Salamat.
Mayroong isang hari sa India, Maharaja,
at ng kaarawan niya, may batas na ginawa
na lahat ng mga pinuno ay magdadala
ng regalo para sa hari.
May mga nagdala ng pinong seda,
may nagdala ng mamahaling espada,
may nagdala ng ginto.
At sa dulo ng pila may
isang matandang lalaki na
naglakad mula sa kanyang nayon
at tumawid ng dagat ng ilang araw.
Pag lakad niya papalapit sa anak ng hari,
"Anong regalong dala mo para sa hari?"
Binuksan ng matandang lalaki ang
kamay niya at pinakita
ang isang napakagandang kabibe, na may
paikot na kulay lila, dilaw, pula at asul.
Sinabi ng anak ng hari,
"Hindi yan regalo para sa hari!
Anong klaseng regalo yan?"
Dahan-dahang tumingin ang
matanda sa kanya at sinabi,
"Mahabang paglalakad.. parte ng regalo."
(Tawanan)
Sa ilang sandali,
magbibigay ako sa inyo ng isang regalo,
regalo na sa tingin ko
ay mahalagang ipamahagi.
Pero bago iyon, samahan ninyo ako
sa mahabang paglakad ko.
Gaya ng marami sa inyo,
Nagsimula akong maliit na bata.
Ilan ang nagsimula ng
buhay na maliit na bata?
Pinanganak na bata?
Halos kalahati.. Ok..
(Tawanan)
At ang iba sa inyo, ano?
Pinanganak ng matanda?
Wow, gusto kong makilala ang nanay ninyo!
Usapang impossible!
Bilang isang bata, lagi na akong
nabibighaning gumawa ng imposible.
Ngayon ay araw na pinangarap
ko nang madaming taon,
dahil ngayon ay araw na
susubukan kong
gumawa ng imposible sa
harap ninyong lahat,
dito mismo sa TEDxMaastricht.
Magsisimula ako sa pagbibigay ng regalo -
sa pagbunyag sa inyo ng katapusan:
at papatunayan ko sa inyo
na ang imposible ay hindi imposible.
At panghuli ay bibigyan ko
kayo ng regalo kabaha-bahagi:
Ipapakita ko na kaya ninyong gawin
ang imposible sa buhay ninyo.
Sa paglalakbay ko sa paggawa ng
imposible, nakita ko na may
dalawang bagay na pare-pareho
sa lahat ng tao sa mundo.
Lahat ay may mga takot,
at lahat ay may mga pangarap.
Sa paglakbay ko sa
paggawa ng imposible, nakita ko
ang tatlong bagay,
sa paglibot ko sa mundo
o nagawa ko sa mga lumipas na taon, na
nagtulak sakin na gawin ang imposible.
Batuhan-bola, o mas alam ninyo "Trefbal",
Superman,
at Lamok.
Ang 3 pang-unang salita ko.
Ngayon alam ninyo na bakit
ginagawa ko ang imposible.
Kaya dadalhin ko kayo sa
lakbayin ko, mahabang lakarin
mula sa takot tungo sa pangarap,
mula sa salita tungo sa espada,
mula sa batuhan-bato
tungo sa Superman
hanggang Lamok.
At sana maipakita ko
na kaya ninyo ang mga imposible sa
buhay ninyo.
Oktubre 4, 2007.
Mabilis ang tibok ng puso,
nanginginig ang tuhod
pagtapak ko sa entablado
ng Sanders Theatre
Harvard University para tanggapin
ang 2007 Ig Nobel Premyo sa Medisina
para sa isang pagsasaliksik na
kasama ako sa sumulat
ang "Paglunok ng Espada...
...at ang mga Epekto Nito".
(Tawanan)
Nalathala ito kasama ang isang sulatin
na hindi ko pa nababasa noon,
ang Mediko Dyornal ng Britanya.
Para sa akin, iyon ay
imposibleng pangarap na natupad,
isa iyong 'di ko akalain na sopresa
para sa isang katulad ko,
isa iyong parangal na 'di ko malilimutan.
Pero hindi iyon ang pinaka di-
malilimutang parte ng buhay ko.
Noong Oktubre 4, 1967,
itong takot, mahiyain,
payat at mahinang bata
ay nagdanas ng matinding mga takot.
Nang handa na siyang umakyat sa entablado
tumitibok ng mabilis ang puso niya
nanginginig ang tuhod niya.
Binukas niya ang bibig niya
para magsalita,
pero walang lumalabas na salita.
