-
Ako si Tracey Goldstein,
-
at nagtuturo ako sa Paaralan ng
Medisinang Pambeterinaryo ng UC Davis.
-
Isa akong propesor sa
Departamento ng Patolohiya,
-
Mikrobiyolohiya, at Imyunolohiya,
-
at Associate Director ng
-
One Health Institute,
-
at talagang pag-aaral ng mga
sakit ng mga hayop ang ginagawa ko,
-
at binabatid kung paano sila pwedeng
kumalat mula sa hayop papunta sa tao.
-
Ang pagsiklab ng coronavirus
ang isang mabuting ehemplo,
-
kung saan apektado
ang mga tao,
-
ngunit naiintindihan namin na malamang
galing sa mga hayop ang virus.
-
Ako si Koen Van Rompay.
-
Nagtatrabaho ako
sa California
-
National Primate
Research Center sa UC Davis.
-
Sinusubukan naming lumikha
-
ng mga pinakamabisang bakuna,
-
at sinusubukang bumuo
ng mga antiviral drug
-
upang gamutin ang mga
taong nahawaan na nito.
-
Kapag may bagong viral disease,
-
una ay dapat mong malaman
-
kung anong virus ito.
-
Gusto mong malaman kung
sino ang tunay mong kaaway.
-
Noong unang panahon,
mabagal ang mga pamamaraan
-
mga paraang gaya ng electron microscopy.
-
Ngayon, dahil sa pag-sequence
ng viral genome,
-
madalas sa loob ng ilang
araw, malalaman mo na
-
kung anong uri ng virus ang
nagdudulot ng panibagong pandemya.
-
Kaya kapag nag-sequence ka ng genome,
-
pwede ka nang maghanap kung saan
-
maaaring nagka-mutation,
-
at iyan ang magsasabi sa'yo kung
anong mga parte ng viral genome
-
ang mahalagang, halimbawa,
-
pumasok sa mga cell ng tao.
-
Karamihan sa mga virus sa hayop na ito,
-
nakahahawa sila ng
mga cell ng hayop,
-
ngunit wala silang
-
makinarya upang hawaan
ang isang cell ng tao.
-
Ngunit ang mga RNA virus, gaya ng
mga ebolavirus o mga coronavirus,
-
medyo hindi matatag ang mga genome nila.
-
Tila palagi silang nagbabago.
-
Ang mga malalaking
pagbabago sa genome,
-
marahil palagi silang nangyayari,
-
at minsan, nagkataon sila,
-
ngunit minsan,
-
maaaring may magbago sa
isang bahagi ng genome na iyon
-
na nagpapahintulot dito na biglang maging
-
nakahahawa sa isang tao.
-
Para makabuo ng bakuna
laban sa bagong infectious agent,
-
marami tayong matutunan mula sa biyolohiya
-
ng virus.
-
Para mahawaan ng isang
virus ang isang cell ng tao,
-
kailangan nitong madikit
-
sa tinatawag nating "receptor."
-
Kaya para itong kandado at susi.
-
Kapag nag-iisip ka tungkol
sa mga coronavirus,
-
ang spike protein,
-
ang mga protina sa labas ng virus,
-
alam natin na mahalaga iyan para
-
makapasok ang virus sa cell ng tao.
-
Sa oras na alam mo iyan,
-
gusto mong
makita,
-
alin bang bahagi ng virus
ang dapat kong gamitin
-
sa pagbuo ng bakuna?
-
Ang sinusubukan naming gawin sa bakuna
-
ay makabuo ng estratehiya
-
na gumagaya sa natural na immune response
-
sa impeksyon.
-
Maaaring sa pamamagitan
ito ng paggamit ng
-
live attenuated na bersyon ng virus
-
o pagkuha ng ilang bahagi
ng isa sa mga protina.
-
Ibig naming magkaroon
ng isang bagay
-
na tiyak na laban sa virus,
-
ngunit may napakaliit na cross-reactivity
-
sa mga normal na host protein
-
upang mabawasan ang tsansa
ng kahit anong mga epekto.
-
Noong 2016, nang sumiklab ang Zika virus,
-
iba-ibang mga primate center...
-
gumawa kami ng mga working group.
-
Tulad noon ay gumagawa rin ngayon
-
para sa bagong coronavirus.
-
Talagang nagiging maalam ang mga tao
-
sa bagong impormasyon
-
dahil available na ito,
-
at naibabahagi ito
kahit bago ito mailatahala.
-
Magkakaroon kami ng mga pagpupulong
-
upang maibahagi
ang aming progreso
-
at magtalakay ng mga
disenyong eksperimental.
-
Mamaya, isa sa mga unang center ay
-
mag-iinfect ng ilang mga
unggoy ng coronavirus.
-
Ibig naming pag-aralan ang mga
sakit sa mga modelong hayop
-
na ginagaya ang sakit sa tao.
-
Nililipat namin ito mula sa mga daga
-
papunta sa mga
matataas na uri ng hayop.
