< Return to Video

Star Wars with Blockly - Hour of Code: Introduction

  • 0:01 - 0:04
    Maligayang pagdating sa Oras ng Code...
  • 0:14 - 0:20
    Magandang araw ako si Kathleen Kennedy at producer ako ng Star Wars: The Force Awakens. Sa araw na ito makikipagtulungan
  • 0:20 - 0:28
    ka sa isa sa aming mga bituin, BB-8. Si BB-8 ay isang spherical na droid. Ang lahat ng ginagawa niya at
  • 0:28 - 0:35
    bawat paggalaw na ginagalaw niya ay kontrolado ng computer software. Nakaaapekto ang computer science
  • 0:35 - 0:41
    sa bawat industriya, mula marketing hanggang sa pangangalagang pangkalusugan hanggang sa pelikula. Sa katunayan, daan-daang computer engineer
  • 0:41 - 0:45
    ang nagtrabahong magkasama upang gumawa ng isang pelikula tulad ng The Force Awakens.
  • 0:45 - 0:52
    Magandang araw, ako si Rachel Rose. Senior R&D engineer ako sa ILM at pinangungunahan ko ang animation and creature
  • 0:52 - 0:57
    development team. Sa The Force Awakens, ako ang responsable sa pagtulong sa artist na bumuo ng
  • 0:57 - 1:03
    mga rig, na mga bahagi ng karakter na gumagalaw na hinahayaan ang karakter na makitang
  • 1:03 - 1:09
    mapapaniwalaan na nasa isang kalawakan na malayong-malayo. Sa susunod na oras, gagawa tayo ng ating
  • 1:09 - 1:14
    sariling laro ng Stars Wars na magtuturo sa iyo ng mga basic na konsepto ng programming. Kadalasang ang programming
  • 1:14 - 1:17
    ay lahat teksto ngunit gagamit tayo ng mga block dito para mai-drag at mai-drop natin upang isulat ang
  • 1:17 - 1:23
    mga program. Para magsimula, makikipagtulungan tayo kay Rey upang i-program ang BB-8 upang lumakad na mangolekta
  • 1:23 - 1:28
    ng lahat ng mga scrap na bahagi.
    Nahahati ang screen mo sa tatlong bahagi. Sa
  • 1:28 - 1:32
    kaliwa ang Star Wars game space kung saan tatakbo ang code. Ang mga tagubilin sa bawat lebel
  • 1:32 - 1:37
    ay nakasulat sa ibaba ng game space. Ang gitnang area na ito ang toolbox at bawat isa sa mga block
  • 1:37 - 1:42
    ay isang command na nauunawaan ni BB-8. Ang puting space sa kanan ay tinatawag na work
  • 1:42 - 1:45
    space at dito tayo gagawa ng ating program.
  • 1:45 - 1:52
    Kung ida-drag ko ang moveLeft na block sa ating workspace, ano ang nangyayari? Gagalaw pakaliwa si BB-8 ng isang block sa
  • 1:52 - 1:57
    grid. At ano kung gusto kong gumawa ng isang bagay si BB-8 pagkatapos ng move left na block? Maaari akong magdagdag ng isa pang
  • 1:57 - 2:02
    block sa ating program. Pipiliin ko ang moveUp na block at ida-drag ko ito sa ilalim ng aking
  • 2:02 - 2:06
    moveLeft na block hanggang sa lumitaw ang highlight.
    Saka ida-drop ko ito at ang dalawang block ay
  • 2:06 - 2:11
    magsasama.
    Kapag pinindot kong muli ang run, gagawin ni BB-8
  • 2:11 - 2:16
    ang mga command na naka-stack pataas pababa sa ating workspace. Kung gusto mo mang tanggalin
  • 2:16 - 2:21
    ang isang block, tanggalin lang ito mula sa stack at i-drag ito pabalik sa toolbox. Pagkatapos mong tamaan
  • 2:21 - 2:28
    ang run, maaari mong palaging tamaan ang reset na buton upang magsimula muli si BB-8. Magsimula na tayo!
Title:
Star Wars with Blockly - Hour of Code: Introduction
Description:

more » « less
Video Language:
English
Team:
Code.org
Project:
Hour of Code
Duration:
02:40

Tagalog subtitles

Revisions