Isa sa mga napakagandang bagay na nadiskubre ko tungkol sa mga sirkito ay maaaring maging anyo ng arte ang circuitry tulad kung may ideya akong malikhain, makukuha ko ang malikhaing ideyang iyan gamit ang mga sirkito. Kaya kung may mga ideya ka, magagamit mo ang teknolohiya upang gawin ang mga ideyang iyon na maging totoo. Bawat input o output ng computer ay epektibong uri ng impormasyon, na maaaring katawanin ng mga signal na may kuryente na nakasindi o nakapatay o mga isa at sero. Para maproseso ang impormasyon na dumarating bilang input, at gawin ang impormasyon na output, kailangan ng computer na baguhin at pagsamahin ang mga input signal. Para gawin ito, gumagamit ang computer ng mga maliit na elektronikong sangkap, na nagsasama-sama upang bumuo ng mga sirkito. Tingnan nating malapitan kung paano binabago at ipinoproseso ng mga sirkito ang impormasyon na kinatawan sa mga isa at sero. Ito ay hindi kapani-paniwalang simpleng sirkito. Ginagamit nito ang signal na may kuryente, nakasindi o nakapatay, at binabaligtad nito ito. Kaya kung ang signal na ibinigay mo ay isang 1, ibinibigay ng sirkito ang 0, at kung ibinigay mo sa sirkito ang 0, ibinibigay nito sa iyo ang 1. Ang signal na pumapasok ay hindi katulad ng signal na lumalabas, at kaya matatawag ang sirkitong ito na hindi. Maaaring gamitin ng mga mas komplikadong sirkito ang maraming signal at pagsamahin sila at ibigay sa iyo ang naiibang resulta. Sa halimbawang ito, gagamitin ng sirkito ang dalawang signal na may kuryente, ngayon ang bawat isa ay maaaring 1 o 0. Kung ang isa sa mga signal na dumarating ay 0, kung gayon ang resulta ay 0 rin. Ibibigay lang sa iyo ng sirkitong ito ang 1, kung ang unang signal at ang ikalawang signal ay kapwa 1, at kaya matatawag ang sirkito na at. May maraming maliit na sirkito tulad nito na gumagawa ng mga simpleng lohikal na kalkulasyon. Sa pamamagitan ng pagkonekta sa mga sirkitong nang magkasama, makagagawa tayo ng mas maraming masalimuot na sirkito na gumagawa ng mga mas masalimuot na kalkulasyon. Halimbawa, maaari kang gumawa ng sirkito na ina-add ang 2 bit na magkasama na tinatawag na adder. Gumagamit ang sirkitong ito ng 2 indibidwal na bit, bawat isa isang 1 o 0, at ina-add silang magkasama upang kalkulahin ang kabuuan. Ang kabuuan ay maaaring 0 plus 0 equals 0, 0 plus 1 equals 1, o 1 plus 1 equals 2. Kailangan mo ng dalawang kawad na papalabas dahil aabutin sa dalawang binary digit upang katawanin ang kabuuan. Sa sandaling may isa kang adder sa pag-add ng dalawang bit ng impormasyon, maaari mong pagsamahin ang marami sa mga adder circuit na ito nang magkatabi upang i-add nang magkasama ang mas malalaking numero. Halimbawa, narito kung paano ina-add ng 8-bit adder ang mga numero 25 at 50. Ang bawat numero ay kinakatawan gamit ang 8 bit, na nagreresulta sa 16 iba't ibang signal na may kuryente na pumapasok sa sirkito. Ang sirkito ng 8-bit adder ay may maraming maliit na adder sa loob nito, na kapag sama-sama, magkakalkula ng kabuuan. Maaaring gawin ng iba't ibang sirkito na may kuryente ang iba pang simpleng kalkulasyon tulad ng subtraction o multiplication. Sa katunayan, ang lahat ng pagpoproseso ng impormasyon na ginagawa ng computer mo ay maraming maliit na simpleng operasyon na pinagsama. Bawat indibidwal na operasyon na gawa ng computer ay napakasimple na maaaring gawin ng isang tao, pero ang mga sirkitong ito sa loob ng mga computer ay malayong mas mabilis. Noon, ang mga sirkitong ito ay malalaki at mabibigat, at ang isang 8-bit adder ay kasinlaki ng ref at aabutin ng mga minuto upang gumawa sila ng simpleng kalkulasyon. Ngayon, ang mga sirkito ng computer ay napakaliit at mas mabibilis. Bakit ang mga maliit na computer ay mas mabilis din? Buweno, dahil kapag mas maliit ang sirkito, hindi gaanong malayo ang tatakbuhin ng signal na may kuryente. Gumagalaw ang kuryente na halos kasimbilis ng liwanag, na siyang dahilan kung bakit magagawa ng mga modernong sirkito ang mga bilyong kalkulasyon kada segundo. Kaya kung naglalaro ka ng laro, nagre-record ng video o ginagalugad ang sansinukob, lahat ng maaari mong gawin sa teknolohiya ay nangangailangan ng maraming impormasyon upang iproseso ng lubos na mabilis. Sa ilalim ng lahat ng kasalimuotang ito ang maraming napakaliit na sirkito na ginagawa ang mga binary signal na mga website, video, musika at mga laro. Makatutulong pa nga ang mga sirkitong ito na i-decode ang DNA upang mag-diagnose at gumamot ng sakit. Kaya ano ang gusto mong gawin sa lahat ng mga sirkitong ito?