< Return to Video

Doing the Impossible, Swallowing the Sword, Cutting Through Fear | Dan Meyer | TEDxMaastricht

  • 0:08 - 0:10
    Salamat.
  • 0:16 - 0:21
    Mayroong isang hari sa India, Maharaja,
    at ng kaarawan niya, may batas na ginawa
  • 0:21 - 0:24
    na lahat ng mga pinuno ay magdadala
    ng regalo para sa hari.
  • 0:24 - 0:28
    May mga nagdala ng pinong seda,
    may nagdala ng mamahaling espada,
  • 0:28 - 0:29
    may nagdala ng ginto.
  • 0:29 - 0:33
    At sa dulo ng pila may
    isang matandang lalaki na
  • 0:33 - 0:37
    naglakad mula sa kanyang nayon
    at tumawid ng dagat ng ilang araw.
  • 0:37 - 0:41
    Pag lakad niya papalapit sa anak ng hari,
    "Anong regalong dala mo para sa hari?"
  • 0:41 - 0:45
    Binuksan ng matandang lalaki ang
    kamay niya at pinakita
  • 0:45 - 0:50
    ang isang napakagandang kabibe, na may
    paikot na kulay lila, dilaw, pula at asul.
  • 0:50 - 0:51
    Sinabi ng anak ng hari,
  • 0:51 - 0:54
    "Hindi yan regalo para sa hari!
    Anong klaseng regalo yan?"
  • 0:55 - 0:57
    Dahan-dahang tumingin ang
    matanda sa kanya at sinabi,
  • 0:58 - 1:01
    "Mahabang paglalakad.. parte ng regalo."
  • 1:01 - 1:03
    (Tawanan)
  • 1:03 - 1:06
    Sa ilang sandali,
    magbibigay ako sa inyo ng isang regalo,
  • 1:06 - 1:08
    regalo na sa tingin ko
    ay mahalagang ipamahagi.
  • 1:08 - 1:10
    Pero bago iyon, samahan ninyo ako
  • 1:10 - 1:12
    sa mahabang paglakad ko.
  • 1:12 - 1:14
    Gaya ng marami sa inyo,
  • 1:14 - 1:15
    Nagsimula akong maliit na bata.
  • 1:15 - 1:17
    Ilan ang nagsimula ng
    buhay na maliit na bata?
  • 1:17 - 1:19
    Pinanganak na bata?
  • 1:19 - 1:20
    Halos kalahati.. Ok..
  • 1:21 - 1:22
    (Tawanan)
  • 1:22 - 1:25
    At ang iba sa inyo, ano?
    Pinanganak ng matanda?
  • 1:25 - 1:28
    Wow, gusto kong makilala ang nanay ninyo!
  • 1:28 - 1:29
    Usapang impossible!
  • 1:31 - 1:35
    Bilang isang bata, lagi na akong
    nabibighaning gumawa ng imposible.
  • 1:36 - 1:39
    Ngayon ay araw na pinangarap
    ko nang madaming taon,
  • 1:39 - 1:41
    dahil ngayon ay araw na
    susubukan kong
  • 1:41 - 1:44
    gumawa ng imposible sa
    harap ninyong lahat,
  • 1:44 - 1:45
    dito mismo sa TEDxMaastricht.
  • 1:46 - 1:48
    Magsisimula ako sa pagbibigay ng regalo -
  • 1:49 - 1:51
    sa pagbunyag sa inyo ng katapusan:
  • 1:51 - 1:53
    at papatunayan ko sa inyo
  • 1:53 - 1:55
    na ang imposible ay hindi imposible.
  • 1:55 - 1:58
    At panghuli ay bibigyan ko
    kayo ng regalo kabaha-bahagi:
  • 1:58 - 2:01
    Ipapakita ko na kaya ninyong gawin
    ang imposible sa buhay ninyo.
  • 2:03 - 2:05
    Sa paglalakbay ko sa paggawa ng
    imposible, nakita ko na may
  • 2:05 - 2:08
    dalawang bagay na pare-pareho
    sa lahat ng tao sa mundo.
  • 2:08 - 2:10
    Lahat ay may mga takot,
  • 2:10 - 2:12
    at lahat ay may mga pangarap.
  • 2:13 - 2:15
    Sa paglakbay ko sa
    paggawa ng imposible, nakita ko
  • 2:15 - 2:18
    ang tatlong bagay,
    sa paglibot ko sa mundo
  • 2:18 - 2:20
    o nagawa ko sa mga lumipas na taon, na
  • 2:20 - 2:23
    nagtulak sakin na gawin ang imposible.
  • 2:24 - 2:27
    Batuhan-bola, o mas alam ninyo "Trefbal",
  • 2:27 - 2:28
    Superman,
  • 2:28 - 2:29
    at Lamok.
  • 2:29 - 2:31
    Ang 3 pang-unang salita ko.
  • 2:31 - 2:34
    Ngayon alam ninyo na bakit
    ginagawa ko ang imposible.
  • 2:34 - 2:36
    Kaya dadalhin ko kayo sa
    lakbayin ko, mahabang lakarin
  • 2:36 - 2:39
    mula sa takot tungo sa pangarap,
  • 2:39 - 2:41
    mula sa salita tungo sa espada,
  • 2:41 - 2:43
    mula sa batuhan-bato
  • 2:43 - 2:44
    tungo sa Superman
  • 2:44 - 2:45
    hanggang Lamok.
  • 2:46 - 2:47
    At sana maipakita ko
  • 2:47 - 2:50
    na kaya ninyo ang mga imposible sa
    buhay ninyo.
  • 2:52 - 2:55
    Oktubre 4, 2007.
  • 2:56 - 2:58
    Mabilis ang tibok ng puso,
    nanginginig ang tuhod
  • 2:58 - 2:59
    pagtapak ko sa entablado
  • 2:59 - 3:01
    ng Sanders Theatre
  • 3:01 - 3:03
    Harvard University para tanggapin
  • 3:03 - 3:06
    ang 2007 Ig Nobel Premyo sa Medisina
  • 3:06 - 3:09
    para sa isang pagsasaliksik na
    kasama ako sa sumulat
  • 3:09 - 3:10
    ang "Paglunok ng Espada...
  • 3:10 - 3:12
    ...at ang mga Epekto Nito".
  • 3:12 - 3:13
    (Tawanan)
  • 3:14 - 3:18
    Nalathala ito kasama ang isang sulatin
    na hindi ko pa nababasa noon,
  • 3:18 - 3:20
    ang Mediko Dyornal ng Britanya.
  • 3:21 - 3:25
    Para sa akin, iyon ay
    imposibleng pangarap na natupad,
  • 3:25 - 3:28
    isa iyong 'di ko akalain na sopresa
    para sa isang katulad ko,
  • 3:28 - 3:31
    isa iyong parangal na 'di ko malilimutan.
  • 3:31 - 3:35
    Pero hindi iyon ang pinaka di-
    malilimutang parte ng buhay ko.
  • 3:36 - 3:38
    Noong Oktubre 4, 1967,
  • 3:38 - 3:40
    itong takot, mahiyain,
    payat at mahinang bata
  • 3:41 - 3:43
    ay nagdanas ng matinding mga takot.
  • 3:43 - 3:46
    Nang handa na siyang umakyat sa entablado
  • 3:46 - 3:47
    tumitibok ng mabilis ang puso niya
  • 3:48 - 3:49
    nanginginig ang tuhod niya.
  • 3:50 - 3:52
