< Return to Video

Disney Infinity Play Lab - Intro

  • 0:02 - 0:09
    Nasa anong baitang ka? Ikalawa. Ikasampung baitang. Unang baitang. Nasa ika-8 baitang ako nang matuto ako
  • 0:10 - 0:17
    na mag-program. Nagkaroon ako ng unang computer nang nasa ikaanim na baitang ako. Nagiging excited ako kapag
  • 0:17 - 0:21
    nalulutas ko ang mga problema ng mga tao. Maaari mong ipahayag ang sarili mo, maaari kang gumawa ng mga bagay sa
  • 0:21 - 0:27
    isang ideya. Ang computer science ay ang basehan ng maraming bagay na gagawin ng mga mag-aaral sa kolehiyo
  • 0:27 - 0:31
    at propesyonal sa loob ng susunod na 20 o 30 taon. Gustong gusto ko ang programming dahil
  • 0:31 - 0:37
    gusto kong tumulong sa mga tao. Nagkakaroon ako ng oportunidad na gumawa ng isang bagay na magpapadali sa
  • 0:37 - 0:41
    mga buhay ng mga tao. Sa tingin ko ito ang pinakamalapit sa pagkakaroon ng superpower. Ang pagsisimula
  • 0:41 - 0:48
    ang pinakamahalagang bahagi. Bagito ako mismo at gusto kong matuto ka na kasama ako. Ako si John
  • 0:48 - 0:52
    Vechey, isa ako sa mga kasamang pundador ng PopCap
    Games. Gumagawa kami ng mga laro tulad ng Plants vs. Zombies,
  • 0:52 - 0:58
    Bejeweled at Peggle. Marami sa mga laro ay hindi tungkol sa kung gaano kaperpekto ang code mo, hindi kung gaano kaperpekto
  • 0:58 - 1:02
    ang sining mo, ito ay tungkol sa kung paano ito nadarama at kung gaano kasaya ito. Makukuha mo lang ang
  • 1:02 - 1:06
    damdaming iyan sa pamamagitan pagsubok dito, paggawa nito, pagkatuto at pakikiangkop at pag-uulit ng sarili mong mga kasanayan
  • 1:06 - 1:11
    sa paggawa ng mga laro. May paborito ka bang video game na palaging gusto mong gawin? Gagawin natin ang isang hakbang
  • 1:11 - 1:17
    sa paglikha ng mga laro tulad niyan gamit ang Play Lab.
    Ang mga magaling na laro ay may kuwento at bawat kuwento ay may
  • 1:17 - 1:23
    mga aktor. Ginagawa ng mga aktor ang mga bagay tulad ng pagsasalita, paggalaw at pakikitungo sa isa't isa. Malamang kahit na mag-score
  • 1:23 - 1:28
    ng mga puntos base sa mga alituntunin ng larong iyan. Sa araw na ito, matututo tayo kung paano gawin ang lahat ng mga bagay na ito,
  • 1:28 - 1:34
    isa-isa gamit ang mga karakter ng Disney tulad nina
    Anna, Elsa, Hiro, Baymax at Rapunzel. Gagawa tayo
  • 1:34 - 1:40
    ng isang laro mula sa wala na maaaring ibahagi
    at laruin sa isang telepono. Nahahati ang screen mo
  • 1:40 - 1:45
    sa tatlong pangunahing bahagi. Sa kaliwa ang
    gamespace kung saan tatakbo ang program mo. Ang
  • 1:45 - 1:51
    mga tagubilin sa bawat lebel ay nakasulat sa ibaba.
    Ang gitnang area ang toolbox at bawat isa
  • 1:51 - 1:56
    sa mga block na ito ay isang piyesa ng code. Ang puting
    space sa kanan ang tinatawag na workspace,
  • 1:56 - 2:02
    at dito natin gagawin ang ating program.
    Para magsimula, kakailangan mo na i-link ang mga block mo
  • 2:02 - 2:07
    sa orange na "when run" na block. Maaari mong i-link
    ang maraming block na magkasama sa pamamagitan ng pag-drag sa kanila
  • 2:07 - 2:13
    hanggang sa makita mo ang dilaw na balangkas at
    saka magsasama sila. Sa unang
  • 2:13 - 2:19
    palaisipan na ito, si Hiro ang Aktor 1 at si Baymax ay Aktor
    2. Kailangan nating pagalawin si Hiro upang pumunta kay Baymax sa pamamagitan ng
  • 2:19 - 2:25
    pag-drag sa "move right" na block at pag-link dito
    sa "when run" na block. Sa sandaling nasa
  • 2:25 - 2:30
    lugar ang mga block mo, tamaan ang "run button"
    upang makita kung ano ang na-program mo. Magsimula
  • 2:30 - 2:34
    at sa katapusan makakagawa ka ng sarili mong laro gamit ang mga kamangha-manghang aktor na ito na maaaring
  • 2:34 - 2:41
    makitungo sa isa't isa, mag-score ng mga puntos, maghagis ng mga microbot, cherry, kaserola, sparkle at yelo... at mawala
  • 2:41 - 2:43
    ang bawat isa. Nasa sa iyo 'yan!
Title:
Disney Infinity Play Lab - Intro
Description:

more » « less
Video Language:
English
Team:
Code.org
Project:
Hour of Code
Duration:
02:45

Tagalog subtitles

Revisions Compare revisions