Magandang umaga. Kamusta kayo? Magaling, di ba? Natangay ako ng buong pangyayari. Sa totoo, ako'y aalis na. (Tawanan) Merong naging tatlong paksa, di ba? na inikutan ng komperensya, na may kinalaman sa aking nais talakayin. Una, ang pambihirang katibayan ng pagkamalikhain ng tao sa lahat ng pagtatanghal na nakita natin at sa lahat ng mga tao na narito. Iba-iba nga lang at ang lawak nito. Ang pangalawa ay tayo'y nasa sitwasyong di natin alam kung anong mangyayari sa hinaharap. Walang ideya kung anong kalalabasan. Ako ay interesado sa edukasyon -- talaga, natuklasan ko na ang lahat ay interesado sa edukasyon. Kayo rin 'di ba? Nakakatuwang malaman. Kung ikaw ay nasa handaang panghapuntan, at sinabi mong nagtra-trabaho ka sa edukasyon -- katunayan, hindi ka madalas sa mga handaang panghapunan, kung dito ka nagtratrabaho. (Tawanan) Hindi ka iimbitahan. At di ka na iimbitahain pang muli, kataka-taka. Iyon ay kakaiba sa akin. Subalit kung ikaw ay naimbitahan, at sinabi mo sa iba, alam mo, tatanong nila, "Anong trabaho mo?" at sasabihin mong nagtratrabaho ka sa edukasyon, makikita mo ang pamumutla ng kanilang mukha. Na parang, "Dios ko," alam mo, "Bakit ako? Kaisa-isang gabi ko sa isang linggo." (Tawanan) Kung itatanong mo ang kanilang edukasyon, ku-kwelyuhan ka na nila. Dahil isa ito sa mga bagay na maselang usapin, tama? Parang relihiyon, at pera at ibang bagay. May malaki akong interes sa edukasyon, at sa tingin ko lahat tayo. May malaki tayong personal na interes dito, marahil dahil ang edukasyon ang nakatakdang magdadala sa atin sa bukas na di natin alam. Kung iisipin mo, ang mga batang papasok sa paaralan sa taong ito ay mag-reretiro sa 2065. Walang nakakaalam-- sa kabila ng lahat ng ating namalas sa nakaraang apat na araw-- kung ano ang magiging itsura ng mundo sa loob ng limang taon. At subalit dapat na tinuturuan natin sila para doon. Kaya ang walang kaalaman ay pambihira. At ang ikatlong bahagi nito ay tayong lahat ay sumasang-ayon, gayunman, na ang mga bata ay may pambihirang kapasidad na taglay -- kapasidad sa bagong bagay. Ibig kong sabihin, Si Sirena kagabi ay kamangha-mangha, di ba? Ang makita ang kanyang kakayanan. siya ay bukod-tangi, subalit hindi lamang sya ang bukod-tangi sa mundo ng kabataan. Ang ating natunghayan ay isang tao na may kakaibang dedikasyon nalaman ang talento. Sa aking palagay, lahat ng mga bata ay talento At atin itong nilulustay, ng walang pakundangan. Kaya nais kong talakayin ang edukasyon at nais kong pagusapan ang pagkamalikhain. Ako ay naninniwala na magkasing-halaga ang karunungan bumasa at sumulat sa pagkamalikhain, at dapat natin itong ituring sa parehong estado. (Palakpakan) Salamat. Yun na yun, sya nga pala. Maraming salamat. (Tawanan) Labing-limang minuto pa. Well, Ako ay ipinanganak.... hindi (Tawanan) Kamakailan ay may narinig akong kwento -- Gustong-gusto ko itong kinukwento -- isang batang babae sa leksiyon ng pagguhit. Anim na taon at sya ay nasa may likuran ng klase, gumuguhit, at sabi ng guro ang maliit na batang babae ito ay bibihirang nagbibigay pansin, at sa leksiyon ng pagguhit na ito siya ay nagbigay pansin. Nabighani ang guro at lumapit siya sa