-
Tinatawag ang araling ito na
mga variable sa mga sobre.
-
Matututo tayo kung paano makakabuo ng mga pangungusap
kapag kulang pa rin tayo ng mga piraso ng impormasyon.
-
Karamihan sa atin ay pamilyar na
sa ideya ng pagpuno ng isang puwang.
-
Ginagawa natin ito kapag inilalagay natin
ang ating pangalan sa takdang-aralin natin.
-
Minsan, may higit sa isang puwang na
kailangang punan, at sa kasong iyon,
-
Binigyan natin ang puwang ng label upang
malaman natin kung saan pupunta ang impormasyon.
-
Ang variable ay placeholder sa mga
piraso ng impormasyon na maaaring magbago.
-
Sa pamamagitan ng paggamit ng variable sa nawawalang impormasyon,
maaari tayong magpatuloy sa pagtatrabaho sa anumang ginagawa natin,
-
at hayaan ang iba na punan
ang impormasyon sa ibang pagkakataon.
-
Sa software, madalas kaming
gumagamit ng mga variable.
-
Ginagamit namin ang mga variable bilang placeholders
sa pangalan, email address, at kahit na username.
-
Sa ganitong paraan, maaari naming ipaalam sa program
kung saan lalabas ang mga detalyeng iyon
-
pagkatapos mapunan ng user ang mga ito.
-
Gumagamit kami lagi ng
variable sa trabaho namin.
-
Anumang oras na kailangan mong i-save ang piraso ng impormasyon
sa ibang pagkakataon, gumagamit tayo ng variable. Sabihin natin
-
Sabihin nating kailangan nating bilangin
kung ilang beses nag-tweet ang user.
-
Sa tuwing mag-tweet ang user na iyon,
magdaragdag tayo ng isa sa bilang na iyon.
-
At sa tuwing tinanggal ng user ang isang tweet,
babawasan natin ang bilang na iyon ng isa.
-
Anumang oras na kailangan nating malaman
kung ilang beses nag-tweet ang user na iyon,
-
titingnan lang natin ang variable na iyon.