The Expert (Short Comedy Sketch)
-
0:00 - 0:08Ang aming kompanya ay may bagong estratehiya upang tumaas ang pagkakilanlan, dumami ang mga konsumer, at paunlarin ang mga intangible assets.
-
0:08 - 0:12Sa pagtugis sa mga layunin na ito, nag-simula kami ng bagong proyekto --
-
0:12 - 0:14kung saan kinakailangan ang pitong pulang linya.
-
0:14 - 0:17Nauunawaan ko na ang kompanya niyo'y makatutulong sa bagay na ito.
-
0:17 - 0:18Oo naman!
-
0:18 - 0:23Si Walter ang magiging Project Manager. Walter, magagawa natin ito, hindi ba?
-
0:23 - 0:24Oo, siyempre.
-
0:24 - 0:27Itong si Anderson ay ang aming dalubhasa sa lahat ng bagay na nauugnay sa pagguhit ng mga pulang linya.
-
0:27 - 0:30Dinala namin siya ngayon para maibahagi ang kanyang propesyonal na opinion.
-
0:30 - 0:32Natutuwa akong makilala ka! Ah, lahat kayo'y kilala ako.
-
0:32 - 0:35Ito si Justine, ang aming design specialist.
-
0:35 - 0:36Hello...
-
0:36 - 0:39Kailangan ka naming gumuhit ng pitong pulang linya.
-
0:39 - 0:45Lahat ng mga ito'y mahigpit na perpendicular; ang iba'y nakaguhit ng berdeng tinta, at ang iba nama'y malinaw. Kaya mo bang gawin ito?
-
0:46 - 0:48Hindi. Sa tingin ko --
-
0:48 - 0:52Huwag naman tayong sumagot ng agad-agad, Anderson! Ang gawain ay nakahanda na, at kailangan natin itong gawin.
-
0:52 - 0:53Sa kahulihulian, ikaw ay isang dalubhasa.
-
0:54 - 0:58Ang "pulang linya" ay nagsasabi na ang kulay ng linya ay kailangang maging pula. Ang pagguhit ng pulang linya gamit ang berdeng tinta --
-
0:58 - 1:02kung hindi imposible, eh di malapit sa pagiging imposible.
-
1:02 - 1:04Ano bang ibang sabihin nun, "imposible"?
-
1:05 - 1:08Ibig kong sabihin, posibleng mayroong mga tao na may sakit na color blindness,
-
1:08 - 1:11kung saan hindi mahalaga sa kanila kung ano man ang kulay ng mga linya.
-
1:11 - 1:16Pero ako'y sigurado na ang takdang konsumer ng iyong proyekto ay hindi lamang naglalaman ng mga taong ganoon.
-
1:16 - 1:18Kaya sa ganitong prinsipyo ito ay posible.
-
1:20 - 1:21Padadaliin ko.
-
1:21 - 1:24Ang isang linya ay pwedeng iguhit gamit ang kahit anong tinta.
-
1:24 - 1:28Pero kung gusto mo ng pulang linya, kailangan mong gumamit ng pulang tinta.
-
1:28 - 1:30Paano kung iguhit natin ito gamit and asul na tinta?
-
1:30 - 1:35Hindi pa rin siya pwede. Kung gumamit ka ng asul na tinta, ang makukuha mo ay asul na linya.
-
1:37 - 1:40At ano pala ang ibig sabihin mo, nung binanggit mo ang malinaw na tinta?
-
1:40 - 1:43Paano ko kaya padadaliin?
-
1:43 - 1:45Sigurado naman akong alam mo ang ibig sabihin ng "malinaw", hindi ba?
-
1:45 - 1:46Oo, alam ko.
-
1:46 - 1:49At kung ano ang "pulang linya". Sana'y hindi ko na kailangang ipaliwanag sayo?
-
1:49 - 1:50Siyempre nama'y hindi na.
-
1:50 - 1:55Uh... Kailangan mong gumuhit ng mga pulang linya gamit ang malinaw na tinta.
-
1:56 - 1:59Pwede mo bang ilarawan ang naiisip mong kalalabasan ng ito?
-
1:59 - 2:01Ikaw naman, Anderson! Ano ka ba, kindergarten?
-
2:01 - 2:05Huwag tayo magsayang ng oras sa walang pagtutunguhang pag-aaway.
-
2:05 - 2:08Ang gawain ay nakahanda na; ang gawain ay simpleng-simple.
-
2:08 - 2:11Ngayon, kung mayroon kang tiyak na mga tanong, itanong mo na!
-
2:11 - 2:13Ikaw ang eksperto dito!
-
2:14 - 2:17O sige, itabi muna natin ang kulay sa kasalukuyan.