kanya at nagtanong, "Anong ginagawa mo?" At ang sabi ng batang babaek, "Gumuguhit ako ng larawan ng Diyos." At sabi ng guro, "Pero walang nakaka-alam ng itsura ng Dios" At sabi ng batang babae, "Maya-maya lang malalaman nila" (Tawanan) Noong ang aking anak ay apat na taon sa Inglatera -- katunayan siya ay apat na taon kahit saan, para maging matapat (Tawanan) Kung kami'y magiging strikto tungkol dito, kahit saan siya pumunta, apat na taon siya noong taon na iyon. Siya ay nasa Nativity play. Naaalala ninyo pa ba ang kwento? Hindi, ito ay napakalaki. Ito ay napakalaking kwento. Ginawaan nga ito ng karugtong ni Mel Gibson. Maaaring napanood nyo na: "Nativity II." Pero nakuha ni James ang parte ni Joseph, na aming lubos na ikinasiya. Ibinilang namin itong isa sa mga pangunahing bahagi. Siksik ang lugar ng mga naka T-shirt ng: "James Robinson ay si Joseph!" (Tawanan) Hindi nya kailangan magsalita, alam nyo yung papasok ang tatlong hari. May mga bitbit na mga regalo, at bitbit nila ang ginto, kamanyang at mira. Ito ay talagang nangyari. Nakaupo kami tingin ko hindi nila nasunod ang pagkasunod-sunod dahil tinanong namin ang isang batang lalake pagkatapos, "OK ba sa iyo 'yun?" At sabi nya, "Oo, bakit? May Mali ba ?" Nagkapalit lang sila, yun lang. Kahit papaano, pumasok ang tatlong lalaki -- apat na taong mga bata na may putong sa kanilang mga ulo-- at ibinaba ang kanilang mga kahon, at sabi ng unang bata, "Bitbit ko ay ginto." At sabi ng ikalawang bata, "Ako naman ay mira" At sabi ng ikatlong bata, "ipinadala ito ni Frank." (Tawanan) Sa lahat ng ito kita ang kahandaan ng mga batang kunin ang pagkakataon. Kung di nila alam, gagawan nila ng paraan. Tama ba ako? Hindi sila takot magkamali. Ngayo, hindi ko sinasabing ang pagkakamali ay tulad rin ng pagiging malikhain. Ang alam natin ay, kung di ka nakahandang magkamali, hindi ka makakagawa ng bagay na orihinal. Kung di ka nakahandang magkamali. At sa panahong sila ay mga malalaki na, marami sa mga bata ay wala ng kapasidad. Sila ay naging matatakutin ng magkamali. At ganitong natin pinatatakbo ang ating mga kumpanya, maiba ako. Pinapaging malaking kasalanan ang pagkakakmali. At tayo ngayon ay pinapatakbo ang nasyonal na sistema ng edukasyon kung saan ang pagkakamali ang masahol mong magagawa. At ang resulta nito ay inaalisan natin ng pagiging malikhain ang mga tao. Nasambit minsan ito ni Picasso. Sinabi niya ang lahat ng mga bata ay isinilang na artista. Ang problema ay kung paano mapapanatili ito sa paglaki. Lubhang aniniwala ako dito, na hindi tayo lumalaki sa pagkamalikhain, nawawalan tayo nito. O kaya, tumitigil sa pagkatuto. Bakit ganito? Nanirahan ako sa Stratford-on-Avon sa nakaraang limang taon. Sa katunayan, mula sa Stratford kami ay lumipat sa Los Angeles. Maiisip nyo ang kawalan ng koneksyon ng paglipat na iyon. (Tawanan) Sa katunayan, kami ay nakatira sa Snitterfield, sa labas ng Stratford, kung saan ipinanganak ang tatay ni Shakespeare. Nakakagulat ba? Di nyo akalaing si Shakespeare ay may tatay, ano? Di ba? Dahil hindi nyo maisip Si Shakespeare sa kanyang kabataan? Di ba? Pitong taong Shakespeare? Hindi ko inisip. Ibig kong sabihin, siya ay