    Binukas niya ang bibig niya
    para magsalita,
  • 3:56 - 3:58
    pero walang lumalabas na salita.
  • 3:58 - 4:00
    Nakatayo siyang umiiyak.
  • 4:01 - 4:02
    'Di siya makakilos sa sindak,
  • 4:02 - 4:04
    naninigas sa takot.
  • 4:04 - 4:06
    Itong takot, mahiyain,
    payat at mahinang bata
  • 4:06 - 4:08
    ay nagdanas ng matinding mga takot.
  • 4:09 - 4:10
    Takot siya sa dilim,
  • 4:11 - 4:12
    takot siya sa matataas,
  • 4:12 - 4:13
    takot sa gagamba at ahas...
  • 4:13 - 4:15
    Meron ba ditong takot sa gagamba o ahas?
  • 4:15 - 4:17
    Tama, ilan sa inyo...
  • 4:17 - 4:19
    Takot siya sa tubig at pating...
  • 4:19 - 4:22
    Takot sa doktor at nars at dentista,
  • 4:22 - 4:25
    sa karayom at barena at natulis
    na mga bagay.
  • 4:25 - 4:27
    Pero higit sa lahat,
    may takot siya sa
  • 4:27 - 4:28
    tao.
  • 4:29 - 4:32
    Iyong takot, mahiyain,
    payat at mahinang bata
  • 4:32 - 4:33
    ay ako.
  • 4:33 - 4:37
    Takot ako sa kabiguan at hindi matanggap,
  • 4:37 - 4:40
    mababang tiwala at tingin sa sarili
  • 4:40 - 4:43
    at isang bagay na di natin alam noon
    pero nakukuha natin:
  • 4:43 - 4:45
    mahinang pakikisalamuha sa iba.
  • 4:45 - 4:49
    Dahil madami akong takot,
    tinutukso ako at binubugbog.
  • 4:49 - 4:52
    Tatawa at tutuksuhin nila ako,
    ayaw nila ako kalaro
  • 4:52 - 4:54
    sa mga laro nila.
  • 4:55 - 4:58
    Ah, meron isang laro na hinahayaan
    nila akong sumali...
  • 4:58 - 4:59
    Batuhan-bola -
  • 5:00 - 5:01
    at 'di ako magaling umilag.
  • 5:02 - 5:04
    Tatawagin nila ang pangalan ko,
  • 5:04 - 5:06
    at titingin ako at makikita ko
    ang mga pulang bola
  • 5:06 - 5:08
    papunta sa mukha ko ng sobrang bilis
  • 5:08 - 5:10
    bam, bam, bam!
  • 5:11 - 5:13
    Naaalala ko madalas noong
    naglalakad ako galing eskwela
  • 5:13 - 5:18
    na ang mukha ko pula at masakit,
    ang tenga ko pula at may maingay na tunog.
  • 5:18 - 5:21
    Ang mga mata ko masakit dahil sa kaiiyak,
  • 5:21 - 5:24
    at ang mga sinabi nila naririnig
    ko sa tenga ko.
  • 5:24 - 5:25
    At sinuman ang nagsabi ng,
  • 5:25 - 5:29
    "Palo at bato ay makakabasag ng buto ko,
    pero 'di makakasakit ang salita"...
  • 5:29 - 5:30
    Kasinungalingan 'yan.
  • 5:30 - 5:32
    Ang salita nakakahiwa, parang tabak
  • 5:32 - 5:34
    Ang salita nakakatarak, parang espada.
  • 5:34 - 5:36
    Nakakagawa ito ng malalalim na sugat
  • 5:36 - 5:38
    na hindi nakikita.
  • 5:38 - 5:41
    Kaya may mga takot ako,
    at matinding kaaway ko ang mga salita.
  • 5:41 - 5:42
    Hanggang ngayon pa din.
  • 5:43 - 5:45
    Pero mayroon din akong mga pangarap.
  • 5:45 - 5:48
    Uuwi ako at
    kakawala ako sa Superman komiks
  • 5:48 - 5:50
    at magbabasa ako ng Superman komiks
  • 5:50 - 5:53
    at mangangarap ako na magaling ako
    gaya ni Superman.
  • 5:53 - 5:56
    Gusto kong lumaban para sa katotohanan
    at katarungan,
  • 5:56 - 5:59
    Kakalabanin ko ang mga kaaway
    at ang kriptonayt,
  • 5:59 - 6:03
    Gusto kong lumipad sa buong mundo at
    gagawa ng mga kahanga-hanga, magliligtas.
  • 6:03 - 6:06
    Mangha din ako sa mga totoong bagay.
  • 6:06 - 6:09
    Nabasa ko na ang Guiness Book of Records
    at Ripley's Believe It or Not.
  • 6:09 - 6:13
    Mayroon ba sa inyong nakabasa na ng
    Guiness Book of Records at Ripley's?
  • 6:13 - 6:14
    Gustong-gusto ko sila.
  • 6:14 - 6:16
    Nakita ko'ng gawin ng tao ang kakaiba.
  • 6:16 - 6:18
    At sabi ko, gagawin ko din yan.
  • 6:18 - 6:19
    Kung ayaw ng mga tumutukso sakin
  • 6:19 - 6:21
    na sumali ako sa laro nila,
  • 6:21 - 6:23
    gusto ko gawin ang mga
    kamangha-manghang bagay.
  • 6:23 - 6:27
    Gagawin ko ang isang kagila-gilalas
    na bagay na 'di nila kayang gawin.
  • 6:27 - 6:29
    Gusto ko hanapin ang
    layunin ko, malaman
  • 6:29 - 6:31
    ang kahulugan ng buhay ko.
    Gusto ko gumawa
  • 6:31 - 6:33
    ng kahanga-hanga
    para mabago ang mundo;
  • 6:33 - 6:37
    Papatunayan ko na
    hindi imposible ang imposible.
  • 6:38 - 6:40
    Paglipas ng 10 taon -
  • 6:40 - 6:43
    Isang linggo bago ang 21-kaarawan ko.
  • 6:43 - 6:47
    Dalawang bagay ang nangyari sa buhay ko
    na magpapabago nito ng tuluyan.
  • 6:47 - 6:49
    Nakatira ako sa Tamil Nadu, South India.
  • 6:50 - 6:51
    Isang misyonero ako doon,
  • 6:51 - 6:53
    at ang guro at kaibigan ko, tinanong ako,
  • 6:53 - 6:55
    "Mayroon ka bang Thromes, Daniel?"
  • 6:55 - 6:57
    Sabi ko, "Thromes?
    Ano 'yong Thromes?"
  • 6:57 - 7:00
    Sabi niya, "Ang Thromes,
    mga hangad mo sa buhay.
  • 7:00 - 7:05
    Pinaghalong pangarap at layunin, kung
    pwede mong gawin ang mga
  • 7:05 - 7:07
    gusto mo, gusto mong puntahan,
    maging sinuman nais mo,
  • 7:07 - 7:08
    saan ka pupunta?
  • 7:08 - 7:10
    Ano gagawin mo?
    Sino nais mo maging?
  • 7:10 - 7:14
    Sabi ko, "Hindi ko kaya yan!
    Takot ako masyado! Marami akong takot!"
  • 7:14 - 7:18
    Noong gabing yon, inakyat ko
    sa bubong ang banig ko,
  • 7:18 - 7:19
    humiga ko sa
    ilalim ng mga tala
  • 7:19 - 7:22
