-
Nasa anong grade ka na? Second. Tenth grade. First grade. Ako ay nasa eigth grade nang
-
natutunan ko na mag-program. Nakuha ko ang aking unang computer nang ako ay nasa sixth grade. Ang kinasasabik ko
-
ay maaayos ang mga problema ng mga tao. Maaari mong ipahayag ang iyong sarili. Maaari kang bumuo ng mga bagay
-
mula sa isang ideya. Ang Computer Science ay ang batayan para sa maraming mga bagay sa mga mag-aaral sa kolehiyo
-
at gagawin ng mga propesyonal para sa susunod na 20 o 30 taon. Gusto ko ng programming dahil
-
mahilig ako sa pagtulong sa tao. May pagkakataon ako upang bumuo ng isang bagay na ginagawa ang buhay ng tao
-
na mas madali. Sa tingin ko ito ang pinakamalapit na bagay na maikukumpara sa super power. Ang pagsisimula ay
-
ang pinakamahalagang bahagi. Ako ay beginner rin, at gusto ko na sabay tayo matuto. Kumusta, ang pangalan ko
-
ay Lyndsey. Nakapagtapos ako ng teatro sa kolehiyo, ngunit nakapagtapos rin ako ng computer science. At
-
ngayon ako ay isang modelo, artista, at nagsusulat ng sarili kong mga app. Gamitin natin ang code upang samahan sina Anna at Elsa habang ine-explore
-
ang magic at kagandahan ng yelo. Lilikha ka ng snowflakes at mga pattern habang nagii-skate sa yelo at
-
gumawa ng winter wonderland na maaari mong ibahagi pagkatapos sa iyong mga kaibigan. Sa susunod na oras,
-
ay matututuhan mo ang mga pangunahing kaalaman kung paano mag-code. Ang tradisyonal na programming ay karaniwang sa
-
teksto, ngunit gagamitin natin ang Blockly, na gumagamit ng visual na mga block na maaari mong drag at drop upang sumulat
-
ng mga program. Ito rin ang paraan kung paano ang mga mag-aaral sa unibersidad ay natututo sa basics. Sa loob nito, ikaw pa rin ay
-
naglilikha ng code. Ang konsepto na iyong mapag-aaralan ay siyang ginagamit ng mga computer programmer
-
araw-araw at ito ang mga pundasyon ng computer science. Ang program ay isang hanay ng mga instruction
-
na nagsasabi sa isang computer kung ano ang gagawin. Bumuo tayo ng isang code, o ng isang program na makakatulong kay Elsa
-
na lumikha ng isang simpleng linya. Gagamitin natin ito mamaya upang gumawa ng mas komplikado na mga pattern. Ang iyong screen
-
ay hinati sa tatlong pangunahing mga bahagi. Sa kaliwa, ang ice surface na kung saan makikita mo ang iyong pinapatakbo na program.
-
Ang mga instruction sa bawat level ay nakasulat sa gawing ibaba ng surface. Ang gitnang bahagi
-
ay ang toolbox, at bawat isa sa mga block ay isang aksyon na maaaring gawin ni Elsa at Anna. Ang puti
-
na puwang sa kanan ay tinatawag na workspace, at ito ay kung saan tayo bubuo ng ating program.
-
Upang gumalaw sa paligid sa ibabaw ng yelo, gagamitin mo ang "Move Forward" block. Dito, ang "Move
-
Forward" block ay nagsasabi na,"move forward by 100 pixels." Kapag pinindot natin ang "Run", ano kaya ang mangyayari?
-
Si Elsa ay gumagalaw pasulong sa screen, 100 pixels ito! Ang mga Pixel ay isa lamang
-
napaka-liit na mga parisukat sa iyong computer screen. Ang iba pang mga block na mayroon kami sa palaisipan ay nagsasabing
-
"turn right by 90 degrees." At kapag ginagamit natin ang "Turn Right" block, si Elsa ay liliko
-
sa certain na amount. Maaari mong paglaruan kung gaano kalayo gusto mo si Elsa na lumiko. Ang anggulo ay
-
sinukat mula sa madadaanan ni Elsa. Kaya, ito ay isang 90 degree na liko. At ito ay isang 120
-
degree na liko. Tandaan, maaari mong baguhin ang bilang ng mga pixels at grado sa pamamagitan ng pag-click sa
-
mga arrow sa tabi ng mga ito.