< Return to Video

Sabi Ken Robinson ang paaralan ang pumupuksa ng pagkamalikhain

  • 0:00 - 0:07
    Magandang umaga. Kamusta kayo? Magaling, di ba?
  • 0:07 - 0:11
    Natangay ako ng buong pangyayari.
  • 0:11 - 0:15
    Sa totoo, ako'y aalis na. (Tawanan)
  • 0:15 - 0:19
    Merong naging tatlong paksa, di ba?
  • 0:19 - 0:23
    na inikutan ng komperensya, na may kinalaman
  • 0:23 - 0:25
    sa aking nais talakayin.
  • 0:25 - 0:29
    Una, ang pambihirang katibayan ng pagkamalikhain ng tao
  • 0:29 - 0:32
    sa lahat ng pagtatanghal na nakita natin
  • 0:32 - 0:35
    at sa lahat ng mga tao na narito. Iba-iba nga lang
  • 0:35 - 0:38
    at ang lawak nito. Ang pangalawa ay
  • 0:38 - 0:41
    tayo'y nasa sitwasyong di natin alam kung anong mangyayari
  • 0:41 - 0:43
    sa hinaharap. Walang ideya
  • 0:43 - 0:45
    kung anong kalalabasan.
  • 0:45 - 0:48
    Ako ay interesado sa edukasyon --
  • 0:48 - 0:51
    talaga, natuklasan ko na ang lahat ay interesado sa edukasyon.
  • 0:51 - 0:53
    Kayo rin 'di ba? Nakakatuwang malaman.
  • 0:53 - 0:56
    Kung ikaw ay nasa handaang panghapuntan, at sinabi mong
  • 0:56 - 0:59
    nagtra-trabaho ka sa edukasyon --
  • 0:59 - 1:06
    katunayan, hindi ka madalas sa mga handaang panghapunan, kung dito ka nagtratrabaho.
  • 1:06 - 1:09
    (Tawanan) Hindi ka iimbitahan.
  • 1:09 - 1:14
    At di ka na iimbitahain pang muli, kataka-taka. Iyon ay kakaiba sa akin.
  • 1:14 - 1:16
    Subalit kung ikaw ay naimbitahan, at sinabi mo sa iba,
  • 1:16 - 1:18
    alam mo, tatanong nila, "Anong trabaho mo?"
  • 1:18 - 1:20
    at sasabihin mong nagtratrabaho ka sa edukasyon,
  • 1:20 - 1:24
    makikita mo ang pamumutla ng kanilang mukha. Na parang,
  • 1:24 - 1:30
    "Dios ko," alam mo, "Bakit ako? Kaisa-isang gabi ko sa isang linggo." (Tawanan)
  • 1:30 - 1:32
    Kung itatanong mo ang kanilang edukasyon,
  • 1:32 - 1:34
    ku-kwelyuhan ka na nila. Dahil isa ito sa mga bagay
  • 1:34 - 1:37
    na maselang usapin, tama?
  • 1:37 - 1:40
    Parang relihiyon, at pera at ibang bagay.
  • 1:40 - 1:44
    May malaki akong interes sa edukasyon, at sa tingin ko lahat tayo.
  • 1:44 - 1:46
    May malaki tayong personal na interes dito,
  • 1:46 - 1:49
    marahil dahil ang edukasyon ang nakatakdang
  • 1:49 - 1:52
    magdadala sa atin sa bukas na di natin alam.
  • 1:52 - 1:55
    Kung iisipin mo, ang mga batang papasok sa paaralan sa taong ito
  • 1:55 - 2:01
    ay mag-reretiro sa 2065. Walang nakakaalam--
  • 2:01 - 2:04
    sa kabila ng lahat ng ating namalas sa nakaraang apat na araw--
  • 2:04 - 2:06
    kung ano ang magiging itsura ng mundo
  • 2:06 - 2:08
    sa loob ng limang taon. At subalit dapat na
  • 2:08 - 2:11
    tinuturuan natin sila para doon. Kaya ang walang kaalaman
  • 2:11 - 2:13
    ay pambihira.
  • 2:13 - 2:15
    At ang ikatlong bahagi nito ay
  • 2:15 - 2:20
    tayong lahat ay sumasang-ayon, gayunman, na
  • 2:20 - 2:23
    ang mga bata ay may pambihirang kapasidad na taglay --
  • 2:23 - 2:25
    kapasidad sa bagong bagay. Ibig kong sabihin, Si Sirena kagabi ay kamangha-mangha,
  • 2:25 - 2:28
    di ba? Ang makita ang kanyang kakayanan.
  • 2:28 - 2:33
    siya ay bukod-tangi, subalit hindi lamang sya ang
  • 2:33 - 2:36
    bukod-tangi sa mundo ng kabataan.
