Ako si Jens Bergensten, ngunit mas kilala ako bilang Jeb. Lead developer ako sa Minecraft dito sa mojang.com. Sa palagay ko 11 taong gulang o baka 12 ako at nagsimula ako ng programming dahil gusto kong gumawa ng mga laro. Sinabi sa akin ng isa sa mga kaibigan ng aking tatay na upang gumawa ng mga laro kailangan mong matuto kung paano mag-program. Iyan kung papaano ako nagsimula. Gusto ng designing at alamin arkitektura ng mga bagay-bagay. Iyan ang dahilan kung bakit talagang gusto ko ang Minecraft. Sa susunod na isang oras matututo ka ng mga basics ng computer science sa pamamagitan ng pag-program ng Alex o Steve upang lumipat sa isang simulated na piyesa ng mundo ng Minecraft. Ang tradisyonal na programming ay kadalasang sa teksto, ngunit ngayon gagamit tayo ng blockly: isang sistema na gumagamit ng mga block na maaari mong i-drag at i-drop upang sumulat ng mga program. Sa ilalim ng hood, lumilikha ka ng JavaScript code. Ang mga konsepto na matututunan mo ay ang mga bagay na ginagamit ng mga computer programmer sa araw-araw at pundasyon ng computer science. Dito sa Mojang ginagamit namin ang mga parehong konsepto upang gumana ang Minecraft. Bago ka magsimula, pipili ka ng iyong karakter. Pipiliin ko ang Alex. Lilikha tayo ng code para sa isang program na tutulong sa kanya na gumalaw sa screen. Ang screen mo ay hahatiin sa tatlong pangunahing bahagi. Sa kaliwa ang Minecraft play space kung saan tatakbo ang iyong program. Ang mga tagubilin para sa sa bawat lebel ay nakasulat sa ibaba. Ang panggitnang bahagi ay ang toolbox at ang bawat isa sa mga block na ito ay isang command na nag-uutos sa mga kilos ni Alex. Ang puting espasyo sa kanan ay tinatawag na work space at dito tayo gagawa ng ating program. Kung ida-drag natin ang moveForward(); block sa ating workspace at saka i-click ang Run, ano ang nangyayari? Gagalaw si Alex ng isang espasyo sa grid. At ano kung gusto natin gumawa ng isang bagay pagkatapos niyang gumalaw papunta sa isang espasyo? Maaari nating idagdag ang isa pang block sa ating program. Pipiliin ko ang turnRight(); block, at ida-drag ko ito sa ilalim ng aking moveForward(); block hanggang sa lumitaw ang orange na linya. Saka, ida-drop ko ito at ang dalawang block ay magsasama. Kapag pinindot natin ang Run muli, gagawin ni Alex ang mga commanda na na-stack mula itaas pababa sa ating workspace. At kung gusto mong i-delete ang isang block, i-drag ito mula stack pabalik sa toolbox. Upang balewalain ang mga pagbabago mo at bumalik kung paano nagsimula ang lebel, gamitin ang Start Over na buton sa itaas na kanang sulok ng workspace. Isa pa, nakikita mo ang maliit na tatsulok sa mga turn block? Anumang oras na makikita mo ang mga tatsulok na ito, ibig sabihin na maaari kang pumili ng naiibang opsiyon. Magsimula na tayong mag-code!