0:00:01.959,0:00:05.000 Kuntento kami sa pagiging kakaiba. 0:00:05.014,0:00:07.616 Walang magarbong palatandaan ng sapi 0:00:07.616,0:00:09.594 sa tabi ng pangalan namin sa balita. 0:00:09.594,0:00:11.390 Wala kaming tubo. 0:00:11.670,0:00:14.394 Wala kaming kinikilingang artistang inaangat sa iba. 0:00:14.610,0:00:16.100 Kakaiba kami mangalakal, 0:00:16.100,0:00:17.486 makipagpirmahan 0:00:17.486,0:00:18.822 o makipagkamayan, 0:00:18.822,0:00:20.342 kung ihahambing sa madla. 0:00:20.897,0:00:22.960 At ayos lang lahat ng iyon sa amin. 0:00:23.664,0:00:25.542 Kami'y ginaganyak sa sari-sariling paraan, 0:00:25.542,0:00:27.290 hindi takot lumihis sa nakasanayan, 0:00:27.290,0:00:29.377 at kakaiba kung makipagsapalaran. 0:00:29.654,0:00:32.310 Kung saan mahalaga para sa ibang kumpanya ang nasa ibaba, 0:00:32.395,0:00:35.021 ang mahalaga naman sa amin ang... pagpapahalaga. 0:00:35.590,0:00:38.916 Kung kailan ang kalaba'y may bagay na nais akuin o angkinin, 0:00:38.916,0:00:40.834 ang paglaya nito ang aming hangarin. 0:00:41.172,0:00:43.317 At habang halos lahat ng produkto at teknolohiya 0:00:43.317,0:00:45.215 ay patagong ginagawa, 0:00:45.215,0:00:46.797 ang sa ami'y sadyang isinisiwalat, 0:00:46.797,0:00:48.749 upang sa lahat ay maikalat. 0:00:48.832,0:00:52.190 'Di kami hawak ng may mataas na antas dahil sa pera o kapangyarihan. 0:00:52.316,0:00:54.112 Hindi kami tumutugon sa kahit sino, maliban sa inyo. 0:00:54.502,0:00:56.460 'Di rin kami kumikilos dahil katuwaan lang siya, 0:00:56.460,0:00:58.820 kahit talaga namang nakatutuwa. 0:00:58.922,0:01:00.348 Ganito kami gumawa 0:01:00.348,0:01:03.570 dahil para sa amin, ito ang tama. 0:01:03.570,0:01:05.500 Na mas matimbang ang prinsipyo kaysa sa tubo. 0:01:05.519,0:01:08.650 Na itinataob ang paglihim ng pagtataimtim, 0:01:08.767,0:01:11.500 ang interes ng iilan ng hinaing ng karamihan. 0:01:11.675,0:01:13.898 Ang web para sa amin ay dapat inaalagaan 0:01:13.898,0:01:15.175 kaysa pinagkakakitaan, 0:01:15.313,0:01:17.067 maging bukal na kinakalinga 0:01:17.067,0:01:19.487 kaysa maging bagay lang na ibinebenta. 0:01:19.487,0:01:21.138 At naniniwala kami sa pagbabago 0:01:21.138,0:01:25.100 na pinauupo ang gumagamit sa tapat ng manibela. 0:01:25.465,0:01:26.937 Ngunit higit sa lahat, 0:01:26.937,0:01:28.902 may tiwala kami sa inyo. 0:01:29.086,0:01:31.828 Para sa amin, ang pinakamagandang browser ay magagawa lamang 0:01:31.828,0:01:33.457 ng mga enhinyero, programista, 0:01:33.457,0:01:36.208 ilustrador, at taong tulad niyo, 0:01:36.208,0:01:39.587 na naglalaan ng oras, dunong, lakas, at tulong sa layunin namin. 0:01:39.587,0:01:41.586 At naniniwala kaming sama-sama, 0:01:41.586,0:01:43.113 na may iisang layunin, 0:01:43.113,0:01:46.252 maipapagpatuloy natin ang pagbabago para sa indibiduwal, 0:01:46.252,0:01:47.658 at para sa pag-usbong ng web. 0:01:47.658,0:01:49.655 Upang ngayon at kailanman, 0:01:49.655,0:01:51.492 ito'y maglilingkod para sa kabutihan. 0:01:51.492,0:01:53.990 Tayong lahat ay Mozilla Firefox. 0:01:54.263,0:01:56.321 Hindi lang kami kakaibang browser, 0:01:56.588,0:01:59.160 kami'y browser na nagsasagawa ng pagkakaiba.