  • 2:36 - 2:39
    Ang ating natunghayan ay isang tao na may kakaibang dedikasyon
  • 2:39 - 2:41
    nalaman ang talento. Sa aking palagay,
  • 2:41 - 2:43
    lahat ng mga bata ay talento
  • 2:43 - 2:45
    At atin itong nilulustay, ng walang pakundangan.
  • 2:45 - 2:48
    Kaya nais kong talakayin ang edukasyon at
  • 2:48 - 2:51
    nais kong pagusapan ang pagkamalikhain. Ako ay naninniwala na
  • 2:51 - 2:54
    magkasing-halaga ang karunungan bumasa at sumulat sa pagkamalikhain,
  • 2:54 - 2:58
    at dapat natin itong ituring sa parehong estado.
  • 2:58 - 3:06
    (Palakpakan) Salamat. Yun na yun, sya nga pala.
  • 3:06 - 3:10
    Maraming salamat. (Tawanan) Labing-limang minuto pa.
  • 3:10 - 3:17
    Well, Ako ay ipinanganak.... hindi (Tawanan)
  • 3:17 - 3:21
    Kamakailan ay may narinig akong kwento -- Gustong-gusto ko itong kinukwento --
  • 3:21 - 3:25
    isang batang babae sa leksiyon ng pagguhit. Anim na taon
  • 3:25 - 3:27
    at sya ay nasa may likuran ng klase, gumuguhit,
  • 3:27 - 3:29
    at sabi ng guro ang maliit na batang babae ito ay bibihirang
  • 3:29 - 3:33
    nagbibigay pansin, at sa leksiyon ng pagguhit na ito siya ay nagbigay pansin.
  • 3:33 - 3:35
    Nabighani ang guro at lumapit siya sa kanya
  • 3:35 - 3:38
    at nagtanong, "Anong ginagawa mo?"
  • 3:38 - 3:41
    At ang sabi ng batang babaek, "Gumuguhit ako ng larawan ng Diyos."
  • 3:41 - 3:44
    At sabi ng guro, "Pero walang nakaka-alam ng itsura ng Dios"
  • 3:44 - 3:51
    At sabi ng batang babae, "Maya-maya lang malalaman nila"
  • 3:51 - 3:52
    (Tawanan)
  • 3:52 - 3:57
    Noong ang aking anak ay apat na taon sa Inglatera --
  • 3:57 - 4:00
    katunayan siya ay apat na taon kahit saan, para maging matapat (Tawanan)
  • 4:00 - 4:06
    Kung kami'y magiging strikto tungkol dito, kahit saan siya pumunta, apat na taon siya noong taon na iyon.
  • 4:06 - 4:08
    Siya ay nasa Nativity play.
  • 4:08 - 4:11
    Naaalala ninyo pa ba ang kwento? Hindi, ito ay napakalaki.
  • 4:11 - 4:14
    Ito ay napakalaking kwento. Ginawaan nga ito ng karugtong ni Mel Gibson.
  • 4:14 - 4:19
    Maaaring napanood nyo na: "Nativity II." Pero nakuha ni James ang parte ni Joseph,
  • 4:19 - 4:22
    na aming lubos na ikinasiya.
  • 4:22 - 4:24
    Ibinilang namin itong isa sa mga pangunahing bahagi.
  • 4:24 - 4:26
    Siksik ang lugar ng mga naka T-shirt ng:
  • 4:26 - 4:29
    "James Robinson ay si Joseph!" (Tawanan)
  • 4:29 - 4:31
    Hindi nya kailangan magsalita, alam nyo
  • 4:31 - 4:34
    yung papasok ang tatlong hari. May mga bitbit na mga regalo,
  • 4:34 - 4:36
    at bitbit nila ang ginto, kamanyang at mira.
  • 4:36 - 4:38
    Ito ay talagang nangyari. Nakaupo kami
  • 4:38 - 4:40
    tingin ko hindi nila nasunod ang pagkasunod-sunod
  • 4:40 - 4:42
    dahil tinanong namin ang isang batang lalake pagkatapos,
  • 4:42 - 4:44
    "OK ba sa iyo 'yun?" At sabi nya, "Oo, bakit? May Mali ba ?"
  • 4:44 - 4:46
    Nagkapalit lang sila, yun lang.
  • 4:46 - 4:47
    Kahit papaano, pumasok ang tatlong lalaki --
  • 4:47 - 4:49
    apat na taong mga bata na may putong sa kanilang mga ulo--
  • 4:49 - 4:52
    at ibinaba ang kanilang mga kahon,
  • 4:52 - 4:54
    at sabi ng unang bata, "Bitbit ko ay ginto."
  • 4:54 - 4:57
    At sabi ng ikalawang bata, "Ako naman ay mira"
  • 4:57 - 5:11
    At sabi ng ikatlong bata, "ipinadala ito ni Frank." (Tawanan)
  • 5:11 - 5:13
    Sa lahat ng ito kita ang kahandaan ng mga batang kunin ang pagkakataon.
