-
Oras ng Code Minecraft | Mga Event
-
Sa susunod na lebel na ito, maaari mong piliin na maging si Steve o si Alex.
-
Pindutin ang mga palasong buton sa iyong keyboard upang gumalaw pataas, pababa, pakaliwa at pakanan.
-
Ngayon maaari ka ng gumalaw sa isang lebel saan man mo gusto.
-
Upang gumamit ng isang nilikha, lumakad lang patungo dito, harapin ito at pindutin ang spacebar.
-
Kung gumagamit ka ng touch screen, i-swipe pataas, pababa, pakaliwa at pakanan upang gumalaw.
-
Saka i-tap ang laro upang gamitin ang item na nasa harap mo.
-
Ngunit ano ang nangyayari kapag ginamit mo ito?
-
Sa Minecraft, maghuhulog ng lana ang tupa kapag ginupit mo sila, tatakbo ang mga baka kung hinampas mo sila at
-
sasabog ang mga gumagapang kapag lumapit ka sa kanila.
-
Ang mga pagtugong ito ay nangyayari salamat sa isang bagay na tinatawag na mga event.
-
Sinasabi ng mga event sa iyong program na makinig o maghintay sa isang bagay na nangyayari.
-
At kapag ginawa ito, kikilos.
-
Hanggang ngayon, ginamit mo na ang isang event. Ang code na inilagay mo sa "when spawned" na slot ay umaandar kapag ang
-
nilikha mo ay nalikha o kapag nagsimula ang laro.
-
Sa susunod na ilang lebel magkakaroon ka ng mga bagong slot para sa mga event tulad ng "when touched" na aandar
-
kapag hinawakan mo ang nilikha, o "when used" kapag ginagamit mo ang nilikha.
-
O, kung gusto mong ang zombie mo ay mawala kapag sumisikat na ang araw, ilagay iyan sa "when day" slot.
-
Subtitles by the Amara.org community