    at pinanood ang mga paniki habang
    kumakain ng lamok.
  • 7:22 - 7:26
    at wala akong ibang maisip kundi thromes,
    pangarap at layunin sa buhay,
  • 7:26 - 7:28
    at ang mga tumutukso sakin sa laro.
  • 7:29 - 7:31
    Makalipas ang ilang oras nagising ako.
  • 7:31 - 7:34
    mabilis ang tibok ng puso ko,
    nanginginig mga tuhod ko.
  • 7:34 - 7:36
    Sa oras na 'yon hindi siya takot.
  • 7:36 - 7:38
    Sobrang nanginginig ang katawan ko.
  • 7:38 - 7:40
    Sa sumunod na limang araw
  • 7:40 - 7:44
    pawala-wala ako sa ulirat,
    sa higaan ko sa bingit ng kamatayan.
  • 7:44 - 7:48
    Sobrang init ng ulo ko, 105 digri
    dahil sa malaria.
  • 7:48 - 7:52
    At sa tuwing gising ako, ang iniisip ko
    lang puro thromes.
  • 7:52 - 7:54
    Naisip ko,
    "Ano gusto kong gawin sa buhay ko?"
  • 7:54 - 7:56
    sa wakas, sa gabi bago ang
    ika-21 na kaarawan ko,
  • 7:56 - 7:58
    sa sandali ng katiyakan,
  • 7:58 - 8:00
    napagtanto ko:
  • 8:00 - 8:02
    nakita ko na ang maliliit na lamok,
  • 8:03 - 8:05
    Anopheles Stephensi,
  • 8:05 - 8:07
    iyong maliit na lamok na
  • 8:07 - 8:08
    5 maykrogramo ang gaan,
    mas magaan pa
  • 8:08 - 8:10
    sa butil ng asin, kaya niyang
  • 8:10 - 8:13
    patumbahin ang isang 170 libra
    bigat na tao, 80 kilong tao
  • 8:13 - 8:15
    naisip ko iyon ang kahinaan ko.
  • 8:15 - 8:17
    Napagtanto ko,
    hindi, hindi 'yong lamok iyon,
  • 8:17 - 8:19
    iyong maliit na parasitiko
    sa loob ng lamok,
  • 8:19 - 8:23
    Plasmodium Falciparum,
    ang nakakapatay ng 1 milyon tao kada taon.
  • 8:24 - 8:26
    Napagtanto ko ulit,
    hindi, hindi, mas maliit pa doon,
  • 8:26 - 8:29
    pero para sa akin mas malaki siya.
  • 8:29 - 8:30
    Naisip ko,
  • 8:30 - 8:31
    iyong takot ang kahinaan ko,
  • 8:31 - 8:32
    ang parasitiko ko,
  • 8:32 - 8:35
    ang lumulumpo sakin
    buong buhay ko.
  • 8:35 - 8:38
    Alam ninyo, my kaibahan ang
    panganib at takot.
  • 8:38 - 8:40
    Ang panganib ay tunay.
  • 8:40 - 8:42
    Ang takot ay isang pagpili.
  • 8:42 - 8:44
    At nalaman ko na pwede ako pumili:
  • 8:44 - 8:48
    Pwede akong mabuhay sa takot,
    at mamatay ng bigo kinagabihan,
  • 8:49 - 8:52
    o patayin ko ang takot ko,
    at makakaya kong
  • 8:52 - 8:56
    abutin ang mga pangarap ko,
    at ang mabuhay talaga.
  • 8:57 - 9:00
    At alam ninyo, mayroong bagay
    na iba 'pag mamatay ka na
  • 9:00 - 9:04
    at haharap sa kamatayan
    gugustuhin mong mabuhay talaga.
  • 9:04 - 9:07
    Nakita ko na namamatay ang lahat,
    'di talaga tayo nabubuhay.
  • 9:08 - 9:10
    Pag mamamatay ka na,
    doon ka nabubuhay.
  • 9:10 - 9:12
    At, pag alam mo na paano mamatay,
  • 9:12 - 9:13
    malalaman mo paano ang mabuhay.
  • 9:13 - 9:15
    Kaya naisip ko na babaguhin ko ang
  • 9:15 - 9:16
    kwento ko ng gabing 'yon.
  • 9:17 - 9:18
    Ayokong mamatay.
  • 9:18 - 9:20
    Kaya nagdasal ako,
    "Panginoon,
  • 9:20 - 9:22
    kung nais mo ako umabot ako
    ng 21 taon, 'di ko na
  • 9:22 - 9:25
    hahayaang madala
    ang buhay ko ng takot.
  • 9:25 - 9:27
    Hahayaan ko ng mamatay ang takot,
  • 9:27 - 9:30
    aabutin ko ang mga pangarap ko,
  • 9:30 - 9:31
    babaguhin ko ang ugali ko,
  • 9:31 - 9:34
    gusto ko gumawa ng kakaiba sa
    buhay ko, gusto ko
  • 9:34 - 9:35
    hanapin ang layunin at halaga ko,
  • 9:35 - 9:39
    gusto kong malaman na hindi
    imposible ang imposible."
  • 9:39 - 9:43
    Di ko na sasabihin kung nabuhay ako;
    kayo na bahala isipin iyon.
  • 9:43 - 9:44
    (Tawanan)
  • 9:44 - 9:47
    Pero noong gabing iyon ginawa ako
    ang unang 10 Thromes ko:
  • 9:47 - 9:50
    Naisip ko gusto ko puntahan ang
    malalaking kontinente
  • 9:50 - 9:52
    ang 7 Kababalaghan ng Mundo
  • 9:52 - 9:55
    matuto ng maraming wika,
    tumira sa walang taong lugar,
  • 9:55 - 9:58
    tumira sa barko sa karagatan, tumira
    kasama ang tribong Indyan ng Amazon,
  • 9:58 - 10:01
    umakyat sa pinakamataas
    na bundok sa Sweden,
  • 10:01 - 10:03
    ang makita ang Bundok Everest sa umaga,
  • 10:03 - 10:05
    magtrabaho para sa musika sa Nashville,
  • 10:05 - 10:07
    gusto ko maging parte ng sirkus,
  • 10:07 - 10:09
    at gusto ko tumalon mula sa eroplano.
  • 10:09 - 10:12
    Sa sumunod na 20 taon, nagawa ko
    karamihan sa mga Thromes ko.
  • 10:12 - 10:15
    Tuwing mamarkahan
    ko ang throme sa listahan ko,
  • 10:15 - 10:18
    Magdadagdag ako ng 5 o 10 sa listahan
    at lalo hahaba ang listahan ko.
  • 10:19 - 10:23
    Sa sumunod na 7 taon, tumira ako
    sa maliit na isla sa Bahamas
  • 10:23 - 10:25
    sa halos 7 taon
  • 10:25 - 10:29
    sa pawid na bahay,
    Eto.. sa pawid na bahay
  • 10:29 - 10:34
    magsisibat ng pating at pagi para kainin,
    iyon lang meron sa isla,
  • 10:34 - 10:36
    suot ang bahag,
  • 10:37 - 10:39
    at natuto ako lumangoy
    kasama ang mga pating.
  • 10:39 - 10:41
    At mula doon, lumipat ako sa Mexico,
  • 10:41 - 10:45
    tapos lumipat ako sa Ilog ng
    Amazon sa Ecuador,
  • 10:45 - 10:48
    sa Pujo Pongo Ecuador,
    kasama ang mga tribo doon,
  • 10:48 - 10:52
    at unti-unti akong nagkaroon
