-
Hi, ang pangalan ko
-
ay Aaron, at
isa akong software engineer dito sa Code.org.
-
Sobra akong nananabik dahil kailangan kong
trabahuin ang tutorial na gagawin niyo na.
-
Tinatawag namin itong Hello World,
-
Ang Hello World ay isang sikat na parirala
sa computer science,
-
at ang pagdidisplay ng pariralang yon ay isang karaniwan
na unang hakbang sa pag-aaral ng computer science.
-
Sa susunod na oras,
mapasisimulan ka na
-
sa computer science sa
pamamagitan ng pagpoprograma sa Sprite Lab.
-
Ang Sprite Lab ay isang kasangkapan
na magagamit mo upang bumuo ng
-
mapanlikha at masasayang proyekto.
-
Makikita mo na ang iyong screen
-
ay nahahati sa tatlong pangunahing bahagi.
-
Sa kaliwa ay ang "play space".
-
Ito ay kung saan lalabas ang iyong sprites.
-
Ang sprites ay mga bagay-bagay sa screen
na maaari mong ugnayin,
-
tulad ng isang karakter
o item sa isang istorya o laro.
-
Ang gitnang bahagi na ito ay ang "toolbox".
-
Ang mga bagong block ng code
-
ay magagamit sa espasyong ito
habang ginagawa mo ang pag-aaral.
-
Ang espasyo sa kanan ay ang "workspace".
-
Maaari mong i-drag ang mga block palabas
ng tool box at papunta sa workspace
-
upang buuin ang iyong programa.
-
Ang mga instruksyon para sa bawat
-
lebel ay naririto
sa tuktok ng screen.
-
Kung gusto mo ng isang pahiwatig,
-
Iklik ang "light bulb".
-
Sa pagsisimula, gumawa tayo ng isang sprite.
-
Ang block na ito ay pinahihintulutan kang bigyan
ang iyong Sprite ng isang costume at isang lokasyon.
-
Ang "costume" ay ang salitang
ginagamit natin upang ilarawan ang hitsura
-
ng sprite.
Upang baguhin ang lokasyon ng sprite,
-
maaari mong iklik ang "pin
icon" sa "location block".
-
At pagkatapos ay iklik kung saan mo
gustong pumunta ito.
-
Ngayon, hayaan nating ipakilala ng sprite ang sarili
nito. Upang gawin na ang sprite ay may sabihin,
-
gamitin ang "say block" na ito at
idagdag ito sa iyong programa.
-
Siguruhin na ang costume na napili
-
sa iyong "say block"
ay tumutugma sa costume ng iyong sprite.
-
Kapag pinindot niyo ang "run", sasabihin ng sprite
ang anumang teksto na sasabihin mong sabihin niya.
-
Ngayon ay oras na para magsimula sa
-
Sprite Lab at tingnan kung saan ka
dadalhin ng iyong imahinasyon.