0:00:00.704,0:00:03.955 Sinusubaybayan ng gobyerno ang mga pribadong tawag sa telepono 0:00:03.955,0:00:08.621 mga pribadong tawag ng mga anak mo't mga anak ko, pati na pagsubaybay sa kanilang mga kasamahan 0:00:19.478,0:00:23.948 Nitong Hunyo,natanto nating ang ating pribadong buhay ay hindi na pala matatawag na pribado 0:00:23.948,0:00:27.299 Ang gobyerno ng Amerika ay patagong sinusubaybayan ang ating mga 'emails' 0:00:27.299,0:00:32.380 mga bilihin, mga teks, lokasyun at mga tawag sa telepono ng mga tao sa buong mundo 0:00:32.714,0:00:35.906 Ed Rooney, Ed? Si George Peterson... 0:00:35.956,0:00:39.224 na may alyas na PRISM at XKEYSCORE, 0:00:39.224,0:00:41.321 ang ganitong network ng programang sumusubaybay 0:00:41.321,0:00:44.740 ay isang parte lamang ng pinakamalaking sistema ng pagmamatyag sa kasaysayan 0:00:44.740,0:00:49.708 Ang walang limitasyong pagmamatyag na ito ay ilegal at pinapatakbo nang patago. 0:00:49.708,0:00:52.828 Sa sistemang ito, malalaman ng gobyerno kung saan ka nagtungo, 0:00:52.828,0:00:55.044 kung nasaan ka, at kung saan ka patungo. 0:00:55.094,0:00:59.274 Nabunyag lamang ang programa noong ang dating kontraktor ng NSA na si Edward Snowden 0:00:59.295,0:01:03.097 ay naglabas ng mga dokumentong naglalaman ng malawakang pagkolekta ng mga datus. 0:01:03.157,0:01:06.152 Nakakalap ako ng impormasyon, bagong kabuluhan ay maliliwanagan. 0:01:06.782,0:01:11.174 Ang presidente, ang NSA at ang kanilang mga abogado ay nagtangkang ilihis ang galit na publiko 0:01:11.268,0:01:15.412 sa pamamagitan ng pagsira sa katotohanan at paglinlang sa mga tao tungkol sa proseso. 0:01:15.472,0:01:20.600 Hindi kailanman pinayagan ng korte ng US ang gobyerno na magpatakbo ng programang ispya. 0:01:20.600,0:01:21.902 Paano nangyari ito kung ganoon? 0:01:21.922,0:01:25.152 Sandaling balikan muna natin ang nakaraan. 0:01:26.971,0:01:33.364 Kinamumuhian ng mga tagapagtatag ng Amerika ang mapang-aping pagmamatyag ng British, pati na ang hindi makatwirang paghahanap at pang-aagaw. 0:01:33.406,0:01:35.969 ang isyu dito ay pagsasarili. 0:01:35.969,0:01:41.050 Sa pag-iintindi na ang pribadong buhay ay isa sa ating mga karapatan ayon sa konstitusyon, 0:01:41.050,0:01:43.081 naitalaga ang pang-apat na pagbabago. 0:01:43.081,0:01:47.781 Layunin nitong pigilan ang gobyerno sa pagmamanman o paghalungkat sa iyong pansariling impormasyon, 0:01:47.835,0:01:51.491 maliban kung ang rason ay isang pinaniniwalaang krimen na nangyayari. 0:01:51.491,0:01:55.195 Ang lahat ay nandoroon itim at puti, kasingliwanag ng kristal. 0:01:55.367,0:02:00.592 Sa paggamit ng NSA nalalabag ng gobyerno ng US ang pinakamataas na batas ng bansa, ang Konstitusyon. 0:02:05.074,0:02:09.552 Dekadekada na ang pagmamanman ng gobyerno ngunit higit na malala ito noon taong 2001, 0:02:09.552,0:02:12.444 noong ipinasa ng Kongreso ng US ang Patriot Act, 0:02:12.444,0:02:17.702 na nagbigay sa korte ng FISA ng karagdagang karapatan upang mag aproba sa malawakang pagmamanman. 0:02:17.921,0:02:21.777 Sa halip na kumuha ng mandamyento para sa indibidwal na suspek sa isang krimen, 0:02:21.857,0:02:24.415 maaari nang siyasatin ng gobyerno ang malaking listahan ng mga tao 0:02:24.415,0:02:27.539 Kahit ang mga taong walang kinalaman sa mga krimen. 0:02:27.539,0:02:31.340 Hindi na kinakailangang isiwalat ng korte ng FISA ang mga naaaprobahang utos ng hukuman 0:02:31.340,0:02:33.578 at mga karagdagang ebidensya ay hindi na rin kinakailangan. 0:02:33.668,0:02:38.440 Sa 1,789 na kahilingan sa awtorisasyon, isa ang iniurong ng gobyerno. 