WEBVTT 00:00:01.959 --> 00:00:05.000 Kuntento kami sa pagiging kakaiba. 00:00:05.014 --> 00:00:07.616 Walang magarbong palatandaan ng sapi 00:00:07.616 --> 00:00:09.594 sa tabi ng pangalan namin sa balita. 00:00:09.594 --> 00:00:11.390 Wala kaming tubo. 00:00:11.670 --> 00:00:14.394 Wala kaming kinikilingang artistang inaangat sa iba. 00:00:14.610 --> 00:00:16.100 Kakaiba kami mangalakal, 00:00:16.100 --> 00:00:17.486 makipagpirmahan 00:00:17.486 --> 00:00:18.822 o makipagkamayan, 00:00:18.822 --> 00:00:20.342 kung ihahambing sa madla. 00:00:20.897 --> 00:00:22.960 At ayos lang lahat ng iyon sa amin. 00:00:23.664 --> 00:00:25.542 Kami'y ginaganyak sa sari-sariling paraan, 00:00:25.542 --> 00:00:27.290 hindi takot lumihis sa nakasanayan, 00:00:27.290 --> 00:00:29.377 at kakaiba kung makipagsapalaran. 00:00:29.654 --> 00:00:32.310 Kung saan mahalaga para sa ibang kumpanya ang nasa ibaba, 00:00:32.395 --> 00:00:35.021 ang mahalaga naman sa amin ang... pagpapahalaga. 00:00:35.590 --> 00:00:38.916 Kung kailan ang kalaba'y may bagay na nais akuin o angkinin, 00:00:38.916 --> 00:00:40.834 ang paglaya nito ang aming hangarin. 00:00:41.172 --> 00:00:43.317 At habang halos lahat ng produkto at teknolohiya 00:00:43.317 --> 00:00:45.215 ay patagong ginagawa, 00:00:45.215 --> 00:00:46.797 ang sa ami'y sadyang isinisiwalat, 00:00:46.797 --> 00:00:48.749 upang sa lahat ay maikalat. 00:00:48.832 --> 00:00:52.190 'Di kami hawak ng may mataas na antas dahil sa pera o kapangyarihan. 00:00:52.316 --> 00:00:54.112 Hindi kami tumutugon sa kahit sino, maliban sa inyo. 00:00:54.502 --> 00:00:56.460 'Di rin kami kumikilos dahil katuwaan lang siya, 00:00:56.460 --> 00:00:58.820 kahit talaga namang nakatutuwa. 00:00:58.922 --> 00:01:00.348 Ganito kami gumawa 00:01:00.348 --> 00:01:03.570 dahil para sa amin, ito ang tama. 00:01:03.570 --> 00:01:05.500 Na mas matimbang ang prinsipyo kaysa sa tubo. 00:01:05.519 --> 00:01:08.650 Na itinataob ang paglihim ng pagtataimtim, 00:01:08.767 --> 00:01:11.500 ang interes ng iilan ng hinaing ng karamihan. 00:01:11.675 --> 00:01:13.898 Ang web para sa amin ay dapat inaalagaan 00:01:13.898 --> 00:01:15.175 kaysa pinagkakakitaan, 00:01:15.313 --> 00:01:17.067 maging bukal na kinakalinga 00:01:17.067 --> 00:01:19.487 kaysa maging bagay lang na ibinebenta. 00:01:19.487 --> 00:01:21.138 At naniniwala kami sa pagbabago 00:01:21.138 --> 00:01:25.100 na pinauupo ang gumagamit sa tapat ng manibela. 00:01:25.465 --> 00:01:26.937 Ngunit higit sa lahat, 00:01:26.937 --> 00:01:28.902 may tiwala kami sa inyo. 00:01:29.086 --> 00:01:31.828 Para sa amin, ang pinakamagandang browser ay magagawa lamang 00:01:31.828 --> 00:01:33.457 ng mga enhinyero, programista, 00:01:33.457 --> 00:01:36.208 ilustrador, at taong tulad niyo, 00:01:36.208 --> 00:01:39.587 na naglalaan ng oras, dunong, lakas, at tulong sa layunin namin. 00:01:39.587 --> 00:01:41.586 At naniniwala kaming sama-sama, 00:01:41.586 --> 00:01:43.113 na may iisang layunin, 00:01:43.113 --> 00:01:46.252 maipapagpatuloy natin ang pagbabago para sa indibiduwal, 00:01:46.252 --> 00:01:47.658 at para sa pag-usbong ng web. 00:01:47.658 --> 00:01:49.655 Upang ngayon at kailanman, 00:01:49.655 --> 00:01:51.492 ito'y maglilingkod para sa kabutihan. 00:01:51.492 --> 00:01:53.990 Tayong lahat ay Mozilla Firefox. 00:01:54.263 --> 00:01:56.321 Hindi lang kami kakaibang browser, 00:01:56.588 --> 00:01:59.160 kami'y browser na nagsasagawa ng pagkakaiba.