naging pitong taong gulang kahit papaano. Siya ay kasali rin sa klase ng English, hindi ba? Naisip nyo ba kung gaano nakakainis yun? (Tawanan) "Kailangan mong galingan." S'ya ay pinapatulog din ng tatay niya, alam niyo, sinasabihan syang "Matulog na" kay William Shakespeare, "at bitiwan na ang lapis. At tigilan na ang pagsasalita ng ganyan. Dahil nakakagulo ito sa lahat." (Tawanan) Kahit papaano, lumipat kami mula Stratford patungo sa Los Angeles, at ang isang bagay ukol sa paglipat na iyon. Ayaw sumama ng aking anak na lalaki. Dalawa ang aking anak. Ang lalake ay 21 na; ang babae ay 16. Ayaw niyang sumama sa Los Angeles. Gusto nya, pero sya ay may kasintahan sa Inglatera, Ang mahal niya sa buhay, si Sarah. Nakilala nya siya ng isang buwan. Isipin mo, sila ay nagdiwang ng kanilang ika-apat na anibersaryo, dahil mahaba ang panahon kapag ikaw ay 16. Siya ay talagang inis habang nasa eroplano, At sabi nya, "di na ko makahahanap pa ng tulad ni Sarah." At sa totoo lang kami ay masaya sa bagay na iyon, sapagkat siya ang pinaka dahilan kung bakit kami aalis ng bansa. (Tawanan) Peor isang bagay na kapansin-pansin sa paglipat sa Amerika at kung bibiyahe ka sa buong mundo: Ang bawat sistema ng edukasyon sa mundo ay may pare-pareho ng bahagdan ng mga asignatura. Lahat. Kahit saan ka magpunta. Aakalain mong hindi ganuon, subalit ganun talaga. At ang mga nasa taas ay matematika at lengguwahe, sunod ay "humanities", at pinakahuli ang mga "sining." Kahit saan sa mundo. At karamihan ng bawat sistema din, may antas ng bahagdan sa sining. Ang sining at musika ay nasa mataas na antas ng mga eskwela kaysa drama at sayaw. Walang sistema ng edukasyon sa planeta na nagtuturo ng sayaw araw-araw sa mga bata tulad ng pagtuturo natin ng matematika. Bakit? Bakit hindi? Sa palagay ko ito ay mahalaga. Sa tingin ko ang matematika ay napakahalaga, ganoon din ang sayaw. Ang mga bata ay sasayaw kahit anong oras kung papayagan sila, tayo rin. Tayong lahat ay may katawan, di ba? May nakalimutan ba akong pagtitipon? (Tawanan) Ang katotohanan, ang nangyayari ay, habang lumalaki ang mga bata, tinuturuan sila mula baywang pataas. At tumitigil tayo sa ulo. At bahagya sa isang bahagi. Kung ikaw ay bibisita sa edukasyon, bilang isang dayuhan, at magtatanong "Para saan ito, pampublikong edukasyon?" Sa isip ko kailangan mong magpasya -- kung titingin ka sa kalalabasan, ang talagang nagtatagumpay ay, ang gumagawa ng lahat ng dapat gawin, ang nakakakuha ng mga puntos, kung sino ang mga nananalo -- Palagay ko'y masasabi nating ang layunin ng pampublikong edukasyon sa buong mundo ay upang lumikha ng mga propesor sa unibersidad. Hindi ba? Sila ang mga taong lumalabas na nangunguna. At ako'y isa doon dati, kaya ganun. (Tawanan) At gusto ko ang mga propesor sa unibersidad, pero alam ninyo, hindi sila dapat itanghal na pinakamataas na karangalan ng tagumpay ng tao. Sila ay isa ring uri ng buhay, ibang uri ng buhay. Ngunit mas mausisa, at sinasabi ko itong may puso para sa kanila. May bagay na kausi-usisa sa mga propesor sa aking karanasan -- hindi lahat sila, pero karamihan -- ay nabubuhay sa kanilang isip. Sila ay nabubuhay doon, at bahagya sa ibang