< Return to Video

Mozilla Firefox: Isang Kakaibang Browser

  • 0:02 - 0:05
    Kuntento kami sa pagiging kakaiba.
  • 0:05 - 0:08
    Walang magarbong palatandaan ng sapi
  • 0:08 - 0:10
    sa tabi ng pangalan namin sa balita.
  • 0:10 - 0:11
    Wala kaming tubo.
  • 0:12 - 0:14
    Wala kaming kinikilingang artistang inaangat sa iba.
  • 0:15 - 0:16
    Kakaiba kami mangalakal,
  • 0:16 - 0:17
    makipagpirmahan
  • 0:17 - 0:19
    o makipagkamayan,
  • 0:19 - 0:20
    kung ihahambing sa madla.
  • 0:21 - 0:23
    At ayos lang lahat ng iyon sa amin.
  • 0:24 - 0:26
    Kami'y ginaganyak sa sari-sariling paraan,
  • 0:26 - 0:27
    hindi takot lumihis sa nakasanayan,
  • 0:27 - 0:29
    at kakaiba kung makipagsapalaran.
  • 0:30 - 0:32
    Kung saan mahalaga para sa ibang kumpanya ang nasa ibaba,
  • 0:32 - 0:35
    ang mahalaga naman sa amin ang... pagpapahalaga.
  • 0:36 - 0:39
    Kung kailan ang kalaba'y may bagay na nais akuin o angkinin,
  • 0:39 - 0:41
    ang paglaya nito ang aming hangarin.
  • 0:41 - 0:43
    At habang halos lahat ng produkto at teknolohiya
  • 0:43 - 0:45
    ay patagong ginagawa,
  • 0:45 - 0:47
    ang sa ami'y sadyang isinisiwalat,
  • 0:47 - 0:49
    upang sa lahat ay maikalat.
  • 0:49 - 0:52
    'Di kami hawak ng may mataas na antas dahil sa pera o kapangyarihan.
  • 0:52 - 0:54
    Hindi kami tumutugon sa kahit sino, maliban sa inyo.
  • 0:55 - 0:56
    'Di rin kami kumikilos dahil katuwaan lang siya,
  • 0:56 - 0:59
    kahit talaga namang nakatutuwa.
  • 0:59 - 1:00
    Ganito kami gumawa
  • 1:00 - 1:04
    dahil para sa amin, ito ang tama.
  • 1:04 - 1:06
    Na mas matimbang ang prinsipyo kaysa sa tubo.
  • 1:06 - 1:09
    Na itinataob ang paglihim ng pagtataimtim,
  • 1:09 - 1:12
    ang interes ng iilan ng hinaing ng karamihan.
  • 1:12 - 1:14
    Ang web para sa amin ay dapat inaalagaan
  • 1:14 - 1:15
    kaysa pinagkakakitaan,
  • 1:15 - 1:17
    maging bukal na kinakalinga
  • 1:17 - 1:19
    kaysa maging bagay lang na ibinebenta.
  • 1:19 - 1:21
    At naniniwala kami sa pagbabago
  • 1:21 - 1:25
    na pinauupo ang gumagamit sa tapat ng manibela.
  • 1:25 - 1:27
    Ngunit higit sa lahat,
  • 1:27 - 1:29
    may tiwala kami sa inyo.
  • 1:29 - 1:32
    Para sa amin, ang pinakamagandang browser ay magagawa lamang
  • 1:32 - 1:33
    ng mga enhinyero, programista,
  • 1:33 - 1:36
    ilustrador, at taong tulad niyo,
  • 1:36 - 1:40
    na naglalaan ng oras, dunong, lakas, at tulong sa layunin namin.
  • 1:40 - 1:42
    At naniniwala kaming sama-sama,
  • 1:42 - 1:43
    na may iisang layunin,
  • 1:43 - 1:46
    maipapagpatuloy natin ang pagbabago para sa indibiduwal,
  • 1:46 - 1:48
    at para sa pag-usbong ng web.
  • 1:48 - 1:50
    Upang ngayon at kailanman,
  • 1:50 - 1:51
    ito'y maglilingkod para sa kabutihan.
  • 1:51 - 1:54
    Tayong lahat ay Mozilla Firefox.
  • 1:54 - 1:56
    Hindi lang kami kakaibang browser,
  • 1:57 - 1:59
    kami'y browser na nagsasagawa ng pagkakaiba.
Title:
Mozilla Firefox: Isang Kakaibang Browser
Video Language:
English
Duration:
02:02
Michael Apeles edited Tagalog subtitles for Mozilla Firefox: Um navegador diferente
Michael Apeles edited Tagalog subtitles for Mozilla Firefox: Um navegador diferente
Michael Apeles added a translation

Tagalog subtitles

Revisions