Kausapin ang puso | Marleen Laschet | TEDxTrondheim
-
0:09 - 0:15Humigit-kumulang 365 milyong tao
na ang wikang nakagisnan ay Ingles. -
0:17 - 0:21Higit sa 2 bilyon naman ang natututong
magsalita ng Ingles -
0:21 - 0:23bilang pangalawa o pangatlo nilang wika.
-
0:24 - 0:26Kapag marunong ka ng ingles
-
0:26 - 0:32maiintindihan ka ng halos 2.5 bilyong tao.
-
0:32 - 0:37Bakit mo kailangang ma ng ibang wika?
-
0:37 - 0:41Hindi ba 'yun sayang sa oras?
-
0:43 - 0:45Tahasang pinuna si Nelson Mandela noon
-
0:45 - 0:46ng mga itim na taga-Timog Aprika
sa pagsalita niya ng Aprikano. -
0:50 - 0:51Sagot niya,
-
0:51 - 0:55"Kapag kinausap mo ang tao sa wikang
naiintindihan niya, -
0:56 - 0:58tatatak iyon sa isip niya.
-
0:59 - 1:02Kapag kinausap mo siya sa kanyang wika,
-
1:03 - 1:04tatatak iyon sa puso niya."
-
1:05 - 1:07Kaya ganito yan:
-
1:07 - 1:09Kung gusto mong kumbinsihin ang tao,
-
1:09 - 1:12kailangan mong kausapin ang puso nila.
-
1:13 - 1:15Alam ng Papa iyan.
-
1:15 - 1:19Si John Paul II ay matatas na
nakakapagsalita ng 10 wika. -
1:19 - 1:22at nakakaintindi ng ilan pa.
-
1:23 - 1:27Saan man siya pumunta,
binabati niya ang mga tao -
1:27 - 1:31kahit ilang pangungusap lang
sa sarili nilang wika; -
1:31 - 1:36at iyan ang mahalagang susi
sa kanyang katanyagan. -
1:37 - 1:40Ang ilan sa atin na may biyenang dayuhan,
-
1:40 - 1:43o magiging biyenan ay alam din iyan.
-
1:44 - 1:46Kinakausap nila ng Ingles ang mga
kasintahan nila, -
1:46 - 1:51pero kung gusto nilang maging maayos
sa kanilang biyenan, -
1:51 - 1:55Ang mga binata, gusto ring matuto
ng mga kakaibang wika, -
1:55 - 1:57kasama na ang wikang Dutch.
-
1:57 - 1:59(Tawanan)
-
1:59 - 2:01At karaniwan, ito ang kailangan nila.
-
2:02 - 2:03Bakit?
-
2:04 - 2:09Kasi, ang sarili nating wika
ay karugtong ng buo -
2:09 - 2:13ng ating pagkatao, at pagkakakilanlan.
-
2:13 - 2:18Ang buong kasaysayan ng pagkatao natin
ay nakaugat, -
2:18 - 2:21at nakabalot sa sarili nating wika.
-
2:21 - 2:28Napakaraming alaala at damdamin
ang nakaugnay sa mga salita, pahayag, -
2:29 - 2:32kahit sa gramatika na nakagisnan natin.
-
2:33 - 2:37Kaya, kapag inaral mo ang
wika ng iba,, -
2:37 - 2:40pinapakita mo na talagang interesado ka
-
2:40 - 2:44sa buhay nila, sa pagkatao nila.
-
2:45 - 2:48Sinong biyenan ang hindi mabibilib?
-
2:49 - 2:53Kapag narinig mo ang sarili mong wika
pakiramdam mo "nakaka-relate" ka. -
2:54 - 2:56Kapag bumibisita ka sa ibang lugar,
-
2:56 - 3:00at nagsasalita ka ng ibang wika sa loob
ng ilang araw o linggo, -
3:01 - 3:03sa oras na sumakay ka ng eroplano
-
3:03 - 3:06kapag binati ka ng mga tao sa cabin
sa sarili mong wika, -
3:06 - 3:08alam mong pauwi ka na.