bahagi. Para silang kalas-kalas na katawan, alam nyo, sa literal na paraan, Ang tingin nila sa kanilang katawan ay daanan ng impormasyon patungo sa kanilang ulo, hindi ba sila? (Tawanan) Upang may madala sila sa mga pagtitipon. Kung gusto ninyo ng tunay na ebidensya ng "out-of-body" na karanasan, maiba ako, pumunta kayo sa isang tahanang pagpupulong ng mga pang-akademiyang sinyor, at dumating kayo sa diskotek sa huling gabi. (Tawanan) At doon makikita ninyo -- mga lalake at babae namimilipit ng husto, wala sa tyempo, naghihintay matapos upang sila ay makauwi at makapagsulat ukol sa kaganapan. Ngayon ang ating sistema ng edukasyon ay nakabase sa pang-akademyang abilidad. At ito'y may dahilan. Ang buong sistema ay na-imbento -- sa buong mundo, mayroon noong walang pampublikong sistema ng edukasyon, bago ang ika-19 na siglo. Ito ay naisakatuparan lamang dahil sa pangangailangan ng industriyalismo. Kaya ang sistema ay naka-ugat sa dalawang ideya. Una, ang kagamit-gamit na asignatura sa pagtra-trabaho ay nasa taas. Kaya maaring bahagyang napalayo kayo sa mga bagay at eskwelahan noong bata pa kayo, mga bagay na gusto ninyo, sa kadahilanang hindi ka magkakatrabaho kapag iyon ang iyong ginawa. Tama ba? Huwag musika, hindi ka magiging musikero; Huwag sining, hindi ka magiging artist. Lihis na payo -- ngayon, malaking pagkakamali. Ang buong mundo ay nababalot ng rebolusyon. At ang pangalawa ay ang pang-akademyang abilidad, na tunay na nangingimbabaw sa 'ting pananaw ng intelihensya, dahil ganito dinesenyo ng mga unibersidad ang sistema. Kung iyong iisipin, ang buong sistema ng pampublikong edukasyon ay nakabatay sa pinalawig na proseso ng pagpasok sa unibersidad. At ang resulta ay maraming puno ng talentong, magagaling, malikhaing indibidwal ang hindi naniniwala sa sarili, dahil ang bagay kung saan sila magaling sa paaralan ay di binigyang halaga, o sanhi ng kanilang kahihiyan. At hindi natin maaaring hayaan ito. Sa susunod na 30 taon, ayon sa UNESCO, maraming tao sa buong mundo ang magtatapos sa edukasyon na di pa nangyayari simula noon. Maraming tao, at ito ay kombinasyon ng lahat ng bagay na ating tinalakay -- ang teknolohiya at ang epekto nito sa trabaho, at demograpiya at ang lawak ng pagsabog ng populasyon. Bigla nalang, ang mga titulong nakamit ay walang halaga. Di ba ito totoo? Noong ako'y mag-aaral, kung ikaw ay may natapos, may trabaho ka. Kung ikaw ay walang trabaho yan ay dahil ayaw mo. At ayaw ko ng trabaho, sa totoo lang. (Tawanan) Subalit ngayong kadalasan ang mga batang nagsipagtapos ay umuuwi upang ipagpatuloy ang paglalaro ng "video games," dahil kailangan ng "MA" sa dating BA lang ang kailangan ngayon kailangan ng PhD sa iba. Ito ay proseso ng pagbintog ng akademya. At ito'y nagpapahiwatig na ang buong istraktura ng edukasyon ay nagbabago. Kailangan nating pag-isipang muli ang ating pananaw ukol sa intelehensya. Tatlong bagay ang alam natin sa intelehensya. Una, ito'y iba-iba. Tulad ng pagtanaw natin sa mundo sa karanasan natin dito. Napapaisip tayo ng ating nakikita, ng ating naririnig, sa paraang "kinesthetic". Tayo'y nag-iisip sa paraang abstract, nag-iisip sa pagkilos. Ikalawa, ang