Nakatayo siyang umiiyak.
'Di siya makakilos sa sindak,
naninigas sa takot.
Itong takot, mahiyain,
payat at mahinang bata
ay nagdanas ng matinding mga takot.
Takot siya sa dilim,
takot siya sa matataas,
takot sa gagamba at ahas...
Meron ba ditong takot sa gagamba o ahas?
Tama, ilan sa inyo...
Takot siya sa tubig at pating...
Takot sa doktor at nars at dentista,
sa karayom at barena at natulis
na mga bagay.
Pero higit sa lahat,
may takot siya sa
tao.
Iyong takot, mahiyain,
payat at mahinang bata
ay ako.
Takot ako sa kabiguan at hindi matanggap,
mababang tiwala at tingin sa sarili
at isang bagay na di natin alam noon
pero nakukuha natin:
mahinang pakikisalamuha sa iba.
Dahil madami akong takot,
tinutukso ako at binubugbog.
Tatawa at tutuksuhin nila ako,
ayaw nila ako kalaro
sa mga laro nila.
Ah, meron isang laro na hinahayaan
nila akong sumali...
Batuhan-bola -
at 'di ako magaling umilag.
Tatawagin nila ang pangalan ko,
at titingin ako at makikita ko
ang mga pulang bola
papunta sa mukha ko ng sobrang bilis
bam, bam, bam!
Naaalala ko madalas noong
naglalakad ako galing eskwela
na ang mukha ko pula at masakit,
ang tenga ko pula at may maingay na tunog.
Ang mga mata ko masakit dahil sa kaiiyak,
at ang mga sinabi nila naririnig
ko sa tenga ko.
At sinuman ang nagsabi ng,
"Palo at bato ay makakabasag ng buto ko,
pero 'di makakasakit ang salita"...
Kasinungalingan 'yan.
Ang salita nakakahiwa, parang tabak
Ang salita nakakatarak, parang espada.
Nakakagawa ito ng malalalim na sugat
na hindi nakikita.
Kaya may mga takot ako,
at matinding kaaway ko ang mga salita.
Hanggang ngayon pa din.
Pero mayroon din akong mga pangarap.
Uuwi ako at
kakawala ako sa Superman komiks
at magbabasa ako ng Superman komiks
at mangangarap ako na magaling ako
gaya ni Superman.
Gusto kong lumaban para sa katotohanan
at katarungan,
Kakalabanin ko ang mga kaaway
at ang kriptonayt,
Gusto kong lumipad sa buong mundo at
gagawa ng mga kahanga-hanga, magliligtas.
Mangha din ako sa mga totoong bagay.
Nabasa ko na ang Guiness Book of Records
at Ripley's Believe It or Not.
Mayroon ba sa inyong nakabasa na ng
Guiness Book of Records at Ripley's?
Gustong-gusto ko sila.
Nakita ko'ng gawin ng tao ang kakaiba.
At sabi ko, gagawin ko din yan.
Kung ayaw ng mga tumutukso sakin
na sumali ako sa laro nila,
gusto ko gawin ang mga
kamangha-manghang bagay.
Gagawin ko ang isang kagila-gilalas
na bagay na 'di nila kayang gawin.
Gusto ko hanapin ang
layunin ko, malaman
ang kahulugan ng buhay ko.
Gusto ko gumawa
ng kahanga-hanga
para mabago ang mundo;
Papatunayan ko na
hindi imposible ang imposible.
Paglipas ng 10 taon -
Isang linggo bago ang 21-kaarawan ko.
Dalawang bagay ang nangyari sa buhay ko
na magpapabago nito ng tuluyan.
Nakatira ako sa Tamil Nadu, South India.
Isang misyonero ako doon,
at ang guro at kaibigan ko, tinanong ako,
"Mayroon ka bang Thromes, Daniel?"
Sabi ko, "Thromes?
Ano 'yong Thromes?"
Sabi niya, "Ang Thromes,
mga hangad mo sa buhay.
Pinaghalong pangarap at layunin, kung
pwede mong gawin ang mga
gusto mo, gusto mong puntahan,
maging sinuman nais mo,
saan ka pupunta?
Ano gagawin mo?
Sino nais mo maging?
Sabi ko, "Hindi ko kaya yan!
Takot ako masyado! Marami akong takot!"