  • 5:13 - 5:16
    Kung di nila alam, gagawan nila ng paraan.
  • 5:16 - 5:19
    Tama ba ako? Hindi sila takot magkamali.
  • 5:19 - 5:24
    Ngayo, hindi ko sinasabing ang pagkakamali ay tulad rin ng pagiging malikhain.
  • 5:24 - 5:25
    Ang alam natin ay,
  • 5:25 - 5:28
    kung di ka nakahandang magkamali,
  • 5:28 - 5:31
    hindi ka makakagawa ng bagay na orihinal.
  • 5:31 - 5:34
    Kung di ka nakahandang magkamali. At sa panahong sila ay mga malalaki na,
  • 5:34 - 5:36
    marami sa mga bata ay wala ng kapasidad.
  • 5:36 - 5:39
    Sila ay naging matatakutin ng magkamali.
  • 5:39 - 5:41
    At ganitong natin pinatatakbo ang ating mga kumpanya, maiba ako.
  • 5:41 - 5:44
    Pinapaging malaking kasalanan ang pagkakakmali. At tayo ngayon ay pinapatakbo
  • 5:44 - 5:47
    ang nasyonal na sistema ng edukasyon kung saan
  • 5:47 - 5:50
    ang pagkakamali ang masahol mong magagawa.
  • 5:50 - 5:53
    At ang resulta nito ay inaalisan natin
  • 5:53 - 5:56
    ng pagiging malikhain ang mga tao. Nasambit minsan ito ni Picasso.
  • 5:56 - 5:59
    Sinabi niya ang lahat ng mga bata ay isinilang na artista.
  • 5:59 - 6:03
    Ang problema ay kung paano mapapanatili ito sa paglaki. Lubhang aniniwala ako dito,
  • 6:03 - 6:05
    na hindi tayo lumalaki sa pagkamalikhain,
  • 6:05 - 6:08
    nawawalan tayo nito. O kaya, tumitigil sa pagkatuto.
  • 6:08 - 6:10
    Bakit ganito?
  • 6:10 - 6:14
    Nanirahan ako sa Stratford-on-Avon sa nakaraang limang taon.
  • 6:14 - 6:16
    Sa katunayan, mula sa Stratford kami ay lumipat sa Los Angeles.
  • 6:16 - 6:20
    Maiisip nyo ang kawalan ng koneksyon ng paglipat na iyon.
  • 6:20 - 6:22
    (Tawanan) Sa katunayan,
  • 6:22 - 6:24
    kami ay nakatira sa Snitterfield,
  • 6:24 - 6:26
    sa labas ng Stratford, kung saan
  • 6:26 - 6:31
    ipinanganak ang tatay ni Shakespeare. Nakakagulat ba?
  • 6:31 - 6:33
    Di nyo akalaing si Shakespeare ay may tatay, ano?
  • 6:33 - 6:35
    Di ba? Dahil hindi nyo maisip
  • 6:35 - 6:37
    Si Shakespeare sa kanyang kabataan? Di ba?
  • 6:37 - 6:40
    Pitong taong Shakespeare? Hindi ko inisip. Ibig kong sabihin, siya ay
  • 6:40 - 6:42
    naging pitong taong gulang kahit papaano. Siya ay
  • 6:42 - 6:51
    kasali rin sa klase ng English, hindi ba? Naisip nyo ba kung gaano nakakainis yun?
  • 6:51 - 7:05
    (Tawanan) "Kailangan mong galingan." S'ya ay pinapatulog din ng tatay niya, alam niyo,
  • 7:05 - 7:08
    sinasabihan syang "Matulog na"
  • 7:08 - 7:10
    kay William Shakespeare, "at bitiwan na ang lapis.
  • 7:10 - 7:18
    At tigilan na ang pagsasalita ng ganyan. Dahil nakakagulo ito sa lahat."
  • 7:18 - 7:23
    (Tawanan)
  • 7:23 - 7:26
    Kahit papaano, lumipat kami mula Stratford patungo sa Los Angeles,
  • 7:26 - 7:30
    at ang isang bagay ukol sa paglipat na iyon.
  • 7:30 - 7:33
    Ayaw sumama ng aking anak na lalaki.
  • 7:33 - 7:36
    Dalawa ang aking anak. Ang lalake ay 21 na; ang babae ay 16.
  • 7:36 - 7:38
    Ayaw niyang sumama sa Los Angeles. Gusto nya,
  • 7:38 - 7:43
    pero sya ay may kasintahan sa Inglatera, Ang mahal niya sa buhay, si Sarah.
  • 7:43 - 7:45
    Nakilala nya siya ng isang buwan.
  • 7:45 - 7:48
    Isipin mo, sila ay nagdiwang ng kanilang ika-apat na anibersaryo,
  • 7:48 - 7:52
    dahil mahaba ang panahon kapag ikaw ay 16.