-
2:17 - 2:20Mayroon kang sinabi tungkol sa perpendicularity?
-
2:20 - 2:23Pitong linya, lahat ay mahigpit na perpendikular.
-
2:23 - 2:24Saan?
-
2:27 - 2:31Erm, sa lahat. Sa sarili nila.
-
2:31 - 2:33Ipinalagay ko na alam mo kung ano ang mga "perpendicular lines"!
-
2:33 - 2:34Siyempre alam niya. Siya'y dalubhasa!
-
2:35 - 2:37Ang dalawang linya'y pwede maging perpendicular.
-
2:37 - 2:40And pito, sabay-sabay, ay hindi pwede maging perpendicular sa isa't-isa.
-
2:42 - 2:43Ipapakita ko sa inyo.
-
2:46 - 2:48Ito'y isang linya, hindi ba?
-
2:49 - 2:49Oo.
-
2:49 - 2:54Ito'y isa pa. Ito ba'y perpendicular sa unang linya?
-
2:56 - 2:57Uh...
-
2:58 - 2:59Oo, ito'y perpendicular.
-
2:59 - 3:00Tama!
-
3:00 - 3:05Teka, teka, hindi pa 'ko tapos. At pangatlo: ito ba'y perpendicular sa unang linya?
-
3:06 - 3:11Oo! Pero hindi niya tinawid ang pangalawang linya. Sila'y magka-pantay.
-
3:13 - 3:14Hindi magka-salungat!
-
3:16 - 3:18Oo nga.
-
3:18 - 3:21Ayan na nga. Ang dalawang linya ay pwedeng maging perpendicular --
-
3:21 - 3:22Maari ko bang hiramin ang panulat?
-
3:42 - 3:44Paano kung ganito?
-
3:48 - 3:50Ayan ay isang tatsulok.
-
3:50 - 3:53Tiyak na hindi perpendicular lines ang mga ito.
-
3:53 - 3:56At iyan ay tatlong linya, hindi pito.
-
3:58 - 3:59Bakit asul ang mga ito?
-
3:59 - 4:00Oo nga. Gusto ko nga rin tanungin ito.
-
4:01 - 4:04Meron akong asul na panulat. Ito ay isang demonstrasyon lamang --
-
4:04 - 4:07Ayan ang problema, ang mga linya mo ay asul. Iguhit mo sila gamit ang pulang tinta!
-
4:07 - 4:09Hindi niyan malulutas ang problema.
-
4:09 - 4:11Paano mo malalaman kung hindi mo pa sinusubukan?
-
4:11 - 4:13Iguhit natin ang mga ito gamit ang pulang tinta, tapos tingnan natin.
-
4:13 - 4:14Wala akong pulang panulat, --
-
4:14 - 4:19pero ako'y nakasisiguro na kahit pulang tinta ang ginamit, pareho pa rin ang kalalabasan.
-
4:19 - 4:22Hindi ba sinabi mo kanina na pwede lang gumuhit nang pulang linya gamit ang pulang tinta?
-
4:22 - 4:24Sa katunayan, oo, sinulat ko nga dito!
-
4:24 - 4:29At ngayon gusto mo nang iguhit ang mga ito gamit ang asul na tinta. Gusto mo bang tawagin ang mga itong pulang linya?
-
4:29 - 4:33Sa tingin ko'y naiintindihan ko na. Hindi ang kulay ang tinutukoy mo, hindi ba?
-
4:33 - 4:37Ang sinasabi mo ay ang tungkol sa, anong tawag doon: per-per, dick-dick --
-
4:37 - 4:39Perpendicularity, oo!
-
4:39 - 4:41Ayan na, nalito mo na ang lahat.
-
4:41 - 4:45Ano nga ba ang pumipigil sa atin sa pag-tanto nito?
-
4:45 - 4:46Heometriya.
-
4:46 - 4:47Ibaliwala mo na lamang ito!
-
4:47 - 4:53Mayroon tayong gawain. Pitong pulang linya. Hindi ito labindalawa; pito lamang.
-
4:53 - 4:58Anderson, naiintindihan ko; ika'y isang specialist, hindi mo nakikita ang kabuuan nito.
-
4:58 - 5:02Ngunit tiyak na hindi mahirap na gawain ang pag-guhit ng pitong linya!
-
5:02 - 5:04Oo nga. Magbigay ka ng solusyon!
-
5:04 - 5:10Kahit sinong tanga ay pwedeng pumuna, walang pangungutya, pero ikaw ay isang eksperto, dapat may mas alam ka!
-
5:10 - 5:15OK. Guguhit ako ng dalawang perpendicular na pulang linya, --
-
5:15 - 5:19at ang mga iba'y gagamitan ko ng malinaw na tinta.