Noong gabing yon, inakyat ko
sa bubong ang banig ko,
humiga ko sa
ilalim ng mga tala
at pinanood ang mga paniki habang
kumakain ng lamok.
at wala akong ibang maisip kundi thromes,
pangarap at layunin sa buhay,
at ang mga tumutukso sakin sa laro.
Makalipas ang ilang oras nagising ako.
mabilis ang tibok ng puso ko,
nanginginig mga tuhod ko.
Sa oras na 'yon hindi siya takot.
Sobrang nanginginig ang katawan ko.
Sa sumunod na limang araw
pawala-wala ako sa ulirat,
sa higaan ko sa bingit ng kamatayan.
Sobrang init ng ulo ko, 105 digri
dahil sa malaria.
At sa tuwing gising ako, ang iniisip ko
lang puro thromes.
Naisip ko,
"Ano gusto kong gawin sa buhay ko?"
sa wakas, sa gabi bago ang
ika-21 na kaarawan ko,
sa sandali ng katiyakan,
napagtanto ko:
nakita ko na ang maliliit na lamok,
Anopheles Stephensi,
iyong maliit na lamok na
5 maykrogramo ang gaan,
mas magaan pa
sa butil ng asin, kaya niyang
patumbahin ang isang 170 libra
bigat na tao, 80 kilong tao
naisip ko iyon ang kahinaan ko.
Napagtanto ko,
hindi, hindi 'yong lamok iyon,
iyong maliit na parasitiko
sa loob ng lamok,
Plasmodium Falciparum,
ang nakakapatay ng 1 milyon tao kada taon.
Napagtanto ko ulit,
hindi, hindi, mas maliit pa doon,
pero para sa akin mas malaki siya.
Naisip ko,
iyong takot ang kahinaan ko,
ang parasitiko ko,
ang lumulumpo sakin
buong buhay ko.
Alam ninyo, my kaibahan ang
panganib at takot.
Ang panganib ay tunay.
Ang takot ay isang pagpili.
At nalaman ko na pwede ako pumili:
Pwede akong mabuhay sa takot,
at mamatay ng bigo kinagabihan,
o patayin ko ang takot ko,
at makakaya kong
abutin ang mga pangarap ko,
at ang mabuhay talaga.
At alam ninyo, mayroong bagay
na iba 'pag mamatay ka na
at haharap sa kamatayan
gugustuhin mong mabuhay talaga.
Nakita ko na namamatay ang lahat,
'di talaga tayo nabubuhay.
Pag mamamatay ka na,
doon ka nabubuhay.
At, pag alam mo na paano mamatay,
malalaman mo paano ang mabuhay.
Kaya naisip ko na babaguhin ko ang
kwento ko ng gabing 'yon.
Ayokong mamatay.
Kaya nagdasal ako,
"Panginoon,
kung nais mo ako umabot ako
ng 21 taon, 'di ko na
hahayaang madala
ang buhay ko ng takot.
Hahayaan ko ng mamatay ang takot,
aabutin ko ang mga pangarap ko,
babaguhin ko ang ugali ko,
gusto ko gumawa ng kakaiba sa
buhay ko, gusto ko
hanapin ang layunin at halaga ko,
gusto kong malaman na hindi
imposible ang imposible."
Di ko na sasabihin kung nabuhay ako;
kayo na bahala isipin iyon.
(Tawanan)
Pero noong gabing iyon ginawa ako
ang unang 10 Thromes ko:
Naisip ko gusto ko puntahan ang
malalaking kontinente
ang 7 Kababalaghan ng Mundo
matuto ng maraming wika,
tumira sa walang taong lugar,
tumira sa barko sa karagatan, tumira
kasama ang tribong Indyan ng Amazon,
umakyat sa pinakamataas
na bundok sa Sweden,
ang makita ang Bundok Everest sa umaga,
magtrabaho para sa musika sa Nashville,
gusto ko maging parte ng sirkus,
at gusto ko tumalon mula sa eroplano.
Sa sumunod na 20 taon, nagawa ko
karamihan sa mga Thromes ko.
Tuwing mamarkahan
ko ang throme sa listahan ko,
Magdadagdag ako ng 5 o 10 sa listahan
at lalo hahaba ang listahan ko.
Sa sumunod na 7 taon, tumira ako
sa maliit na isla sa Bahamas
sa halos 7 taon
sa pawid na bahay,
Eto.. sa pawid na bahay
magsisibat ng pating at pagi para kainin,
iyon lang meron sa isla,
suot ang bahag,
at natuto ako lumangoy
kasama ang mga pating.