  • 7:52 - 7:54
    Siya ay talagang inis habang nasa eroplano,
  • 7:54 - 7:56
    At sabi nya, "di na ko makahahanap pa ng tulad ni Sarah."
  • 7:56 - 7:58
    At sa totoo lang kami ay masaya sa bagay na iyon,
  • 7:58 - 8:10
    sapagkat siya ang pinaka dahilan kung bakit kami aalis ng bansa.
  • 8:10 - 8:13
    (Tawanan)
  • 8:13 - 8:16
    Peor isang bagay na kapansin-pansin sa paglipat sa Amerika
  • 8:16 - 8:18
    at kung bibiyahe ka sa buong mundo:
  • 8:18 - 8:22
    Ang bawat sistema ng edukasyon sa mundo ay may pare-pareho ng bahagdan ng mga asignatura.
  • 8:22 - 8:24
    Lahat. Kahit saan ka magpunta.
  • 8:24 - 8:26
    Aakalain mong hindi ganuon, subalit ganun talaga.
  • 8:26 - 8:29
    At ang mga nasa taas ay matematika at lengguwahe,
  • 8:29 - 8:31
    sunod ay "humanities", at pinakahuli ang mga "sining."
  • 8:31 - 8:33
    Kahit saan sa mundo.
  • 8:33 - 8:36
    At karamihan ng bawat sistema din,
  • 8:36 - 8:38
    may antas ng bahagdan sa sining.
  • 8:38 - 8:40
    Ang sining at musika ay nasa mataas na antas ng mga eskwela
  • 8:40 - 8:43
    kaysa drama at sayaw. Walang sistema ng edukasyon sa planeta
  • 8:43 - 8:45
    na nagtuturo ng sayaw araw-araw sa mga bata
  • 8:45 - 8:48
    tulad ng pagtuturo natin ng matematika. Bakit?
  • 8:48 - 8:50
    Bakit hindi? Sa palagay ko ito ay mahalaga.
  • 8:50 - 8:53
    Sa tingin ko ang matematika ay napakahalaga, ganoon din ang sayaw.
  • 8:53 - 8:56
    Ang mga bata ay sasayaw kahit anong oras kung papayagan sila, tayo rin.
  • 8:56 - 8:59
    Tayong lahat ay may katawan, di ba? May nakalimutan ba akong pagtitipon?
  • 8:59 - 9:03
    (Tawanan) Ang katotohanan, ang nangyayari ay,
  • 9:03 - 9:05
    habang lumalaki ang mga bata, tinuturuan sila
  • 9:05 - 9:08
    mula baywang pataas. At tumitigil tayo sa ulo.
  • 9:08 - 9:10
    At bahagya sa isang bahagi.
  • 9:10 - 9:14
    Kung ikaw ay bibisita sa edukasyon, bilang isang dayuhan,
  • 9:14 - 9:17
    at magtatanong "Para saan ito, pampublikong edukasyon?"
  • 9:17 - 9:19
    Sa isip ko kailangan mong magpasya -- kung titingin ka sa kalalabasan,
  • 9:19 - 9:21
    ang talagang nagtatagumpay ay,
  • 9:21 - 9:23
    ang gumagawa ng lahat ng dapat gawin,
  • 9:23 - 9:26
    ang nakakakuha ng mga puntos, kung sino ang mga nananalo --
  • 9:26 - 9:29
    Palagay ko'y masasabi nating ang layunin ng pampublikong edukasyon
  • 9:29 - 9:30
    sa buong mundo
  • 9:30 - 9:34
    ay upang lumikha ng mga propesor sa unibersidad. Hindi ba?
  • 9:34 - 9:36
    Sila ang mga taong lumalabas na nangunguna.
  • 9:37 - 9:40
    At ako'y isa doon dati, kaya ganun. (Tawanan)
  • 9:40 - 9:44
    At gusto ko ang mga propesor sa unibersidad, pero alam ninyo,
  • 9:44 - 9:48
    hindi sila dapat itanghal na pinakamataas na karangalan ng tagumpay ng tao.
  • 9:48 - 9:50
    Sila ay isa ring uri ng buhay,
  • 9:50 - 9:52
    ibang uri ng buhay. Ngunit mas mausisa,
  • 9:52 - 9:54
    at sinasabi ko itong may puso para sa kanila.
  • 9:54 - 9:57
    May bagay na kausi-usisa sa mga propesor sa aking karanasan --
  • 9:57 - 10:00
    hindi lahat sila, pero karamihan -- ay nabubuhay sa kanilang isip.
  • 10:00 - 10:02
    Sila ay nabubuhay doon, at bahagya sa ibang bahagi.
