Pag-aralin ang mga Batang Babae - BBC News
-
0:01 - 0:05Sa India, 3 milyong batang babae
ang hindi nakakapag-aral. -
0:05 - 0:08Isa kada tatlong batang babae edad 10-14.
-
0:08 - 0:12Pero ang “Pag-aralin ang mga Batang Babae”
ay binabago iyan. -
0:16 - 0:19Ang ideyang nananaig dito ay
-
0:19 - 0:23ang kambing ko ay yaman
at ang anak na babae ay utang. -
0:23 - 0:26At ito ay talagang tungkol sa
pagbabago ng pag-iisip na iyan. -
0:30 - 0:32Ang pangalan ko ay Bhagwanti.
-
0:34 - 0:37Bago ako pumasok sa eskwela,
gagawin ko muna ang gawaing-bahay: -
0:37 - 0:40magluto, maghugas, ipapastol
ang mga kambing para kumain. -
0:40 - 0:43Minsan, naglilinis din ako ng bahay.
-
0:44 - 0:48Una sa lahat,
sa bawat nayon na pinupuntahan namin -
0:48 - 0:50meron kaming makikilalang
bolunter sa kumunidad. -
0:50 - 0:53Ang mga bolunter ay kabataan,
nakapag-aral, at may puso. -
0:53 - 0:56Sila mismo gustong makakita
ang pagbabago. -
0:58 - 1:02Mag-babahay-bahay sila, hahanapin
ang bawat batang babaeng hindi nag-aaral. -
1:05 - 1:08Tapos, uupo sila kasama ang kumunidad.
-
1:08 - 1:10At bubuo ng plano kasama sila para
-
1:10 - 1:12madala ang mga kabataang babae
pabalik sa paaralan. -
1:12 - 1:15Ang mga bolunter o ‘Balikas’
ay katuwang ng mga paaralan para -
1:15 - 1:18masiguradong ligtas sila
at may palikurang pambabae. -
1:18 - 1:21Tumutulong din sila
sa pagtuturo sa mga batang babae. -
1:24 - 1:27Tapos, ang “Grupong Balika’
na bolunter ay pupunta sa silid-aralan -
1:27 - 1:29ng mga paaralan ng gobyerno
-
1:29 - 1:32at magsasagawa ng balik-aral
sa Hindi, Ingles, at Matematika -
1:32 - 1:34para masigurong lahat ng mga bata
-babae at lalake, -
1:34 - 1:38ay talagang nakukuha ang
angkop at tamang kaalaman. -
1:40 - 1:44Ito ay tungkol sa bawat batang babae
na babalik sa eskwela. -
1:45 - 1:49Ito ay tungkol sa bawat batang babaeng
magiging parte ng nagbabagong mundo. -
1:50 - 1:54Ito ay tungkol sa bawat batang babaeng
magiging dahilan ng pagbabago sa pamilya, -
1:54 - 1:58at ito ay tungkol sa bawat
batang babaeng magiging pagbabago -
1:58 - 2:00sa kumunidad sa pangkalahatan.
-
2:00 - 2:03Pinupunto natin ang mas maayos
na kalusugan, mas mabuting sahod. -
2:03 - 2:08Pinupunto natin ang mas angkop
na edukasyon, para ito sa bawat bata. -
2:11 - 2:15Mayroong 50, 60 porsyento ng mga batang
babae sa Rajasthan ang kinasal -
2:15 - 2:16ng mas bata sa 18.
-
2:16 - 2:19Sa buong bansa, ang porsyento
ng batang-kasalan ay mataas. -
2:21 - 2:24Maraming mga bata din,
mga 10-15 porsyento -
2:24 - 2:26ang kinasal ng mas mababa sa edad na 10.
-
2:26 - 2:28Ikinasal ako ng mga magulang ko
noong ako ay 14. -
2:28 - 2:31Nag-aaral ako sa ika-8 baitang.
Pumayag ang magiging biyenan ko -
2:31 - 2:35na ituloy ko ang pag-aaral ko pero
nang lumabas ang resulta ng mga -
2:35 - 2:39pagsusulit ko,
hindi sila tumupad sa pangako nila. -
2:39 - 2:43Isa si Neelam sa 10,000 Balikas ng
Pag-aralin ang mga Batang Babae. -
2:43 - 2:46Natulungan nila ang may
dalawang milyong bata. -
2:48 - 2:52Gusto ko maging guro pagtapos ko mag-aral
at tuturuan ko ang ibang batang babae -
2:52 - 2:56dahil kapag nakapag-aral ka
mayroon kang lakas ng loob, -
2:56 - 3:00makakatayo ka sa sarili mong paa,
makakahanap ng trabaho -
3:00 - 3:03at suportahan ang pamilya sa gastusin.
-
3:04 - 3:08Bawat dagdag na taon ng pag-aaral ng isang
babae ay pagtaas sa sahod niya ng 20%. -
3:08 - 3:11Sa huling 10 taon, ipinagmamalaki
kong sabihin na nakahanap tayo -
3:11 - 3:14at nakapag-balik ng 150,000
mga batang babae sa eskwela -
3:14 - 3:19na ngayon ay kabilang at patuloy na
nag-aaral sa eskwela at natututo.
- Title:
- Pag-aralin ang mga Batang Babae - BBC News
- Description:
-
Tinatayang may tatlong milyong kabataang babae edad 10-14 ang wala sa paaralan sa India. Ayon sa Unicef, ang India ay may mas maraming bilang ng mga batang kinakasal kaysa sa alin mang bansa.
Halos kalahati ng lahat ng babaeng taga-India ay kinasal ng mas maaga sa legal na edad na 18. Ang Pag-aralin ang mga Kabataang Babae ay may grupo ng mga bolunter na pumupunta sa mga nayon para hanapin ang mga batang babae na wala sa eskwela.
Kinakausap nila ang mga pamilya tungkol sa kahalagahan ng pagpapa-aral sa mga batang babae at gumagawa ng plano kasama ang kumunidad para maitala sila sa paaralan.
Sa ngayon, natulungan nila ang milyong mga kabataan at nakapagsimulang mag-aral ang 150,000 batang babae sa eskwela.Mag-subscribe DITO http://bit.ly/1rbfUog
Mundo sa mga Larawan https://www.youtube.com/playlist?list=PLS3XGZxi7cBX37n4R0UGJN-TLiQOm7ZTP
Mga Natanyag https://www.youtube.com/playlist?list=PLS3XGZxi7cBUME-LUrFkDwFmiEc3jwMXP
Mabubuting Balita Lang https://www.youtube.com/playlist?list=PLS3XGZxi7cBUsYo_P26cjihXLN-k3w246 - Video Language:
- English
- Team:
Amplifying Voices
- Project:
- Promoting Girls Education
- Duration:
- 03:27
![]() |
Jas A. edited Filipino subtitles for Educating girls - BBC News | |
![]() |
Jas A. edited Filipino subtitles for Educating girls - BBC News | |
![]() |
Jas A. edited Filipino subtitles for Educating girls - BBC News | |
![]() |
Jas A. edited Filipino subtitles for Educating girls - BBC News | |
![]() |
Jas A. edited Filipino subtitles for Educating girls - BBC News |