan ka makakapag-imbak
ng halaga. Kapag ginamit mo ang variable na iyon sa isang
-
algorithm, bubukasan nito ang container at titingnan ang halaga
sa loob. Pinapayagan ka nitong sumulat nang mas matalinong
-
algorithms na kumikilos nang iba depende sa
halagang nakaimbak sa variable. Halimbawa,
-
kung nais mong isulat ang algorithm upang sabihing
Maligayang kaarawan, magiging 10 kana! sa kapatid
-
ko, maganda yan ngayon ngunit kapag ginamit ko ito
sa susunod na taon gugustuhin kong sabihin nito, Maligayang kaarawan,
-
magiging 11 ka na! Maaari akong lumikha ng variable na
tinatawag na edad upang iimbak ang edad ng kapatid ko at isulat
-
ang algorithm ko para sabihing Maligayang kaarawan,
magiging 'edad' ka na. Dahil ang variable ay
-
maaaring magbago, bawat taon maaari kong i-update ang variable
na 'edad' sa katumbas na 'edad' plus 1. Sa palaisipang ito
-
gagamit tayo ng variable na magtatakda
ng haba ng linyang iguguhit ng artist natin.
-
Sa susunod sa code natin, ang move forward block ay
titingnan ang variable na haba na iyon upang makita kung anong
-
halaga ang itinakda mo dito.