    ng tiwala sa thromes ko.
  • 10:52 - 10:55
    Napunta ko sa komesyo ng musika
    sa Nashville, tapos sa Sweden,
  • 10:55 - 10:58
    lumipat ako sa Stockholm,
    sa komersyo ng musika doon,
  • 10:58 - 11:02
    doon ko naakyat ang Bundok Kebnekaise
    sa taas ng Artic.
  • 11:03 - 11:05
    Natutunan ko ang pagpapayaso,
  • 11:05 - 11:06
    at paghahagis,
  • 11:06 - 11:07
    at paglakad ng tiyakad,
  • 11:07 - 11:10
    pagsakay sa unisiklo,
    pagkain ng apoy, ng bubog.
  • 11:10 - 11:14
    Noong 1997 nalaman ko na kakaunti na lang
    ang lumulunok ng espada
  • 11:14 - 11:15
    at nasabi ko, "dapat kong gawin yan!"
  • 11:15 - 11:18
    Nakakilala ko ng lumulunok ng espada,
    at humingi ako ng payo.
  • 11:18 - 11:20
    Sabi niya "Sige, bigyan kita ng 2 payo:
  • 11:20 - 11:22
    Numero 1: Napaka-delikado nito,
  • 11:22 - 11:24
    marami ng namatay habang ginagawa ito.
  • 11:24 - 11:25
    Numero 2:
  • 11:25 - 11:26
    Huwag mo itong gagawin!"
  • 11:26 - 11:28
    (Tawanan)
  • 11:28 - 11:30
    Kaya dinagdag ko iyon sa mga thromes ko.
  • 11:30 - 11:33
    Nag-ensayo ako ng 10 hanggang 12 beses
    kada araw, araw-araw,
  • 11:34 - 11:35
    sa loob ng 4 na taon.
  • 11:35 - 11:37
    Ngayon nakwenta ko na siya...
  • 11:37 - 11:40
    4 x 365
  • 11:40 - 11:43
    Iyon ay halos 13,000 bigong subok
  • 11:43 - 11:45
    bago ako nakalunok ng una kong
    espada noong 2001.
  • 11:46 - 11:48
    Ng panahong iyon ang thromes ko ay
  • 11:48 - 11:51
    maging pinaka-eksperto sa
    paglunok ng espada.
  • 11:51 - 11:54
    Kaya naghanap ako sa libro, magasin,
    dyaryo,
  • 11:54 - 11:58
    sa mga sulating mediko, inaral ko ang
    pisyolohiya, pag-aaral sa katawan ng tao,
  • 11:58 - 12:00
    Kumausap ako ng mga doktor at nars,
  • 12:00 - 12:02
    mga grupo ng lumulunok ng espada
  • 12:02 - 12:04
    ng Samahang Internasyonal
    ng mga Lumulunok ng Espada,
  • 12:04 - 12:06
    at nagsagawa ako ng 2-taon
    pananaliksik tungkol
  • 12:06 - 12:09
    sa Paglunok ng Espada at mga Epekto nito
  • 12:09 - 12:11
    na naimprenta sa Mediko Dyornal
    ng Britanya.
  • 12:11 - 12:12
    (Tawanan)
  • 12:12 - 12:13
    Salamat.
  • 12:13 - 12:18
    (Palakpakan)
  • 12:18 - 12:22
    At nalaman ko ang ilang nakakamanghang
    bagay tungkol dito.
  • 12:22 - 12:25
    Ilang bagay na 'di ninyo alam noon pero
    malalaman ninyo pagtapos nito.
  • 12:25 - 12:29
    Sa pag-uwi n'yo,
    at hinihiwa n'yo ng kutsilyo ang pagkain
  • 12:29 - 12:32
    o ng espada, o gamit ang "bestek",
    iisipin n'yo ito...
  • 12:33 - 12:37
    Nalaman ko ang paglunok ng espada
    ay mula sa India -
  • 12:37 - 12:40
    gaya ng nakita ko ito ng 20-taon ako -
  • 12:40 - 12:42
    mga 4000 taon na nakalipas, mga 2000 BC.
  • 12:42 - 12:46
    Sa nagdaang 150 taon, ang mga lumulunok
    ng espada ay ginamit
  • 12:46 - 12:47
    sa larangan ng syensya at medisina
  • 12:47 - 12:51
    para makatulong sa paggawa ng
    endoskopyo noong 1868
  • 12:51 - 12:54
    ni Dr. Adolf Kussmaul sa Freiburg Germany.
  • 12:54 - 12:57
    Noong 1906,
    ang kardyogramo elektriko sa Wales,
  • 12:57 - 13:00
    para sa pag-aaral ng sakit sa paglunok,
    at panunaw,
  • 13:00 - 13:02
    ang bronkoskopyo, mga ganoong uri.
  • 13:02 - 13:04
    Pero sa nakalipas na 150 taon,
  • 13:04 - 13:08
    nalaman natin ang ilang daang pinsala at
    ilang dosenang pagkamatay...
  • 13:08 - 13:15
    Ito ay isang matibay ng endoskopyo
    na nilikha ni Dr. Adolf Kussmaul.
  • 13:15 - 13:19
    Pero nalaman natin na mayroong 29
    pagkamatay sa loob ng 150 taon
  • 13:19 - 13:22
    kasama na ang lumulunok ng espada mula
    sa London na natusok ang puso ng espada.
  • 13:23 - 13:25
    Nalaman din natin na mayroong
    3 hanggang 8
  • 13:25 - 13:28
    seryosong sakuna sa
    paglunok ng espada kada taon.
  • 13:28 - 13:30
    Alam ko dahil nakakatanggap
    ako ng mga tawag.
  • 13:30 - 13:31
    Nito lang mayroong dalawa,
  • 13:31 - 13:34
    isa sa Sweden, at isa sa Orlando
    sa nakalipas na mga linggo,
  • 13:34 - 13:37
    nasugatang mga lumulunok
    ng espada na naospital.
  • 13:37 - 13:39
    Kaya ito talaga ay napaka-delikado.
  • 13:39 - 13:41
    Isa pang nalaman ko na ang
    paglunok ng espada
  • 13:41 - 13:44
    inaabot ng 2 hanggang 10 taon
    para maaral ang paglunok
  • 13:44 - 13:46
    para sa karamihan.
  • 13:46 - 13:48
    Pero ang pinaka-kahanga-hangang
    natuklasan ko
  • 13:48 - 13:51
    kung paano nagawa ng mga
    lumulunok ng espada ang imposible.
  • 13:51 - 13:53
    At bibigyan ko kayo ng maliit na sekreto:
  • 13:54 - 13:58
    Huwag nating tignan ang 99.9%
    na imposible.
  • 13:58 - 14:02
    Tignan mo ang .1% na posible,
    at isipin mo paano iyon gawin.
  • 14:03 - 14:05
    Ngayon dadalhin ko kayo sa
    isipan ng isang lumulunok.
  • 14:05 - 14:08
    Para malunok ang espada,
    kailangan ng taimtim na meditasyon,
  • 14:08 - 14:12
    matalas na konsentrasyon,
    saktong tansya at tumpak para
  • 14:12 - 14:16
    mailayo ang mga bahagi ng loob ng katawan
    at ihinto ang biglang paggalaw
  • 14:16 - 14:20