-
Ang uri ng hayop na pinakamalapit
sa ating mga tao
-
ay mga non-human primate,
-
gaya ng mga rhesus macaque,
-
at sila ay madalas na huling hakbang
-
sa pagtungo ng isang bagay
sa mga human clinical trial.
-
Ginagawa sa iba't ibang
antas ang mga human trial.
-
Ang unang antas ng
trial ay tingnan, ligtas ba ito?
-
Kung tila may pag-asa iyon, saka
ka pupunta sa ikalawang antas,
-
kung saan susubukin mo
to sa mas maraming tao,
-
at ang ikatlong antas
ng trial ay ang unang
-
gusto mo talagang tingnan.
-
Gumagana ba ang bakuna?
-
Pumoprotekta ba ito laban sa impeksyon?
-
Kung makapag-uusap tayong lahat
-
at magtulungan tayo nang napakabilis,
-
makapagbabahagi tayo ng mga protokol.
-
Ganyan tayo makasusulong nang mas mabilis.
-
Sa tingin ko,
habang may outbreak,
-
pang-araw-araw na tugon ito,
-
ang pagbatid kung paano
mauunahan ang kurba
-
at makontrol ang suliranin,
-
pero pagkatapos
niyan ay saka talaga
-
mag-uumpisa ang malaking trabaho.
-
Marami sa mga sakit na ito
na nagdudulot ng mga pandemya
-
ay mula sa mga hayop,
-
at ang mundo natin ay nagbabago
-
nang napakabilis.
-
Lumilipat kami sa mga lugar na hindi pa
namin napupuntahan kasama ang mga hayop,
-
nagpuputol ng mga puno sa kagubatan
para gumawa ng puwang para sa mga bukid,
-
o pumupunta sa mga kweba para magmina.
-
Ang asal namin ang nangangasiwa
ng, malamang, pagkalat.
-
Ang ginagawa namin ay pag-sample
ng lahat nitong mga lugar
-
sa buong mundo.
-
Nakatutok kami sa mga paniki,
mga rodent, at mga primate.
-
Kaya ang gusto naming gawin ay
-
partikular na tingnan kung ilang iba-ibang
-
mga coronavirus ang mahahanap
namin sa iba't ibang uri ng hayop,
-
at ang talagang nakaiintriga ay
-
sa kabila ng pag-sample naming ng lahat
nitong iba-ibang mga takson,
-
mga 98% ng mga coroniavirus
na natuklasan namin
-
ay nasa mga paniki.
-
Pagkatapos, binalangkas namin ang
mga kaibahan ng mga species ng paniki
-
kung saan namin nahanap
iyong mga coronavirus.
-
Parang isang mapa ng mga hotspot.
-
May mga tuldok ito kung
nasaan ang mga virus,
-
at mga kulay kung saan namin natuklasan
-
ang malaking kaibahan
ng mga species ng paniki,
-
at mahalaga iyan dahil
makatutulong ito sa
-
pag-iisip namin kung saan mahahanap
ang ibang mga coronavirus,
-
kapag alam natin kung saan
iyong mga species ng paniki.
-
Ang sakripisyong iginugol namin sa
pagsaliksik ng mga nakahahawang sakit
-
ay matagumpay—
-
higit pa sa isang partikular
na sakit na pinag-aaralan mo,
-
ngunit sa pamamagitan talaga ng pagbubuti
ng pangkalahatang kaalaman
-
ng mga nakahahawang sakit
ng immune system.
-
Ang kailangan ay isang
-
matagal na panustos sa pananaliksik
-
para sa mga bagay na ito bago, habang,
-
at pagkatapos
ng mga outbreak.
-
Nagwakas ang outbreak, at pagakatapos,
mawawala ang pagpopondo,
-
at pagkatapos, nakapirmi sa mga
lab ang mga bakuna
-
na hindi nakukumpleto at hindi nasusubok.
-
Palagay ko na dapat nating mag-isip
ng paraan para iwasang gawin iyan,
-
hindi itong biglang pag-unlad
at biglang paglubog,
-
ngunit dapat laging suportahan
ang ganiyang uri ng trabaho.
-
Kung magkakapag-sequence ka ng mga genome
-
ng maraming iba-ibang mga coronavirus,
-
ilang iba-iban uri ng cell
ang mahahawaan nila?
-
Pagkatapos, anong dapat
mong gawin para baguhin sila?
-
Sa paglipas ng panahon, maaari kang
-
makabuo ng data na magsisimula
-
sigurong ipakita sa iyo
ang ilang mga bagay
-
na mahuhulaan
mo.
-
Magagamit natin iyang umiiral
na kaalaman, iyang database,
-
para makabuo talaga
ng mga pamamagitan
-
nang mas mabilis upang
labanan iyang bagong sakit.
-
Kung mas maiinitindihan
natin ang mga virus
-
na nandyan sa labas,
-
at may terapeutika at mga bakuna
-
at ibang mga bagay na nasa lugar,
-
mas makapaghahanda tayong tumugon
-
sa susunod na bagay
-
laban sa magpakahirap sa tuwing
-
may bagong lilitaw.