< Return to Video

Star Wars with Blockly - Hour of Code: Events

  • 0:00 - 0:05
    Buweno, magandang araw, ako si Charita Carter. Senior creative producer ako dito sa Walt Disney
  • 0:05 - 0:10
    Imagineering. Responsable ako sa pangunguna sa mga team na talagang gumagawa ng mga atraksiyon
  • 0:10 - 0:17
    na mararanasan ng aming mga panauhin. Palagi kaming naghahanap ng mga paraan na mapapabuti namin
  • 0:17 - 0:21
    at gumawa ng mas magaling na karanasan sa aming mga panauhin at ang teknolohiya ang puso niyan.
  • 0:21 - 0:28
    Pagbati, nagawa mo! Na-program mo si BB-8. Sa tingin ko handa na tayo sa isang
  • 0:28 - 0:33
    mas mahirap. Gawin na natin ito. Ngayong natuto ka sa mga basic ng programming, babalik tayo
  • 0:33 - 0:40
    sa panahon upang gumawa ng sarili mong laro na pinagbibidahan nina R2-D2 at C3PO. Upang gumawa ng laro, kailangan natin na
  • 0:40 - 0:46
    matuto ng isang bagay na ginagamit sa araw-araw ng mga gamer programmer: tinatawag silang mga event.
  • 0:46 - 0:51
    Sinasabi ng mga event sa program mo na makinig o maghintay kapag may isang bagay na mangyayari at saka kapag
  • 0:51 - 0:57
    nangyayari ito, kumikilos ito. Ilang halimbawa ng mga event ay pakikinig sa klik ng isang mouse,
  • 0:57 - 1:03
    isang palasong buton o isang tap sa screen. Dito pagagalawin natin si R2-D2 pataas upang maghatid
  • 1:03 - 1:07
    ng isang mensahe sa isang rebeldeng piloto at saka gumalaw pababa sa isa pang rebeldeng piloto.
  • 1:07 - 1:13
    Gagamitin natin ang mga event upang pagalawin siya. Kapag ginagamit ng manlalaro ang mga pataas/pababa na palasong key, o ang
  • 1:13 - 1:20
    pataas/pababa na buton. Ginagamit natin ang when up event na block at ilakip ang go up na block dito. Kapag
  • 1:20 - 1:25
    pinipindot ng manlalaro ang pataas na palasong key, ang code na nakalakip sa when up na block ay tumatakbo. At
  • 1:25 - 1:29
    gagawin natin ang parehong bagay upang gumalaw pababa si R2-D2.
  • 1:29 - 1:35
    Ngayon sa halip na sinusulat ang lahat ng code upang kontrolin ang ating droid nang maaga, maaari nating hayaan si R2-D2 na tumugon
  • 1:35 - 1:41
    sa buton ng press events na pinagagalaw siya sa buong screen. Sa bawat hakbang, nagiging mas interaktibo
  • 1:41 - 1:43
    ang iyong laro.
Title:
Star Wars with Blockly - Hour of Code: Events
Description:

more » « less
Video Language:
English
Team:
Code.org
Project:
Hour of Code
Duration:
01:48

Tagalog subtitles

Revisions