    gamit ang utak, tandang galaw ng kalamnan
  • 14:20 - 14:24
    ng paulit-ulit ng halos 10,000 beses.
  • 14:24 - 14:28
    Ngayon dadalhin ko kayo sa
    katawan ng isang lumulunok
  • 14:28 - 14:30
    Para malunok ko ang espada,
  • 14:30 - 14:32
    Kailangan ko idausdus ang
    espada sa dila ko,
  • 14:32 - 14:35
    pahintuin ang biglaang galaw ng lalamunan,
  • 14:35 - 14:38
    gumawa ng 90 digring ikot
    pababa ng epiglotis,
  • 14:38 - 14:41
    papuntang krikoparingeyal sa
    bandang taas ng esopago,
  • 14:41 - 14:43
    pigilan ang repleksyon,
  • 14:43 - 14:44
    idaosdus ang espada sa loob ng dibdib
  • 14:44 - 14:46
    sa pagitan ng mga baga.
  • 14:46 - 14:48
    Sa puntong iyon,
  • 14:48 - 14:50
    kailangan ko itabi ang puso ko.
  • 14:50 - 14:52
    Kapag pinanood mo ng maigi,
  • 14:52 - 14:54
    makikita ang tibok ng
    puso ko katabi ng espada
  • 14:54 - 14:56
    dahil nakasandal ito sa puso,
    hinihiwalay
  • 14:56 - 14:58
    ng 1/8 pulgada ng laman.
  • 14:58 - 15:01
    Isang bagay iyan na 'di mo madadaya.
  • 15:01 - 15:03
    At kailangan ilagpas iyon
    sa buto sa dibdib
  • 15:03 - 15:06
    lagpas sa dugtungan ng esopago
    at tiyan, pababa sa tiyan,
  • 15:06 - 15:08
    patigilin ang galaw sa tiyan
    papuntang dulo ng tiyan.
  • 15:09 - 15:10
    Madali lang.
  • 15:10 - 15:11
    (Tawanan)
  • 15:11 - 15:13
    Kung lalagpas pa ako diyan,
  • 15:13 - 15:16
    diretso sa tubo ng palopiyan.
    (Olandes) Tubo ng palopiyan!
  • 15:16 - 15:18
    (Tawanan)
  • 15:18 - 15:21
    Mga lalaki, tanungin ninyo
    mga asawa ninyo diyan mamaya...
  • 15:22 - 15:24
    Tinatanong ako ng mga tao,
    sabi nila,
  • 15:24 - 15:27
    "Tapang ang kailangan para
    ilagay ang buhay mo sa panganib,
  • 15:27 - 15:29
    itabi ang puso, at lumunok ng espada..."
  • 15:29 - 15:30
    Hindi. Ang totoong katapangan
  • 15:30 - 15:33
    ay ang isang takot, mahiyain, at
    mahinang bata
  • 15:33 - 15:36
    na takot sa kabiguan at hindi matanggap,
  • 15:36 - 15:37
    para ipakita ang puso niya,
  • 15:37 - 15:38
    at lunukin ang dangal
  • 15:38 - 15:41
    at tumayo sa harap ng mga
    estranghero
  • 15:41 - 15:44
    at ikwento niya ang kanyang
    mga takot at pangarap,
  • 15:44 - 15:48
    manganib na lumigwak ang kalooban
    niya, literal at pasimbolong sabi.
  • 15:48 - 15:49
    Makikita n'yo - salamat.
  • 15:49 - 15:54
    (Palakpakan)
  • 15:54 - 15:56
    Makikita n'yo, ang kamangha-manghang bagay
  • 15:56 - 15:59
    ay gusto ko talagang gawin
    ang kakaiba sa buhay ko
  • 15:59 - 16:00
    at eto ako ngayon.
  • 16:00 - 16:03
    Pero ang mas nakamamangha ay hindi
    ang paglunok ko
  • 16:03 - 16:05
    21 espada ng sabay sabay,
  • 16:08 - 16:10
    o 20 talampakang lalim sa tangke
    kasama ang 88 pating at pagi
  • 16:10 - 16:12
    para sa Ripley's Believe it or Not,
  • 16:14 - 16:18
    o initin hanggang 1500 digri
    para sa Stan Lee's Superhumans
  • 16:18 - 16:19
    bilang "Lalaking gawa sa Bakal"
  • 16:20 - 16:22
    at talagang mainit iyon!
  • 16:22 - 16:25
    o hilahin ang kotse gamit
    ang espada sa Ripley's,
  • 16:25 - 16:26
    o Guiness,
  • 16:26 - 16:29
    o ang makarating sa dulo
    ng America's Got Talent,
  • 16:29 - 16:32
    o manalo ng 2007 Ig Nobel Premyo
    sa Medisina.
  • 16:32 - 16:34
    Hindi, 'di iyon ang kamangha-mangha bagay.
  • 16:34 - 16:36
    Hindi iyon ang tingin ng tao.
    Hindi. Hindi iyon.
  • 16:36 - 16:38
    Ang talagang kamangha
  • 16:38 - 16:41
    ay kaya ng Diyos na ang takot,
    mahiyain, at payat na bata
  • 16:41 - 16:42
    na takot sa matataas,
  • 16:42 - 16:44
    takot sa tubig at pating,
  • 16:44 - 16:46
    sa doktor at nars at karayom at
    matatalas na bagay
  • 16:46 - 16:48
    at humarap sa maraming tao
  • 16:48 - 16:50
    at ngayon lumipad ako sa
    buong mundo
  • 16:50 - 16:51
    sa taas na 30,000 talampakan
  • 16:51 - 16:54
    lumunok ng matatalas na bagay
    sa tangke na may pating
  • 16:54 - 16:57
    at kumausap sa doktor at nars
    at manonood gaya n'yo sa buong mundo.
  • 16:57 - 17:00
    Iyan ang kamangha-manghang
    bagay para sakin.
  • 17:00 - 17:01
    Gusto ko talagang gawin ang imposible -
  • 17:01 - 17:02
    Salamat.
  • 17:02 - 17:04
    (Palakpakan)
  • 17:04 - 17:05
    Salamat.
  • 17:06 - 17:09
    (Palakpakan)
  • 17:10 - 17:13
    Gusto ko talagang gawin ang imposible
    at ito ngayon ako.
  • 17:13 - 17:16
    Gusto kong gumawa ng kagila-gilalas
    sa buhay ko at baguhin ang mundo,
  • 17:16 - 17:17
    at ito ako ngayon.
  • 17:17 - 17:20
    Gusto kong lumipad sa buong mundo
    gumagawa ng kakaiba, magkapagligtas
  • 17:20 - 17:21
    at ito na ako.
  • 17:21 - 17:22
    At alam ninyo?
  • 17:22 - 17:25
    Mayroon pa rin maliit na
    bahagi sa pangarap ng batang iyon
  • 17:25 - 17:27
    na nasa akin.
  • 17:30 - 17:36
    (Tawanan) (Palakpakan)
  • 17:37 - 17:40
    at alam n'yo, gusto kong makita
    ang layunin ko sa buhay,
  • 17:40 - 17:42
    at ngayon nahanap ko na.
  • 17:42 - 17:43
    Pero alam n'yo?
  • 17:43 - 17:46
    Hindi iyon sa espada, sa iniisip n'yo,
