Paano ka Namamanmanan ng Gobyerno: Pagmamanman ng NSA
-
0:01 - 0:04Sinusubaybayan ng gobyerno ang mga pribadong tawag sa telepono
-
0:04 - 0:09mga pribadong tawag ng mga anak mo't mga anak ko, pati na pagsubaybay sa kanilang mga kasamahan
-
0:19 - 0:24Nitong Hunyo,natanto nating ang ating pribadong buhay ay hindi na pala matatawag na pribado
-
0:24 - 0:27Ang gobyerno ng Amerika ay patagong sinusubaybayan ang ating mga 'emails'
-
0:27 - 0:32mga bilihin, mga teks, lokasyun at mga tawag sa telepono ng mga tao sa buong mundo
-
0:33 - 0:36Ed Rooney, Ed? Si George Peterson...
-
0:36 - 0:39na may alyas na PRISM at XKEYSCORE,
-
0:39 - 0:41ang ganitong network ng programang sumusubaybay
-
0:41 - 0:45ay isang parte lamang ng pinakamalaking sistema ng pagmamatyag sa kasaysayan
-
0:45 - 0:50Ang walang limitasyong pagmamatyag na ito ay ilegal at pinapatakbo nang patago.
-
0:50 - 0:53Sa sistemang ito, malalaman ng gobyerno kung saan ka nagtungo,
-
0:53 - 0:55kung nasaan ka, at kung saan ka patungo.
-
0:55 - 0:59Nabunyag lamang ang programa noong ang dating kontraktor ng NSA na si Edward Snowden
-
0:59 - 1:03ay naglabas ng mga dokumentong naglalaman ng malawakang pagkolekta ng mga datus.
-
1:03 - 1:06Nakakalap ako ng impormasyon, bagong kabuluhan ay maliliwanagan.
-
1:07 - 1:11Ang presidente, ang NSA at ang kanilang mga abogado ay nagtangkang ilihis ang galit na publiko
-
1:11 - 1:15sa pamamagitan ng pagsira sa katotohanan at paglinlang sa mga tao tungkol sa proseso.
-
1:15 - 1:21Hindi kailanman pinayagan ng korte ng US ang gobyerno na magpatakbo ng programang ispya.
-
1:21 - 1:22Paano nangyari ito kung ganoon?
-
1:22 - 1:25Sandaling balikan muna natin ang nakaraan.
-
1:27 - 1:33Kinamumuhian ng mga tagapagtatag ng Amerika ang mapang-aping pagmamatyag ng British, pati na ang hindi makatwirang paghahanap at pang-aagaw.
-
1:33 - 1:36ang isyu dito ay pagsasarili.
-
1:36 - 1:41Sa pag-iintindi na ang pribadong buhay ay isa sa ating mga karapatan ayon sa konstitusyon,
-
1:41 - 1:43naitalaga ang pang-apat na pagbabago.
-
1:43 - 1:48Layunin nitong pigilan ang gobyerno sa pagmamanman o paghalungkat sa iyong pansariling impormasyon,
-
1:48 - 1:51maliban kung ang rason ay isang pinaniniwalaang krimen na nangyayari.
-
1:51 - 1:55Ang lahat ay nandoroon itim at puti, kasingliwanag ng kristal.
-
1:55 - 2:01Sa paggamit ng NSA nalalabag ng gobyerno ng US ang pinakamataas na batas ng bansa, ang Konstitusyon.
-
2:05 - 2:10Dekadekada na ang pagmamanman ng gobyerno ngunit higit na malala ito noon taong 2001,
-
2:10 - 2:12noong ipinasa ng Kongreso ng US ang Patriot Act,
-
2:12 - 2:18na nagbigay sa korte ng FISA ng karagdagang karapatan upang mag aproba sa malawakang pagmamanman.
-
2:18 - 2:22Sa halip na kumuha ng mandamyento para sa indibidwal na suspek sa isang krimen,
-
2:22 - 2:24maaari nang siyasatin ng gobyerno ang malaking listahan ng mga tao
-
2:24 - 2:28Kahit ang mga taong walang kinalaman sa mga krimen.
-
2:28 - 2:31Hindi na kinakailangang isiwalat ng korte ng FISA ang mga naaaprobahang utos ng hukuman
-
2:31 - 2:34at mga karagdagang ebidensya ay hindi na rin kinakailangan.
-
2:34 - 2:38Sa 1,789 na kahilingan sa awtorisasyon, isa ang iniurong ng gobyerno.
-
2:39 - 2:40Ang mga iba ay naaprubahan.
-
2:41 - 2:42Ito ay isang selyong goma.
-
2:42 - 2:47Lahat ng ito ay nababalot ng lihim, na walang sistema ng pagsusuri at balanse.
-
2:47 - 2:53Kung ang NSA ay nangangalap ng impormasyon base sa iyong binabasa, o sa mga website na iyong pinupuntahan
-
2:53 - 2:57Hinding hindi mo ito malalaman o kaya'y mapipigilan anu man ang iyong katayuan sa buhay.