-
5:19 - 5:22Hindi mo sila makikita, pero iguguhit ko sila.
-
5:22 - 5:23Pwede na ba ito?
-
5:24 - 5:26Oo, pwede na.
-
5:26 - 5:29Oo, pero dapat mayroon rin konting berdeng tinta.
-
5:29 - 5:31Ah, at mayroon pa akong tanong, kung maaari.
-
5:31 - 5:34Pwede bang iguhit mo ang isa sa mga linya na parang kuting?
-
5:35 - 5:35Ano?
-
5:35 - 5:37Isang linya na parang kuting.
-
5:37 - 5:41Sa pananalinsik sa merkado, nalaman namin na ang mga konsumer ay mahilig sa "cute" na mga hayop. Magiging maganda talaga kung --
-
5:41 - 5:42Hin-di...
-
5:42 - 5:43Bakit?
-
5:43 - 5:45Sige, siyempre'y kaya kong gumuhit ng isang pusa para sa'yo.
-
5:45 - 5:47Hindi ako pintor, pero pwede kong subukan.
-
5:47 - 5:49Pero hindi na ito magiging guhit. Ito'y magiging pusa.
-
5:49 - 5:51Isang linya at isang pusa: sila'y dalawang magkaibang bagay.
-
5:51 - 5:54Isang kuting. Hindi pusa, pero isang kuting.
-
5:54 - 5:59Ito'y maliit, nakatutuwa, masarap yakapin. Ang mga pusa naman --
-
5:59 - 6:00Wala pa ring pagkakaiba.
-
6:00 - 6:01Anderson, pakinggan mo naman siya!
-
6:01 - 6:04Hindi pa nga siya tapos magsalita, at hindi ka na agad pumapayag!
-
6:04 - 6:10Alam ko na ang ideya, ngunit imposibleng gumuhit ng isang linya sa pormang p-kus... ting.
-
6:10 - 6:12Paano naman kung parang ibon?
-
6:15 - 6:17Okay, saan tayo tumigil? Anong ginagawa natin?
-
6:17 - 6:22Pitong pulang linya, dalawa'y pulang tinta, dalawa'y berdeng tinta, at and natitira - malinaw.
-
6:22 - 6:23Tama ba? --
-- Oo. -
6:23 - 6:26Ayan! At sa gayon, yaan na ang lahat, hindi ba?
-
6:26 - 6:29Ah, ah, muntikan ko nang makalimutan, meron rin kaming pulang lobo.
-
6:29 - 6:31Sa tingin mo ba'y kaya mo itong palubohin?
-
6:35 - 6:37Anong kinalaman ko sa mga lobo...?
-
6:37 - 6:38Ito'y pula.
-
6:38 - 6:42Anderson, kaya mo ba o hindi? Simpleng tanong lamang.
-
6:42 - 6:44Siyempre naman, kaya ko, pero --
-
6:44 - 6:48Ayan. Mag-ayos kayo ng business trip, at kami nang bahala sa mga bayarin --
-
6:48 - 6:52punta tayo sa kanilang lokasyon, palubohin ang lobo.
-
6:52 - 6:55Ito'y sobrang produktibo, salamat sa inyong lahat!
-
7:08 - 7:10Pwede pa ba akong magtanong?
-
7:11 - 7:15Kapag papalobohin mo na ang lobo, pwede bang gawin mo ito sa pamamaraang kuting?
-
7:16 - 7:17Siyempre, kaya ko!
-
7:17 - 7:22Kaya ko gawin ang lahat-lahat.
-
7:23 - 7:25Ako'y isang eksperto!
- Title:
- The Expert (Short Comedy Sketch)
- Description:
-
Funny business meeting illustrating how hard it is for an engineer to fit into the corporate world! Staring: Orion Lee, James Marlowe, Abdiel LeRoy, Ewa Wojcik, Tatjana Sendzimir
Written & Directed by Lauris Beinerts
Based on a short story "The Meeting" by Alexey Berezin
Produced by Connor Snedecor & Lauris Beinerts
Director of Photography: Matthew Riley
Sound Recordist: Simon Oldham
Production Designer: Karina Beinerte
1st Assistant Director: James Hanline
Make-up Artist: Emily Russell
Editor: Connor Snedecor
Sound Designer: James Bryant
Colourist: Janis Stals
Animator: Benjamin CharlesThe original short story "The Meeting" (in Russian): http://alex-aka-jj.livejournal.com/66984.html
- Video Language:
- English
- Team:
Film & TV
- Duration:
- 07:35
![]() |
Mycrouft edited Filipino subtitles for The Expert (Short Comedy Sketch) | |
![]() |
Mycrouft edited Filipino subtitles for The Expert (Short Comedy Sketch) |