    hindi ng katapangan.
  • 17:46 - 17:49
    Iyon ay dahil sa kahinaan, sa salita.
  • 17:49 - 17:51
    Ang layunin ko ay baguhin ang mundo
  • 17:51 - 17:52
    ang pagtibag ng takot,
  • 17:52 - 17:55
    isang espada, isang salita,
  • 17:55 - 17:57
    isang kutsilyo, isang buhay, paisa-isa,
  • 17:58 - 18:00
    pumukaw ng tao na maging kakaibang bayani
  • 18:00 - 18:02
    at gumawa ng imposible sa buhay nila.
  • 18:02 - 18:05
    Ang layunin ko ay tulungan ang iba.
  • 18:05 - 18:06
    Ano ang sa'yo?
  • 18:06 - 18:07
    Ano ang iyong layunin?
  • 18:07 - 18:09
    Ano ang layunin n'yo
    bakit kayo nandito?
  • 18:09 - 18:12
    Naniniwala ako na tayo
    ay mga kakaibang bayani
  • 18:12 - 18:14
    Ano ang kakaibang kapangyarihan n'yo?
  • 18:15 - 18:18
    Mula sa 7 bilyong tao sa mundo,
  • 18:18 - 18:21
    mayroon lang ilang dosenang lumulunok
    ng espada natitira sa mundo ngayon,
  • 18:21 - 18:23
    pero nag-iisa ka lang.
  • 18:23 - 18:24
    Kakaiba ka.
  • 18:24 - 18:26
    Ano ang istorya mo?
  • 18:26 - 18:28
    Ano nagpapaiba sa iyo?
  • 18:28 - 18:29
    Ikwento mo ang kwento mo,
  • 18:29 - 18:32
    kahit na ang boses mo ay
    mahina at garalgal.
  • 18:32 - 18:33
    Ano ang iyong mga thromes?
  • 18:33 - 18:36
    Kung magawa mo ang anuman,
    maging sinuman, kung saan
  • 18:36 - 18:37
    Anong gagawin mo?
    Saan ka pupunta?
  • 18:37 - 18:38
    Ano ang gagawin mo?
  • 18:38 - 18:40
    Anong gusto mong gawin sa buhay mo?
  • 18:40 - 18:42
    Anong malalaki mong pangarap?
  • 18:42 - 18:44
    Anong mga pangarap mo noong bata ka?
    Balikan mo.
  • 18:44 - 18:46
    Naniniwala ako hindi ito iyon, tama?
  • 18:46 - 18:48
    Anong kakaibang pangarap mo
  • 18:48 - 18:50
    na sa tingin n'yo ay kakatwa at natatago?
  • 18:50 - 18:54
    Sa tingin ko hindi na kakaiba ang pangarap
    n'yo dahil dito, tama?
  • 18:55 - 18:57
    Ano ang espada n'yo?
  • 18:57 - 18:59
    Kada isa sa inyo may espada,
  • 18:59 - 19:01
    na doble-talas ng takot at pangarap.
  • 19:01 - 19:04
    Lunukin mo ang espada mo, ano man iyon.
  • 19:04 - 19:06
    Sundan ang pangarap n'yo, mga kaibigan,
  • 19:06 - 19:09
    hindi pa huli na maging ikaw
    ang gusto mong ikaw.
  • 19:10 - 19:13
    Para sa mga tumutukso sakin sa laro,
    ang mga batang iyon na nagsabi
  • 19:13 - 19:15
    na hindi ko kayang gawin ang imposible,
  • 19:15 - 19:18
    Mayroon isang bagay akong gustong
    sabihin sa kanila:
  • 19:18 - 19:19
    Salamat.
  • 19:19 - 19:22
    Dahil kung walang kontrabida,
    wala tayong mga bida.
  • 19:23 - 19:27
    Nandito ako para patunayan na
    ang imposible ay hindi imposible.
  • 19:28 - 19:32
    Napakadelikado nito,
    pwede akong mamatay.
  • 19:32 - 19:34
    Sana magustuhan ninyo.
  • 19:34 - 19:35
    (Tawanan)
  • 19:36 - 19:39
    Kailangan ko ng tulong ninyo para dito.
  • 19:47 - 19:48
    Manonood: Dalawa, tatlo.
  • 19:48 - 19:52
    Hindi. Kailangan ko ng tulong n'yo
    sa pagbibilang, lahat kayo, ok?
  • 19:52 - 19:53
    (Tawanan)
  • 19:53 - 19:56
    Kung alam n'yo ang salita? Ok?
    Bumilang kayo. Handa na?
  • 19:56 - 19:57
    Isa.
  • 19:57 - 19:58
    Dalawa.
  • 19:58 - 19:59
    Tatlo.
  • 19:59 - 20:01
    Hindi, dalawa iyon, pero nakuha n'yo na.
  • 20:07 - 20:08
    Manonood: Isa.
  • 20:08 - 20:09
    Dalawa.
  • 20:09 - 20:10
    Tatlo.
  • 20:11 - 20:13
    (Suminghap)
  • 20:14 - 20:16
    (Palakpakan)
  • 20:16 - 20:17
    Yeah!
  • 20:17 - 20:23
    (Palakpakan at hiyawan)
  • 20:23 - 20:25
    Maraming salamat.
  • 20:25 - 20:29
    Salamat, salamat, salamat.
    Mula sa kaibuturan ng puso ko.
  • 20:29 - 20:31
    O kaya, sa kaibuturan ng tiyan ko.
  • 20:32 - 20:35
    Sinabi ko na andito ako para gawin ang
    imposible at eto na ako.
  • 20:35 - 20:38
    Pero hindi ito ang imposible.
    Araw-araw ko ito ginagawa.
  • 20:38 - 20:43
    Ang imposible ay ang takot, mahiyain at
    payat na bata na humarap sa takot niya,
  • 20:43 - 20:45
    na tumayo dito sa [TEDx] entablado,
  • 20:45 - 20:47
    at magbago sa mundo,
    kada salita,
  • 20:47 - 20:49
    kada espada, kada buhay.
  • 20:49 - 20:52
    Kung napag-isip ko kayo sa ibang paraan,
    at napaniwala ko kayo
  • 20:52 - 20:54
    na ang imposible ay hindi imposible,
  • 20:54 - 20:58
    kung napatunayan ko na kaya
    n'yong gawin ang imposible sa buhay n'yo,
  • 20:58 - 21:01
    nagawa ko ang trabaho ko,
    at nagsisimula pa lang ang sa inyo.
  • 21:01 - 21:04
    'Wag humintong mangarap,
    'wag humintong maniwala.
  • 21:05 - 21:06
    Salamat sa paniniwala sa akin
  • 21:06 - 21:08
    at salamat kabahagi
    kayo sa pangarap ko.
  • 21:08 - 21:10
    At ito ang regalo ko:
  • 21:10 - 21:11
    Ang imposible ay hindi...
  • 21:11 - 21:13
    Manonood: Imposible.
  • 21:13 - 21:15
    Mahabang lakad, kasama sa regalo.
  • 21:15 - 21:20
    (Palakpakan)
  • 21:20 - 21:21
    Salamat.
  • 21:21 - 21:25
    (Palakpakan)
  • 21:26 - 21:28
    (Hiyawan)
  • 21:28 - 21:30
    Taga-pakilala: Salamat, Dan Meyer, wow!
Title:
Doing the Impossible, Swallowing the Sword, Cutting Through Fear | Dan Meyer | TEDxMaastricht
Description:

