-
Ako si Jens Bergensten, ngunit mas kilala
ako bilang Jeb. Lead developer ako sa Minecraft
-
dito sa mojang.com. Sa palagay ko 11 taong gulang o baka 12 ako at nagsimula ako ng programming dahil gusto kong
-
gumawa ng mga laro. Sinabi sa akin ng isa sa mga kaibigan ng aking tatay na upang gumawa ng mga laro kailangan mong
-
matuto kung paano mag-program. Iyan kung papaano ako nagsimula. Gusto ng designing at alamin
-
arkitektura ng mga bagay-bagay. Iyan ang dahilan kung bakit talagang gusto ko ang Minecraft. Sa susunod
-
na isang oras matututo ka ng mga basics ng computer science sa pamamagitan ng pag-program ng Alex o Steve upang lumipat
-
sa isang simulated na piyesa ng mundo ng Minecraft. Ang tradisyonal na programming ay kadalasang sa teksto,
-
ngunit ngayon gagamit tayo ng blockly: isang sistema na gumagamit ng mga block na maaari mong i-drag at i-drop upang
-
sumulat ng mga program. Sa ilalim ng hood, lumilikha ka ng JavaScript code. Ang mga konsepto na
-
matututunan mo ay ang mga bagay na ginagamit ng mga computer programmer sa araw-araw at pundasyon ng computer
-
science. Dito sa Mojang ginagamit namin ang mga parehong konsepto upang gumana ang Minecraft. Bago ka
-
magsimula, pipili ka ng iyong karakter. Pipiliin ko ang Alex. Lilikha tayo ng code para sa isang program
-
na tutulong sa kanya na gumalaw sa screen. Ang screen mo ay hahatiin sa tatlong pangunahing bahagi.
-
Sa kaliwa ang Minecraft play space kung saan tatakbo ang iyong program. Ang mga tagubilin para sa
-
sa bawat lebel ay nakasulat sa ibaba. Ang panggitnang bahagi ay ang toolbox at ang bawat isa sa mga block na ito
-
ay isang command na nag-uutos sa mga kilos ni Alex. Ang puting espasyo sa kanan ay tinatawag na
-
work space at dito tayo gagawa ng ating program. Kung ida-drag natin ang moveForward(); block
-
sa ating workspace at saka i-click ang Run, ano ang nangyayari? Gagalaw si Alex ng isang espasyo sa
-
grid. At ano kung gusto natin gumawa ng isang bagay pagkatapos niyang gumalaw papunta sa isang espasyo? Maaari nating
-
idagdag ang isa pang block sa ating program. Pipiliin ko ang turnRight(); block, at ida-drag ko
-
ito sa ilalim ng aking moveForward(); block hanggang sa lumitaw ang orange na linya. Saka, ida-drop ko
-
ito at ang dalawang block ay magsasama. Kapag pinindot natin ang Run muli, gagawin ni Alex
-
ang mga commanda na na-stack mula itaas pababa sa ating workspace. At kung gusto mong
-
i-delete ang isang block, i-drag ito mula stack pabalik sa toolbox. Upang balewalain ang mga pagbabago mo
-
at bumalik kung paano nagsimula ang lebel, gamitin ang Start Over na buton sa itaas na kanang
-
sulok ng workspace. Isa pa, nakikita mo ang maliit na tatsulok sa mga turn block?
-
Anumang oras na makikita mo ang mga tatsulok na ito, ibig sabihin na maaari kang pumili ng naiibang opsiyon. Magsimula
-
na tayong mag-code!
-