  • 10:02 - 10:06
    Para silang kalas-kalas na katawan, alam nyo, sa literal na paraan,
  • 10:06 - 10:08
    Ang tingin nila sa kanilang katawan
  • 10:08 - 10:17
    ay daanan ng impormasyon patungo sa kanilang ulo, hindi ba sila?
  • 10:17 - 10:24
    (Tawanan) Upang may madala sila sa mga pagtitipon.
  • 10:24 - 10:27
    Kung gusto ninyo ng tunay na ebidensya ng "out-of-body" na karanasan,
  • 10:27 - 10:30
    maiba ako, pumunta kayo sa isang tahanang pagpupulong
  • 10:30 - 10:32
    ng mga pang-akademiyang sinyor,
  • 10:32 - 10:35
    at dumating kayo sa diskotek sa huling gabi.
  • 10:35 - 10:39
    (Tawanan) At doon makikita ninyo -- mga lalake at babae
  • 10:39 - 10:43
    namimilipit ng husto, wala sa tyempo,
  • 10:43 - 10:47
    naghihintay matapos upang sila ay makauwi at makapagsulat ukol sa kaganapan.
  • 10:47 - 10:53
    Ngayon ang ating sistema ng edukasyon ay nakabase sa pang-akademyang abilidad.
  • 10:53 - 10:56
    At ito'y may dahilan.
  • 10:56 - 10:58
    Ang buong sistema ay na-imbento -- sa buong mundo, mayroon
  • 10:58 - 11:00
    noong walang pampublikong sistema ng edukasyon, bago ang ika-19 na siglo.
  • 11:00 - 11:03
    Ito ay naisakatuparan lamang
  • 11:03 - 11:04
    dahil sa pangangailangan ng industriyalismo.
  • 11:04 - 11:07
    Kaya ang sistema ay naka-ugat sa dalawang ideya.
  • 11:07 - 11:11
    Una, ang kagamit-gamit na asignatura sa pagtra-trabaho
  • 11:11 - 11:13
    ay nasa taas. Kaya maaring bahagyang napalayo kayo
  • 11:13 - 11:15
    sa mga bagay at eskwelahan noong bata pa kayo, mga bagay na gusto ninyo,
  • 11:15 - 11:17
    sa kadahilanang hindi ka
  • 11:17 - 11:20
    magkakatrabaho kapag iyon ang iyong ginawa. Tama ba?
  • 11:20 - 11:22
    Huwag musika, hindi ka magiging musikero;
  • 11:22 - 11:24
    Huwag sining, hindi ka magiging artist.
  • 11:25 - 11:29
    Lihis na payo -- ngayon, malaking pagkakamali. Ang buong mundo
  • 11:29 - 11:30
    ay nababalot ng rebolusyon.
  • 11:30 - 11:33
    At ang pangalawa ay ang pang-akademyang abilidad, na tunay na nangingimbabaw
  • 11:33 - 11:34
    sa 'ting pananaw ng intelihensya,
  • 11:34 - 11:37
    dahil ganito dinesenyo ng mga unibersidad ang sistema.
  • 11:37 - 11:39
    Kung iyong iisipin, ang buong sistema
  • 11:39 - 11:41
    ng pampublikong edukasyon ay nakabatay sa pinalawig na proseso
  • 11:41 - 11:43
    ng pagpasok sa unibersidad.
  • 11:43 - 11:46
    At ang resulta ay maraming puno ng talentong,
  • 11:46 - 11:48
    magagaling, malikhaing indibidwal ang hindi naniniwala sa sarili,
  • 11:48 - 11:50
    dahil ang bagay kung saan sila magaling sa paaralan
  • 11:50 - 11:54
    ay di binigyang halaga, o sanhi ng kanilang kahihiyan.
  • 11:54 - 11:56
    At hindi natin maaaring hayaan ito.
  • 11:56 - 11:58
    Sa susunod na 30 taon, ayon sa UNESCO,
  • 11:58 - 12:01
    maraming tao sa buong mundo ang magtatapos
  • 12:01 - 12:03
    sa edukasyon na di pa nangyayari simula noon.
  • 12:03 - 12:05
    Maraming tao, at ito ay kombinasyon
  • 12:05 - 12:07
    ng lahat ng bagay na ating tinalakay --
  • 12:07 - 12:10
    ang teknolohiya at ang epekto nito sa trabaho, at demograpiya
  • 12:10 - 12:12
    at ang lawak ng pagsabog ng populasyon.
  • 12:12 - 12:15
    Bigla nalang, ang mga titulong nakamit ay walang halaga. Di ba ito totoo?
  • 12:15 - 12:19
    Noong ako'y mag-aaral, kung ikaw ay may natapos, may trabaho ka.
  • 12:19 - 12:22
    Kung ikaw ay walang trabaho yan ay dahil ayaw mo.