http://CuttingEdgeInnertainment.com Ever want to be a superhero and do the impossible? Dan Meyer believes no matter how extreme our fears or how wild our dreams, we each have the potential to be superheroes, do the impossible, and change the world! Winner of the 2007 Ig Nobel Prize in Medicine at Harvard, director of a humanitarian aid agency working with orphans in Kazakhstan, and 39x world record holder and leading expert in one of the world's oldest and most dangerous arts - sword swallowing - Meyer is passionate about inspiring people to do the impossible and change the world. What most people don't know is that he grew up with social anxiety disorder and extreme fears, teased and bullied by the bullies.

In his first TEDx talk, Meyer describes his journey from extreme fears to extreme feats, outcast to outlier, coward to courageous, wimp to world record holder, loser to Ig Nobel Prize winner, and quitter to finalist on America's Got Talent. In his talk, Dan describes his quest to overcome the limitations of human nature, perform superhuman feats, and change the world. He reveals the secrets to the science of sword swallowing and the art of doing the impossible, and secrets for how YOU can do the impossible in YOUR life!

http://CuttingEdgeInnertainment.com Dan Meyer is a 39x World Champion Sword Swallower, multiple Ripley's Believe It or Not with 7 Guinness World Records, known as the world's leading expert in sword swallowing as president of the Sword Swallowers Association International and winner of the 2007 Ig Nobel Prize in Medicine at Harvard for sword swallowing medical research.