intelihensya ay buhay. Kung titingnan natin ang pakikipagniig ng utak ng tao, tulad ng ating narinig kahapon mula sa iba't ibang pagtatanghal, kamangha-mangha ang pakikipag-ugnayan ng intelihensya. Ang utak ay di nahahati sa kompartamento. Sa katunayan, ang pagkamalikhain -- ay ang proseso ng pagkakaroon ng mga orihinal na ideya na may halaga -- na madalas na nakakamit sa pakikipagniig ng iba't-ibang pamamaraan ng pagtingin sa mga bagay bagay Ang utak ay intensyonal -- sya nga pala, may tangkay ng "nerves" na nag-uugnay sa dalawang kalahati ng utak na tinatawag na "corpus callusum". Mas makapal sa mga babae. Tulad ng sinabi ni Helen kahapon, aking palagay marahil dahil dito kaya ang mga babae ay magaling sa "multi-task". Dahil kayo ay ganun, di ba? Maraming pagsasaliksik, subalit batid ko mula sa karanasan. Kung ang aking asawa nagluluto ng pagkain -- na hindi kadalasan, salamat. (Tawanan) Pero alam nyo, sya'y totoong magaling sa mga bagay -- kung siya'y nagluluto, alam nyo, may kausap sya sa telepono, kausap ang mga bata. nagpipintura ng kisame, sya ay nag-oopera ng puso sa gawi rito. Kung ako'y nagluluto, nakapinid ang pinto, nasa labas ang mga bata, nakapirmi ang telepono, nayayamot ako pag pumasok ang asawa ko. Sinasabi ko, "Terry, paki-usap lang? Nag pi-pirito ako ng itlog dito. Pwede ba? (Tawanan) Alam nyo ba yung matandan kasabihan, kapag ang isang puno ay natumba sa kakahuyan at walang nakarinig nito, nangyari ba ito? Naalala nyo ba ang lumang chestnut? May t-shirt na nakasulat, "Kung magsasabi ng nilalaman ng kanyang isip ang lalaki sa kakahuyan, at walang babaeng nakakarinig sa kanya, may mali pa kaya sya?" (Tawanan) Ikatlong bagay ukol sa intelihensya ay, ito'y kakaiba. Nagsusulat ako ng bagong aklat sa kasalukuyan na tinatawag na "Epiphany", base sa isang series ng pakikipagpanayam sa mga tao ukol sa paano nila nadiskubre ang kanilang talento. Nakakatuwa kung paano nila nadidiskubre. Ito ay sadyang umudyok ng pakikipagusap ko sa isang kahanga-hangang babae na maaring ang karamihan ay hindi sya nakikilala, sya ay si Gillian Lynne, kilala nyo ba sya? Siya a isang "choreographer" at lahat ay kilala ang kanyang trabaho. Ginawa nya ang "Cats," at ang "Phantom of the Opera." Siya ay kahanga-kahanga. Minsan akong naging bahagi ng Royal Ballet, sa Inglatera, tulad ng nakikita nyo. Kahit papaano, si Gillian at ako ay nananghalian ng isang araw at sabi ko sa kanya, "Gillian, pa'no ka ba naging isang mananayaw?" At sabi nya nakakatuwa, nung sya ay nasa paaralan, sya'y walang pag-asa. At ang paaralan, nung dekada '30, ay sumulat sa kanyang mga magulang at sinabing, "Sa aming palagay si Gillian ay may pag-aaral na disorder." Di sya makapag-concentrate, sya ay makilos. Ngayon tatawagin syang may ADHD. Di ba? Subalit ito ay nasa 1930. at ang ADHD ay di pa naiimbento noon. Di pa sya pwedeng sa ganung condition (Tawanan) Di pa alam ng mga tao na pwede nilang makuha ang ganito. Kahit papaano, sya ay ipinatingin sa espesyalista. Kaya, itong silid, sya at ang kanyang nanay, at siya ay ginabayan at pinaupon sa dulo ng upuan, at inupuan nya ang kanyang kamay ng 20 minute habang ang taong ito'y nakikipagusap sa