-
[nagbibilang ang kanta: 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1] Ang
Internet: Mga Packet, Pag-route at Pagiging Maaasahan
-
Kumusta, ako si Lynn. Ako ay software engineer
dito sa Spotify at ako ang unang aamin
-
na madalas kong ipagwalang-bahala ang pagiging maaasahan ng internet. Ang sobrang dami ng impormasyon
-
na napakabilis na pagtingin sa internet ay kamangha-mangha.
Pero paano maaari na ang bawat isa sa
-
mga datos ay maihahatid sa iyo nang maaasahan? Sabihing
gusto mong magpatugtog ng isang kanta mula sa Spotify. Tila
-
ang computer mo ay direktang kumokonekta sa mga server
ng Spotify at ipinapadala ng Spotify sa iyo ang kanta sa isang
-
direktang nakatuong linya. Pero sa totoo lang, hindi iyan
kung paano gumagana ang internet. Kung ang internet
-
ay gawa sa mga direktang nakatuong koneksiyon
imposible na panatilihin ang mga bagay na gumagana
-
habang sumasali ang milyon-milyong gumagamit. Lalo dahil
walang garantiya na ang bawat kawad at
-
computer ay nagtatrabaho sa lahat ng panahon. Sa halip,
naglalakbay ang mga datos sa internet sa hindi gaanong
-
direktang paraan. Maraming taon ang nakalipas, sa maagang 1970s ang partner ko na si Bob Kahn at ako ay nagsimulang
-
magtrabaho sa disenyo kung ano ang tinatawag ngayon na
internet. Si Bob at ako ay may responsibilidad
-
at oportunidad na idisenyo ang mga protocol ng internet
at ang arkitektura nito. Kaya nagtuloy-tuloy kami
-
sa pakikilahok sa paglago ng internet
at ebolusyon sa lahat ng panahong ito hanggang sa at
-
kasama ang kasalukuyan. Ang paraan kung paano
naililipat ang impormasyon mula sa isang computer papunta sa isa pa
-
ay medyo interesante. Kailangan nito na hindi sumunod
sa isang nakapirmeng landas, sa katunayan, maaaring mabago ang landas
-
sa gitna ng pakikipag-usap ng isang computer sa isa pa.
Ang impormasyon sa internet ay pumupunta mula sa isang
-
computer papunta sa isa pa sa kung ano ang tinatawag nating
isang packet ng impormasyon at naglalakbay ang isang packet mula sa isang
-
lugar papunta sa isa pa sa internet katulad na katulad kung
paano ka maaaring makarating mula sa isang lugar papunta sa isa pa
-
sa isang kotse. Depende sa pagsikip ng trapiko
o mga kondisyon ng kalsada, maaari mong piliin o mapuwersa
-
ka na dumaan sa naiibang ruta upang marating
ang parehong lugar sa bawat pagkakataong naglalakbay ka. At
-
yamang makakapagbiyahe ka ng lahat ng uri ng bagay sa loob
ng kotse, maraming uri ng digital na impormasyon ay maaaring
-
ipadala na may mga IP packet pero may ilang limitasyon.
Paano kung halimbawa kailangan mong lumipat
-
sa isang space shuttle kung saan ginawa ito
sa lugar na paglulunsaran nito. Hindi kakasya
-
ang shuttle sa isang trak kaya kailangan nito na
maibiyahe sa maraming bahagi, na ibabiyahe gamit ang plota
-
ng mga trak. Maaari silang dumaan sa lahat ng iba't ibang ruta
at makakarating sa patutunguhan sa iba't ibang oras.
-
Pero sa sandaling ang lahat ng mga bahagi ay naroon,
maaari mong buuing muli ang mga bahagi para maging ganap
-
na shuttle at magiging handa ito sa paglulunsad. Sa
internet ang mga detalye ay nagtatrabaho sa katulad na paraan. Kung
-
may napakalaking imahen ka na gusto mong
ipadala sa isang kaibigan o i-upload sa isang website,
-
ang imaheng iyan ay maaaring buuin ng mga 10 ng milyon-milyong bit na mga 1 at 0, napakarami na ipapadala
-
sa isang packet. Yamang mga datos ito sa isang computer,
ang computer na nagpapadala ng imahen ay maaaring mabilis
-
na hatiin ito sa daan-daan o kahit na libo-libong
mas maliliit na bahagi na tinatawag na mga packet. Di tulad ng mga kotse
-
o trak ang mga packet na ito ay walang mga driver
at hindi nila pinipili ang kanilang ruta. Bawat packet
-
ay may internet address kung saan ito nanggaling
at saan ito pupunta. Ang mga espesyal na computer
-
sa internet na tinatawag na mga router ay kumikilos na tulad ng
mga tagapangasiwa ng trapiko upang panatilihin ang mga packet na gumagalaw
-
sa mga network nang walang gusot. Kung masikip ang isang ruta, ang mga indibidwal na packet ay maaaring bumiyahe sa iba't ibang ruta
-
sa pamamagitan ng internet at maaaring makarating sa
patutunguhan sa mga medyo naiibang oras
-
o kahit na wala sa ayos. Pag-usapan natin kung paano
gumagana ito. Bilang bahagi ng internet protocol,
-
sinusubaybayan ng bawat router ang maraming landas
sa pagpapadala ng mga packet, at pinipili nito ang pinakamura
-
na landas na mayroon para sa bawat piraso ng mga datos base
sa patutunguhang IP address ng packet.