As a performer, Dan Meyer is best known as the "Most Dangerous Act" that wowed the judges on America's Got Talent to Las Vegas and Hollywood, for his dangerous feats and extreme daredevil stunts such as swallowing swords underwater in a tank of SHARKS for Ripley's Believe It or Not, for swallowing a sword heated to 1500 degrees RED HOT for Stan Lee's Superhumans, swallowing 29 swords at once, and for PULLING a 3700 lb CAR by swallowed sword for Ripley's Believe It or Not Baltimore.

As a global TEDx and motivational inspirational speaker, Dan speaks on overcoming obstacles and doing the impossible at TEDx, PINC, Ig Nobel, and Ignite talks at corporate, science, medical, college, Upward Unlimited, and youth events around the world with his most requested TEDx talk, "Doing the Impossible, Swallowing the Sword, Cutting through Fear": http://youtu.be/v7tqyim1qhw

Watch Dan Meyer win the 2007 Ig Nobel Prize in Medicine at Harvard:
http://youtu.be/qA3Re1PYIFM

Watch Dan swallow swords in a tank of SHARKS for Ripley's Believe It or Not!
http://youtu.be/z6B75dceSUE

Watch Dan WOW the judges on America's Got Talent as the MOST DANGEROUS ACT:
http://youtu.be/_Aw7EkIsYK0

Watch Dan swallow a FLAMING sword and CURVED sword on Americas Got Talent Las Vegas Semi-Finals:
http://youtu.be/GLwxq3ESSaQ

From the AGT Las Vegas Semi-Finals, Meyer went on as a Top 50 Finalist as a AGT Wildcard to America's Got Talent Finals in Los Angeles in 2008.

Watch Dan swallow 7 swords at ONCE and a sword heated to 1500 degrees RED-HOT for Stan Lee's Superhumans on History Channel:
http://youtu.be/Ohz5NjPHUvs

Watch Dan swallow a 100-year old SAW and 15 SWORDS AT ONCE for AOL Weird News:
http://youtu.be/Q2SOoyn5g80r

Watch Dan Meyer EAT GLASS and swallow a GLOWING LIGHT SABER on Ricki Lake Show:
http://youtu.be/rZuRppfLFzk

Watch Dan Meyer PULL a CAR by swallowed sword for Ripley's Believe It or Not Baltimore:
http://youtu.be/_t-c_XoGNdk

Still don't believe sword swallowing is real? Want Scientific PROOF?
Check out X-ray fluoroscopes filmed at Vanderbilt Medical Center for Stan Lee's Superhumans:
http://youtu.be/Uv7Gkfrno4A
http://youtu.be/44psv4RzgOg
http://youtu.be/aMc6-gJJWRA

Connect with Sword Swallower Dan Meyer:
http://CuttingEdgeInnertainment.com
http://www.SwordSwallower.net
http://www.youtube.com/CapnCutless
http://facebook.com/halfdan
http://twitter.com/Halfdan

Have Dan Meyer speak and perform at YOUR event!
http://CuttingEdgeInnertainment.com
http://www.ScienceSpeaker.com
http://www.MedicalSpeaker.net
http://www.MuseumSpeaker.net
http://www.CollegeSpeaker.co
http://www.Xtremespeaker.com
http://www.theYouthSpeaker.com
http://www.UpwardSpeaker.net

SUBSCRIBE
http://youtube.com/subscription_center?add_user=CapnCutless

"Doing the Impossible, Swallowing the Sword, Cutting Through Fear: Wimp to World Record Holder: The Art and Science of Doing the Impossible" Sword Swallower Dan Meyer speaks as a TEDx speaker, corporate, motivational speaker, and comedy entertainer and inspirational youth speaker at Ig Nobel, Ignite, PINC, TEDx, science and medical festivals, museums, corporate, college, and youth events, YEC, DNOW, SYATP, 5th Quarter, Upward Unlimited Awards Night Celebrations, corporate events, conferences, fairs, festivals, artist tours, and events in 35 countries around the world.

more » « less
Video Language:
English
Duration:
21:39

Filipino subtitles

Revisions