[nagbibilang ang kanta: 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1] Ang Internet: Mga Packet, Pag-route at Pagiging Maaasahan Kumusta, ako si Lynn. Ako ay software engineer dito sa Spotify at ako ang unang aamin na madalas kong ipagwalang-bahala ang pagiging maaasahan ng internet. Ang sobrang dami ng impormasyon na napakabilis na pagtingin sa internet ay kamangha-mangha. Pero paano maaari na ang bawat isa sa mga datos ay maihahatid sa iyo nang maaasahan? Sabihing gusto mong magpatugtog ng isang kanta mula sa Spotify. Tila ang computer mo ay direktang kumokonekta sa mga server ng Spotify at ipinapadala ng Spotify sa iyo ang kanta sa isang direktang nakatuong linya. Pero sa totoo lang, hindi iyan kung paano gumagana ang internet. Kung ang internet ay gawa sa mga direktang nakatuong koneksiyon imposible na panatilihin ang mga bagay na gumagana habang sumasali ang milyon-milyong gumagamit. Lalo dahil walang garantiya na ang bawat kawad at computer ay nagtatrabaho sa lahat ng panahon. Sa halip, naglalakbay ang mga datos sa internet sa hindi gaanong direktang paraan. Maraming taon ang nakalipas, sa maagang 1970s ang partner ko na si Bob Kahn at ako ay nagsimulang magtrabaho sa disenyo kung ano ang tinatawag ngayon na internet. Si Bob at ako ay may responsibilidad at oportunidad na idisenyo ang mga protocol ng internet at ang arkitektura nito. Kaya nagtuloy-tuloy kami sa pakikilahok sa paglago ng internet at ebolusyon sa lahat ng panahong ito hanggang sa at kasama ang kasalukuyan. Ang paraan kung paano naililipat ang impormasyon mula sa isang computer papunta sa isa pa ay medyo interesante. Kailangan nito na hindi sumunod sa isang nakapirmeng landas, sa katunayan, maaaring mabago ang landas sa gitna ng pakikipag-usap ng isang computer sa isa pa. Ang impormasyon sa internet ay pumupunta mula sa isang computer papunta sa isa pa sa kung ano ang tinatawag nating isang packet ng impormasyon at naglalakbay ang isang packet mula sa isang lugar papunta sa isa pa sa internet katulad na katulad kung paano ka maaaring makarating mula sa isang lugar papunta sa isa pa sa isang kotse. Depende sa pagsikip ng trapiko o mga kondisyon ng kalsada, maaari mong piliin o mapuwersa ka na dumaan sa naiibang ruta upang marating ang parehong lugar sa bawat pagkakataong naglalakbay ka. At yamang makakapagbiyahe ka ng lahat ng uri ng bagay sa loob ng kotse, maraming uri ng digital na impormasyon ay maaaring ipadala na may mga IP packet pero may ilang limitasyon. Paano kung halimbawa kailangan mong lumipat sa isang space shuttle kung saan ginawa ito sa lugar na paglulunsaran nito. Hindi kakasya ang shuttle sa isang trak kaya kailangan nito na maibiyahe sa maraming bahagi, na ibabiyahe gamit ang plota ng mga trak. Maaari silang dumaan sa lahat ng iba't ibang ruta at makakarating sa patutunguhan sa iba't ibang oras. Pero sa sandaling ang lahat ng mga bahagi ay naroon, maaari mong buuing muli ang mga bahagi para maging ganap na shuttle at magiging handa ito sa paglulunsad. Sa internet ang mga detalye ay nagtatrabaho sa katulad na paraan. Kung may napakalaking imahen ka na gusto mong ipadala sa isang kaibigan o i-upload sa isang website, ang imaheng iyan ay maaaring buuin ng mga 10 ng milyon-milyong bit na mga 1 at 0, napakarami na ipapadala sa isang packet. Yamang mga datos ito sa isang computer, ang computer na nagpapadala ng imahen ay maaaring mabilis na hatiin ito sa daan-daan o kahit na libo-libong mas maliliit na bahagi na tinatawag na mga packet. Di tulad ng mga kotse o trak ang mga packet na ito ay walang mga driver at hindi nila pinipili ang kanilang ruta. Bawat packet ay may internet address kung saan ito nanggaling