  • 12:22 - 12:25
    At ayaw ko ng trabaho, sa totoo lang. (Tawanan)
  • 12:25 - 12:30
    Subalit ngayong kadalasan ang mga batang nagsipagtapos
  • 12:30 - 12:31
    ay umuuwi upang ipagpatuloy ang paglalaro ng "video games,"
  • 12:31 - 12:34
    dahil kailangan ng "MA" sa dating BA lang ang kailangan
  • 12:34 - 12:37
    ngayon kailangan ng PhD sa iba.
  • 12:37 - 12:39
    Ito ay proseso ng pagbintog ng akademya.
  • 12:39 - 12:41
    At ito'y nagpapahiwatig na ang buong istraktura ng edukasyon
  • 12:41 - 12:43
    ay nagbabago. Kailangan nating pag-isipang muli
  • 12:43 - 12:44
    ang ating pananaw ukol sa intelehensya.
  • 12:44 - 12:46
    Tatlong bagay ang alam natin sa intelehensya.
  • 12:46 - 12:49
    Una, ito'y iba-iba. Tulad ng pagtanaw natin sa mundo
  • 12:49 - 12:51
    sa karanasan natin dito. Napapaisip tayo ng ating nakikita,
  • 12:51 - 12:54
    ng ating naririnig, sa paraang "kinesthetic".
  • 12:54 - 12:57
    Tayo'y nag-iisip sa paraang abstract, nag-iisip sa pagkilos.
  • 12:57 - 12:59
    Ikalawa, ang intelihensya ay buhay.
  • 12:59 - 13:02
    Kung titingnan natin ang pakikipagniig ng utak ng tao, tulad ng ating narinig
  • 13:02 - 13:05
    kahapon mula sa iba't ibang pagtatanghal,
  • 13:05 - 13:07
    kamangha-mangha ang pakikipag-ugnayan ng intelihensya.
  • 13:07 - 13:10
    Ang utak ay di nahahati sa kompartamento.
  • 13:10 - 13:13
    Sa katunayan, ang pagkamalikhain -- ay ang proseso
  • 13:13 - 13:15
    ng pagkakaroon ng mga orihinal na ideya na may halaga --
  • 13:15 - 13:18
    na madalas na nakakamit sa pakikipagniig
  • 13:18 - 13:21
    ng iba't-ibang pamamaraan ng pagtingin sa mga bagay bagay
  • 13:21 - 13:23
    Ang utak ay intensyonal -- sya nga pala,
  • 13:23 - 13:26
    may tangkay ng "nerves" na nag-uugnay sa dalawang kalahati ng utak
  • 13:26 - 13:28
    na tinatawag na "corpus callusum". Mas makapal sa mga babae.
  • 13:28 - 13:30
    Tulad ng sinabi ni Helen kahapon, aking palagay
  • 13:30 - 13:34
    marahil dahil dito kaya ang mga babae ay magaling sa "multi-task".
  • 13:34 - 13:36
    Dahil kayo ay ganun, di ba?
  • 13:36 - 13:39
    Maraming pagsasaliksik, subalit batid ko mula sa karanasan.
  • 13:39 - 13:41
    Kung ang aking asawa nagluluto ng pagkain --
  • 13:41 - 13:45
    na hindi kadalasan, salamat. (Tawanan)
  • 13:45 - 13:48
    Pero alam nyo, sya'y totoong magaling sa mga bagay --
  • 13:48 - 13:50
    kung siya'y nagluluto, alam nyo,
  • 13:50 - 13:52
    may kausap sya sa telepono,
  • 13:52 - 13:55
    kausap ang mga bata. nagpipintura ng kisame,
  • 13:55 - 13:58
    sya ay nag-oopera ng puso sa gawi rito.
  • 13:58 - 14:01
    Kung ako'y nagluluto, nakapinid ang pinto, nasa labas ang mga bata,
  • 14:01 - 14:04
    nakapirmi ang telepono, nayayamot ako pag pumasok ang asawa ko.
  • 14:04 - 14:17
    Sinasabi ko, "Terry, paki-usap lang? Nag pi-pirito ako ng itlog dito. Pwede ba? (Tawanan)
  • 14:17 - 14:19
    Alam nyo ba yung matandan kasabihan,
  • 14:19 - 14:22
    kapag ang isang puno ay natumba sa kakahuyan at walang nakarinig nito,
  • 14:22 - 14:25
    nangyari ba ito? Naalala nyo ba ang lumang chestnut?
  • 14:25 - 14:28
    May t-shirt na nakasulat, "Kung magsasabi ng nilalaman ng kanyang isip ang lalaki
  • 14:28 - 14:31
    sa kakahuyan, at walang babaeng nakakarinig sa kanya,
  • 14:31 - 14:40
    may mali pa kaya sya?" (Tawanan)
  • 14:40 - 14:42
    Ikatlong bagay ukol sa intelihensya ay,
  • 14:43 - 14:45
    ito'y kakaiba. Nagsusulat ako ng bagong aklat sa kasalukuyan
  • 14:45 - 14:47
    na tinatawag na "Epiphany", base sa isang series ng
  • 14:47 - 14:49
    pakikipagpanayam sa mga tao ukol sa paano nila nadiskubre
  • 14:49 - 14:51
    ang kanilang talento. Nakakatuwa kung paano nila nadidiskubre.