At mula doon, lumipat ako sa Mexico,
tapos lumipat ako sa Ilog ng
Amazon sa Ecuador,
sa Pujo Pongo Ecuador,
kasama ang mga tribo doon,
at unti-unti akong nagkaroon
ng tiwala sa thromes ko.
Napunta ko sa komesyo ng musika
sa Nashville, tapos sa Sweden,
lumipat ako sa Stockholm,
sa komersyo ng musika doon,
doon ko naakyat ang Bundok Kebnekaise
sa taas ng Artic.
Natutunan ko ang pagpapayaso,
at paghahagis,
at paglakad ng tiyakad,
pagsakay sa unisiklo,
pagkain ng apoy, ng bubog.
Noong 1997 nalaman ko na kakaunti na lang
ang lumulunok ng espada
at nasabi ko, "dapat kong gawin yan!"
Nakakilala ko ng lumulunok ng espada,
at humingi ako ng payo.
Sabi niya "Sige, bigyan kita ng 2 payo:
Numero 1: Napaka-delikado nito,
marami ng namatay habang ginagawa ito.
Numero 2:
Huwag mo itong gagawin!"
(Tawanan)
Kaya dinagdag ko iyon sa mga thromes ko.
Nag-ensayo ako ng 10 hanggang 12 beses
kada araw, araw-araw,
sa loob ng 4 na taon.
Ngayon nakwenta ko na siya...
4 x 365
Iyon ay halos 13,000 bigong subok
bago ako nakalunok ng una kong
espada noong 2001.
Ng panahong iyon ang thromes ko ay
maging pinaka-eksperto sa
paglunok ng espada.
Kaya naghanap ako sa libro, magasin,
dyaryo,
sa mga sulating mediko, inaral ko ang
pisyolohiya, pag-aaral sa katawan ng tao,
Kumausap ako ng mga doktor at nars,
mga grupo ng lumulunok ng espada
ng Samahang Internasyonal
ng mga Lumulunok ng Espada,
at nagsagawa ako ng 2-taon
pananaliksik tungkol
sa Paglunok ng Espada at mga Epekto nito
na naimprenta sa Mediko Dyornal
ng Britanya.
(Tawanan)
Salamat.
(Palakpakan)
At nalaman ko ang ilang nakakamanghang
bagay tungkol dito.
Ilang bagay na 'di ninyo alam noon pero
malalaman ninyo pagtapos nito.
Sa pag-uwi n'yo,
at hinihiwa n'yo ng kutsilyo ang pagkain
o ng espada, o gamit ang "bestek",
iisipin n'yo ito...
Nalaman ko ang paglunok ng espada
ay mula sa India -
gaya ng nakita ko ito ng 20-taon ako -
mga 4000 taon na nakalipas, mga 2000 BC.
Sa nagdaang 150 taon, ang mga lumulunok
ng espada ay ginamit
sa larangan ng syensya at medisina
para makatulong sa paggawa ng
endoskopyo noong 1868
ni Dr. Adolf Kussmaul sa Freiburg Germany.
Noong 1906,
ang kardyogramo elektriko sa Wales,
para sa pag-aaral ng sakit sa paglunok,
at panunaw,
ang bronkoskopyo, mga ganoong uri.
Pero sa nakalipas na 150 taon,
nalaman natin ang ilang daang pinsala at
ilang dosenang pagkamatay...
Ito ay isang matibay ng endoskopyo
na nilikha ni Dr. Adolf Kussmaul.
Pero nalaman natin na mayroong 29
pagkamatay sa loob ng 150 taon
kasama na ang lumulunok ng espada mula
sa London na natusok ang puso ng espada.
Nalaman din natin na mayroong
3 hanggang 8
seryosong sakuna sa
paglunok ng espada kada taon.
Alam ko dahil nakakatanggap
ako ng mga tawag.
Nito lang mayroong dalawa,
isa sa Sweden, at isa sa Orlando
sa nakalipas na mga linggo,
nasugatang mga lumulunok
ng espada na naospital.
Kaya ito talaga ay napaka-delikado.
Isa pang nalaman ko na ang
paglunok ng espada
inaabot ng 2 hanggang 10 taon
para maaral ang paglunok
para sa karamihan.
Pero ang pinaka-kahanga-hangang
natuklasan ko
kung paano nagawa ng mga
lumulunok ng espada ang imposible.
At bibigyan ko kayo ng maliit na sekreto:
Huwag nating tignan ang 99.9%
na imposible.
