Buweno, magandang araw, ako si Charita Carter. Senior creative producer ako dito sa Walt Disney Imagineering. Responsable ako sa pangunguna sa mga team na talagang gumagawa ng mga atraksiyon na mararanasan ng aming mga panauhin. Palagi kaming naghahanap ng mga paraan na mapapabuti namin at gumawa ng mas magaling na karanasan sa aming mga panauhin at ang teknolohiya ang puso niyan. Pagbati, nagawa mo! Na-program mo si BB-8. Sa tingin ko handa na tayo sa isang mas mahirap. Gawin na natin ito. Ngayong natuto ka sa mga basic ng programming, babalik tayo sa panahon upang gumawa ng sarili mong laro na pinagbibidahan nina R2-D2 at C3PO. Upang gumawa ng laro, kailangan natin na matuto ng isang bagay na ginagamit sa araw-araw ng mga gamer programmer: tinatawag silang mga event. Sinasabi ng mga event sa program mo na makinig o maghintay kapag may isang bagay na mangyayari at saka kapag nangyayari ito, kumikilos ito. Ilang halimbawa ng mga event ay pakikinig sa klik ng isang mouse, isang palasong buton o isang tap sa screen. Dito pagagalawin natin si R2-D2 pataas upang maghatid ng isang mensahe sa isang rebeldeng piloto at saka gumalaw pababa sa isa pang rebeldeng piloto. Gagamitin natin ang mga event upang pagalawin siya. Kapag ginagamit ng manlalaro ang mga pataas/pababa na palasong key, o ang pataas/pababa na buton. Ginagamit natin ang when up event na block at ilakip ang go up na block dito. Kapag pinipindot ng manlalaro ang pataas na palasong key, ang code na nakalakip sa when up na block ay tumatakbo. At gagawin natin ang parehong bagay upang gumalaw pababa si R2-D2. Ngayon sa halip na sinusulat ang lahat ng code upang kontrolin ang ating droid nang maaga, maaari nating hayaan si R2-D2 na tumugon sa buton ng press events na pinagagalaw siya sa buong screen. Sa bawat hakbang, nagiging mas interaktibo ang iyong laro.