Nasa ika-8 baitang ako nang matuto akong mag-program. Natuto muna akong gumawa ng isang berdeng bilog at pulang parisukat na lumitaw sa screen. Natututo ka lang ng mga araling ito at hindi sila ganoon karami, at sa kinalaunan mararating mo ang sandali na magagawa mo ang halos lahat ng anumang bagay na gusto mo. Ang computer science ay pagkatuto lang kung paano gumagana ang isang computer at paano ito nag-iisip para maturuan mo ito na gumawa ng mga bagong bagay. Sa mga araw na ito ang magagawa mo sa computer science ay talagang kamangha-mangha. Sa tingin ko ito ang pinakamalapit na bagay sa pagkakaroon ng isang super power. (Tanya: mag-aaral ng Computer Science) Sa susunod na oras maglalaro tayo na tuturuan ka ng mga basic na konsepto ng programming. Kadalasan ang programming ay lahat nasa teksto ngunit gagamit tayo ng Blockly, na gumagamit ng mga visual block na ida-drag at ida-drop mo upang sumulat ng mga program. Sa ilalim ng hood gagawa ka pa rin ng code. Upang magsimula gagawa tayo ng code para isang program na tutulong sa galit na ibon na gumalaw sa isang laberinto papunta sa masamang baboy na nagnanakaw ng mga itlog nito. Nahahati ang Blockly sa tatlong pangunahing bahagi. Sa kaliwa ang laberinto ng ibon kung saan tatakbo ang program mo. Ang mga tagubilin sa bawat lebel ay nakasulat sa ibaba ng laberinto. Ang gitnang area ang tool box, at bawat isa sa mga block na ito ay isang command na mauunawaan ng ibon. Ang puting space sa kanan ang tinatawag na workspace at dito tayo gagawa ng ating program. Kung ida-drag ko ang "move" na block sa ating workspace at pindutin ang "run", ano ang nangyayari? Gagalaw pasulong sa isang kahon sa grid ang ibon. At ano kung gusto ko na may gawin ang ibon pagkatapos na umabante sa isang kahon? Maaari akong magdagdag ng isa pang block sa ating program. Pipiliin ko ang "turn right" na block at ida-drag ko ito sa ilalim ng aking "move" na block hanggang sa lumitaw ang dilaw na palaso at saka ida-drop ko ito at magsasama ang dalawang block. Kapag pinindot kong muli ang "run", gagawin ng ibon ang mga command na naka-stack, pataas pababa sa ating workspace. Kung sakaling gusto mong tanggalin ang isang block, tanggalin lang ito sa stack at i-drag ito sa basurahan. Pagkatapos mong tamaan ang "run", maaari mong palaging tamaan ang "reset" na buton upang bumalik sa simula ang ibon. Ngayon, habulin natin ang mga baboy na iyon!