Tignan mo ang .1% na posible,
at isipin mo paano iyon gawin.
Ngayon dadalhin ko kayo sa
isipan ng isang lumulunok.
Para malunok ang espada,
kailangan ng taimtim na meditasyon,
matalas na konsentrasyon,
saktong tansya at tumpak para
mailayo ang mga bahagi ng loob ng katawan
at ihinto ang biglang paggalaw
gamit ang utak, tandang galaw ng kalamnan
ng paulit-ulit ng halos 10,000 beses.
Ngayon dadalhin ko kayo sa
katawan ng isang lumulunok
Para malunok ko ang espada,
Kailangan ko idausdus ang
espada sa dila ko,
pahintuin ang biglaang galaw ng lalamunan,
gumawa ng 90 digring ikot
pababa ng epiglotis,
papuntang krikoparingeyal sa
bandang taas ng esopago,
pigilan ang repleksyon,
idaosdus ang espada sa loob ng dibdib
sa pagitan ng mga baga.
Sa puntong iyon,
kailangan ko itabi ang puso ko.
Kapag pinanood mo ng maigi,
makikita ang tibok ng
puso ko katabi ng espada
dahil nakasandal ito sa puso,
hinihiwalay
ng 1/8 pulgada ng laman.
Isang bagay iyan na 'di mo madadaya.
At kailangan ilagpas iyon
sa buto sa dibdib
lagpas sa dugtungan ng esopago
at tiyan, pababa sa tiyan,
patigilin ang galaw sa tiyan
papuntang dulo ng tiyan.
Madali lang.
(Tawanan)
Kung lalagpas pa ako diyan,
diretso sa tubo ng palopiyan.
(Olandes) Tubo ng palopiyan!
(Tawanan)
Mga lalaki, tanungin ninyo
mga asawa ninyo diyan mamaya...
Tinatanong ako ng mga tao,
sabi nila,
"Tapang ang kailangan para
ilagay ang buhay mo sa panganib,
itabi ang puso, at lumunok ng espada..."
Hindi. Ang totoong katapangan
ay ang isang takot, mahiyain, at
mahinang bata
na takot sa kabiguan at hindi matanggap,
para ipakita ang puso niya,
at lunukin ang dangal
at tumayo sa harap ng mga
estranghero
at ikwento niya ang kanyang
mga takot at pangarap,
manganib na lumigwak ang kalooban
niya, literal at pasimbolong sabi.
Makikita n'yo - salamat.
(Palakpakan)
Makikita n'yo, ang kamangha-manghang bagay
ay gusto ko talagang gawin
ang kakaiba sa buhay ko
at eto ako ngayon.
Pero ang mas nakamamangha ay hindi
ang paglunok ko
21 espada ng sabay sabay,
o 20 talampakang lalim sa tangke
kasama ang 88 pating at pagi
para sa Ripley's Believe it or Not,
o initin hanggang 1500 digri
para sa Stan Lee's Superhumans
bilang "Lalaking gawa sa Bakal"
at talagang mainit iyon!
o hilahin ang kotse gamit
ang espada sa Ripley's,
o Guiness,
o ang makarating sa dulo
ng America's Got Talent,
o manalo ng 2007 Ig Nobel Premyo
sa Medisina.
Hindi, 'di iyon ang kamangha-mangha bagay.
Hindi iyon ang tingin ng tao.
Hindi. Hindi iyon.
Ang talagang kamangha
ay kaya ng Diyos na ang takot,
mahiyain, at payat na bata
na takot sa matataas,
takot sa tubig at pating,
sa doktor at nars at karayom at
matatalas na bagay
at humarap sa maraming tao
at ngayon lumipad ako sa
buong mundo
sa taas na 30,000 talampakan
lumunok ng matatalas na bagay
sa tangke na may pating
at kumausap sa doktor at nars
at manonood gaya n'yo sa buong mundo.
Iyan ang kamangha-manghang
bagay para sakin.
Gusto ko talagang gawin ang imposible -
Salamat.
(Palakpakan)
Salamat.
(Palakpakan)
Gusto ko talagang gawin ang imposible
at ito ngayon ako.
Gusto kong gumawa ng kagila-gilalas
sa buhay ko at baguhin ang mundo,
at ito ako ngayon.
Gusto kong lumipad sa buong mundo
gumagawa ng kakaiba, magkapagligtas
at ito na ako.
At alam ninyo?
Mayroon pa rin maliit na
bahagi sa pangarap ng batang iyon
na nasa akin.
