Maligayang pagdating sa Oras ng Code... Magandang araw ako si Kathleen Kennedy at producer ako ng Star Wars: The Force Awakens. Sa araw na ito makikipagtulungan ka sa isa sa aming mga bituin, BB-8. Si BB-8 ay isang spherical na droid. Ang lahat ng ginagawa niya at bawat paggalaw na ginagalaw niya ay kontrolado ng computer software. Nakaaapekto ang computer science sa bawat industriya, mula marketing hanggang sa pangangalagang pangkalusugan hanggang sa pelikula. Sa katunayan, daan-daang computer engineer ang nagtrabahong magkasama upang gumawa ng isang pelikula tulad ng The Force Awakens. Magandang araw, ako si Rachel Rose. Senior R&D engineer ako sa ILM at pinangungunahan ko ang animation and creature development team. Sa The Force Awakens, ako ang responsable sa pagtulong sa artist na bumuo ng mga rig, na mga bahagi ng karakter na gumagalaw na hinahayaan ang karakter na makitang mapapaniwalaan na nasa isang kalawakan na malayong-malayo. Sa susunod na oras, gagawa tayo ng ating sariling laro ng Stars Wars na magtuturo sa iyo ng mga basic na konsepto ng programming. Kadalasang ang programming ay lahat teksto ngunit gagamit tayo ng mga block dito para mai-drag at mai-drop natin upang isulat ang mga program. Para magsimula, makikipagtulungan tayo kay Rey upang i-program ang BB-8 upang lumakad na mangolekta ng lahat ng mga scrap na bahagi. Nahahati ang screen mo sa tatlong bahagi. Sa kaliwa ang Star Wars game space kung saan tatakbo ang code. Ang mga tagubilin sa bawat lebel ay nakasulat sa ibaba ng game space. Ang gitnang area na ito ang toolbox at bawat isa sa mga block ay isang command na nauunawaan ni BB-8. Ang puting space sa kanan ay tinatawag na work space at dito tayo gagawa ng ating program. Kung ida-drag ko ang moveLeft na block sa ating workspace, ano ang nangyayari? Gagalaw pakaliwa si BB-8 ng isang block sa grid. At ano kung gusto kong gumawa ng isang bagay si BB-8 pagkatapos ng move left na block? Maaari akong magdagdag ng isa pang block sa ating program. Pipiliin ko ang moveUp na block at ida-drag ko ito sa ilalim ng aking moveLeft na block hanggang sa lumitaw ang highlight. Saka ida-drop ko ito at ang dalawang block ay magsasama. Kapag pinindot kong muli ang run, gagawin ni BB-8 ang mga command na naka-stack pataas pababa sa ating workspace. Kung gusto mo mang tanggalin ang isang block, tanggalin lang ito mula sa stack at i-drag ito pabalik sa toolbox. Pagkatapos mong tamaan ang run, maaari mong palaging tamaan ang reset na buton upang magsimula muli si BB-8. Magsimula na tayo!