-
3:10 - 3:14Kung may halimuyak lang ang sariling wika,
-
3:14 - 3:19palagay ko amoy biskwit ito,
-
3:19 - 3:21at masarap na sabaw ng manok,
-
3:22 - 3:24at ang pabango ng lola mo -
-
3:25 - 3:28at meron din konting amoy ng mothballs.
-
3:29 - 3:34Ito rin siguro ang dahilan kung bakit
ang mga binuong wika, -
3:34 - 3:40gaya ng Esperanto, ay hindi naituro ng mas
malawak gaya ng inaasahan. -
3:41 - 3:44Kahit pa inayos ito ng maiigi,
-
3:44 - 3:47simple, madaling matutunan,
-
3:48 - 3:53walang bansang yumakap ng artipisyal
na wika bilang sarili nilang wika. -
3:54 - 3:59O kahit ang dayuhang wika na ituro ng
may balangkas -
3:59 - 4:03sa mas malaking antas at sa mas
mahabang panahon, -
4:03 - 4:05pero sinubukan ito.
-
4:06 - 4:12Pero, kahit na sadyang mahirap
aralin ang mga natural na wika - -
4:12 - 4:15gaya ng nakakainis na iregularidad,
-
4:15 - 4:20pagkakaiba ng pagbaybay at
pagbigkas, -
4:20 - 4:25minsan iyong kumplikadong gramatika -
-
4:26 - 4:27sa kabila ng lahat ng iyon,
-
4:28 - 4:34mas gusto nating matutunan ang wika
na kinagisnang gamitin ng mga tao. -
4:36 - 4:40Ang binuong wika ay naiintindihan ng isip.
-
4:41 - 4:45Ang natural na wika ay amoy biskwit.
-
4:46 - 4:52Para kay Nelson Mandela, ang matuto ng
Afrikaans ay ang sa "pagkilala sa kaaway". -
4:52 - 4:57Sabi niya, "kailangan mo malaman ang wika
nila, ang kanilang silakbo ng damdamin, -
4:57 - 5:00at pag-asa, at takot, kung nais
mong magapi sila." -
5:01 - 5:04Ginawa nila. At gumana ito.
-
5:05 - 5:08Pero di laging patungkol iyon sa kaaway,
hindi ba? -
5:09 - 5:12Patungkol ito sa human relationships.
-
5:13 - 5:18At ako ang huling taong magsasabi na
ang mga biyenan ay kaaway - -
5:18 - 5:19base sa kahulugan.
-
5:20 - 5:23Noong pito o walong taong nakalipas,
-
5:23 - 5:26Nagmamaneho ako noon sa
Poland kasama ang pamilya ko. -
5:27 - 5:31Pasara na ang mga tindahan noon at
kailangan namin bumili ng pagkain. -
5:32 - 5:36Sa wakas, nakakita kami ng supermarket
sa kabilang gilid ng kalsada. -
5:37 - 5:42Ang tanging daan para makapunta doon
bago magsara ay ang mag-U-turn. -
5:42 - 5:43Kaya ginawa namin iyon.
-
5:44 - 5:47Maaring delikado.
-
5:48 - 5:50At talagang ilegal.
-
5:52 - 5:58Sa paradahan, bago ko pa mapatay
ang makina ng sasakyan - -
5:58 - 6:00nakarinig ako ng katok.
-
6:01 - 6:06Binaba ko ang bintana at dalawang
pares ng mata ang bumungad sakin. -
6:08 - 6:12bawat pares ay mula sa pulis.
-
6:13 - 6:18Ngayon, hindi ko sinasabing
mahusay akong mag-Polish -
6:18 - 6:19sa anumang oras,
-
6:20 - 6:24pero kaya ko dating makipag-usap.
-
6:24 - 6:28Pero sa pagkakataong ito,
na may mabigat na konsensya, -
6:29 - 6:32nakatitig sa mata ng dalawang
alagad ng batas at naka-uniporme, -
6:33 - 6:38lahat ng Polish na salita na alam
ko nawala lahat. -
6:40 - 6:44Pero, hindi ko inisip sa sandaling iyon,
-
6:45 - 6:48na maaayos ko ang
sitwasyon gamit ang Ingles. -
6:49 - 6:53Maari pa sanang nagawan ko ng paraan
kung nagsalita ako sa Ingles, -
6:54 - 6:57pero maaring hindi maging komportable
ang mga pulis sa ganoon. -
6:58 - 7:01Kaya, gusto ko na magsalita lang
ng Polish noon. -
7:02 - 7:03Paano?