(Tawanan) (Palakpakan)
at alam n'yo, gusto kong makita
ang layunin ko sa buhay,
at ngayon nahanap ko na.
Pero alam n'yo?
Hindi iyon sa espada, sa iniisip n'yo,
hindi ng katapangan.
Iyon ay dahil sa kahinaan, sa salita.
Ang layunin ko ay baguhin ang mundo
ang pagtibag ng takot,
isang espada, isang salita,
isang kutsilyo, isang buhay, paisa-isa,
pumukaw ng tao na maging kakaibang bayani
at gumawa ng imposible sa buhay nila.
Ang layunin ko ay tulungan ang iba.
Ano ang sa'yo?
Ano ang iyong layunin?
Ano ang layunin n'yo
bakit kayo nandito?
Naniniwala ako na tayo
ay mga kakaibang bayani
Ano ang kakaibang kapangyarihan n'yo?
Mula sa 7 bilyong tao sa mundo,
mayroon lang ilang dosenang lumulunok
ng espada natitira sa mundo ngayon,
pero nag-iisa ka lang.
Kakaiba ka.
Ano ang istorya mo?
Ano nagpapaiba sa iyo?
Ikwento mo ang kwento mo,
kahit na ang boses mo ay
mahina at garalgal.
Ano ang iyong mga thromes?
Kung magawa mo ang anuman,
maging sinuman, kung saan
Anong gagawin mo?
Saan ka pupunta?
Ano ang gagawin mo?
Anong gusto mong gawin sa buhay mo?
Anong malalaki mong pangarap?
Anong mga pangarap mo noong bata ka?
Balikan mo.
Naniniwala ako hindi ito iyon, tama?
Anong kakaibang pangarap mo
na sa tingin n'yo ay kakatwa at natatago?
Sa tingin ko hindi na kakaiba ang pangarap
n'yo dahil dito, tama?
Ano ang espada n'yo?
Kada isa sa inyo may espada,
na doble-talas ng takot at pangarap.
Lunukin mo ang espada mo, ano man iyon.
Sundan ang pangarap n'yo, mga kaibigan,
hindi pa huli na maging ikaw
ang gusto mong ikaw.
Para sa mga tumutukso sakin sa laro,
ang mga batang iyon na nagsabi
na hindi ko kayang gawin ang imposible,
Mayroon isang bagay akong gustong
sabihin sa kanila:
Salamat.
Dahil kung walang kontrabida,
wala tayong mga bida.
Nandito ako para patunayan na
ang imposible ay hindi imposible.
Napakadelikado nito,
pwede akong mamatay.
Sana magustuhan ninyo.
(Tawanan)
Kailangan ko ng tulong ninyo para dito.
Manonood: Dalawa, tatlo.
Hindi. Kailangan ko ng tulong n'yo
sa pagbibilang, lahat kayo, ok?
(Tawanan)
Kung alam n'yo ang salita? Ok?
Bumilang kayo. Handa na?
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Hindi, dalawa iyon, pero nakuha n'yo na.
Manonood: Isa.
Dalawa.
Tatlo.
(Suminghap)
(Palakpakan)
Yeah!
(Palakpakan at hiyawan)
Maraming salamat.
Salamat, salamat, salamat.
Mula sa kaibuturan ng puso ko.
O kaya, sa kaibuturan ng tiyan ko.
Sinabi ko na andito ako para gawin ang
imposible at eto na ako.
Pero hindi ito ang imposible.
Araw-araw ko ito ginagawa.
Ang imposible ay ang takot, mahiyain at
payat na bata na humarap sa takot niya,
na tumayo dito sa [TEDx] entablado,
at magbago sa mundo,
kada salita,
kada espada, kada buhay.
Kung napag-isip ko kayo sa ibang paraan,
at napaniwala ko kayo
na ang imposible ay hindi imposible,
kung napatunayan ko na kaya
n'yong gawin ang imposible sa buhay n'yo,
nagawa ko ang trabaho ko,
at nagsisimula pa lang ang sa inyo.
'Wag humintong mangarap,
'wag humintong maniwala.
Salamat sa paniniwala sa akin
at salamat kabahagi
kayo sa pangarap ko.
At ito ang regalo ko:
Ang imposible ay hindi...
Manonood: Imposible.
Mahabang lakad, kasama sa regalo.
(Palakpakan)
Salamat.
(Palakpakan)
(Hiyawan)
Taga-pakilala: Salamat, Dan Meyer, wow!