  • 14:51 - 14:54
    Ito ay sadyang umudyok ng pakikipagusap ko
  • 14:54 - 14:56
    sa isang kahanga-hangang babae na maaring ang karamihan
  • 14:56 - 14:58
    ay hindi sya nakikilala, sya ay si Gillian Lynne,
  • 14:58 - 15:00
    kilala nyo ba sya? Siya a isang "choreographer"
  • 15:00 - 15:02
    at lahat ay kilala ang kanyang trabaho.
  • 15:02 - 15:04
    Ginawa nya ang "Cats," at ang "Phantom of the Opera."
  • 15:04 - 15:08
    Siya ay kahanga-kahanga. Minsan akong naging bahagi ng Royal Ballet, sa Inglatera,
  • 15:08 - 15:10
    tulad ng nakikita nyo.
  • 15:10 - 15:12
    Kahit papaano, si Gillian at ako ay nananghalian ng isang araw at sabi ko sa kanya,
  • 15:12 - 15:14
    "Gillian, pa'no ka ba naging isang mananayaw?" At sabi nya
  • 15:14 - 15:16
    nakakatuwa, nung sya ay nasa paaralan,
  • 15:16 - 15:19
    sya'y walang pag-asa. At ang paaralan, nung dekada '30,
  • 15:19 - 15:21
    ay sumulat sa kanyang mga magulang at sinabing, "Sa aming palagay
  • 15:21 - 15:23
    si Gillian ay may pag-aaral na disorder." Di sya makapag-concentrate,
  • 15:23 - 15:25
    sya ay makilos. Ngayon tatawagin syang
  • 15:25 - 15:29
    may ADHD. Di ba? Subalit ito ay nasa 1930.
  • 15:29 - 15:32
    at ang ADHD ay di pa naiimbento noon.
  • 15:32 - 15:35
    Di pa sya pwedeng sa ganung condition (Tawanan)
  • 15:35 - 15:39
    Di pa alam ng mga tao na pwede nilang makuha ang ganito.
  • 15:39 - 15:43
    Kahit papaano, sya ay ipinatingin sa espesyalista. Kaya, itong silid,
  • 15:43 - 15:46
    sya at ang kanyang nanay,
  • 15:46 - 15:49
    at siya ay ginabayan at pinaupon sa dulo ng upuan,
  • 15:49 - 15:51
    at inupuan nya ang kanyang kamay ng 20 minute habang
  • 15:51 - 15:53
    ang taong ito'y nakikipagusap sa kanyang nanay sa lahat
  • 15:53 - 15:57
    ng mga problema ni Gillian sa paaralan. At pagkatapos --
  • 15:57 - 15:59
    dahil nagagambala nya ang mga tao,
  • 15:59 - 16:01
    palagi syang huli sa takdang aralin, at marami pang iba,
  • 16:01 - 16:04
    batang walong taong gulang-- nilapitan ng doctor at naupo
  • 16:04 - 16:06
    katabi ni GIlllian at sabi ,"Gillian,
  • 16:06 - 16:08
    Napakinggan ko ang lahat ng sinabi ng iyong nanay
  • 16:08 - 16:10
    at kailangan ko syang makausap ng sarilinan"
  • 16:10 - 16:13
    Sabi nya, "Dito ka lang, babalik kami, di kami magtatagal."
  • 16:13 - 16:15
    at sila ay umalis at iniwan sya.
  • 16:15 - 16:17
    Bago tuluyang lumabas, pinatugtog nya ang radio
  • 16:17 - 16:19
    na nasa kanyang lamesa. At ng sila
  • 16:19 - 16:21
    ay makalabas, sabi nya sa nanay,
  • 16:21 - 16:24
    "Tayo ka at panoorin mo sya." Sa sandaling lumabas sila
  • 16:24 - 16:28
    sabi nya, sya ay tumayo, at nagsimulang gumalaw kasabay ng tugtog.
  • 16:28 - 16:30
    At sila ay nanood ng ilang minuto
  • 16:30 - 16:33
    at tumingin sya sa nanay at nagsabi,
  • 16:33 - 16:37
    "Ginang Lynne, si Gillian ay walang sakit, sya ay mananayaw.
  • 16:37 - 16:39
    Dalhin mo sya sa isang dance school."
  • 16:39 - 16:41
    Sabi ko, "Anong nangyari?"
  • 16:41 - 16:44
    Sabi nya, "Ginawa nya. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kamangha-mangha ito.
