-
Kapag gumamit ka ng repeat block upang i-loop ang code mo,
paano malalaman ng computer na ito ay inuulit-ulit
-
sa sapat na beses? Ang repeat block ay talagang
nagtatago ng mas sopistikadong piraso ng code
-
na tinatawag na for loop na binibilang mula sa panimulang halaga
hanggang sa isang pagtatapos na halaga sa pamamagitan n tiyak na
-
pagtaas. Halimbawa, ang paulit-ulit na tatlong block ay
binibilang mula 1 hanggang 3 sa pamamagitan ng 1. Sa tuwing binibilang ito,
-
pinapatakbo nito ang code sa loob ng loop. Alam ng for loop kung
ilang beses na itong tumakbo sa pamamagitan ng paggamit
-
ng counter variable na itinakda sa
panimulang halaga sa simula ng loop at may
-
pagtaas na idinagdag dito sa bawat beses na
pinatatakbo ang loop. Sa sandaling ang counter variable ay
-
mas malaki kaysa sa pagtatapos ng halaga, ang loop ay
tumitigil sa pagpapatakbo. Ang benepisyo ng paggamit ng tunay for loop
-
ay sa halip ng repeat block ay ay makikita
mo talaga ang counter variable at gamitin
-
ito sa loop mo. Halimbawa, kung may hanay ako
ng mga bulaklak at ang unang ay may isang
-
nectar, ang ikalawa ay may dalawang nectar at
ang ikatlo ay may tatlo, maaari kong gamitin ang for
-
loop upang sabihin sa bubuyog na mangolekta ng 'counter'
nectar sa bawat oras, na kung saan ay isa sa
-
unang bulaklak, dalawa sa ikalawa at tatlo sa ikatlo.
Gayundin sa isang for loop, maaari mong
-
dagdagan ang counter sa pamamagitan ng bilang
maliban sa isa sa bawat oras. Maaari mong bilangin sa
-
2s, 4s o kahit isang halaga
na nagbabago sa bawat oras.