-
Ito ang aralin sa pagsulat ng kanta.
-
Ang musika ay parang computer program.
-
Ang nakasulat na mga tala at mga salita ay
nagsasabi sa mang-aawit kung anong dapat gawin.
-
Ang ilang bahagi ng musika ay paulit-ulit
na ginagamit. Tinatawag natin itong koro.
-
Sa computer program, ang mga bahagi ng program
na paulit-ulit na ginagamit ay tinatawag na function.
-
Kapag binabasa mo ang liriko ng awit, at sinasabi nito
ang salitang "koro", inaawit mo ba ang salitang koro?
-
Hindi, tinitingnan mo ang tuktok ng pahina upang
makita kung anong mga salita ang bumubuo sa koro.
-
Sa araling ito, matututunan ninyo ang nakakatuwang
awit na tinatawag na Little Bunny Foo Foo.
-
May koro ang kanta na
ilang ulit mong kakantahin.
-
Ang function ay piraso ng code na maaari
mong tawagin at gamitin nang paulit-ulit.
-
Ginagawa nitong mas madali at
mas mahusay ang programming,
-
para hindi mo na kailangang isulat ang mga
hakbang ng function mo nang paulit-ulit.
-
Isang beses mo lang ito isusulat!