  • 16:44 - 16:46
    Pumasok kami sa silid na ito at ito ay puno ng
  • 16:46 - 16:49
    mga kagaya ko. Hindi makatagal na nakaupo lang.
  • 16:49 - 16:52
    Mga taong kailangang kumilos para makapag-isip." Kailangang gumalaw para mag-isip.
  • 16:52 - 16:54
    Nag-ballet, nag-tap, nag-jazz,
  • 16:54 - 16:56
    nag-modern, nag-contemporary.
  • 16:56 - 16:59
    Di kalaunan sya ay nag-odisyon sa Royal Ballet School,
  • 16:59 - 17:01
    siya ay naging isang soloista, nagkaroon ng magandang career
  • 17:01 - 17:03
    at sa Royal Ballet. Sya ay nagtapos
  • 17:03 - 17:05
    mula sa Royal ballet School at
  • 17:05 - 17:08
    nagtayo ng sariling kumpanya -- Gillian Lynne Dance Company --
  • 17:08 - 17:11
    nakilala si Andrew Lloyd Weber. Sya rin ang responsable sa
  • 17:11 - 17:13
    ilan sa mga matagumpay na pagtatanghal na teatrong musikal
  • 17:13 - 17:18
    na produksyon sa kasaysayan, million ang napasaya nya,
  • 17:18 - 17:21
    at siya ay isang multi-millionaire. May isang tao
  • 17:21 - 17:25
    dapat magbigay sa kanya ng gamot upang sya ay
  • 17:25 - 17:27
    manahimik.
  • 17:27 - 17:30
    Sa aking palagay.. (Palakpakan) Ang kalalabasan nito ay:
  • 17:30 - 17:32
    Si Al gore ay nagsalit noong isang gabi
  • 17:32 - 17:35
    ukol sa ekolohiya, at sa rebolusyon na pinasimulan ni Rachel Carson
  • 17:35 - 17:39
    Naniniwala ako na ang pag-asa sa kinabukasan
  • 17:39 - 17:42
    ay ang gumamit ng bagong konsepto ng "human ecology",
  • 17:42 - 17:46
    isa na syang magsisimulang magpanibago ang ating pagkaunawa
  • 17:46 - 17:48
    ukol sa yaman ng kapasidad ng tao.
  • 17:48 - 17:52
    Ang sistema ng edukasyon ang nagmimina ng ating kaisipan kung saan
  • 17:52 - 17:54
    inalisan nating ang mundo: ng isang natatanging kalakal.
  • 17:54 - 17:57
    At sa kinabukasan, hindi ito makakabuti sa atin.
  • 17:57 - 18:00
    Pag-isipan nating muli ang mga pangunahing batayan
  • 18:00 - 18:02
    na ipinanghuhubog sa ating kabataan. May isang
  • 18:02 - 18:06
    magandang sinabi si Jonas Salk, "Kung ang mga insekto
  • 18:06 - 18:09
    ay mawawala sa mundo,
  • 18:09 - 18:12
    sa 50 taon lahat ng buhay sa mundo ay magwawakas.
  • 18:12 - 18:15
    Kung ang lahat ng tao ay mawawala sa mundo
  • 18:15 - 18:19
    sa 50 taon lahat ng buhay sa mundo ay sasagana."
  • 18:19 - 18:21
    At tama sya.
  • 18:21 - 18:24
    Ang ipinagdiriwang ng TED ay ang kaloob ng maglikhaing-isip.
  • 18:24 - 18:28
    Kailangang mag ingat sa paggamit ng kaloob na ito
  • 18:28 - 18:31
    husayan, upang tayo ay kumawala sa mga senaryo
  • 18:31 - 18:34
    senaryo na ating natalakay. At ang tanging paraan
  • 18:35 - 18:38
    ay makita natin ang ating malikhaing kakayanang
  • 18:38 - 18:40
    sa yamang taglay nito, at makita
  • 18:40 - 18:43
    natin ang pagasang meron ang mga bata. Tungkulin natin
  • 18:43 - 18:46
    linangin ang kanilang buong katauhan, para sa kinabukasan.
  • 18:46 - 18:49
    Maaring di natin makita ang hinaharap,
  • 18:49 - 18:52
    subalit makikita nila. Trabaho nating tulungan
  • 18:52 - 18:54
    silang makalikha mula sa mga ito. Maraming salamat.
Title:
Sabi Ken Robinson ang paaralan ang pumupuksa ng pagkamalikhain
Speaker:
Sir Ken Robinson
Description:

Ginawang nakaaaliw at makabuluhan ni Ken Robinson ang pagtalakay sa kadahilanan kung bakit dapat bumuo ng sistema ng edukasyon na lumilinang (kaysa sumisira) ng pagkamalikhain.

more » « less
Video Language:
English
Team:
closed TED
Project:
TEDTalks
Duration:
19:00
Retired user added a translation

Filipino subtitles

Revisions