[Musika] Ang pangalan ko ay Ali Flores at isa akong product manager sa Alexa. Ang pangalan ko ay Dr. Chelsea Haupt, nagtatrabaho ako sa the Allen Institute for Artificial Intelligence at ako ay nagtatrabaho sa isang AI-powered academic search engine. Sa buong paligid mo ang mga kompyuter ay gumagawa ng mga desisyon at ang mga desisyong iyon ay nakakaapekto sa iyong pang-araw-araw na buhay. Kapag ikaw ay gumagawa ng isang internet research, o nag-iiskrol sa iyong news feed ang mga kompyuter ang nagdedesisyon kung ano ang makikita mo. Ang mga kompyuter ay nagagawa nang makilala ang iyong mukha at maintindihan ang iyong boses. At sa lalong madaling panahon, sila ay makapagmamaneho na ng kotse, at makatutuklas ng mga sakit na mas magaling pa kaysa sa mga tao. Kung gayon, paano posibleng mangyari ang alinman sa mga ito? Maaaring narinig mo na ang tungkol sa isang bagay na tinatawag na AI, o artificial intelligence, totoo na ang artificial intelligence ay ilang dekada pa ang layo. May isang uri ng AI na tinatawag na machine learning na narito na ngayon. Isa itong uri ng AI na malamang ay nakakasalamuha mo bawat araw nang hindi mo ito nalalaman. At may oportunidad ito na tumulong sa atin trabahuin ang ilan sa mga pinakamalalaking hamon sa mundo. Ang machine learning ay kung paano ang mga kompyuter ay nakakakilala ng mga pattern, at gumawa ng mga desisyon nang hindi kapansin-pansin na ito ay nakaprograma. Ang nakakapanabik dito ay isa itong ganap na kakaibang paraan para magprograma ng isang kompyuter na hindi pa natin nagagawa kailanman. Sa machine learning, sa halip na magprograma ng kompyuter nang kada hakbang, maaari mong iprograma ang kompyuter para matuto para lang din kung paano ka natututo sa pamamagitan ng trial at error, at maraming pagpa-practice. Ang pagkakatuto ay galing mula sa karanasan, at yan ay totoo rin para sa machine learning. Sa kasong ito, ang karanasan ay nangangahulugan na maraming-maraming data. Ang machine learning ay kayang tanggapin ang anumang uri ng data: mga imahe, video, audio, o text at nagsisimulang makakilala ng mga pattern sa data na yon, sa sandaling matuto ito na makakilala ng mga pattern sa data na yon, matututo rin ito na gumawa ng mga prediksyon batay sa mga pattern na yon, tulad ng pagpansin sa pagkakaiba sa pagitan ng isang imahe ng kotse at isang imahe ng bisikleta. Ang AI at machine learning ay gumaganap ng palaking-palaking papel sa karamihan sa lipunan at hinuhubog ang lahat ng ating hinaharap. Kaya naman napakahalaga na matutunan kung paano ito gumagana gamit ang aktuwal na karanasan. Tandaan na ang AI ay parang alinmang kasangkapan. Una ay makakakuha ka ng kaalaman, pagkatapos ay makukuha mo ang lakas.