-
7:04 - 7:09Ang maliit na sulok ng utak ko na Polish
nawalan ng laman -
7:10 - 7:12maliban sa isang bagay.
-
7:13 - 7:18Mayroon akong bagay na inuulit-ulit
ng madalas noon -
7:18 - 7:21na kaya kong bigkasin kahit tulog ako.
-
7:23 - 7:25Ito ay isang tulang pambata,
-
7:28 - 7:30tungkol sa palakang may sakit.
-
7:30 - 7:32(Tawanan)
-
7:33 - 7:35Iyon lang ang meron ako.
-
7:35 - 7:40Alam kong parang kalokohan iyon,
pero iyon ang nasabi ko: -
7:40 - 7:43(wikang Polish) "May palaka na nagkasakit
-
7:43 - 7:46kaya pumunta siya sa doktor
at sinabing may sakit siya. -
7:46 - 7:50Sinuot ng doktor ang salamin niya
dahil matanda na siya." -
7:52 - 7:54Tumingin ako sa pulis.
-
7:54 - 7:56At nakatitig lang sila sa akin.
-
7:56 - 7:58(Tawanan)
-
7:59 - 8:02Parang naalala ko pa na isa sa kanila
nagkamot pa ng ulo. -
8:03 - 8:05At ngumiti sila.
-
8:06 - 8:07Ngumiti sila.
-
8:07 - 8:11At iyon, ang nagpagaan ng
pakiramdam ko, -
8:11 - 8:14sapat na para ilang makabuluhang salita
-
8:14 - 8:17ay bumalik sa isip ko,
-
8:17 - 8:20Kaya ko nang bumuo ng mangilan-ngilang
mga pangungusap gaya ng, -
8:20 - 8:23"Pasensya na, kailangan ng pagkain,
hindi na mauulit." -
8:25 - 8:26Tapos, hinayaan na nila ako.
-
8:27 - 8:32Habang papasok sa tindahan, sumigaw sila,
(Polish) “Szczęśliwej podróży!" -
8:32 - 8:34"Maligayang paglalakbay!"
-
8:35 - 8:39Hindi ko intensyong udyukin kayo na
mag-aral ng mga wika -
8:39 - 8:43para makapaglakbay, suwayin
ang batas, at tumakas. -
8:45 - 8:49Pero itong maliit na pangyayari
pinapakita na ang ilang salita, -
8:50 - 8:54simple man o katawa-tawa,
ilang mga salita lang, -
8:54 - 8:58ay tatagos sa puso at tutunawin ito.
-
8:59 - 9:02Oo nga pala, may iba kong alam
maliban sa palakang may sakit. -
9:02 - 9:04Merong isa na alam na alam ko rin:
-
9:06 - 9:07kantang pang-inuman.
-
9:07 - 9:09(Tawanan)
-
9:09 - 9:11Maaring hindi iyon magbunga ng mga ngiti
-
9:12 - 9:14malamang pero bisita sa police station.
-
9:14 - 9:16para sa iksamen ng dugo.
-
9:18 - 9:21Hindi mo kailangan matuto
ng maraming wika, -
9:21 - 9:24at hindi mo iyon kailangan
aralin ng maiigi. -
9:24 - 9:26Malaki ang magagawa ng kaunti.
-
9:27 - 9:30Sampung salita sa puso
ay may malaking epekto -
9:30 - 9:33kaysa isang libong salita sa utak.
-
9:35 - 9:39Pwede mo laging piliin ang Ingles
at magkaintindihan sa gitna. -
9:40 - 9:45Pero pwede mo ring piliin na maging
ang tao na tatawid sa gitna -
9:45 - 9:49para salubungin ang bago mong kakilala,
o kalaban, kung sino man iyon, -
9:49 - 9:51salubungin sila sa kanilang teritoryo.