-
Pinakamura hindi ibig sabihin ang gastos, pero
oras at mga salik na hindi teknikal tulad ng politika
-
at relasyon sa pagitan ng mga kompanya. Madalas
ang pinakamagaling na ruta na paglalakbayan ng mga datos ay hindi kinakailangang
-
ang pinakadirekta. Ang pagkakaroon ng mga opsiyon sa mga landas ang gumagawa sa network fault na mapagparaya. Na ibig sabihin nito
-
ang network ay maaaring magpadala ng mga packet kahit
na kung may isang bagay na magiging maling-mali.
-
Ito ang batayan ng susing saligan ng
internet: pagiging maaasahan. Ngayon ano kung gusto mong
-
humiling ng ilang datos at hindi lahat ay
naihatid? Sabihin nating gusto mong makinig sa isang kanta.
-
Paano ka magiging 100% sigurado na ang lahat ng mga datos ay
maihahatid para perpektong tutugtugin ang kanta?
-
Ipinapakilala ang bagong best friend mo, TCP (transmission
control protocol). Pinangangasiwaan ng TCP ang pagpapadala
-
at pagtanggap ng lahat ng mga datos mo bilang mga packet.
Isipin ito na tulad ng serbisyo sa koreo na garantisado.
-
Kapag humihiling ka ng isang kanta sa device mo, nagpapadala
ang Spotify ng kanta na hinahati-hati sa maraming packet.
-
Kapag dumarating ang mga packet mo, ginagawa ng TCP
ang ganap na imbentaryo at ipinapadala pabalik ang mga pagkilala
-
na tinanggap ang bawat packet. Kung ang lahat ng packet ay
naroon. pinipirmahan ng TCP ang paghahatid sa iyo at tapos na.
-
(pinapatugtog ang kanta) Kung nakita ng TCP ang ilang packet
na nawawala, hindi nito pipirmahan, kung hindi ang kanta
-
mo ay hindi mabuting pakinggan o ang mga bahagi ng
kanta ay nawawala. Para sa bawat nawawala o
-
hindi kumpletong packet, ipapadala silang muli ng Spotify.
Sa sandaling naberipika ng TCP ang paghahatid ng maraming packet
-
para sa hiling na isang kanta, magsisimulang tutugtog
ang kanta. Ang magaling sa TCP
-
at mga router system ay masusukat sila. Maaari silang
gumana sa 8 aparato o 8 bilyong aparato. Sa katunayan,
-
dahil sa mga saligang ito ng pagpaparaya at pag-uulit sa pagkakasala, kapag nagdagdag tayo ng mas maraming router
-
mas maaasahan ang internet. Isa pang magaling
ang maaari nating palakihin at sukatin ang internet
-
nang hindi ginagambala ang serbisyo sa sinumang gumagamit
nito. Ang internet ay gawa sa daan-daang libo-libong
-
network at bilyon-bilyong computer at aparato
na konektado nang pisikal. Ang iba't ibang
-
sistemang ito na bumubuo sa internet ay kumokonekta
sa bawat isa, nag-uusap sa isa't isa,
-
at nagtatrabaho na magkasama dahil sa mga pamantayan na sinang-ayunan kung paano ipapadala ang mga datos sa internet.
-
Ang mga computing device, o router sa internet, ay tumutulong
sa lahat ng packet na makarating sa
-
patutunguhan kung saan bubuuin muli sila, kung
kinakailangan, nang nasa ayos. Nangyayari ito bilyon-bilyong
-
beses sa isang araw, maging ikaw at iba ay nagpapadala
ng isang email, bumibisita sa isang web page, nagbi-video
-
chat, gumagamit ng mobile app o kapag ang mga sensor
o aparato sa internet ay nag-uusap sa
-
isa't isa.