WEBVTT 00:00:22.640 --> 00:00:25.500 Tinatawag ang araling ito na mga variable sa mga sobre. 00:00:26.000 --> 00:00:29.620 Matututo tayo kung paano makakabuo ng mga pangungusap kapag kulang pa rin tayo ng mga piraso ng impormasyon. 00:00:30.460 --> 00:00:34.020 Karamihan sa atin ay pamilyar na sa ideya ng pagpuno ng isang puwang. 00:00:34.480 --> 00:00:36.840 Ginagawa natin ito kapag inilalagay natin ang ating pangalan sa takdang-aralin natin. 00:00:37.420 --> 00:00:41.020 Minsan, may higit sa isang puwang na kailangang punan, at sa kasong iyon, 00:00:41.760 --> 00:00:46.360 Binigyan natin ang puwang ng label upang malaman natin kung saan pupunta ang impormasyon. 00:00:47.480 --> 00:00:50.740 Ang variable ay placeholder sa mga piraso ng impormasyon na maaaring magbago. 00:00:51.440 --> 00:00:55.740 Sa pamamagitan ng paggamit ng variable sa nawawalang impormasyon, maaari tayong magpatuloy sa pagtatrabaho sa anumang ginagawa natin, 00:00:56.300 --> 00:00:59.520 at hayaan ang iba na punan ang impormasyon sa ibang pagkakataon. 00:00:59.920 --> 00:01:01.920 Sa software, madalas kaming gumagamit ng mga variable. 00:01:02.520 --> 00:01:06.860 Ginagamit namin ang mga variable bilang placeholders sa pangalan, email address, at kahit na username. 00:01:06.860 --> 00:01:09.660 Sa ganitong paraan, maaari naming ipaalam sa program kung saan lalabas ang mga detalyeng iyon 00:01:10.140 --> 00:01:12.240 pagkatapos mapunan ng user ang mga ito. 00:01:12.980 --> 00:01:15.280 Gumagamit kami lagi ng variable sa trabaho namin. 00:01:15.280 --> 00:01:19.760 Anumang oras na kailangan mong i-save ang piraso ng impormasyon sa ibang pagkakataon, gumagamit tayo ng variable. Sabihin natin 00:01:20.520 --> 00:01:24.300 Sabihin nating kailangan nating bilangin kung ilang beses nag-tweet ang user. 00:01:26.040 --> 00:01:28.760 Sa tuwing mag-tweet ang user na iyon, magdaragdag tayo ng isa sa bilang na iyon. 00:01:28.760 --> 00:01:32.060 At sa tuwing tinanggal ng user ang isang tweet, babawasan natin ang bilang na iyon ng isa. 00:01:32.860 --> 00:01:35.920 Anumang oras na kailangan nating malaman kung ilang beses nag-tweet ang user na iyon, 00:01:36.080 --> 00:01:37.560 titingnan lang natin ang variable na iyon.