kanyang nanay sa lahat ng mga problema ni Gillian sa paaralan. At pagkatapos -- dahil nagagambala nya ang mga tao, palagi syang huli sa takdang aralin, at marami pang iba, batang walong taong gulang-- nilapitan ng doctor at naupo katabi ni GIlllian at sabi ,"Gillian, Napakinggan ko ang lahat ng sinabi ng iyong nanay at kailangan ko syang makausap ng sarilinan" Sabi nya, "Dito ka lang, babalik kami, di kami magtatagal." at sila ay umalis at iniwan sya. Bago tuluyang lumabas, pinatugtog nya ang radio na nasa kanyang lamesa. At ng sila ay makalabas, sabi nya sa nanay, "Tayo ka at panoorin mo sya." Sa sandaling lumabas sila sabi nya, sya ay tumayo, at nagsimulang gumalaw kasabay ng tugtog. At sila ay nanood ng ilang minuto at tumingin sya sa nanay at nagsabi, "Ginang Lynne, si Gillian ay walang sakit, sya ay mananayaw. Dalhin mo sya sa isang dance school." Sabi ko, "Anong nangyari?" Sabi nya, "Ginawa nya. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kamangha-mangha ito. Pumasok kami sa silid na ito at ito ay puno ng mga kagaya ko. Hindi makatagal na nakaupo lang. Mga taong kailangang kumilos para makapag-isip." Kailangang gumalaw para mag-isip. Nag-ballet, nag-tap, nag-jazz, nag-modern, nag-contemporary. Di kalaunan sya ay nag-odisyon sa Royal Ballet School, siya ay naging isang soloista, nagkaroon ng magandang career at sa Royal Ballet. Sya ay nagtapos mula sa Royal ballet School at nagtayo ng sariling kumpanya -- Gillian Lynne Dance Company -- nakilala si Andrew Lloyd Weber. Sya rin ang responsable sa ilan sa mga matagumpay na pagtatanghal na teatrong musikal na produksyon sa kasaysayan, million ang napasaya nya, at siya ay isang multi-millionaire. May isang tao dapat magbigay sa kanya ng gamot upang sya ay manahimik. Sa aking palagay.. (Palakpakan) Ang kalalabasan nito ay: Si Al gore ay nagsalit noong isang gabi ukol sa ekolohiya, at sa rebolusyon na pinasimulan ni Rachel Carson Naniniwala ako na ang pag-asa sa kinabukasan ay ang gumamit ng bagong konsepto ng "human ecology", isa na syang magsisimulang magpanibago ang ating pagkaunawa ukol sa yaman ng kapasidad ng tao. Ang sistema ng edukasyon ang nagmimina ng ating kaisipan kung saan inalisan nating ang mundo: ng isang natatanging kalakal. At sa kinabukasan, hindi ito makakabuti sa atin. Pag-isipan nating muli ang mga pangunahing batayan na ipinanghuhubog sa ating kabataan. May isang magandang sinabi si Jonas Salk, "Kung ang mga insekto ay mawawala sa mundo, sa 50 taon lahat ng buhay sa mundo ay magwawakas. Kung ang lahat ng tao ay mawawala sa mundo sa 50 taon lahat ng buhay sa mundo ay sasagana." At tama sya. Ang ipinagdiriwang ng TED ay ang kaloob ng maglikhaing-isip. Kailangang mag ingat sa paggamit ng kaloob na ito husayan, upang tayo ay kumawala sa mga senaryo senaryo na ating natalakay. At ang tanging paraan ay makita natin ang ating malikhaing kakayanang sa yamang taglay nito, at makita natin ang pagasang meron ang mga bata. Tungkulin natin linangin ang kanilang buong katauhan, para sa kinabukasan. Maaring di natin makita ang hinaharap, subalit makikita nila. Trabaho nating tulungan silang makalikha mula sa mga ito. Maraming salamat.