-
9:52 - 9:55Ang pagsasalita ng ibang wika ay
hindi nagpapakitang mahina ka, -
9:55 - 9:57pinapatunayan nito na malakas ka.
-
9:58 - 10:04Ang taong may lakas ng loob,
na gumawa ng paraan para tumawid -
10:05 - 10:07ang nananalo sa huli.
-
10:08 - 10:12Huwag kang matakot na magkamali.
Ang pagkakamali ay patunay na tao ka. -
10:13 - 10:17Sa ganitong kaso, merong karagdagan:
-
10:18 - 10:21Kung nagkamali ka doon,
-
10:21 - 10:26binibigyan mo ang iba ng pagkakataon
na tulungan ka, salubungin ka. -
10:26 - 10:32At sa paraang iyan, ang ugnayan
na sinimulan mo ay titibay. -
10:33 - 10:37Mas gusto mo bang maintindihan ka
-
10:38 - 10:40o ang magkaroon ng ugnayan?
-
10:42 - 10:47Ipagpatuloy nating matuto at gumamit
ng Ingles. -
10:48 - 10:53Para makihalubilo sa iba't-ibang
manonood, gaya ng ginagawa natin sa TEDx. -
10:54 - 10:58Ang Ingles ay makapangyarihang bagay
para magbahagi ng kaalaman, -
10:58 - 11:03para sa international conventions
tungkol sa problemang pangdaigdig. -
11:03 - 11:10higit sa lahat, ang Ingles ay daan
tungo sa 365 milyong puso. -
11:11 - 11:17Sa 365 milyon na tao, ang wikang Ingles
ay ang amoy ng biskwit. -
11:19 - 11:21Pero bakit ka hihinto doon?
-
11:22 - 11:25Bakit hindi tayo magsikap
-
11:25 - 11:28at pag-aralan ang kahit isa o
higit pang wika? -
11:29 - 11:32Maraming iba't-ibang klase ng
biskwit diyan. -
11:32 - 11:34Tayo na at tumikim ng bago.
-
11:35 - 11:36Salamat.
-
11:36 - 11:38(Palakpakan)
- Title:
- Kausapin ang puso | Marleen Laschet | TEDxTrondheim
- Description:
-
more » « less
Ang pananalitang ito ay nangyari sa isang kaganapang pang-TEDx gamit ang TED conference format ngunit inorganisa ng lokal na komunidad. Alamin pa ito sa http://ted.com/tedx
Patungkol sa halimuyak ng mga wika at paanong ang palakang maysakit ay makapagsalba ng iyong araw.
Si Marleen ay isang pilolohista at dalubhasa sa komunidad na may puso sa pagkukwento at mga wika.
Sa kanyang seryosong mapaglarong blog, sumusulat siya patungkol sa saya at pakinabang ng paggamit ng maraming wika at pagkakaiba ng kutura. Ang kanyang mga kwento sa blog ay mula sa mga anekdota ng kanyang buhay bilang isang marunong sa maraming wika at may pundasyon ng linggwistika at mga pananaw at kaganapang kultural.
- Video Language:
- English
- Team:
closed TED
- Project:
- TEDxTalks
- Duration:
- 11:56
| TED Translators admin approved Filipino subtitles for Speak to the heart | Marleen Laschet | TEDxTrondheim | ||
| Maricar Carniyan accepted Filipino subtitles for Speak to the heart | Marleen Laschet | TEDxTrondheim | ||
|
Jas A. edited Filipino subtitles for Speak to the heart | Marleen Laschet | TEDxTrondheim | |
| Maricar Carniyan declined Filipino subtitles for Speak to the heart | Marleen Laschet | TEDxTrondheim | ||
| Maricar Carniyan edited Filipino subtitles for Speak to the heart | Marleen Laschet | TEDxTrondheim | ||
| Maricar Carniyan edited Filipino subtitles for Speak to the heart | Marleen Laschet | TEDxTrondheim | ||
|
Jas A. edited Filipino subtitles for Speak to the heart | Marleen Laschet | TEDxTrondheim | |
|
Jas A. edited Filipino subtitles for Speak to the heart | Marleen Laschet | TEDxTrondheim |
