-
Ang Internet: Cybersecurity at Krimen
-
Magandang araw ako si Jenny Martin at ako ang
direktor ng cyber security
-
investigations sa Symantec. Sa ngayon
nagdudulot ang cybercrime ng malalaking problema para sa
-
lipunan nang personal, pinansiyal, at kahit na
sa mga usapin ng pambansang seguridad. Noon lang
-
nakaraang ilang taon daan-daang milyong
numero ng credit card ay nanakaw,
-
sampu-sampu ng milyon-milyong numero ng
Social Security at rekord sa pangangalagang pangkalusugan ay
-
nakompromiso, kahit na mga nuclear centrifuges
na na-hack, at mga walang piloto na
-
aerial drone ay na-hijack. Ginagawa ang lahat ng ito
sa pamamagitan ng pagsasamantala sa mga bulnerabilidad
-
sa hardware at software o mas madalas
sa pamamagitan ng pagsasamantala sa mga hindi sinasadyang
-
desisyon na ginawa ng mga tao gamit ang
software. Ang mga taong nakatuon sa mga cyber crime
-
na ito ay walang iisang profile o
motibasyon. Maaari itong sinuman mula sa isang
-
internasyonal na terorista hanggang sa isang tinedyer na nakikipagpaligsahan para sa karapatan ng pagmamayabang. Sa ngayon ang mga pinakamalaking
-
bansa hindi lang ang may regular na hukbo
pero mayroon ding cyber na hukbo na armadong mabuti. Sa
-
katunayan ang susunod na Digmaang Pandaigdig ay maaaring hindi paglalabanan gamit ang mga tradisyonal na armas, pero gamit ang
-
mga computer na ginagamit sa pagsasara ng mga pambansang panustos sa tubig, grid ng enerhiya, at
-
sistema ng transportasyon. Kumusta ako si Parisa at
ako ang Google Security Princess. Nakapagtrabaho na ako
-
sa maraming iba't ibang produkto
at maraming iba't ibang paraan upang subukan at
-
gawing ligtas hangga't maaari ang ating software.
-
Ngayon tingnan natin kung paano gumagana ang
cybercrime sa ilalim ng hood
-
Matututo tayo tungkol sa mga virus ng software,
atake na pagtanggi ng serbisyo, at phishing scam.
-
Sa biolohiya at buhay, ang isang virus ay isang
organismo na kumakalat sa pag-ubo,
-
pagbahing o pisikal na kontak.
-
Gumagana ang mga virus sa pamamagitan ng paglalagay ng impeksiyon sa mga selula, pag-iniksiyon ng kanilang materyal na henetiko, at
-
paggamit sa mga selulang iyon upang mag-replicate. Magagawa nila ang mga tao na talagang magkasakit at saka ikalat sa iba pang tao.
-
Gumagana ang computer virus sa katulad na paraan. Ang isang
virus ay isang maipapatupad na program na
-
nai-install, kadalasang hindi sinasadya, at pinipinsala ang gumagamit at kanilang computer. Posible rin na
-
kumalat ang virus mismo sa iba pang
computer. Ngayon paano muna nakakapasok ang virus sa
-
computer mo? May dalawang
paraan na maaaring bigyan ng impeksiyon ng isang umaatake ang computer
-
ng isa. Pinapainan nila ang isang biktima upang
i-install ang isang program na may panlilinlang tungkol sa
-
layunin ng programa, kaya halimbawa maraming
virus ay nagbabalatkayo bilang mga update sa seguridad.
-
Posible rin na ang software sa computer mo ay may
bulnerabilidad para mai-install ng umaatake ang sarili nito
-
nang hindi kinakailangan ang hayagang permiso.
-
Sa sandaling nasa computer mo ang virus maaari nitong
nakawin o tanggalin ang anuman sa mga file mo,
-
kontrolin ang iba pang program, o kahit hayaan
ang isa na kontrolin nang malayuan ang
-
computer mo.
-
Gamit ang mga computer virus, maaaring kunin ng mga hacker
ang mahigit milyong computer sa buong mundo
-
at saka gamitin sila bilang isang digital na hukbo, kilala sa ibang pagkakataon bilang isang botnet, upang atakehin at alisin ang mga website.
-
Ang uring ito ng atake ay tinatawag na
ipinamahaging pagtanggi ng serbisyo.
-
Ang isang pagtanggi ng serbisyo ay kapag kinaya
ng mga hacker ang isang website gamit ang napakaraming
-
hiling. Tinatawag namin itong ipinamahaging
pagtanggi-ng-serbisyo kapag nanggagaling ang atake sa maraming
-
computer nang minsanan.
-
Karamihan sa mga website ay handang tumugon sa
mga milyong hiling kada araw, pero patamaan mo
-
sila ng bilyon o trilyong hiling, na nanggagaling sa
iba't ibang lugar,
-
ang mga computer ay nao-overload at tumitigil
sa pagtugon. Isa pang pandaraya na ginagamit ng
-
mga cybercriminal ay ipadala ang malaking bilang ng spam
email sa pagtatangka na lokohin ang mga tao
-
na magbahagi ng sensitibong personal na impormasyon.
-
Ito ang tinatawag na phishing scam. Ang isang phishing scam ay
kapag nakatanggap ka ng tila
-
mapagkakatiwalaang email na hinihingian ka na mag-log in
sa account mo, pero sa pagpindot sa email
-
ang nagdadala sa iyo sa isang pekeng website.
-
Kung nag-log in ka sa anumang paraan naloko ka
sa pagbibigay ng password mo.
-
Maaari na gamitin ng mga hacker ang mga login
credential mo upang i-access ang mga totoong account mo
-
upang nakawin ang impormasyon o malamang kahit na
nakawin ang pera mo. Sa kabutihang palad may napakaraming
-
kompanya, batas at organisasyon sa pamahalaan
na nagtatrabaho upang gawin ang
-
internet na mas ligtas, pero ang mga pagsisikap na ito ay
hindi sapat.
-
Maaari mong isipin na kapag ang sistema ng computer
ay na-hack ang problema ay ang disenyo ng
-
seguridad o ang software. Siyamnapug porsiyento
ng oras na na-hack ang sistema
-
gayunpaman, ay hindi dahil sa security bug, pero dahil sa isang
simpleng pagkakamali na gawa ng
-
isang tao. Lumalabas na may mga hakbang na maaari nating
gamiting lahat upang protektahan ang ating sarili. Madalas
-
na ang mga aksiyon mo hindi lang inaapektuhan ang
seguridad ng sarili mong datos at computer, pero ang
-
seguridad ng lahat sa paaralan mo,
-
lugar ng trabaho, at bahay. Sa bilyon-bilyon o triyon-trilyon
na dolyar ang nakataya
-
nagiging mas matalino ang mga cybercriminal bawat taon at
lahat tayo ay kailangang umalinsabay.