0:02:38.542,0:02:40.480 Ang mga iba ay naaprubahan. 0:02:40.520,0:02:42.042 Ito ay isang selyong goma. 0:02:42.042,0:02:46.906 Lahat ng ito ay nababalot ng lihim, na walang sistema ng pagsusuri at balanse. 0:02:46.906,0:02:52.598 Kung ang NSA ay nangangalap ng impormasyon base sa iyong binabasa, o sa mga website na iyong pinupuntahan 0:02:52.728,0:02:56.664 Hinding hindi mo ito malalaman o kaya'y mapipigilan anu man ang iyong katayuan sa buhay. 0:02:56.907,0:02:59.642 Ang mga programang katulad ng PRISM ay ipinagsasawalang-bahala ang layunin ng mga mandamyento 0:02:59.667,0:03:02.076 habang ipinapahayag nitong nagtatarabaho ito ayon sa batas. 0:03:02.292,0:03:07.642 Ang internet na kinahuhumalingan natin ay ginamit ng gobyerno ng US sa isang bagay na hindi naman dapat... 0:03:07.932,0:03:11.174 ...isang instrumento sa pagmamanman sa lahat ng tao. 0:03:15.694,0:03:18.222 Ito ang pinakamahalagang problema. 0:03:18.342,0:03:22.152 Sa pamamagitan ng mga lihim na hukuman at mga lihim na pagbibigay-kahulugan sa mga batas, 0:03:22.161,0:03:27.164 maaaring magmanman ang gobyerno ng US sa mga gumagamit ng internet base sa keywords, 0:03:27.338,0:03:30.632 analyst na gumagamit ng sistema para sa portal ng web at Fort Mead, 0:03:30.632,0:03:36.566 key ng selector o mga termino sa pagsisiyasat na nakaprogramang maghatid ng 51% na tiwala 0:03:36.566,0:03:38.602 sa tinutudlang makabanyaga. 0:03:39.072,0:03:42.606 Nakalap ang mga data sa loob ng maraming taon mula sa mga sikat na websites, 0:03:42.606,0:03:46.499 gmil, facebook, yahoo at marami pang iba. 0:03:48.289,0:03:49.921 May 1000s mga salita na minamanmanan ng gobyerno. 0:03:50.131,0:03:56.275 Mga salita kagaya ng "marijuana" 0:04:01.475,0:04:03.806 Halos kahit anong email ang isend mo 0:04:03.946,0:04:05.979 ay maaring dahilan ng pagmamanman sa iyong account. 0:04:06.009,0:04:09.772 Ang klase ng pagmamanmang ito ay maaring magbigay sa iyo ng pangalawang haka-haka. 0:04:10.145,0:04:13.445 Iyan ang dahilan kung bakit ang pagmamanman sa masa ay wala sa konstitusyon, 0:04:13.515,0:04:17.460 Hindi mapipigilan ang pang-aabuso at ang pagkalat ng mga data ay nangyayari na. 0:04:17.460,0:04:21.996 Ang pagmanman sa ating paggamit ng internet ay nagbibigay sa gobyerno ng karapatan sa ating buhay. 0:04:22.049,0:04:26.413 Anong mangyayari sa karapatang malayang pagsasalita, malayang kapisanan, o kalayaan sa pahayagan, 0:04:26.419,0:04:31.922 kung ang lahat ay napapaloob sa walang tigil na pagmamanman, kahit sa ating pribadong oras. 0:04:35.959,0:04:39.662 Ang mga eksperto sa pagmamanman, pagsasarili, at intelihensiya ay sumasang-ayon sa iisang bagay. 0:04:40.251,0:04:44.131 Ang NSA, Presidente Bush at Obama at ang kanilang lihim na hukuman ay 0:04:44.261,0:04:47.724 binibigyang-kahulugan ang mga batas na karamihan sa mga Amerikano ay maituturing itong kagulat-gulat. 0:04:47.724,0:04:50.193 Ito ang pagpapahintulot sa uri ng pagmamanman at pangangalap 0:04:50.202,0:04:53.124 na hindi kailan man pinapayagan ng saligang-batas. 0:04:53.124,0:04:55.072 Nalalabag ng mga programang ito ang batas. 0:04:55.542,0:04:59.545 Nilalabag nito ang ika-apat na pagbabago at pinagkakaitan tayo ng karapatang pagsasarili. 0:04:59.703,0:05:04.459 Sinulat ang saligang-batas ng US para maiwasan ang pagmamanman ng gobyerno kagaya ng programang PRISM. 0:05:04.484,0:05:08.507 Nasa sa atin na ang pagpapatibay sa mga ulirang ideyang ito. 0:05:08.615,0:05:23.455 Tulungan kaming ipahinto ang NSA, ibalik ang Konstitusyon at gawing malaya ang mundo.