-
2:57 - 3:00Ang mga programang katulad ng PRISM ay ipinagsasawalang-bahala ang layunin ng mga mandamyento
-
3:00 - 3:02habang ipinapahayag nitong nagtatarabaho ito ayon sa batas.
-
3:02 - 3:08Ang internet na kinahuhumalingan natin ay ginamit ng gobyerno ng US sa isang bagay na hindi naman dapat...
-
3:08 - 3:11...isang instrumento sa pagmamanman sa lahat ng tao.
-
3:16 - 3:18Ito ang pinakamahalagang problema.
-
3:18 - 3:22Sa pamamagitan ng mga lihim na hukuman at mga lihim na pagbibigay-kahulugan sa mga batas,
-
3:22 - 3:27maaaring magmanman ang gobyerno ng US sa mga gumagamit ng internet base sa keywords,
-
3:27 - 3:31analyst na gumagamit ng sistema para sa portal ng web at Fort Mead,
-
3:31 - 3:37key ng selector o mga termino sa pagsisiyasat na nakaprogramang maghatid ng 51% na tiwala
-
3:37 - 3:39sa tinutudlang makabanyaga.
-
3:39 - 3:43Nakalap ang mga data sa loob ng maraming taon mula sa mga sikat na websites,
-
3:43 - 3:46gmil, facebook, yahoo at marami pang iba.
-
3:48 - 3:50May 1000s mga salita na minamanmanan ng gobyerno.
-
3:50 - 3:56Mga salita kagaya ng "marijuana"
-
4:01 - 4:04Halos kahit anong email ang isend mo
-
4:04 - 4:06ay maaring dahilan ng pagmamanman sa iyong account.
-
4:06 - 4:10Ang klase ng pagmamanmang ito ay maaring magbigay sa iyo ng pangalawang haka-haka.
-
4:10 - 4:13Iyan ang dahilan kung bakit ang pagmamanman sa masa ay wala sa konstitusyon,
-
4:14 - 4:17Hindi mapipigilan ang pang-aabuso at ang pagkalat ng mga data ay nangyayari na.
-
4:17 - 4:22Ang pagmanman sa ating paggamit ng internet ay nagbibigay sa gobyerno ng karapatan sa ating buhay.
-
4:22 - 4:26Anong mangyayari sa karapatang malayang pagsasalita, malayang kapisanan, o kalayaan sa pahayagan,
-
4:26 - 4:32kung ang lahat ay napapaloob sa walang tigil na pagmamanman, kahit sa ating pribadong oras.
-
4:36 - 4:40Ang mga eksperto sa pagmamanman, pagsasarili, at intelihensiya ay sumasang-ayon sa iisang bagay.
-
4:40 - 4:44Ang NSA, Presidente Bush at Obama at ang kanilang lihim na hukuman ay
-
4:44 - 4:48binibigyang-kahulugan ang mga batas na karamihan sa mga Amerikano ay maituturing itong kagulat-gulat.
-
4:48 - 4:50Ito ang pagpapahintulot sa uri ng pagmamanman at pangangalap
-
4:50 - 4:53na hindi kailan man pinapayagan ng saligang-batas.
-
4:53 - 4:55Nalalabag ng mga programang ito ang batas.
-
4:56 - 5:00Nilalabag nito ang ika-apat na pagbabago at pinagkakaitan tayo ng karapatang pagsasarili.
-
5:00 - 5:04Sinulat ang saligang-batas ng US para maiwasan ang pagmamanman ng gobyerno kagaya ng programang PRISM.
-
5:04 - 5:09Nasa sa atin na ang pagpapatibay sa mga ulirang ideyang ito.
-
5:09 - 5:23Tulungan kaming ipahinto ang NSA, ibalik ang Konstitusyon at gawing malaya ang mundo.
- Title:
- Paano ka Namamanmanan ng Gobyerno: Pagmamanman ng NSA
- Description:
-
HUWAG LANG MANOOD, GUMAWA NG HAKBANG
Ang gobyerno ng US, ginawa ang internet sa isang bagay na hindi naman dapat: isang sistema ng pagmamanman sa atin sa ating mga pribadong oras.Isinalaysay ni Evangeline Lilly
Hatid sa inyo ng Fight for the Future and Demand Progress.
Produksyon ng Mata Wata - http://matawata.com
Ehekutibo: Evangeline Lilly - http://evangeline-lilly.net - Video Language:
- English
- Team:
- Volunteer
- Duration:
- 05:24
jerry santos edited Filipino subtitles for How the Government Tracks You: NSA Surveillance | ||
jerry santos edited Filipino subtitles for How the Government Tracks You: NSA Surveillance | ||
jerry santos edited Filipino subtitles for How the Government Tracks You: NSA Surveillance |