at saan ito pupunta. Ang mga espesyal na computer sa internet na tinatawag na mga router ay kumikilos na tulad ng mga tagapangasiwa ng trapiko upang panatilihin ang mga packet na gumagalaw sa mga network nang walang gusot. Kung masikip ang isang ruta, ang mga indibidwal na packet ay maaaring bumiyahe sa iba't ibang ruta sa pamamagitan ng internet at maaaring makarating sa patutunguhan sa mga medyo naiibang oras o kahit na wala sa ayos. Pag-usapan natin kung paano gumagana ito. Bilang bahagi ng internet protocol, sinusubaybayan ng bawat router ang maraming landas sa pagpapadala ng mga packet, at pinipili nito ang pinakamura na landas na mayroon para sa bawat piraso ng mga datos base sa patutunguhang IP address ng packet. Pinakamura hindi ibig sabihin ang gastos, pero oras at mga salik na hindi teknikal tulad ng politika at relasyon sa pagitan ng mga kompanya. Madalas ang pinakamagaling na ruta na paglalakbayan ng mga datos ay hindi kinakailangang ang pinakadirekta. Ang pagkakaroon ng mga opsiyon sa mga landas ang gumagawa sa network fault na mapagparaya. Na ibig sabihin nito ang network ay maaaring magpadala ng mga packet kahit na kung may isang bagay na magiging maling-mali. Ito ang batayan ng susing saligan ng internet: pagiging maaasahan. Ngayon ano kung gusto mong humiling ng ilang datos at hindi lahat ay naihatid? Sabihin nating gusto mong makinig sa isang kanta. Paano ka magiging 100% sigurado na ang lahat ng mga datos ay maihahatid para perpektong tutugtugin ang kanta? Ipinapakilala ang bagong best friend mo, TCP (transmission control protocol). Pinangangasiwaan ng TCP ang pagpapadala at pagtanggap ng lahat ng mga datos mo bilang mga packet. Isipin ito na tulad ng serbisyo sa koreo na garantisado. Kapag humihiling ka ng isang kanta sa device mo, nagpapadala ang Spotify ng kanta na hinahati-hati sa maraming packet. Kapag dumarating ang mga packet mo, ginagawa ng TCP ang ganap na imbentaryo at ipinapadala pabalik ang mga pagkilala na tinanggap ang bawat packet. Kung ang lahat ng packet ay naroon. pinipirmahan ng TCP ang paghahatid sa iyo at tapos na. (pinapatugtog ang kanta) Kung nakita ng TCP ang ilang packet na nawawala, hindi nito pipirmahan, kung hindi ang kanta mo ay hindi mabuting pakinggan o ang mga bahagi ng kanta ay nawawala. Para sa bawat nawawala o hindi kumpletong packet, ipapadala silang muli ng Spotify. Sa sandaling naberipika ng TCP ang paghahatid ng maraming packet para sa hiling na isang kanta, magsisimulang tutugtog ang kanta. Ang magaling sa TCP at mga router system ay masusukat sila. Maaari silang gumana sa 8 aparato o 8 bilyong aparato. Sa katunayan, dahil sa mga saligang ito ng pagpaparaya at pag-uulit sa pagkakasala, kapag nagdagdag tayo ng mas maraming router mas maaasahan ang internet. Isa pang magaling ang maaari nating palakihin at sukatin ang internet nang hindi ginagambala ang serbisyo sa sinumang gumagamit nito. Ang internet ay gawa sa daan-daang libo-libong network at bilyon-bilyong computer at aparato na konektado nang pisikal. Ang iba't ibang sistemang ito na bumubuo sa internet ay kumokonekta sa bawat isa, nag-uusap sa isa't isa, at nagtatrabaho na magkasama dahil sa mga pamantayan na sinang-ayunan kung paano ipapadala ang mga datos sa internet. Ang mga computing device, o router sa internet, ay tumutulong sa lahat ng packet na makarating sa patutunguhan kung saan bubuuin muli sila, kung kinakailangan, nang nasa ayos. Nangyayari ito bilyon-bilyong beses sa isang araw, maging ikaw at iba ay nagpapadala ng isang email, bumibisita sa isang web page, nagbi-video chat, gumagamit ng mobile app o kapag ang mga sensor o aparato sa internet ay nag-uusap sa isa't isa.