-
Lahat ng computer scientist, gaano man karami
ang karanasan nila, ay nagkakamali o
-
may isang bagay na kailangang ayusin.
-
Dito pumapasok ang pag-debug.
Ang pag-debug ay isang
-
salita na nangangahulugang paghahanap at pag-aayos
ng mga error sa program at ang unang hakbang sa pag-aayos
-
ng mga error ay ang hanapin ang mga ito. Karamihan sa
mga palaisipan ay may step button sa ibaba ng play space na
-
maaari mong gamitin upang maghanap ng mga problema.
Kung hindi gumagana ang program mo, pindutin ang "step"
-
na button, at tingnan kung ano ang mangyayari.
Ang karakter ba ay kumikilos sa tamang paraan?
-
Kung ang lahat ay mukhang maayos sa unang
block ng code, pindutin ang step button
-
muli. Kumusta ang lahat ng bagay?
Tama pa ba ang pagtakbo nito? Patuloy na tingnan
-
ang code mo, linya sa linya, hanggang sa
mahanap mo ang unang lugar kung saan nagkamali.
-
Anong nangyari? Ano ang dapat mangyari?
-
Ano ang sinasabi nito sa iyo? Nakarating ako sa huling
linya ng code sa palaisipang ito at hindi ako umabot
-
sa layunin. Anong nangyari? Nakarating ako sa
dulo ng code ko nang hindi nalulutas ang palaisipan.
-
Ano ang dapat mangyari?
Kailangan kong sumulong ng isa pang hakbang.
-
Anong sinasabi nito sa akin? Sinasabi nito na kailangan
kong i-drag ang isa pa sa mga block na ito at ilakip
-
ito hanggang sa dulo, bago ko i-click ang run.
Tada! Ganyan mo i-debug ang isang program.