-
Isa sa mga napakagandang bagay na nadiskubre ko tungkol sa mga sirkito ay
-
maaaring maging anyo ng arte ang circuitry tulad kung may ideya akong malikhain, makukuha ko ang malikhaing ideyang iyan gamit ang mga sirkito.
-
Kaya kung may mga ideya ka, magagamit mo ang teknolohiya upang gawin ang mga ideyang iyon na maging totoo.
-
Bawat input o output ng computer ay epektibong uri ng impormasyon,
-
na maaaring katawanin ng mga signal na may kuryente na nakasindi o nakapatay
-
o mga isa at sero.
-
Para maproseso ang impormasyon na dumarating bilang input, at gawin ang impormasyon na output,
-
kailangan ng computer na baguhin at pagsamahin ang mga input signal.
-
Para gawin ito, gumagamit ang computer ng mga maliit na elektronikong sangkap, na nagsasama-sama upang bumuo ng mga sirkito.
-
Tingnan nating malapitan kung paano binabago at ipinoproseso ng mga sirkito ang impormasyon na kinatawan sa mga isa at sero.
-
Ito ay hindi kapani-paniwalang simpleng sirkito.
-
Ginagamit nito ang signal na may kuryente, nakasindi o nakapatay, at binabaligtad nito ito.
-
Kaya kung ang signal na ibinigay mo ay isang 1, ibinibigay ng sirkito ang 0,
-
at kung ibinigay mo sa sirkito ang 0, ibinibigay nito sa iyo ang 1.
-
Ang signal na pumapasok ay hindi katulad ng signal na lumalabas, at kaya matatawag ang sirkitong ito na hindi.
-
Maaaring gamitin ng mga mas komplikadong sirkito ang maraming signal at pagsamahin sila at ibigay sa iyo ang naiibang resulta.
-
Sa halimbawang ito, gagamitin ng sirkito ang dalawang signal na may kuryente, ngayon ang bawat isa ay maaaring 1 o 0.
-
Kung ang isa sa mga signal na dumarating ay 0, kung gayon ang resulta ay 0 rin.
-
Ibibigay lang sa iyo ng sirkitong ito ang 1,
-
kung ang unang signal at ang ikalawang signal ay kapwa 1, at kaya matatawag ang sirkito na at.
-
May maraming maliit na sirkito tulad nito na gumagawa ng mga simpleng lohikal na kalkulasyon.
-
Sa pamamagitan ng pagkonekta sa mga sirkitong nang magkasama, makagagawa tayo ng mas maraming masalimuot na sirkito na gumagawa ng mga mas masalimuot na kalkulasyon.
-
Halimbawa, maaari kang gumawa ng sirkito na ina-add ang 2 bit na magkasama na tinatawag na adder.
-
Gumagamit ang sirkitong ito ng 2 indibidwal na bit, bawat isa isang 1 o 0, at ina-add silang magkasama upang kalkulahin ang kabuuan.
-
Ang kabuuan ay maaaring 0 plus 0 equals 0,
-
0 plus 1 equals 1, o 1 plus 1 equals 2.
-
Kailangan mo ng dalawang kawad na papalabas dahil aabutin sa dalawang binary digit upang katawanin ang kabuuan.
-
Sa sandaling may isa kang adder sa pag-add ng dalawang bit ng impormasyon,
-
maaari mong pagsamahin ang marami sa mga adder circuit na ito nang magkatabi upang i-add nang magkasama ang mas malalaking numero.
-
Halimbawa, narito kung paano ina-add ng 8-bit adder ang mga numero 25 at 50.
-
Ang bawat numero ay kinakatawan gamit ang 8 bit, na nagreresulta sa 16 iba't ibang signal na may kuryente na pumapasok sa sirkito.
-
Ang sirkito ng 8-bit adder ay may maraming maliit na adder sa loob nito, na kapag sama-sama, magkakalkula ng kabuuan.
-
Maaaring gawin ng iba't ibang sirkito na may kuryente ang iba pang simpleng kalkulasyon tulad ng subtraction o multiplication.
-
Sa katunayan, ang lahat ng pagpoproseso ng impormasyon na ginagawa ng computer mo ay maraming maliit na simpleng operasyon na pinagsama.
-
Bawat indibidwal na operasyon na gawa ng computer ay napakasimple na maaaring gawin ng isang tao,
-
pero ang mga sirkitong ito sa loob ng mga computer ay malayong mas mabilis.
-
Noon, ang mga sirkitong ito ay malalaki at mabibigat,
-
at ang isang 8-bit adder ay kasinlaki ng ref at aabutin ng mga minuto upang gumawa sila ng simpleng kalkulasyon.
-
Ngayon, ang mga sirkito ng computer ay napakaliit at mas mabibilis.
-
Bakit ang mga maliit na computer ay mas mabilis din?
-
Buweno, dahil kapag mas maliit ang sirkito, hindi gaanong malayo ang tatakbuhin ng signal na may kuryente.
-
Gumagalaw ang kuryente na halos kasimbilis ng liwanag, na siyang dahilan kung bakit magagawa ng mga modernong sirkito ang mga bilyong kalkulasyon kada segundo.
-
Kaya kung naglalaro ka ng laro, nagre-record ng video o ginagalugad ang sansinukob,
-
lahat ng maaari mong gawin sa teknolohiya ay nangangailangan ng maraming impormasyon upang iproseso ng lubos na mabilis.
-
Sa ilalim ng lahat ng kasalimuotang ito ang maraming napakaliit na sirkito na ginagawa ang mga binary signal
-
na mga website, video, musika at mga laro.
-
Makatutulong pa nga ang mga sirkitong ito na i-decode ang DNA upang mag-diagnose at gumamot ng sakit.
-
Kaya ano ang gusto mong gawin sa lahat ng mga sirkitong ito?