-
Nasa ika-8 baitang ako nang matuto akong mag-program.
-
Natuto muna akong gumawa ng
-
isang berdeng bilog at pulang parisukat na lumitaw sa screen.
-
Natututo ka lang ng mga araling ito at hindi sila ganoon karami,
-
at sa kinalaunan mararating mo ang sandali na magagawa mo ang halos lahat ng anumang bagay na gusto mo.
-
Ang computer science ay pagkatuto lang kung paano gumagana ang isang computer at paano ito nag-iisip
-
para maturuan mo ito na gumawa ng mga bagong bagay.
-
Sa mga araw na ito ang magagawa mo sa computer science ay talagang kamangha-mangha.
-
Sa tingin ko ito ang pinakamalapit na bagay sa pagkakaroon ng isang super power.
-
(Tanya: mag-aaral ng Computer Science) Sa susunod na oras maglalaro tayo
-
na tuturuan ka ng mga basic na konsepto ng programming.
-
Kadalasan ang programming ay lahat nasa teksto ngunit gagamit tayo ng Blockly,
-
na gumagamit ng mga visual block na ida-drag at ida-drop mo upang sumulat ng mga program.
-
Sa ilalim ng hood gagawa ka pa rin ng code.
-
Upang magsimula gagawa tayo ng code para isang program na tutulong
-
sa galit na ibon na gumalaw sa isang laberinto papunta sa masamang baboy na nagnanakaw ng mga itlog nito.
-
Nahahati ang Blockly sa tatlong pangunahing bahagi.
-
Sa kaliwa ang laberinto ng ibon kung saan tatakbo ang program mo.
-
Ang mga tagubilin sa bawat lebel ay nakasulat sa ibaba ng laberinto.
-
Ang gitnang area ang tool box,
-
at bawat isa sa mga block na ito ay isang
command na mauunawaan ng ibon.
-
Ang puting space sa kanan ang tinatawag na workspace
-
at dito tayo gagawa ng ating program.
-
Kung ida-drag ko ang "move" na block sa ating workspace at pindutin ang "run", ano ang nangyayari?
-
Gagalaw pasulong sa isang kahon sa grid ang ibon.
-
At ano kung gusto ko na may gawin ang ibon pagkatapos na umabante sa isang kahon?
-
Maaari akong magdagdag ng isa pang block sa ating program.
-
Pipiliin ko ang "turn right" na block at ida-drag ko ito sa ilalim
-
ng aking "move" na block hanggang sa lumitaw ang dilaw na palaso
-
at saka ida-drop ko ito at magsasama ang dalawang block.
-
Kapag pinindot kong muli ang "run",
gagawin ng ibon ang mga command na naka-stack,
-
pataas pababa sa ating workspace.
-
Kung sakaling gusto mong tanggalin ang isang block,
-
tanggalin lang ito sa stack at i-drag ito sa basurahan.
-
Pagkatapos mong tamaan ang "run", maaari mong palaging tamaan ang "reset" na buton upang bumalik sa simula ang ibon.
-
Ngayon, habulin natin ang mga baboy na iyon!