-
[Musika]
-
Ang pangalan ko ay Ali Flores at isa
akong product
-
manager sa Alexa.
-
Ang pangalan ko ay Dr. Chelsea Haupt,
nagtatrabaho ako sa
-
the Allen Institute for Artificial Intelligence
-
at ako ay nagtatrabaho sa isang
AI-powered academic
-
search engine.
-
Sa buong paligid mo ang mga kompyuter ay gumagawa
-
ng mga desisyon at ang mga desisyong
iyon ay nakakaapekto
-
sa iyong pang-araw-araw na buhay.
-
Kapag ikaw ay gumagawa ng isang internet
research, o nag-iiskrol
-
sa iyong news feed
-
ang mga kompyuter ang nagdedesisyon
kung ano ang makikita mo.
-
Ang mga kompyuter ay nagagawa nang
makilala ang iyong mukha
-
at maintindihan ang iyong boses.
-
At sa lalong madaling panahon, sila
ay makapagmamaneho na ng kotse,
-
at makatutuklas ng mga sakit na mas
magaling pa kaysa sa mga tao.
-
Kung gayon, paano posibleng mangyari
ang alinman sa mga ito?
-
Maaaring narinig mo na
-
ang tungkol sa isang bagay na
tinatawag na AI,
-
o artificial intelligence, totoo na ang
artificial intelligence ay ilang dekada pa ang layo.
-
May isang uri ng AI na tinatawag na
-
machine learning na narito na ngayon.
-
Isa itong uri ng AI na malamang ay
nakakasalamuha mo
-
bawat araw
-
nang hindi mo ito nalalaman.
-
At may oportunidad ito na tumulong sa atin
-
trabahuin ang ilan sa mga pinakamalalaking hamon sa mundo.
-
Ang machine learning ay kung paano ang mga kompyuter
-
ay nakakakilala ng mga pattern,
-
at gumawa ng mga desisyon nang hindi
-
kapansin-pansin na ito ay nakaprograma.
-
Ang nakakapanabik dito ay isa itong
-
ganap na kakaibang paraan
-
para magprograma ng isang kompyuter na
-
hindi pa natin nagagawa kailanman.
-
Sa machine learning, sa halip na
-
magprograma ng kompyuter
-
nang kada hakbang, maaari mong iprograma ang kompyuter
-
para matuto
-
para lang din kung paano ka natututo
sa pamamagitan ng trial at error,
-
at maraming pagpa-practice.
-
Ang pagkakatuto ay galing mula sa karanasan,
-
at yan ay totoo rin para sa machine learning.
-
Sa kasong ito, ang karanasan ay nangangahulugan na
maraming-maraming data.
-
Ang machine learning ay kayang tanggapin ang
anumang uri ng data:
-
mga imahe, video, audio, o text
-
at nagsisimulang makakilala ng mga pattern
sa data na yon,
-
sa sandaling matuto ito na makakilala
ng mga pattern sa
-
data na yon, matututo rin ito na gumawa
-
ng mga prediksyon batay sa mga pattern na yon,
-
tulad ng pagpansin sa pagkakaiba sa pagitan
ng isang imahe ng kotse
-
at isang imahe ng bisikleta.
-
Ang AI at machine learning ay gumaganap ng
-
palaking-palaking papel
-
sa karamihan sa lipunan
-
at hinuhubog ang lahat ng ating hinaharap.
-
Kaya naman napakahalaga na matutunan
-
kung paano ito gumagana
-
gamit ang aktuwal na karanasan.
-
Tandaan na ang AI ay parang alinmang kasangkapan.
-
Una ay makakakuha ka ng kaalaman,
-
pagkatapos ay makukuha mo ang lakas.