-
Ngayon matututunan natin ang isang bagay na ginagamit ng lahat ng mga game programmer araw-araw. Sila'y
-
tinatawag na mga event. Sinasabi ng isang event sa program mo na makinig kapag may isang bagay na mangyayari. Kapag
-
nangyari ang bagay na iyan, kikilos ito.
Ilang halimbawa ng mga event ay pakikinig sa
-
klik ng mouse, isang palasong buton, o isang tap sa screen. Dito, gagawin nating
-
bumati ang space bot sa mga earthling kapag pinipindot siya ng isang manlalaro. Gagamitin natin ang "when clicked" na
-
block at ilakip ang "say" na block dito. Kapag pinindot ng manlalaro ang space bot, lahat ng
-
nakalakip sa "when clicked" gagawin ang event block. Ano ang sasabihin ng alien mo?
-
Mayroon ding mga "when arrow" na block. Kung ili-link mo ang mga "move" na block sa mga ito, maaari mong simulang
-
pagalawin ang mga artista mo pataas, pababa, pakaliwa o pakanan. Sa bawat hakbang, nagiging mas interaktibo ang laro mo.
-
Para sa akin, bahagi ng dahilan kung bakit gusto kong magsimula ng kompanya ng laro ay dahil gusto kong gumawa ng mga laro
-
Gusto kong gumawa ng isang bagay na magugustuhan, malalaro at mae-enjoy ng mga tao
-
Ang payo ko sa mga bata na gustong gawin ang mga bagay at matuto ng computer science, simulan ang paggawa ng mga bagay.
-
Simulang magbutingting. At malamang kung hindi ka ganoong sigurado o natatakot ka, okey lang 'yan.
-
Humanap ng kaibigan na baka may kaunting karanasan. Manood ng mga video tutorial.
-
Simulan doon at subukang gumawa ng isang bagay. Kahit na maaari mong isiping, "Pangit ba ito?"
-
O kahit na gusto mong tingnan ito at sabihing "Lalaruin ko na lamang ito sa ibang lugar."
-
Ang pagsubok na gumawa ng isang bagay sa iyong sariling pananaw ay isang nakatutuwang karanasan
-
at hinihimok ko lang ang mga tao na GUMAWA lang. Iyan talaga ang pinakamahalaga.